KABANATA 12

2896 Words
                          KABANATA 12 MAGANDA AT MAHIMBING ang tulog ni Mina. Gising na ang kaniyang diwa subalit hindi niya pa gustong imulat ang kaniyang mga mata. Nais din ng kaniyang pagod na katawan na ipagpatuloy ang pagpakasasa sa ibabaw ng malambot na kama. Higit pa ay nagugustuhan niya ang pagpulupot ng anumang bagay sa kaniyang katawan. Gusto niya ang mainit na temperatura mula sa bagay na yakap niya dahil kinakalaban nito ang malamig na hanging binubuga ng Air-conditioning. Mina felt a strange feeling when someone pulled her body and pushed his to create a little bit more tighter hug. She can't even think straight about what is happening right now. She likes it and she doesn't even want to open her eyes. Akala yata ni Mina ay nananaginip lamang siya. "Uhm." A man cleared his throat. That sounds sexy. Mas humigpit ang yakap ni Mina sa taong kuno'y nasa panaginip niya. Para kay Mina ito na ang pinakamagandang panaginip kaya'y sa susunod na mga minuto na lamang niya imumulat ang kaniyang mga mata. Gusto pa nito maranasan yakapin ng isang lalaki. Kahit sa panaginip lang ito'y puno ng satispaksiyon ang kaniyang katawan. Ilang sandali ay hindi na nagpa-alipin pa si Mina sa bango at higpit ng mga yakap ng lalaki. Namayani na ang kyuryusidad sa kaniyang isipan dahil nagdududa na ito kung panaginip ba o totoo ang nangyayari. She slowly open her eyes and the white ceiling greeted her hello. The aroma inside the room is satisfying for her goodie nose. Gumalaw si Mina at tumingin sa taong kayakap niya. Napalunok na lamang ito ng panis na laway nang makita na ang kaniyang amo ang kaniyang kayakap. This is so awkward! "Diyos ko po! Iligtas niyo ako mula sa sitwasyon na 'to!" ani isip ni Mina nang maramdaman na mas humigpit pa ang yakap ng kaniyang amo sa kaniya. Hindi makagalaw si Mina dahil bukod sa nahihiya ay blangko ang kaniyang isipan. Mina made a breathe when she remembered everything. Nasaan na kasi ang anak niya na kagabi ay nasa gitna nila ng kaniyang amo? Pahamak din iyang si Ami. Ito tuloy ang nangyari sa kaniyang Mamay. 5:00 AM pa lang nang sumulyap si Mina sa wall clock na nakabitay sa dingding. "Diyos ko!" marahan subalit madamdamin itong binitaw ng mga labi ni Mina. Paano ba kasi'y naramdaman niya ang pagpitik ng isang malaki't matigas na bagay sa tapat ng kaniyang p********e. Sigurado si Mina na malaki ito sapagkat ay nakita niya na ito noong may dinalang babae ang amo niya sa kaniyang opisina. Napa-isip si Mina kung kasama ba sa pagpapanggap nila ang mga bagay na 'to na siyang kinatatakutan niya. Bukod sa malaki ang alaga ng kaniyang amo ay higit na naruruwag si Mina sa katotohanang hindi magseseryuso ang amo niya sakaling magawa nila ang bagay na iyon. Baka mawasak lang ang p********e at kinabukasan ni Mina kapag nagkataon! "Gail...ugh." Marahang kumadyot si Nigoel kaya nama'y bahagyang napaatras si Mina. Mina turned out pale while her heartbeats was racing. Bumukas ang pinto at pumasok si Ami. Malaking pasasalamat ni Mina dahil sa ginawang pagpasok ng kaniyang anak sa silid. Ngayon kasi ay nakatalikod na ang kaniyang among tinitigasan. "Mamay, punta ka na sa baba! Kanina pa kami gising ni Tita Ganda. Pina-milk niya na ako at saka uminom na rin siya ng kape. Baba na tayo!" Mina made a sigh of relief. Buti na lang at nakawala na siya sa yakap ni Nigoel at sa pasundot na ginawa ng alaga nito. "Buwesit na Gail 'yan! Ako pa tuloy nasundot!" singhal ni Mina habang bumaba sa kama. Mina tied her hair into a horsetail-like. Napansin din ni Mina na nawawala ang maitim na bilog na umikot sa kaniyang mga mata dulot ng stress. Kahit papano ay hindi na kasi niya kailangan pang magmakaawag umutang kahit saan. Well, Nigoel is a blessing in disguise! Totoo nga ang sinasabi nila na may dahilan bakit nangyayari ang isang bagay at dumarating sa buhay natin ang isang tao. Nang makababa na sila Mina at ang anak niya ay dumiretso sila sa sala saan nakaupo si Lillieneth habang nagbabasa ng balita. "Magandang umaga!" bati ni Mina kay Lillieneth kaya naman napalingon ang isa sa kaniya. Lillieneth gave Mina a genuine smile. "Someone's having a nice sleep, huh!" "Sa ganda pa nga po ng tulog ni Mamay halos ayaw niya magising! Mahigpit kasi ang yakap ni Papay kay Mamay, Tita Ganda!" Nagkatinginan ang dalawang nakatatanda nang sinabi iyon ni Ami. Nailang tuloy si Mina dahil sa mapang-asar na titig ni Lillieneth. Tumayo si Lillieneth at hinawakan niya sa kamay si Mina. "Don't be shy! Hayaan mo na ang bata. Masaya lang iyan. She told me so much stories earlier, Mina." Tumango na lamang si Mina. Sabay na umupo ang dalawa at agad namang naghatid ng mainit na kape sa sala ang kasambahay ni Lillieneth. "Thank you po." Ngumiti lang ang kasambahay dahil natutuwa siya sa katangian ni Mina. "Ate Sabel, ano tingin mo kay Mina?" "Maganda siya. Mabait. At sexy! Nakuha niya ang kuwalipikasyon na hanap ni Sir Nigoel sa isang babae. Bagay sila, kasi paryas sila, guwapo at maganda. Masungit nga lang 'yong isa." Sinabayan pa ito ni Sabel ng halakhak bago tuluyang iwan ang tatlo sa sala. Tumikhim si Mina sa kapeng hinanda ni Sabel. The coffee tastes great! The bittersweet taste of the coffee makes Mina love this morning. Kahit papaano ay nakalimutan niya ang nangyari kanina sa loob ng guestroom ni Lillieneth. "Read this." Lillieneth gave the newspaper to Mina. Mina just breath heavily after she have read the news. Hindi kasi alam ni Mina kung magiging masaya ba siya o hindi dahil sa balitang kumakalat ngayon. "The Talented Cinderella Made A Scene!?" Inulit pang basahin ni Mina ang isa sa mga headlines. Halos kasi buong page ng diyaryo ay siya ang nilalaman. "Mamay, gisingin ko lang po si Papay!" "Ami-" "Hayaan mo na," awat ni Lillieneth kay Mina. "Baka magalit si Sir Nigoel kung maiisturbo siya ng anak ko. Nakakahiya po!" Tumawa si Lillieneth at tumingin ito kay Mina. "Hayaan mo siya! Una sa lahat walang kaalam-alam ang bata pero dinamay niya ito sa kabulastugan niya. Let him face the consequences of the decision he made, para tumanda na iyang si Nigoel. Masyado kasing pandamay e puro lang init ng ulo ang pinaiiral." Muli na lamang tinuon ni Mina ang sarili sa pagsimsim ng mainit na kape. Nilapag na rin nito sa makintab na mini table ang diyaryo na hawak niya kanina. NAPAKAMOT na lang sa ulo si Nigoel nang maramdaman na may kung ano'ng yumuyugyog sa kaniya. Kaya wala sa oras itong bumangon at hinarap si Ami. "Papay!" Magagalit at sisigaw sana si Nigoel subalit nawala ang init ng ulo niya nung nakita ang malapad na ngiti ng bata bago siya niyakap nito. "Ang aga mo namang nagising, baby. Nasaan na mamay mo?" Humiwalay si Ami kay Nigoel. "Nasanay lang po ako sa amin kasi maaga po akong pumapasok sa school. Buti na nga lang kasi may two weeks break kami, Papay! Si Mamay po pala ay nasa baba na!" "Bakit ka nandito?" "Para gisingin ka! Hindi kaya maganda sa isang lalaki ang magising ng tanghali. Mga tamad na tao lang ang gumagawa noon! Siguro allowed din iyon sa mga taong pagod sa trabaho." "Pagod ako sa trabaho, baby." "Napahimbing lang ang tulog mo kasi magdamag kayong nagyakapan ni Mamay." Dumighay si Ami. "Ako na nga lang po nagbigay ng space e! Bumangon ako at lumipat sa tabi ni Mamay!" Napakamot sa batok nito ang kagigising na lalaki. Bukod sa naiingayan siya sa bata ay nahihiya rin siya dahil sa ginawa niya. "Is your mom aware of that?" "Malamang. Bakit ikaw, hindi po ba?" "Ah, I am! Of course!" Lihim na huminga ng malalim si Nigoel. Tumayo ang lalaki at inayos ang sarili niya. Nasa kama pa rin si Ami habang nakatitig sa mukha ni Nigoel. "Papay?" Lumingon si Nigoel sa bata nang marinig na malungkot siyang tinawag nito. Muling umupo sa dulo ng kama si Nigoel at agad niyang hinaplos ang balikat ng bata. "Yes, baby?" usisa niya rito. "Sana po huwag niyo na po kaming iwan ni Mamay." Mas lumungkot pa ang tono ng pananalita ng bata. "Simula po nung namulat ako sa urila't realidad ng buhay ay nakita ko paano naghirap ang Mamay. Ayaw ko na po makita na naghihirap ang Mamay ko para sa akin. Ayaw ko na rin po mawalan ng Papay dahil natatakot akong asarin ng mga kaklase at ibang bata sa school. Pagod na ako matawag na ulila at walang papa." Nigoel's heart feels heavy and tight. Muli na naman niyang naalala ang mga panahon na presko pa lamang sa puso at isip niya ang sakit na naramdaman noon nung mawala ang kaniyang daddy. Gusto maputol ni Nigoel ang malungkot na pakikipag-usap sa bata. Ayaw niya na kasi balikan pa ang sakit na naranasan niya noong mawalan siya ng daddy. Maigi niyang binuhat na lamang ang bata at kinarga ito palabas ng silid. Naisipan niya kasi na bumaba na lamang upang makasimsim na rin ng kape. "Huwag ka na malungkot, baby. Ayaw ni Papay na nalulungkot ang prinsesa niya!" Tulad nga ng pinangako ni Nigoel kay Mina na magiging responsable siya sa bata ay unti-unti niya itong ginagawa. Nakikita niya rin kasi ang sarili kay Ami nung nawalan siya ng daddy. Hindi iyon madali. Ang mawalan ng magulang ang pinakamahirap at masakit na sitwasyong kalalagyan ng isang tao. Habang ang mga paa ni Nigoel ay tinatahak ang hagdan pababa tungo sa sala ay iniisip niya kung saan siya dinala ng kaniyang sekretarya. Hindi niya lubos akalain na tatagal ng higit pa sa isang araw si Mina sa loob ng kaniyang opisina. Bukod sa old-fashioned kasi ang dalagang ina ay hindi niya ito kapantay ng estado sa buhay. Iba ang nangyayari ngayon. Taliwas ito sa buhay na tinamasa ni Nigoel kamakailan lang. Ang bilis pa niya napamahal kay Ami na kagabi niya lang naman nakasama. NASA SALA na sila. SABAY na napasulyap sa gawi nila ni Ami ang dalawang babaeng may kung ano'ng pinaguusapan. Higit na nagulat si Lillieneth sa kaniyang nakita. Hindi ito ang kaibigan niya. Ang Nigoel na kilala niya ay mabilis mapikon at magalit. Isang himala ang nakita ni Lillieneth. Paano nangyari na ang isang Nigoel Fortalejo ay may karga-kargang bata? "Mina---I mean, Mine, ipagtimpla mo ako ng kape." agad na utos ni Nigoel kay Mina nang naibaba nito ang batang kinarga niya mula sa taas hanggang sa sala. Tumayo si Mina at agad na tumalima ito papunta sa kusina. Pinuntirya ni Mina ang dispinser at agad siyang kumuha ng mainit na tubig mula rito. "Mabuti na lang at nakatagpo na ang batang iyan ng babaeng makatitiis ng kaniyang ugali." Lumingon si Mina sa nagsalita at nakita nito si Sabel na sumisimsim ng kape. Ngumiti na lang din si Mina dahil nasaisip niya ang katotohanang pagpapanggap lang ang lahat. "Alam ko na mabait siya. Sadyang natatakot lang siya mangyari sa kaniya muli ang mga masalimoot na bagay na nangyari sa kaniya. That person shows his bad side to protect himself. May kabutihan sa likod ng nakakatakot niyang pagkatao." Hindi pagpapanggap ang mga sinabi nito kun'di'y tunay at totoo. Sa panahong gusto niya sumuko bilang sekretarya ni Nigoel ay naiisip niya na hindi siya dapat mawalan ng pag-asa na makita ang totoong kulay ni Nigoel. Nung hinatid niya si Mina noon ay roon nakita ni Mina kung gaano katakot si Nigoel maagawan ng pag-aari at mapag-iwanan. He's like a child that was frightened to lose something he owns. Alam iyon ni Mina. Nararamdaman niya kasi ito. "Tapos na ako. Maiwan na muna kita at baka magalit na naman si Nigoel sakaling manlamig ang kape niya," pagpapaalam ni Mina na siyang sinangayunan naman ni Sabel ng ilang mga tango. Sandaling napahinto si Mina sa paglalakad nung makita niya kung gaano kakomportable ang anak niya kay Nigoel, maging si Nigoel ay ganoon din kay Ami. Sana sa isang alternate world ay totoo ang lahat ng ito at hindi lamang puro pagpapanggap. Wala na kasing ibang hiling si Mina kun'di ang kasiyahan ng anak niya. Napailing na lang si Mina. Hindi mangyayari ang bagay na iniisip niya. Malabo. Malabong-malabo. Imposible. "Mine?" Malapad na ngiting sambit ni Mina na naging dahilan bakit napalingon sa kaniyang gawi si Nigoel. "Here's your coffee." sabi ni Mina at nilapag sa mesa na nasa tapat ni Nigoel ang isang puting tasa na nakapatong sa isang maliit na platito. Napikit si Nigoel habang nilalanghap ang amoy ng kapeng tinimpla ni Mina. The smell is satisfying. Inabot ni Nigoel ang tainga ng tasa at sumimsim ito ng kape. "Mine, your coffee will always be my favorite!" Alam ni Mina na nagpapanggap lang sila. Kaso, kinilig siya sa papuring ginawad ni Nigoel sa kapeng tinimpla nito. "Si Mamay namumula!" natatawang sabi ni Ami. "Kinikilig lang iyang Mamay mo sa banat ko, baby! Masuwerte nga siya dahil bukod sa guwapo at macho si Papay ay magaling ito bumanat." Kumindat pa si Nigoel kaya naman halos maubusan na ng hangin si Mina dahil sa pagpipigil niya ng tili. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung isang Nigoel Fortalejo ang babanat sa'yo? Kahit biro lang ito ng lalaki ay bahagyang may kung ano'ng kumiliti sa puso ni Mina. "Alam mo, ang aga-aga, kung ano na ang pinagsasabi mo riyan." Kunwa'y hindi umepekto ang banat ni Nigoel kahit masayado na itong halata. Maging si Lillieneth nga'y napansin ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Mina. "Hindi ka kinilig?" tanong ni Nigoel kay Mina. "Kung ano-ano sinasabi mo. Inumin mo na lang kasi ang kape mo nang mainitan ang sikmura mo." pag-iwas ni Mina sa tanong na binato ni Nigoel. "Makita lang kita, nag-iinit na ako." "Mawalang galang na, Nigoel. But I have to end your clingy conversation with your girlfriend." Buti na nga lang at gumitna si Lillieneth at baka himatayin si Mina sa pagpipigil ng kilig na nararamdaman nito. "You need to pick Mina's things as early as you can. Masyadong mainit ngayon sa media ang pangalan mo at ni Mina. I suppose that much better if they won't gonna know about Ami, for now," Lillieneth continued. Umupo ng tuwid si Nigoel at huminga ito ng malalim. "Nakuha na ng mga tauhan ko ang mga gamit ni Mina. Nasa mansion na nga sa katunayan." He made a sudden breathe, in and out. "Ang problema kung paano ko maiuuwi si Ami dahil maraming pres ang nakaabang sa labas ng mansion at opisina, according to my employees." "Ang hirap pala kapag mayaman at sikat ang papay mo 'no?" Napatingin ang tatlong nakatatanda sa bata. Hinila ni Nigoel si Ami at pinaupo ito sa tabi niya. "Papay will make things better, baby! Huwag ka mag-alala!" He smiled. Tumingin siya kay Mina. "Mine, settle yourself. Una tayong uuwi sa mansion." Tumango lang si Mina bilang tugon ng pagsang-ayon. Ngayon ay tumingin na naman siya sa gawi ni Lillieneth. "Lilliene, ihatid mo mamayang gabi ang bata sa mansion. Sa likod kayo dumaan. Hindi naman masyadong alam ng mga tao na may gate sa likod," he ended his words. "Copy!" Kinurot ni Lillieneth ang pisngi ni Ami. "Pasalamat ka, cute ang anak mo!" ani'to kay Nigoel. The sudden quietness was disturbed by a phone that rings loud. Nigoel checked his phone and he saw Lambert's name on the screen. Lambert is Nigoel's youngest brother who was still in the first's year of college. "Lambert, why you suddenly called at this very hour!?" agad na tanong ni Nigoel sa kapatid. Ni hindi niya man lang kinamusta ang isa kung nasa mabuting kalagayan ba ito. "Don't you wanna ask how I am f*****g doing here!? Nice greetings! Highly appreciated!" sarkastikong sagot naman ng kapatid ni Nigoel mula sa España. "What's the matter!?" "Nawawala ang matanda! Now, Kuya Rupert and Kuya Weis is blaming me!" "WHAT!?" "I know you'll be blaming me also, madafakah!" "Pasalamat ka may bata rito at hindi ko kayo mamura ng malutong! Hindi niyo kasi binabantayan si abuelo ng maayos! Kung may mangyari sa matandang iyon, humanda kayo sa akin!" Lambert made a heavy sigh. "The last time we talked, he said he missed his favorite grandson! Hanapin mo na lang diyan sa Pilipinas baka umuwi na!" Napapikit na lang si Nigoel dahil sa magandang suhestiyon ng kaniyang kapatid. Hinold niya ang tawag. "Cover Ami's ears." utos niya kay Mina na siyang sinunod naman ng isa. "You are a f*****g bullshit piece of a poop, Lambert! Sa tingin mo ganun lang kadali hanapin si abuelo sa Pilipinas? Ano tingin mo, para lang yungib ng puwet mo ang Pilipinas!? Ayusin mo iyang pag-iisip mo at pananalita mo. Gusto mo ba ikaw ang dalhin ko sa Pilipinas, ha? What do you think about that idea, my youngest brother?" "Damned-hell, no f*****g way!" Lambert hung up the call. Ang aga-aga, sumasakit na naman ang batok ni Nigoel. Muling tumunog ang bagay na hawak niya kung kaya'y muli niya rin itong sinagot. "WHAT THE f**k IS IT NOW? LAMBE--" "Watch your mouth! Umuwi ka rito sa mansion at dalhin mo ang aasawahin mo! We have to talk about your marriage, Nigoel!" Napaawang ang bibig ni Nigoel nang marinig ang boses ng abuelo. Nasasabik siyang makita ang abuelo subalit natatakot ito na ipakasal agad kay Mina. Mina wants gentleman and he's not. Mina likes a man like Xyrex and he's never like that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD