KABANATA 11

2534 Words
KABANATA 11 KUNG HINDI pa dumating si Lillieneth ay hindi babawiin ni Nigoel ang kaniyang kamay na hawak-hawak kanina ang kamay ni Mina. "Uhm," Lillieneth teased him. "That was also a part of our game, Lillieneth. Don't be malicious!" he said with his turning red cheek. Kahit gabi ay nakita paano namula ang mukha ni Nigoel. God! Nigoel was slowly falling in love with Mina. Yet, he cannot say it to her nor to anyone except on his god-damned family. Sa likod kasi ng perpektong mukha, katawan at estado sa buhay ay may pamilya si Nigoel na palaging nakaabang sa kaniyang pagbagsak. Sa makatuwid ay gumagawa pa ng mga hakbang ang mga ito upang bumagsak si Nigoel. Ilang taon na rin nilang ginagamit si Gail upang ipamukha kay Nigoel na lugmok ito at hindi makalimot sa nakaraan niya. Kaya naman itong si Nigoel ay bigla na lamang pinakilala bilang kasintahan ang kaniyang sekretarya. Ang nakakakaba ay kung malalaman ng lahat na kasinungalingan lang pala ang sinabi ni Nigoel. "Nung pinakilala mo si Mina bilang kasintahan mo, naisip mo ba ang iyong abuelo?" Natigilan si Nigoel nang marinig ang salitang abuelo mula kay Lillieneth. "What the f**k!? Bakit hindi ko naisip ang matandang 'yon?" Halos maubusan ng lakas si Nigoel nang winika ang mga 'to. Kumunot ang noo ni Mina habang nakikinig sa dalawang magkaibigan na nag-uusap tungkol sa lolo ni Nigoel. Kinabahan si Mina dahil alam niya na may kinalaman ito sa pagpapanggap nila. "Ano ba ang mangyayari kapag nalaman 'to ng lolo mo?" tanong ni Mina. "Nothing. You don't need to worry about it! I will handle this. I will not let it lead us to the worse!" "Aba'y hindi rin ako papayag, sir! Dapat lang na ayusin niyo iyan! Hindi ako puwedeng malagay sa alanganin!" Ngayon lang naisip ni Mina ang lahat ng 'to. Sa totoo'y kanina pa siya nasa alanganin. Simula nung binanggit ni Nigoel na sila'y magkasintahan ay simula na rin ito ng malaking pagbabago sa buhay niya. Bukas makalawa ay magiging laman siya ng balita sa TV at maging sa radyo. Isang sikat na personalidad si Nigoel Fortalejo. Interesado ang lahat sa buhay nito kung kaya'y tiyak na pati ang tahimik at simpleng buhay ni Mina ay maaapektuhan na rin. "Hinaan mo ang boses mo." he said looking on Mina's eyes. Umiling na lang si Lillieneth at salitan niyang binato ang kaniyang tingin sa dalawa. Naguguluhan si Nigoel. Habang si Mina naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman...naiinis siya at para bang gusto niya maiyak. "Simula bukas ay magbabago ang lahat sa buhay mo, Mina." She smiled. "And you." Tumingin ito kay Nigoel. "Kung kailan hindi ka na pinakekealaman ng abuelo mo ay roon ka pa gumawa ng isang dahilan niya upang muli ka niyang pakealaman." Lillieneth sighed. "I hope that I won't be so bothered because of your decision, my Childhood f*****g Friend!" Tuluyan na ngang naiwan si Nigoel at Mina sa malawak na hardin. Naglaban ang kanilang mga sulyap dahil sa magkasalungat na kagustuhan. Kung kanina kasi ay payag na payag si Mina na magpanggap na pekeng nobya ng kaniyang amo, ngayon ay taliwas na ang nararamdaman nito. Ayaw na ni Mina. Ayaw ni Mina ng buhay na puno ng gulo. Ayaw ni Mina ng buhay na puno ng komplikasiyon. Subalit, huli na ang lahat. "Akala ko simpleng pagpapanggap lang 'to?" "Tama ka, Mina! Huwag mo na lang pansinin si Lillieneth. She's just overreacting about this." "I hope so! Bakit kasi sa dinami-rami pa ng babae sa paligid mo ay ako pa ang napili mo na pagtripan!?" "Hindi kita pinagt-tripan, Amina Baltazar!" "Nek-nek mo!" Huminga ng malalim si Mina at agad siyang umalis. Napasapo na lang sa ulo si Nigoel nang maiwan siyang mag-isa. Kanina'y lubos ang tuwa na nararamdaman niya dahil naipamukha niya sa kaniyang mga kamag-anak na nagkakamali sila ng tingin sa kaniya. Ngayon ay nakararamdam siya ng takot na muling haharang sa kaniyang mga desisyon ang abuelo niya. Hahawakan siyang muli sa leeg ng matanda at ipagagawa kay Nigoel ang matagal niyang gustong mangyari...na magpakasal at bumuo ng pamilya si Nigoel. "MINA!" Hinila ni Lillieneth si Mina nang makita na lalabas na sana ito sa gate. "Bakit!?" Medyo naiirita na si Mina sa mga bagay na nangyari. Wala na siyang maintindihan. Hindi n'ya na rin alam kung ano ang gagawin niya. "Mina, ilalagay mo lang sa alanganin ang sarili mo kapag aalis ka at lalabas ka sa gate na 'to mag-isa. Kalat na kalat na ngayon sa mga balita at number one trending ka sa twitter dahil sa ginawang pagpakilala ni Nigoel sa iyo." Napasabunot si Mina sa sariling buhok dahil sa litong nararamdaman nito. Isa lang naman siyang hamak na single mother na gustong mabigyan ng magandang buhay ang anak. Gusto lang ni Mina ng permanenteng trabaho para mabili at masustentuhan ang pangangailangan nila ng anak niya. Bakit kailangan pang umabot sa ganito ang lahat? Bakit kailangan pa niya maranasan ang mga 'to? "Wala na akong naiintindihan. Parang gusto ko na lang i-reset ang oras at bumalik na lang sa panahon na hindi ko nakilala si Sir Nigoel. Alam ko na natulungan niyo ako kahit papaano pero hindi ko ginusto malagay sa ganito." Huminga ng malalim si Mina. "Sumabay ka na lang muna sa akin habang nag-iisip si Nigoel kung ano ang gagawin niya." Naging sunud-sunuran si Mina sa mga sinabi ni Lillieneth sa kaniya. Pagod na pagod na si Mina. Gusto niya na umuwi at yakapin ang anak pero hindi pup'wede dahil maraming tao ang nagkaroon ng interes sa kaniya. SUMAMA sa bahay ni Lillieneth si Mina dahil ito ang napagdesisyunan ni Nigoel. Ang saya na tinamasa ni Mina kanina ay napalitan ng pagkabahala. Nababahala siya sa mga susunod na mangyayari sa buhay niya at sa buhay na rin ng kaniyang anak. Nakaupo si Mina sa malambot na kulay dilaw na sofa sa malapad na sala ni Lillieneth. Tulad din ni Nigoel ay hindi maikakailang mayaman ito. Agad na binigyan ng maiinom ni Lillieneth ang kaniyang bisita. "Uminom ka muna nito para makalma ka. Don't worry, everything will be fine. Kailangan mo lang mag-ingat." "Paano ang anak ko?" biglang natanong ni Mina kay Lillieneth. She's concerned about her daughter. "I guess, kayo na ng amo mo ang mag-uusap tungkol d'yan. Speaking of Ami. Papunta na raw sila rito ani Nigoel." Hindi na muli pang nagsalita si Mina. Minabuti na lang nito ang sumimsim ng laman ng tasang hawak niya. Her life won't be the same as before. Ang pagkakilala na sa kaniya ng mga tao ay kasintahan ng isang successful businessman na walang iba kun'di ang nag-iisang Nigoel Fortalejo. Yet, everything was a lie and they need to keep it from anyone. Ilang sandali lamang ay dumating si Nigoel kasama ang anak ni Mina. Hindi alam ni Mina kung paano napilit ni Nigoel si Ami na sumama rito marahil higit na bilin niya sa anak na huwag sumama kahit kanino. "Mamay!" Lumapit si Ami sa kaniyang ina na kanina pa balisa. "Mabuti na lang po't nakita niyo na ang Papay ko!" masayang sabi ni Ami na siyang kinabigla naman ni Mina. Lumapit si Ami kay Nigoel at bigla na lang siyang yumakap rito. "Papay!" Hindi na nagsalita si Mina dahil ayaw niya madamay ang anak niya sa gulong kinalalagyan niya kahit alam niya na dawit na ang bata sa sitwasyon niya ngayon. "Lilliene, samahan mo muna si Ami sa isang guestroom mo. Bukas na sila uuwi sa bahay." Nigoel said. Tumingin sa kaniya si Mina at akmang magp-protesta sana siya subalit hindi na naituloy dahil sa malakas na yehey mula kay Ami. Ayaw niya masaktan ang anak kaya hahayaan na lang niya kung ano ang gustong mangyari ni Nigoel. Bahala na! Iyan ang nasa isipan ni Mina sa pagkakataong ito. "Halika na, Ami." Ngumiti si Lilliene habang inabot ang munting kamay ng bata. Nang makaakyat na ang dalawa ay naiwan naman sa sala ang kuno'y magkasintahan. "Ano ba itong ginawa mo sa'kin, sir?" Kasabay ng kaniyang tanong ang pagbitaw ni Mina ng isang buntong hininga. Napabuga na lang din ng hangin si Nigoel dahil higit niyang alam na masyado niya ng inaabuso si Mina. Gayunpaman, alam niya na higit niya pang magagamit bilang panangga si Mina laban sa kaniyang mga kamag-anak na higit siyang kinakalaban ng palihim. Kaya kahit alam niyang hindi sang-ayon si Mina ay ginawa niya parin ito. Masasabing napakamakasarili ni Nigoel sa punto niyang ito pero sa positibong bahagi na lang siya nakapokus, ito ay ang makakatanggap naman ng pera bilang sahod si Mina. Higit pa'y may nararamdaman siya para sa kaniyang sekretarya. "Look, Mina, dadagdagan ko naman ang allowance at saka sahod mo. Ako na rin magpapaaral kay Ami. Malaking tulong naman iyon para sa inyo.," sabi ni Nigoel. "Iyon nga, sir. Alam ko naman na babayaran mo na naman ako para sa bagay na 'to. Ngayon, iniisip ko ang anak ko na aasa sa wala. Sinabihan mo na ikaw ang ama niya. Aasa siya at alam ko pagdating ng araw ay masasaktan siya dahil paryas nating batid na hindi ikaw ang ama ni Ami. Hindi ko alam paano ako mapapatawad ni Ami kapag nalaman niya na puro pagpapanggap lang ang lahat ng 'to." "Ipararamdam ko sa kaniya na ako ang ama niya. Handa akong maging responsableng tatay kahit hindi ko anak si Ami. Alam ko wala akong karanasan tungkol sa bagay na iyon pero gagawin ko." Tumayo si Mina at inayos ang sarili. "Gagawin mo kasi kailangan mo kami...kailangan mo'ko." Kanina pa niya gustong tanggalin ang mga palamuti na nakasabit sa ilang bahagi ng kaniyang katawan dahil naiinip na siya at inisip niya na tapos na ang pagiging Cinderella niya sa gabing ito. "Mina, gagawin ko ang lahat para hindi magtagal ang pekeng relasyon na ito." Hindi na umimik pa si Mina sa halip ay umakyat na ito patungo sa silid na tutuluyan nila ni Ami dahil hindi niya gusto ang ideyang sinabi ni Nigoel. Kapag agad na matapos ang pekeng relasyon niya sa amo ay mapadali rin ang kinatatakutan niya, ang kamuhian siya ng anak at masaktan ang anak. Ang tanging inaalala ni Mina ay ang anak at pamumuhay nila. 'Yon nga lang ba o pati na rin ang puso na hindi niya na makontrol dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa amo niya? Inaamin ni Mina sa sarili na higit pa ay natatakot siyang mahulog sa kaniyang amo. Natitiyak kasi nito na ngayon lang bumait si Nigoel dahil may kailangan siya sa kaniya. Inisip ni Mina ang sarili na iiyak sa maaaring resulta ng namumuong pag-ibig nito para sa amo niya. Binuksan ni Mina ang guest room kung saan mamalagi sila ni Ami ngayong gabi. Tulog na ang musmos. Umupo sa tabi niya si Mina at hinaplos ang buhok ng anak. Ngayon lamang nakita ni Mina na natulog na may ngiti sa labi ang kawawang bata. "Patawarin mo ako anak." Kasabay nito ang pagpatak ng ilang butil ng mga luha mula sa mga mata ni Mina dahil nasasaktan dahil sa sitwasyon ng anak...sitwasyon na kinalalagyan nila ng anak. Nagising si Ami at walang kamuwang-muwang itong bumangon sabay yakap sa kaniyang mamay. "Mamay, bakit kayo umiiyak? Hindi ka po ba masaya na nagkita na kayo ulit ni papay?" "Masaya ako anak kasi nagkita na kami ng Papay mo. Kaya ako umiiyak kasi hindi ko inakala na mabubuo na tayo." pagsisinungaling nito sa bata. "Siya pala iyong masungit sa park, mamay? Kaya pala mahilig ako sa cotton candy kasi nagmana ako kay papay, ano?" "Ah, oo, anak! Mana ka talaga sa Papay mo." Sabay na lumingon ang mag-ina sa taong pumasok. Binulwak ng pintuan ang guwapo't machong si Nigoel na may dalang pajamas para kay Mina na wala pang bihis. "Papay!" Kumawala si Ami sa pagkakayakap mula sa kaniyang Mamay at lumipat naman ito sa kaniyang Papay. Bahagyang napakunot noo si Nigoel dahil nairita siya sa ginawa ni Ami. Nakita ni Mina ang iritang ginuhit ng mukha ni Nigoel kaya agad siyang tumalima at kinuha ang anak niya. "Bakit gising ka pa, baby?" "Nagising po ako kasi umiyak si mamay. E, ikaw papay, bakit gising ka pa?" Naalala ni Nigoel kung ano ang sadya niya sa silid na 'to. Binigay ni Nigoel kay Mina ang pajamas na napaloob sa isang paper bag. "Suotin mo muna ito. Bukas na natin kukunin ang mga gamit niyo." "Salamat,si-" "Mine!" diin ni Nigoel. "Salamat, Mine!" "You're welcome, Mine!" He made a smile. "Mine, alis na muna ako ha! Susunduin ko kayo bukas." Nigoel is about to leave the room when Ami jumped and stopped him. Nigoel exhaled. "Yes, baby?" "Papay, puwede ka ba matulog na lang dito sa tabi namin ni Mamay? 9 years na akong nangungulila sa inyo. Gusto ko makatabi ko ang Papay ko sa pagtulog." "Ami, kailangan magpahinga ng Papay mo. Hindi siya sanay matulog sa ibang bahay. Marami rin siyang gagawin para sa work niya bukas." Si Mina na lang ang nagsalita para sa amo niya upang hindi na ipilit ni Ami ang kagustuhan. "Oo, baby. Tama si mamay mo." Nigoel supported Mina's lie. "Sabi niyo sa akin kanina gagawin at susundin niyo kung ano ang gusto ko basta sasama lang ako sa inyo rito. Paasa ka naman pala, papay!" pagtatampo ni Ami at agad siyang tumalon pabalik sa kama. "Ami!" tawag ni Mina sa anak na nagtatampo pero hindi man lang siya pinansin ng kaniyang anak. Ugali na talaga ni Ami ang panghawakan kung ano ang sinasabi ng mga tao sa paligid niya. "Siguro kung iba ang Papay ko pipiliin niya akong makasama dahil matagal na kaming hindi nagkita," protesta ni Ami. Nigoel made a sigh. He locked the door and he went on the bed. Hinimas niya ang balikat ni Ami. "Papay would be sleeping with you. Ayusin mo na ang higa mo para makapagpahinga na kami ni Mamay mo." Tumingin si Mina sa amo. "Sigurado ka?" "There's nothing wrong with it, right? Gusto ako makasama ng baby natin kaya gagawin ko iyon kung iyon ang nakakapagpasaya sa kaniya." Tumango siya upang makiayon si Mina sa kaniyang sinabi. "Right, Mine?" "Y-Yes, Mine!" Inayos ni Ami ang kaniyang paghiga. Pumuwesto ito sa gitna ng kama. Gusto niya kasi matulog sa gitna ng kaniyang mga magulang. Mula noon ay pangarap na ito ng bata. Kaya naman hindi siya papayag kung hindi matutupad ang kahilingan niya. Sandaling tumungo si Mina sa banyo upang magbihis. Nang makabihis siya ay tumingin siya sa malaking salamin. Huminga siya ng malalim dahil sa kabang nararamdaman niya. "Relax, Mina! Relax!" Pilit niyang pinakakalma ang sarili. Napasulyap siya sa orasan sa itaas ng salamin at napansin na halos 15 minutes na siyang nasa loob ng banyo. Muli siyang huminga ng malalim bago siya lumabas. Nang maisara ni Mina ang pinto ng banyo ay lumingon siya sa kama. Nakita niya ang anak na nakahiga sa braso ni Nigoel. Parehong mahimbing ang tulog ng dalawa. Dahan-dahang pumunta si Mina sa kama at nahiga na sa ibabaw nito. Ngumiti siya habang pinagmasdan ang dalawang tulog na tulog. Sana totoo na lang ang lahat ng ito mula sa simula pa lamang. Sana hindi nabuo sa maling rason at panahon si Ami. Sana mayaman din ako upang hindi malayong magugustuhan at mamahalin ako ni Sir Nigoel...iyong totohanan at hindi lamang pagpapanggap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD