KABANATA 10

2527 Words
                             KABANATA 10 THE EVENT is finally happening. Tulad nga nung utos ni Nigoel kay Lilliene ay iyon ang ginawa ng kaniyang kababata. Binihisan at inayos ni Lillieneth si Mina. Magkasabay ngayon papunta sa event center ang dalawang babaeng nakasuot ng magagara at maayos na bestida. They look both fine and beautiful. Pulang bestida na naman ang napiling isuot ni Mina. She's stunningly beautiful with red. Kumikinang-kinang pa ang diyamanteng nakasabit sa ibabaw ng kaniyang dibdib. "Ano ba talaga ang mayroon?" kasuwal na tanong ni Mina sa katabi niyang daig pa ang sikat na modelo. "It's just a simple family event." Natawa si Mina sa kaniyang narinig mula kay Lilliene. She's thinking about the ironic idea of this simple event. Kung simpleng event lang ang pupuntahan nila ay bakit kailangan nilang magsuot ng engrandeng kasuotan? She even has something sparkling hung in front of her body. "Maraming tao?" Bago kay Mina ang ganitong mga ganapan kaya naman hindi niya maiwasan ang manahimik at huwag magtanong tungkol sa event. "Pamilya lang naman ni Nigoel at mga kaibigan. Are you nervous? Aren't you!?" natatawang tanong ni Lilliene kay Mina. Huminga ng malalim si Mina. Sa totoo lang ay kanina pa siya kinakabahan. Iniisip kasi ni Mina kung paano siya kikilos mamaya at paano siya pakikitunguhan ng mga tao sa hall. "Kinakabahan ako, Miss Lilliene. Puwede ba maiwan na lang ako?" suhestiyon ni Mina. "Big NO! Ako ang mapapagalitan kapag hindi kita isasama. Just breathe, you're beautiful. Nigoel was already at the hall. Excited na iyon makita ka." Binato ni Lilliene ang kaniyang sulyap sa labas ng kotse. Pumikit si Mina sabay bitaw ng malalim na buntung hininga. She's praying for all the goodies to happen. Sana naman ay hindi siya mapahiya sa event. PUMRENO ang driver. Nang bumukas ang pinto ng kotse sa tapat ni Mina ay nakita niya ang kamay ng isang lalaki na handa siyang alalayin sa gitna ng pilak na alpombra. Marahan niyang pinatong ang kaniyang kamay sa kamay ng lalaki kaya nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa kaniya. Lumabas siya sa kotse kasabay ng kaniyang naangat na sulyap. Nakita ng hubad niyang mga mata ang mukha ng kaniyang amo. Nakaramdam siya na para siyang hinigop ng awra ng lalaki. The gods really made Nigoel Fortalejo as their masterpiece. Ang guwapo niya at ang bango niya. Ang layo niya nga sa Nigoel na kilala niya at puro mura lang ang sinasambit ng dila. Nigoel offered his arm to Mina and they finally walked above the silver carpet. "Akala ko simple lang." tanging nasabi ni Mina nang panay kuha ng litrato ang mga camera man ng kani-kaniyang tv stations. "Yes, this is the simplest event I ever attended." he stated. Napaisip tuloy si Mina kung engrandeng okasyon na ang kanilang pupuntahan. Siguro ay mas higit pa sa okasyon na nagaganap ngayon 'yon. "Nakakahiya. Ang daming taong nakatingin sa atin." "Malamang! Maganda ka kaya titingnan ka nila. And I hate it!" Ramdam na naman ni Mina na nanginginig ang laman ng kaniyang amo. Ano na naman ang nangyayari kay Nigoel? "Are you alright?" Tinitigan ni Nigoel si Mina. "I'm angry." He couldn't admit that he is jealous. "Huwag ka magalit. Sayang naman ang kaguwapuhan mo kung magagalit ka." He let go a sigh of relief. Buti na lang at kumalma na siya ulit. Nakaabot na sila kung saan nakaupo ang mga tiyuhin at tiyahin ni Nigoel. "Here's our successful nephew!" halos sabay na bati ng kaniyang pamilya sa kaniya. "Buti na lamang ay hindi ka tumungo sa Spain tulad ng ginawa ng mga kapatid mo matapos namayapa si Kuya. Wala ng magpapatakbo sa Andromeda kung nangyari 'yon." ani ng kaniyang tiyahin nang makaupo na sila ni Mina. "And who's this beautiful maiden?" "I a-" "My girlfriend." pagputol ni Nigoel sa pagpapakilalang gagawin ni Mina sa sarili. Nanlaki ang mga mata ni Mina sabay tingin kay Nigoel. Nakumbinsi ng titig ni Nigoel si Mina na sakyan na lamang ang kaniyang sinabi. "After a long time. You finally moved on." ani isang lalaki na parang kaedad ni Nigoel. Si Arthuro Mcflint. Pinsan ni Nigoel. Naging bukas ang tainga ni Mina nang marinig ang sinabi ng lalaki. Mas naging interesado siya sa nakaraan ng kaniyang amo. Naisip ni Mina na baka nga nagkaganito si Nigoel dahil sa nakaraan niya. Hindi nga siya nagkamali. Nararamdaman ni Mina na may kinalaman ang nakaraan ni Nigoel sa buhay na tinatamasa nito ngayon. "By the way, hija, ano ang pangalan mo?" Mina was now aware that she's not here as Nigoel's secretary but his girlfriend. Papangatawanan niya na lang muna ang pagiging pekeng kasintahan ng kaniyang amo. "Amina Baltazar." "Such a beautiful name, Amina. What's your job?" tanong ng usiserang tiyahin ni Nigoel kay Mina. Nigoel sighed. He's expecting his family to do this. Ang mali niya lamang ay hindi niya pinaalam sa kaniyang sekretarya kung ano ang magiging papel nito sa event na 'to. "She's my secretary now. She was a model and a musician. She graduated from an international university." Napalunok na lamang si Mina habang pinakikinggan ang mga kasinungalingan na sinabi ng kaniyang amo. Sa aling magazine ako naging model? Kailan ako naging musikera? Saang international university ako nakapagtapos ng pag-aaral? Pangiti-ngiti si Mina pero ang mga katanungan na iyan ang umiikot sa kaniyang isipan. "Amazing, Nigoel!" "Of course, Tita Myrabella. This is Nigoel Fortalejo, I will never commit myself to a woman who doesn't belong to our level. Excuse us!" Una siyang tumayo at inalalayan niya ang kaniyang kuno'y kasintahan. Ngayon ay naglalakad sila patungo sa hardin na puno ng bulaklak. Nakaramdam ng galak si Nigoel dahil sa kaniyang ginawa. Alam niya na hindi na lugmok ang tingin ng pamilya niya sa kaniya. Lalo na ni Arthuro na lagi siyang minamaliit mula pa noon. NAGPAALAM si Nigoel kay Mina na kauusapin nito ang ilan sa kaniyang mga kaibigan kaya tumango na lamang si Mina bilang tugon. Ngayon ay malayo sa mga tao si Mina at binuksan nito ng malawak ang kaniyang mga mata. Nakikita niya ang agwat niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Mayayaman sila habang siya ay ultimo lamang. Ang layo ng estado nito sa pamilya ni Nigoel. Higit rin na nalumbay si Mina nang naisip muli nito ang sinabi ni Nigoel na hindi ito papatol sa babaeng hindi nila kapantay ng pamilya nito. Lubos na nasaktan si Mina dahil dito. Huminga na lamang siya ng malalim at inisip ang mga magandang panig ng gabing ito. Kahit papano kasi ay naramdaman niya paano maging mayaman. Kahit sa isang saglit lamang ng kaniyang buhay ay naranasan niya ang buhay na pinagkait ng mundo sa kaniya. Kung iisipin ay higit pa ito kaysa buhay na pinapangarap niya. Kahit peke at pagkukunwari ang lahat ay natuwa siya marahil naipakilala siya ng isang lalaki sa pamilya niya. Bagay na ikatutuwa ng isang babae. Tumingala sa langit si Mina at muli niyang binalik ang titig sa lupa kung saan siya nakatayo. Bahagya siyang natawa subalit bakas rito ang tunay na nararamdaman, ang lungkot. "Mina?" Lumingon siya upang kilalanin kung sino ang tumawag sa kaniya. Malapad na ngiti ang inalay ni Xyrex sa kaniya kaya lumapit siya sa lalaki. Xyrex bowed and kissed Mina's hand. "Good evening, beautiful." Ngumiti si Mina sa ginawa ng lalaki. Itong ugali ng lalaki ang gusto ni Mina. Sino ba naman kasing babae ang ayaw sa isang maginoo? Sa makatuwid, wala! "Magandang gabi." Ngayon ay pareho silang nakatayo na nakatanaw sa mga taong masayang nakikipag-usap sa isa't isa. "Ang hirap pala makibagay sa inyong mga mayayaman 'no? Iba kayo magsalita, mahirap sabayan kung paano kayo kumilos at mahirap pantayan ang inyong pagiisip." ani Mina. Napagtanto ni Xyrex ang bagay na pinupunto ni Mina. Sa totoo ay naaawa siya rito. Masasabi ni Xyrex na hindi nababagay ang mukha ni Mina sa kaniyang katayuan sa buhay. Kaunting ayos lamang ay daig na kasi nito ang isang maharlika. "Bakit ka naman nag-iisip ng ganiyan?" Kumibit-balikat si Mina. "Naiisip ko lang kasi ang hirap tumuntong sa kinatatayuan niyo. Pakiramdam ko kasi isang segundo ay mahuhulog at mahuhulog ako kung saan ako nararapat." "Mina, you're wrong! Mas mukha ka ngang mayaman kaysa mga babaeng nandito ngayon. Tingnan mo ang mga lalaki na 'yon." Tinuro niya ang mga lalaking nakatitig sa gawi ni Mina. "They're absolutely amused on you." "Tama ka. Siguro namangha sila kasi hindi nila alam ang tunay na estado ko. Pero kapag nalaman nila na mahirap lang ako. Tunay kong natitiyak na hindi nila ako papansinin at siguro'y mas kaya pa nilang tingnan ang mga dumi nila kaysa akin na mahirap lang." Tumingin si Mina kay Xyrex. "Alam ko kasi na may pagmamata at kuwestiyon ang mayayaman kapag patungkol sa pag-ibig ang pinaguusapan. Pananaw niyo pa naman na ang mayaman ay para sa mayaman nang sa ganun ay maipagmayabang 'di ba?" "Masyado mo kaming inisa sa bagay na iyan, Mina." Ngumiti si Xyrex kaya naman napangiti na rin si Mina. "Ibahin mo ako, Amina. Hindi ako tulad sa iba na kinukuwestiyon ang katayuan ng taong gusto nilang mahalin. I'll love who I want to love, regardless of its status and past." "Ang suwerte naman ng babaeng iyan. Wala na siyang hahanapin pa sa iyo, Xyrex. Lahat kasi ng qualifications ng isang lalaki ay tinatangi mo na." Ngumiti si Mina at agad na iniligaw sa hardin ang kaniyang mga mata. "The thing is, you're wrong again. Kung nasa akin na nga ang lahat ng katangian na hinahananap ng isang babae'y bakit sa iba siya nakatingin palagi? Bakit hindi sa akin?" "Ang lalim naman ng hugot mo." "Sing lalim nitong narara---" "MINA, HINAHANAP NA TAYO SA LOOB!" Sabay na tumingin kay Nigoel ang dalawa. Lumapit sila rito at nakipagkamay si Nigoel sa kaniyang kaibigan. "Pasok muna kami sa loob. Hanggang sa muli, Xyrex." Tumango na lamang si Xyrex kay Mina na nakakapit sa braso ni Nigoel. HABANG tinatahak ni Mina ang makintab na alpombra kasama si Nigoel ay mas malalim ang kaniyang naging depinisyon ng buhay. Kahit kailan ay hindi magiging magkatulad ang buhay na tinatamasa ng mahihirap sa mayayaman. Ang mayayaman ay patuloy lamang sa pakikipagkompetinsya kung sino ang dapat na nasa taas. Habang ang mahihirap lamang ay may purong kasapatan na nararamdaman sa kung ano ang mayroon sila. "You're back." "Oho," magalang na sambit ni Mina. "Oh, dear! How polite you are." "Salamat po." "I heard you studied music. Didn't you?" sabat ni Arthuro habang mainam na tumitig kay Mina. Halos magsalubong na ang mga kilay ni Nigoel nang maramdaman na may pagdududa si Arthuro sa pahayag niya. Dahil dito ay kinabahan si Nigoel. Maging si Mina. Tumayo si Arthuro. "Everyone!" tawag nito sa atensiyon ng lahat. "This evening, someone special would like to render a number to us. A round of applause for Amina. My cousin's girlfriend." Nagpalakpakan ang lahat kaya naman ay pinapawisan na ng malamig si Mina. Pahamak kasi itong si Nigoel. Sa dinamirami ba naman ng puwedeng sabihin ay iyong mga bagay na iyon. Puwede naman pintor o hindi kaya ay manunulat ang pekeng katangian na sasabihin niya. Bakit musikera pa? Marahang tumayo si Mina kaya naman ay sumunod na si Nigoel. Inalalayan ni Nigoel si Mina papunta sa kinaroroonan ng mga tagatugtog. Habang nasa gitna sila ng paglalakad ay napahinga ng malalim ang dalawa. Halos sabay nilang ibuga ang mga hanging kanina pa nila gustong pakawalan. "Mina, sigurado ka ba sa gagawin mo? You can just say to them that you've got an injury that's why you can't play this time. Sabihan mo na lang sila na babawi ka sa susunod. You can't put me down." Umiling si Mina dahil sa pagmamaliit sa kaniya ni Nigoel. "Alam mo naman pala na maaari kitang mahila pababa. Bakit pa tayo nagkunwari? You can just tell them that I am just your secretary and that's it. You already put me down, sir." "Wh-What!?" Kusang tinanggal ni Mina ang kaniyang kamay mula sa braso ng kaniyang amo. Napayuko na lamang si Nigoel nang maratnan ni Mina ang kinatatayuan ng mga tagatugtog. Ngayon ay hawak na ni Mina ang violin. Pumikit si Mina at taimtim na tumugtog. Halos mamatay sa katatawa ang mga tao sa hall dahil sa tugtog na inalay ni Mina. Tumugtog lang naman siya ng isang nursery rhyme. Minulat ni Mina ang kaniyang mga mata at nakita nito paano siya pagtawanan ng mga tao. Niliko niya ang kaniyang sulyap sa kaniyang amo na nakatayo at namumula. Alam ni Mina na napahiya si Nigoel dahil sa ginawa niya. She doesn't give her damn about all of them. Mina was sure that these people will make fun of her but she didn't care about it. She made a heavy sigh then she played the violin once again. Everyone in the hall made silence. They focused on the maiden whose dancing while playing a beautiful piece. Mina was like a beautiful dancing daisy while she was playing the violin melodiously. People gave her the standing ovation she deserves after she played the violin. No one expected it. Even Nigoel doubted about Mina's talent. Napailing na lang din si Nigoel dahil sa galak na inalay ni Mina sa lahat. "Sinadya ko iyon," Mina stated. "Sinadya ko kayong patawanin sa unang piyesa na tinugtog ko. At hindi ako nagkamali sa aking hinala. You all laughed at me. You made fun of me. Hinusgahan niyo ako at ang kakayahan kong tumugtog. Sana sa susunod huwag natin pagtawanan ang kakayahan ng isang tao. Dahil hindi natin alam na nagbabalatkayo lamang pala ito." She smiled at them. "I don't take your late applause and last appreciation. I will accept and hug your first impression on me. Don't just appreciate someone when she can offer you the best, doing what you want her to do takes effort. Appreciate the effort! Excuse me!" Nilapag ni Mina sa mesa ang violin at mga kasangkapan nito. Masaya at taas noong nilakbay ni Mina ang alpombra patungo sa hardin. After all, she felt happy and victorious. Malaking bagay na rin ito para patunayan ni Mina sa kaniyang amo na masyado siyang minaliit nito kanina. Hindi porque't mahirap ay hindi na kayang tumugtog ng violin. Sinundan ni Nigoel si Mina sa hardin. "Mina, that was great!" "Kung gusto mo akong pasalamatan, you're welcome, sir. Tapos na siguro ang papel ko bilang pekeng girlfriend mo." Lumapit si Nigoel kay Mina sabay hawak sa kamay nito. Nagulat si Mina dahil sa ginawa ni Nigoel. "Alam ko napahiya ka at nagagalit ka sa akin. Mina, I didn't mean to offend you. I mistook it. I apologize." "Kalimutan mo na iyon. Isipin mo lang na pambawi ko sa mga pinambili mo kahapon at paghatid mo sa akin pauwi." Ngumiti na lang din si Mina. Ayaw ni Nigoel na hinahawakan siya ng iba pero ngayon ay siya mismo ang dumahas na humawak sa kamay ni Mina. Inaamin ni Mina na nakaramdam siya ng kaba at kiliti sa ginawa ni Nigoel. Pero muli na naman siyang nakaramdam ng takot na baka mauwi lang sa hikbi ang lahat. Hindi kailanman magugustuhan ni Nigoel ang isang tulad niya na mahirap lamang at nakapagtapos sa isang hindi kilalang paaralan. Maiging maaga pa lang ay iwasan na nito ang posibleng mararamdaman niya sa kaniyang amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD