KABANATA 8

2371 Words
                              KABANATA 8 KABANATA 8 MINA could hardly step on her feet because of the sadness she was feeling. She doesn't have a job anymore! What's even sadder was that Mina doesn't know what she did wrong and why it's so easy for Nigoel to fire her. Hindi na inabala pa ni Mina ang kaniyang anak na mahimbing na ang tulog. Tutal, kumain naman na si Ami. Hinalikan niya na lang ang kaniyang anak sa noo nito bago siya naghubad at tinungo ang banyo na pinagsasaluhan ng mga boarders ni Aling Choleng. Mina savored the kiss of every drop of water that dripped from the shower onto her smooth skin. Mina stopped soaping her body when she suddenly remembered what happened inside Nigoel's office. "Mina, tama na! Pakiusap! Tama na! Kalimutan mo na lang kasi at ibaon sa nakaraan ang pangyayari na 'yon," hikbi ni Mina sa loob ng banyo. She wanted to forget everything that had happened to her that night when she was young. Mina wants to live a normal life and not be disturbed again by complicated events in her life. But how can she do that? How could she forget the man who had wandered into her body before, if she had always been with the fruit of that night? KINAUMAGAHAN ay agad na nagpaalam si Mina sa anak niya. Hindi niya rin pinaalam kay Ami na wala na siyang trabaho dahil nga'y sinisante na siya ng kaniyang magaling na amo. "Hotel de Viega," sabi ni Mina nang makapasok na siya at nakaupo ng maayos sa loob ng taxi. Hindi na inisip ni Mina kung ano ang mangyayari pagdating niya sa Hotel De Viega. Ang alam niya lang ay ang plano niyang magmakaawa kay Xyrex na tulungan siyang makapagtrabaho. Batid kasi ni Mina na may mabuting loob si Xyrex. Alam din niya na tutulungan at tutulungan siya ng lalaking kakikilala niya lang nung nagdaang araw. Dahan-dahang pumasok si Mina sa loob ng elevator. Magsasara na sana ang kahon na kinapapalooban niya pero bigla na lang humakbang ang isang lalaki papasok sa loob ng elevator. Kumunot ang noo ni Mina nang makita niya ang kaniyang dating amo. Nigoel Fortalejo was with Mina in the same place and the same elevator. "What are you up to do here?" "Mag-aapply." Nakita ni Mina paano gumuhit ang mga linya sa noo ni Nigoel. Alam niya na nagagalit na naman ito. Mina won't be afraid anymore. There was no reason for her to be afraid of the sharp gaze of her former boss. She also wouldn't be scared anymore because of the lines drawn on Nigoel's forehead. Mina fights her pride. why is she being fired? Sa pagkakaalam ni Mina, wala siyang ginawang masama sa amo niya. "Are you crazy? Didn't I tell you you can't go out wearing a short dress? Why aren't you wearing your long skirt and your old blouse?" Nanggigil si Nigoel habang tinitingnan ang maiksing bestida na suot ni Mina. Kulay rosas kasi ang bestida ni Mina na isang dangkal ang layo sa kaniyang tuhod. Nakabunyag pa ang gitna ng kaniyang kambal na bundok. Kaya ganun na lang magalit si Nigoel. "Sa pagkakatanda ko, inalis mo ako sa trabaho. Hindi ko obligasiyon ang sundin kung ano ang sasabihin mo sa akin, Mister Fortalejo!" Ngumiti si Mina at tumitig ito sa mga mata ni Nigoel. "You're nothing but a former boss," matapang na sabi ni Mina. Bumukas ang elevator, senyales na nasa palapag na sila saan naroroon ang opisina ni Xyrex. Lalabas na sana si Mina nang hinila siya ni Nigoel. Nanlaban pa si Mina pero wala siyang magawa dahil mahigpit na itong niyakap ni Nigoel sa loob ng elevator. "Pakawalan mo ako! Kailangan kong makausap si Xyrex!" Pumiglas-piglas si Mina habang nagsasalita. "Please!" Nagmakaawa na ang babae. "At bakit ka kasi mag-aapply sa De Viega Corp!?" Mahinahon ang boses ni Nigoel habang niyayakap si Mina. "Ang daming puwedeng mapasukan! 'Patulong ka na lang kay Lilliene! Huwag lang dito!" Sa pagkakataong ito ay binitawan na ni Nigoel ang malikot na babae. Sinamaan ng tingin ni Mina si Nigoel. Maya-maya'y nanghina ang mga mata ni Mina. Gusto niyang pigilan ang mga pakete ng luha na gumulong mula sa kaniyang mga mata. Subalit hindi na niya ito magawa. "H-hindi mo alam kung gaano ko ka-kailangan ang trabaho!? Wala na akong mapasukan na iba. Baon na ako sa utang at renta ng bahay! H-halos hindi ko mapakain sa anak ko kung ano ang mga gusto niya!" Alam ni Mina na hindi niya na kailangan pang sabihin at ipaliwanag kay Nigoel ang lahat. Pero gusto niyang ipaalam sa lalaking walang puso kung ano ang epekto ng ginawa nito sa kaniya. "Nung binigyan ako ng kaibigan mo ng allowance, natuwa ako! Natuwa ako kasi alam ko kahit papaano ay mapapakain ko na si Ami sa labas, kaso hindi e, hindi kasi kulang iyon sa utang at renta! Ang ginawa ko na lang ay bumili ako ng paborito niyang fried chicken! Hindi ko alam paano niya naging paborito ang pagkain na parang tatlong beses niya pa lang nakakain sa tanang-buhay niya!?" Patuloy lamang sa pagluha ang mga mata ni Mina habang gigil na gigil ang babae dahil sa inis at galit na naramdaman niya. The evil-hearted man felt a pinch in his heart. God-damned! Hindi naisip ni Nigoel ang realidad ng buhay. Palibhasa kasi'y mayaman siya kung kaya naman wala siyang pakialam sa nararamdaman at buhay ng ibang tao. But right this time, while he's staring and listening to Mina whining about life, he's starting to feel pain and pity. "Mina..." Mina sniffed. "Palibhasa mayaman ka! Palibhasa, nasa iyo na ang lahat! Wala kang ibang magawang isipin kun'di ang sarili mo at ang mga gusto mo! Paano naman ako!? Kaming mahihirap? Magiging uto-uto at utusan na lang sa inyo? Ang unfair naman ng buhay," Mina said while trying to put a self-pity smile on her face. Kasabay nang pagtalikod ni Mina kay Nigoel ang pagbukas ng elevator. Hahakbang na sana palabas si Mina pero naramdaman niya paano hinawakan ni Nigoel ang kaniyang baiwang at inikot siya paharap sa kaniya. Everything happens too early! Hindi lubos maisip ni Nigoel na makakaramdam siya ng ganito. Only Mina let him feel pain again. Only Mina made him a little bit human, somehow. Only Mina! "Stop crying, I don't know how to comfort a woman. Because I just f**k'em!" Muli na namang narinig ni Mina ang mala-anghel na boses mula sa demonyong si Nigoel. Out of the blue, Mina leaned her face on Nigoel's manly chest. She felt comforted. She felt home. "Nang binanggit mo ang mga salitang iyon kahapon, muli akong nanlumo at natakot. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung saan na naman ako mangungutang at kung ano ang dapat kong gawin para sa akin at sa anak ko." Patuloy parin sa pag-iyak si Mina habang nakasandal ang kaniyang pisngi sa makisig na dibdib ni Nigoel. "Natatakot ako," pagpapatuloy pa ni Mina. Napabuntung-hininga na lamang si Nigoel. Ramdam kasi nito kung gaano kabigat ang dinadala ni Mina. Marahang hinagod ni Nigoel ang likod ni Mina. Daig pa ng dalawa ang mga teenager na nagkaroon ng love quarrel na muling nagka-ayos. Hindi na napansin ng dalawa na nakabukas na ang elevator at kanina pa sila pinagmamasdan ng mga tao sa labas nito. "Isn't she's his secretary? Bakit ilang araw na siyang nagtatrabaho?" bulong ng isang babae sa kaniyang katabi. Bigla naman napaayos ng kaniyang pagkakatayo si Mina marahil nahiya siya. Akala niya kasi'y nakasarado pa ang elevator. "Yeah! Siya nga lang yata ang tumagal ng ilang araw sa opisina na iyon." "Baka kaya niya?" tanong pa nung isang kasamahan ng mga babaing makakati ang dila sabay bitaw ng mahinang pag-tawa. Pumikit na lamang si Mina dahil ayaw nito ng gulo. Ilang araw na kasi siyang nasasangkot sa mga gulo. Well, she considered everything she experienced as Nigoel's secretary as chaos. "Tara na, Mina." Marahang hinila ni Nigoel si Mina habang hawak niya ito sa kaniyang kamay. Walang awang binangga ni Nigoel ang mga taong nakaharang sa dinadaanan nila. Gusto ni Nigoel ilayo si Mina sa mga taong nagsasalita ng masama rito. HINDI LUBOS maunawaan ni Nigoel ang kaniyang sarili dahil sa nararamdaman nito. Gusto niyang ilayo si Mina sa mga taong gustong saktan ang kawawang babae. After his long-term girlfriend he never seemed to give a damn care to every woman he f****d! The worst is he never f****d or even touched Mina's private parts but he seemed so protective and he damned care about this woman. Nababaliw na nga yata si Nigoel. Ang nasa isip na lamang ni Nigoel ngayon ay ang sarili niya na nababaliw sa babaeng nakahawak ng styrocup na naglalaman ng GFloat. Every moment Mina bit her lip Nigoel's heart heard itself skipping a beat. Napahilamos ng walang tubig si Nigoel nang makita niya ang bawat detalye sa hubad na mukha ni Mina. Walang kahit na anong kolorete ang nakaguhit dito subalit daig pa nito ang isang kandidata sa beauty pageant. "Sir, kanina pa po inaabot sa iyo ang bill natin," sabi ni Mina sa kaniyag dating amo na kanina pa nakatulala at pawisan pa ito. Sinulyapan ni Nigoel ang babae na nakatayo sa tabi niya. Bakas sa mukha ng babae na nahuhumaling ito sa adonis na nakaupo sa kaniyang tapat. "Just swipe it." Utos ni Nigoel sa crew sabay abot ng kaniyang ATM. Ginawa naman ng babae ang utos ni Nigoel. Matapos silang kumain sa isang sikat na western restaurant ay dumiretso sila sa isang store na puro lady's wear ang naroroon. "Pick all the clothes you like," Nigoel demanded his previous secretary. Hindi na naiintindihan ni Mina ang kaniyang dating amo. Kahapon ay inalis na siya sa kaniyang trabaho. Ngayon bigla na lang siya dinala ng kaniyang amo kahit saan. Gusto man ni Mina umiwas ay hindi niya ito magawa. Pa'no ba kasi iwasan ang isang Nigoel Fortalejo? How can someone resist the alluring stares and dominant masculinity of this hunk? Definitely , no one can do resist Nigoel. "Tatayo ka na lang ba, Mina?" Halatang naiinip na naman ang lalaki base sa tono ng pananalita nito. "Pili na," utos nito ulit kay Mina gamit ang naiinip niyang boses. "Sapat na ang pagkain na nilibre mo sa akin, Sir." Sumulyap sa labas si Mina. "Maigi siguro kung mauuna na ako at hinihintay na ako ng aking anak," suhestiyon pa nito para lang malabanan ang tunay na nararamdaman. Tumingala si Nigoel sabay masahe sa kaniyang batok. Iniisip niya paano paamuin ang makulit na babaing kasama niya. Siguro kung ibang babae lang si Mina ay kanina pa siya nakalambitin sa braso niya. This one was different! Bukod sa mahirap kombinsihin ang babae ay ganun na lamang siya ka-puro sa kung ano ang ibig niyang gawin. "Mina," napailing na singhal ni Nigoel habang nakatingin sa mga mata ni Mina. "Hindi mo na kailangan gawin ito. Alam ko na wala ako kumpara sa mga naging sekretarya mo noon, sir. Pero tandaan mo ito, hindi ko gagawin ang bagay na pinapagawa mo." Huminga ng malalim si Mina at tumalikod sa kaniyang dating amo. "Kung ginagawa mo rin ito para hindi ka makonsensiya dahil inalis mo ako sa trabaho ko p'wes hindi mo iyong marapat na gawin. I am obligated to my feelings. Oo, masakit pero kaya ko naman. Alam ko na hindi lang opisina mo ang lungga saan ako makakapulot ng salapi," sabi ni Mina. "Makulit ka, Mina." "I will take it as a compliment." "Mina, I said pick all the f*****g clothes you want! Now!" His jaw clenched. Nanigas si Mina sa kaniyang kinatatayuan nang marinig ang boses ni Nigoel. Alam ni Mina na nakakatakot ang boses ni Nigoel kapag nagagalit ito. Pero mas komportable siyang marinig ang halimaw na nagsasalita kaysa mag-tunog anghel ang lalaki. Sa huli ay nanaig si Nigoel. Ilang mamahaling damit, bag at mga sapatos ang binili niya para kay Mina. ILANG DISTANSIYA na ang layo ni Nigoel sa babaeng kasama na paika-ika na lang sa paglalakad dahil sa dami ng bitbit na paper bags. Hindi man lang nilingon ni Nigoel ang babae kahit alam niya na kailangan nito ang kaniyang tulong. "Akin na." Hindi na siguro matiis ni Nigoel na makita na nahihirapan si Mina kaya binalikan niya ito. "Let me help you," saad pa ng lalaki. Matutuwa ba dapat si Mina? Oo, kasi naisipan ni Nigoel na balikan siya at tulungan sa mga dala niya. Hindi, kasi nasa harap na siya ng kotse at nailapag na niya sa semento ang mga dala niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay ipasok ang mga ito sa sasakyan ng lalaki. "Thoughtful," komento ni Mina sa lalaki. "Alam ko." "Tsk!" Mapaklang natawa na lang si Mina dahil sa inis sa lalaki. "Iuwi mo na ako," she ordered without hesitation. Puro guhit na ang pawisang noo ni Nigoel matapos marinig paano siya utusan ng babaeng kasama niya. Iba rin kasi itong si Mina. Hindi siya ang tipo ng babaeng madaling mapasunod, iyan ang napatunayan ni Nigoel matapos niyang sesantehin si Mina. Sa una lang submissive si Mina kay Nigoel pero sa araw na ito ay nahihirapan si Nigoel pasunurin sa gusto niya si Mina. "In one condition." Tumingin si Mina taliwas sa direksiyon ni Nigoel. "Ano na naman 'yon?" "Be my secretary... again." Binaling ni Mina ang kaniyang sulyap sa lalaking maamong nakatingin sa kaniya. Naiinis si Mina dahil sa pinag-gagawa ni Nigoel sa kaniya. Mas lalong bumaba ang tingin niya sa kaniyang sarili. "Ganun na lang ba talaga kadali sa iyo ang lahat, Mister Fortalejo? Kung gusto mo ako alisin sa posisyon ko bilang sekretarya mo ay gagawin mo sa kahit na anong oras mo gusto!? Ngayon, gusto mo na naman ako maging sekretarya mo ulit. Masyado mong minamadali ang lahat porque't mayaman ka." Mina felt degraded. "Mina, I don't say this to many. I don't do apologies. But, I will say this to you." He made a sigh. "I'm sorry. Bumalik ka na sa akin, please," pagmamakaawa ng lalaki. Mina was completely shaken because of what Nigoel said. Mina felt the annoyed feeling was replaced by fun and thrill. She also estimated that there are hundreds of butterflies flying in her stomach. The evil Fortalejo said sorry. That's a miracle!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD