KABANATA 7

1367 Words
                            KABANATA 7 TUMAYO si Nigoel at naglakad ito palabas ng kaniyang opisina habang bitbit ang ataché case na kinalalagyan ng mga files na hiningi ni Xyrex. "Hindi ba ako sasama?" tanong ni Mina habang hinahabol ang kaniyang amo. Humahakbang lamang si Nigoel habang si Mina naman ay tumatakbo na. Nigoel was tall and he walk swiftly. "Sir!?" Hingal na hingal na si Mina kaya naman ay tumigil si Nigoel sa paghakbang. Sinamaan ni Nigoel ng tingin ang kaniyang sekretarya. "Hindi ba sekretarya mo ako? Hindi ba dapat ang sekretarya ay dapat nakabuntot lagi sa amo niya? Gusto ko lang naman gawin ang trabaho ko, sir!" Parang hingal kabayo na si Mina. Ang bilis kasi maglakad ni Nigoel. Kung gaano siya katagal labasan ay ganoon na lang siya kabilis maglakad. "A-Ayaw ko po mawalan ng trabaho, sir," malungkot na pagpatuloy ni Mina. Umismid si Nigoel at umirap siya. "Paano kung sabihin ko sa iyo na labas ka sa ginagawa ko ngayon," sabi ni Nigoel gamit ang kaniyang malamig at magaspang na boses. "Kung ayaw mo mawalan ng trabaho, mas mabuting bumalik ka sa opisina at hanapin mo na lang ang Hotel De Viega Corp files," utos niya sa babae. Nang marinig ni Mina ito ay natuwa siya. Alam niya kasi na kapag mahahanap niya na ang files ng Hotel de Viega ay uutusan siya ng kaniyang amo upang ihatid ito kay Xyrex o hindi naman kaya ay isasama siya ng kaniyang amo na ihatid ito sa lungga ni Xyrex. Kung ganoon nga ang mangyayari ay magkikita na naman sila ni Xyrex. Gusto niya rin kasi humingi ng tawad dahil sa kabastusan na ginawa ng kaniyang amo sa lalaki. Ang hindi alam ni Mina ay lubos siyang pinaglaruan ni Nigoel. Nigoel ordered Mina to find the files that never been there anymore. Nasa loob na ng ataché case na dala ang mga files na pinahahanap niya sa kaniyang sekretarya. Nigoel just want Mina stay away from Xyrex. He was threatened by the fact that Mina wants gentleman. Xyrex is a gentleman. So, he was scared that Mina would fall for his friend. Hindi man aminin ni Nigoel kay Mina at sa sarili niya ay unti-unti na siyang nahuhulog sa kaniyang sekretarya. It's too early but that was what he feels. PARANG ASWANG na si Mina sa hitsura niya ngayon. Kanina pa niya hinahalungkat ang kaniyang drawer at maging ang drawer ng kaniyang amo. Walang kahit na isang file sa loob ng opisina ni Nigoel tungkol sa Hotel De Viega. "Nasaan na kaya 'yon?" tanong ni Mina sa sarili. "Bahala na nga! Magpapahinga na muna ako," suhestiyon ni Mina sa pagod na sarili. Tumayo si Mina at huminga siya ng malalim. Ano'ng oras na kasi ay wala pa ang kaniyang amo. Inisip ni Mina na para siyang tanga kung bakit nakakaramdam siya ng pag-aalala sa kaniyang amo. Bigla na lang nakaramdam ng pangamba si Mina dahil nga'y makulimlim na sa labas ng Andromeda. "Ano ba iyan si Sir Nigoel!? Sana man lang sinabi niya kung saan siya pumunta nang sa ganoon ay hindi na ako mag-alala pa!" Ilang beses na yatang naikot ni Mina ang buong opisina. Kulang na lang ay pati ang buong Andromeda ay ikutin niya. She's worried. Inisip ni Mina ang mga bagay na posibleng mangyari. Hindi kaya'y may babae na naman na kasama ang amo niya? Paano kung nakailang babae na si Nigoel? "Mina, naman! Hindi ka asawa kaya wala kang karapatan na mag-alala ng ganito! Kahit na ano ang mangyayari sa kaniya ay labas ka na roon," pangaral nito sa sarili habang lumubog ang kaniyang katawan sa malambot na sofa. Napadighay na lang si Mina nang muli siyang tumayo dahil sa pag-aalala niya sa kaniyang amo. Tumungo si Mina sa bintana at nagmasid siyang mabuti sa labas ng Andromeda. Nabigo lamang siya kasi nga'y walang kahit na anino ni Nigoel ang kaniyang nasilayan. She shouldn't be worried with the guy who degraded her at first. She shouldn't feel like dying thinking about what happened to her boss. Nigoel screams at her. Nigoel embarrassed her. Yet, she couldn't help not to worry about the devil who had protected her from the bald pervert. Bumukas ang pinto kaya naman agad na lumingon si Mina. Pumikit ang babae at huminga ito ng malalim. At last, Nigoel came safe. Ang problema, lasing ito at pagewang-gewang siyang naglakad papunta sa sofa. Nigoel buried himself in the soft linen and he stared at Mina blankly. "What's on you?" tanong ng lalaki na kinabigla naman ni Mina. Humingang muli si Mina at lumapit ito sa pawisang amo. Pinakiramdaman ni Mina ang ulo ng kaniyang amo. "Hindi ka naman nilalagnat pero bakit namumula ka? Pinapawisan ka pa talaga kahit naman ang lamig dito dahil sa air-conditioning!" Dumistansiya si Mina sa kaniyang amo. "Ay, tama! Lasing ka pala kaya ka nagkaganiyan! Inom kasi ng inom, hindi naman pala kaya," naiinis na bulyaw ni Mina. "What's on you?" Nigoel asked Mina on the second time. Hindi alam ni Mina kung ano ang isasagot sa tanong ng kaniyang amo. Nagdadalawang isip rin siyang sagutin ito baka hindi magustuhan ng amo niya ang kaniyang isasagot. "Sa susunod kasi, sir, mas mabuti na huwag na lang uminom kung hindi mo kaya! At bakit ang tagal-tagal mong bumalik dito? Kanina pa ako naghihintay!" Sa halip na sagutin ang tanong ng amo ay kung anu-ano na lang ang sinasabi ni Mina. SIGURADO si Nigoel na mataas ang alcohol tolerance niya. Naka-tatlong bote pa nga lang siya kanina ng Jack Daniels pero pakiramdam niya ang bilis na niyang malasing. What is happening with him right now? "What's on you!?" Pangatlong pagkakataon na siyang nagtanong sa kaniyang sekretarya na iniiwasan namang sumagot. "Sir, hindi ba nagdadala ka ng extrang damit? Magbihis ka kaya," suhestiyon ng kaniyang sekretarya. Pumikit si Nigoel at pinisil niya ang gilid ng kaniyang noo. Sumasakit lalo ang kaniyang ulo dahil sa kausap niya. Hindi niya alam kung hindi naiintindihan ni Mina ang katanungan na kaniyang binato rito o sadyang hindi lang ito gustong sagutin ng babae. "Mina, alam kong matalino ka! Kaya pakiusap sagutin mo ang tanong ko! Ano'ng mayroon sa iyo?" Tinagalog na lang ni Nigoel ang tanong upang mas maintindihan ito ng kaniyang sekretarya. Natahimik ang buong paligid. Nakahiga sa sofa si Nigoel habang si Mina naman ay nakatayo sa hindi kalayuan. Nanatiling naawang ang mga labi ni Mina at hindi alam kung ano ang isasagot sa tanong na kanina niya pa iniiwasan. "A-Anak! Mayroon akong anak! Siyam na taong gulang na siya!" Lumunok si Nigoel bago tumayo. The devil inside Nigoel was now awake. Ang kaniyang asul na mga mata ay matalim na tumitig sa mga mata ni Mina. Mina felt afraid because of what's happening right now. Matapos ang siyam na taon ay ngayon lang muling natakot si Mina ng ganito. Umatras si Mina hanggamg dumikit na ang kaniyang likod sa pader. Nigoel's arms are fencing Mina's body. "A-Anong ginagawa mo, sir?" nanginginig na tanong ni Mina sa kaniyang amo. Hindi sumagot si Nigoel sa halip ay ngumisi ito na parang demonyo. Tuluyan ng nadala sa takot si Mina nang makita sa mukha ng kaniyang amo ang lalaking bumaboy sa kaniya noon. "What the hell are you doing!? Binayaran ko na ang katawan mo! Kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko!" Gumuhit pababa ng mukha ni Mina ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Gusto niya iwasan ang tingin ni Nigoel subalit hindi niya magawa. Mina was totally hypnotized by the alluring stare of Nigoel. Good thing, Nigoel rested his forehead on Mina's shoulder. Parang baliw na si Nigoel sa pagkakataong ito. Hindi niya naiintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganito sa babaeng kaharap niya. Takot man si Mina ay pinili niyang pakalmahin ang sarili dahil alam niyang kailangan siya ng naguguluhan niyang amo. "Mina hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Ang alam ko lang nagsimula ito nung nakita kitang naglakad papunta sa aking gawi kahapon habang suot ang pulang bestida na iyon! I hate you for making me stupid!" Umahon si Nigoel at tinalikuran niya si Mina. Lumingon si Nigoel sa kaniyang sekretarya. "You're fired Mina," sabi nito at agad niyang iniwan na nakatayo si Mina sa loob ng kaniyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD