Kabanata 9

2301 Words
                              KABANATA 9 KAHIT si Mina ay hindi lubos na maisip na maririnig niya ang katagang iyon mula sa isang lalaking tulad ni Nigoel. Hindi naman talaga humihingi ng paumanhin ang lalaki. He doesn't owe an apology to anyone but to Mina. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Mina na espesyal siya dahil sa ginawa ni Nigoel. Ngayon ay tahimik lang na tinititigan ni Mina sa front mirror sa loob ng kotse si Nigoel. Guwapo naman talaga siya at malakas ang kaniyang charisma. Kaso minsan ay bigla na lang siyang inaataki ng toyo niya. Daig pa niya ang babae 'pag toyoin. Iyan ang mga bagay na nasa isipan ni Mina. Umiling si Mina. Mali, demonyo siya at bigla na lang siyang inaataki ng pagiging anghel niya. Ano kaya ang dahilan bakit nagkaganito ang isang Nigoel Fortalejo? Bigla na lamang nagkaroon ng interes si Mina sa mga dahilan bakit napuno ng galit ang puso ng kaniyang amo. Palinga-linga si Mina. Alam niya na nakalagpas na sila sa gate ng bahay saan siya nakaupa ng isang maliit na kuwarto pero hindi niya alam paano sabihan si Nigoel. "Mina, saan ba rito ang bahay niyo?" tanong ni Nigoel sa kaniyang sekretarya. "Halos mapunta na tayo sa pinakasulok ng street niyo," sabi ni Nigoel nang hininto niya ang sasakyan. Parang tuta na tumingin si Mina sa kaniyang amo. Galit na naman si Nigoel basi sa kaniyang tono. Palagi na lang may mood swings ang amo ni Mina. Daig pa ang babaing nireregla. Tinuro ni Mina ang daan sa kanilang likuran. "Dun pa sana, sir. Kaso, nahiya ako pumara sa inyo dahil taimtim kayong nakapokus sa iniisip niyo. Baka po maisturbo kita. Nakakahiya." Pumikit si Nigoel sabay hinga ng malalim. "Mina, you should have told me. Kung hindi ako nagtanong hindi mo talaga sasabihin na nalagpasan na pala natin ang bahay niyo. Tingnan mo ngayon. Ang hirap pa naman iliko ang sasakyan sa masikip na daanan na ito." He made a sigh. "Fuck." Mahina lang ang pagbanggit nito ni Nigoel subalit sapat na iyon para marinig ni Mina. "Huwag po kayong mag-alala, hindi niyo naman po kailangan iliko ang sasakyan niyo. Mainam pa siguro na bumaba na lamang ako para makadiretso na kayo pauwe," suhestiyon ni Mina sa kaniyang amo. Nigoel was suddenly stressed at Mina's suggestion. He washed his face without water because of what Mina said. Now Nigoel is just thinking of a possible solution. "Huwag ka na bumaba, i-aatras na lang natin ito hanggang sa makarating tayo sa bahay niyo." Halos dalawang oras na nilang ginawa ang paraan na naisip ni Nigoel. Dahil sa sikip ng eskinita ay nababangga pa sa bato at mga kahoy na natambak sa tabi-tabi ang sasakyan ni Nigoel. "You should have told me," ulit ni Nigoel. "Ayaw ko lang naman na maka-disturbo sa inyo, Sir." "As if you're not a disturbance right now." Namumula na si Nigoel dahil napipikon na siya sa mga sagabal na bagay sa tabi. "Sinabihan naman kita na bumaba na lang ako para diretso ka na lang pauwi sa inyo. Hindi ko na kasalanan kung bakit pilit mo parin inaatras ang koste mo kahit alam mong mahirap at hindi talaga puwede." Hindi na napigilan ni Mina ang sarili kaya naman ay nagsalita na ito. "Ang hirap sa inyo, alan niyo na ngang hindi puwede ay pinipilit niyo pa," dagdag pa ni Mina. "Hindi ba sabi ko sa iyo noon, don't talk back!?" "Hindi pa ako sekretarya ngayon. Aplikante ako sa ibang kompaniya pero inagaw mo ako. Magsasalita ako kung kailan ko gusto." Matapang na saad ni Mina. "Alam mo Mina, dapat nga magpasalamat ka dahil ikaw na itong hinatid, e. Pero bakit parang ikaw pa ang galit at bakit parang kasalanan ko pa?" "Kanino bang kasalanan 'to? Sa akin?" Umirap si Mina dahil sa narinig niya mula sa lalaking kasama. "So, sinasabi mo na kasalan ko bakit ka napunta sa lugar na 'to?" "Sinabi mo sa akin na ihatid kita kasi gabi na." "Bakit ka kasi bigla na lang nanghihila kanina. Alam mo, kung hinayaan mo na lang sana ako kanina na puntahan si Xyrex ay hindi ka na napunta pa rito. At the end, kasalanan mo ang lahat ng ito, Mister Fortalejo." "Mina, don't mention anyone's name, please!?" Isa ito sa mga problema ni Mina kay Nigoel. Hindi niya alam bakit ganun na lang ka-galit si Nigoel kapag binabanggit n'ya ang pangalan ni Xyrex. "Bakit naman hindi? Kaibigan ko siya. Alam mo, sa tingin ko dapat lang na bumaba ako at ibalik na lang sa iyo ang mga binili mo." Lumingon na kay Mina sa pagkakataong ito si Nigoel. "Hindi ko binabawi ang naipamigay ko na," sabi ni Nigoel. "Okay! Edi, sa akin na ito pero binabawi ko ang oo ko. Ayaw kita makatrabaho. Ayaw kita maging amo!" Napuno na si Mina dahil sa ugali ni Nigoel. Nigoel restarted his car's engine. He was sweaty and furious when he heard Mina say that she didn't want to work for him and didn't want to be her boss. For the first time, Nigoel felt frustrated and sad. Mina clung tightly because of the fear she felt. "What will you do!?" she frightenedly asked her boss. Veins came out of Nigoel's hands as well as on his forehead. It was a sign that he could no longer control the anger in his heart. He hates being rejected and Mina did it. Hindi umimik si Nigoel dahil sa galit na hindi mapigil-pigil. Para siyang inuutusan ng kung sino na ibangga ang kotse. "Ano'ng ginagawa mo!? Ibaba mo na lang ako! Kung gusto mo mamatay, mamatay ka mag-isa mo!" Gusto niyang agawin ang manibela kay Nigoel pero nabigo siya dahil sa angking lakas ng lalaki. Napasulyap si Mina sa mukha ni Nigoel. Natigilan siya sa kaniyang ginagawang pagpipigil sa lalaki nang makita paano magkarera ang pakete ng mga luha mula sa nanlilisik na mga mata ni Nigoel. "You are mine! Hindi ka maaaring humiwalay sa akin, maliban na lang kung hindi oras ng trabaho mo! If that won't gonna happen, mas maigi pang isasama kita sa kabilang buhay!" "You're crazy!" "I'm not crazy, Amina Baltazar! I am evil! And this evil is fuckingly obsessed on you! Ikaw lang ang gusto kong maging sekretarya, Mina! Take it or die!?" Naawang ang bibig ni Mina sa sinabi ni Nigoel. Nakatitiyak si Mina na hindi niya naranasan ang makisalamuha sa maraming lalaki pero may napanood siyang karakter ng mga lalaki sa telebisyon at tiyak siyang malayo ito sa ugali ng kaniyang amo. Bigla na lamang yumakap sa leeg ni Nigoel si Mina. Lumuluha na rin kasi siya dahil sa takot na nararamdaman. "I take it! Kumalma ka na, okay!?" Hinimas-himas nito ang magkabilang balikat ni Nigoel. Nigoel gradually calmed down. If it weren't because of Mina's caress, they would have passed away earlier. After the incident, the man lost his strength. Ilang minuto pa bago humiwalay si Mina mula sa pagkakayakap niya sa kaniyang amo. Nakakatakot makasama si Nigoel. Bigla na lang siya inaataki ng sumpong niya. Para siyang may bipolar disorder. Dahan-dahang bumitaw ng buntung hininga si Mina. When Nigoel came to his senses he had already organized himself. He turned to Mina. "Just tell me when we're in front of your house." The man's tone was cold. Mina didn't answer. Instead she just nodded in response. Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse. Buti na lang ay napakalma ni Mina ang kaniyang amo. Buti na lang ay nagkaroon siya ng lakas ng loob upang yakapin at pakalmahin si Nigoel. Kung hindi iyon nangyari ay tiyak na napahamak silang dalawa. "Nandito na tayo," ani Mina. Nigoel stopped the car and immediately opened the door next to the driver's seat. He came out and opened the door next to Mina. He would only do it once in a decade. Masuwerte si Mina dahil isa siya sa mga babaeng pinagbuksan niya nito. Nakatatawa lang dahil tatlong babae lang naman ang naipagbuksan ni Nigoel ng pinto ng kotse, si Gail, Lillieneth at si Mina lang. "Saan ang room mo? Ihahatid ko ang mga dala mo roon." "H-H'wag na. Kaya ko na. Umuwi ka na lang at magpahinga." Inabot ni Nigoel kay Mina ang mga paper bag. "Huwag ka pumasok ng maaga bukas. Ipatatawag na lang kita kay Lilliene bukas," imporma nito kay Mina. Tumango si Mina at hinarap ang kanilang gate. "Mina." Napalingon si Mina nang marinig ang pagbanggit ng kaniyang amo sa pangalan niya. "I'm sorry," he said sincerely. "Ayaw ko lang naman mapunta ka sa iba," he added. Tumango lang si Mina bago siya dumiretso sa paglakad papasok sa bahay. "Hoy, Mina!?" Heto na naman ang Pakialamerang si Choleng. "Magandang gabi po." "Mukhang mamahalin iyang mga dala mo. Ano ba talaga'ng trabaho mo?" May pagmamaliit sa tono ng landlady ni Mina. "Baka mamaya magulat na lang kami at ni-raid na ng mga pulis ang boardinghouse na 'to," nakapamaiwang na sabi ni Choleng. Ngumiti si Mina. "Huwag kayong mag-alala. Kung iniisip niyo na nagbebenta ako ng droga ay nagka-mali kayo." Tinaas ni Mina ang kaliwang kilay niya. "Baka iba." Hindi na sana papatulan pa ni Mina ang landlady niya subalit ayaw niya na maging marumi ang tingin sa kaniya ng mga tao. Ayaw rin talaga ni Mina na ipaalala sa kaniya ang isang gabing kailangan nito ng pera kung kaya'y pinasukan niya ang isang trabaho na alam niyang kamumuhian siya ng lahat. "Mawalang galang na po. Kung iniisip niyo rin na katawan ko ang binibenta ko, sa muli po, nagka-mali kayo. At kung gagawin ko ang bagay na iyon, huwag kayong mag-alala, ikaw ang unang makakaalam nito." Ngumiti si Mina. "Padaan po. Mabigat-bigat kasi itong mga dala ko," ani Mina sabay lagpas kay Choleng. Natameme ang landlady sa sinagot ni Mina sa kaniya. Dapat lang na sagutin siya ni Mina dahil sa ugaling pinakikita nito. Marespetong tao si Mina pero hindi tama na hahayaan niya na lang ang mga tao na husgahan at maliitin siya. Ayaw na ni Mina maging maliit sa mata ng mga tao. Ayaw na ni Mina isampal sa kaniya kung sino at ano siya noon. Sapat na ang katauhan ni Ami ang magpaalala sa kaniya. Nilapag ni Mina ang kaniyang mga dala sa maliit na lamesa sa loob ng kanilang kuwarto. Nanghilamos lamang siya at nagbihis bago tinabihan ang kaniyang munting anghel. HABANG nagmamaneho pauwi si Nigoel ay naalala niya ang mga pangyayari. He's becoming more obsess to his secretary. Ayaw niya na mapunta sa iba si Mina. Hindi puwedeng maging sekretarya ng iba si Mina. Hindi niya ito matatanggap, lalo na kung si Xyrex ang magiging amo ni Mina. HE ENTERED his mansion with myriad thoughts in his mind. Marami na siyang naging sekretarya pero kay Mina lang siya nagkaganito. Agad na dumiretso si Nigoel sa kaniyang malinis at mabangong kuwarto. Tumalima ito upang buksan ang bintana na yari sa marmol. Napalanghap ng sariwang hangin si Nigoel. Hindi man abot ng kaniyang mga mata ang babaeng minsan niyang kinamuhian at pinagtatawanan noon ay batid niya na si Mina ang nakikita ng mga inbisibol na mga mata ng kaniyang isipan. His phone suddenly rang. Minabuting sinulyap ni Nigoel ang pangalan na nakapaskil sa screen ng kaniyang manipis na smartphone. Si Lillieneth pala ang tumatawag. He swiped the arrow off to the right screen of his phone. "Napatawag ka." Buti na lang ay natitiis ng kaniyang kababata ang ugali ni Nigoel. He's an angel when he needs help from Lillieneth. Yet, he's evil and cold when he is convenient. His attitude sucks! "Good evening too. Mark the sarcasm, Nigoel!" Daing ni Lillieneth mula sa kabilang linya na bakas sa boses ang pagka-inis. "I have a favor." "Naku naman! Ako ang tumawag pero ikaw ang may kailangan. Is this about the event tomorrow? If that is, I'm so glad to tell you that everything was then fine! Thank you," Lillieneth said sarcastically. "Can you please do make over for my secretary?" Diretsong hingi nito ng pabor. Matatawa ba si Lillieneth? Nakagugulat lang kasi para sa isang evil creature halintulad ni Nigoel ang pagagandahin ang kaniyang secretary. "She doesn't even need that thing, Nigoel." "I want to make her more of what she is right now." "She's already beautiful. Inside out!" "Yes! I know!" Tuluyan na ngang napatawa sa kabilang linya si Lillieneth. Her childhood friend is so much the same the way he was when he told stories about Gail. "May hindi ka sinasabi sa akin, Nigoel." Lillieneth bade a laugh. An accusing laugh. Indeed! "Do you like her? Don't you?" tanong ni Nigoel sa kaibigan. "What the hell are you talking about? If I like someone, I f**k them and let them go. That is Nigoel Fortalejo," he defended himself. Liar. Kumibit-balikat lamang si Lillieneth sa narinig nito mula sa kaniyang kababata. Batid ni Lillieneth na mula nung iwan ni Gail si Nigoel ay naguho at namulat si Nigoel sa bagong pananaw nito sa buhay at pag-ibig. Hindi masisisi ng kahit na sino si Nigoel. Ang malalim na karanasan nito sa buhay at pag-ibig ang umudyok sa kaniya tungo sa bago nitong pagkatao. Sa kabila nito ay natutuwa si Lillieneth sa mga pangyayari. Unti-unti na niyang nakikita ang pagbabago ni Nigoel buhat nung nakasama niya si Mina. What's with you, Mina? Tanong na namuo sa isipan ni Lillieneth. "Sabi mo iyan, Nigoel. I cannot demand a thing from you. Anyway, I will make your secretary as the most beautiful woman tomorrow evening." "Good bye." "You're welcome!" Umiling na lang si Lillieneth nang matapos ang kumbersasyon sa pagitan nila ni Nigoel. UNTI-UNTING binuksan ni Nigoel ang ilang butunes ng kaniyang natirang saplot sabay higa sa kaniyang malambot na kama. Inunan nito ang kaniyang maskuladong braso. Guess what he's wishing. Sana nasa kanang braso nito si Mina habang sabay silang nakatanaw sa kisaming puno ng mga artipisyal na elemento sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD