KABANATA 13

2510 Words
                              KABANATA 13 TULAD nga nang napagkasunduan kanina ay unang umuwi sa mansion si Mina at Nigoel. Habang si Ami naman ay naiwan sa bahay ni Lillieneth. Kailangan din kasi kausapin ni Nigoel ang abuelo at ipagsabi rito na may anak na sila ni Mina. Hindi nila alam kung ano ang magiging reaction ng matanda. Hindi rin nila batid kung maniniwala siya na may anak na sila at Siyam na taong gulang na ito. Buti na lamang at maraming sasakyan si Nigoel kaya hindi nahalata kung siya ang nagmamaneho ng Jaguar na sinakyan nila ni Mina. Dumaan sila sa likuran kaya nama'y ligtas silang nakarating sa magandang mansion nito. Sa laki ng mansion ay halos malula si Mina. Para itong kastilyo ng isang hari sa Europa. Habang naglalakad sila sa gitna ng naglinyahang mga katulong ay samo't sari ang nararamdaman ni Mina. Masaya siya. Subalit mas lamang ang lungkot na nararamdaman niya. Kinakabahan din siyang harapin ang abuelo ni Nigoel. Napagtanto ni Nigoel na namumutla at nanginginig si Mina dahil sa kaba. Walang ano-ano'y hinawakan niya ang kamay ng kaniyang sekretarya. Tumingala si Mina upang masdan ang mukha ng kaniyang amo. Akala niya ay pagagalitan siya subalit nagkamali siya. Isang malapad na ngiti ang nakaguhit sa mga labi ni Nigoel. Napangiti na lang din si Mina nang makita ang mga ngiti ni Nigoel. Ngayon niya lang kasi nakita ang amo na ganito kalapad at sinsiro ang ngiti. Mas nahuhulog na yata siya sa amo niyang masungit. "Huwag kang kabahan, Mina. My abuelo is kind and understandable. Just be who you are and I am confident that he will like you." The way I like you because you were real and genuine. Gusto niyang idugtong ang mga katagang ito subalit hindi niya na nagawa iyon dahil sa takot na umalila sa kaniyang puso. "How can I be so real? Kung ang lahat ng ito ay pagpapanggap lang naman?" malungkot na bulong ni Mina sa amo niya. Pinisil ni Nigoel ang kamay ng kaniyang sekretarya. "Then, pretend that you love me. Let us pretend that we are so in love with each other, kahit hindi totoo. I'll pay you depending on your acting." Sabi ni Nigoel sabay tingin sa unahan nila. Marahang bumuga ng hangin si Mina. Nasasaktan na siya kahit simula pa lamang ito ng pagpapanggap nila. Nasasaktan siya kasi gusto niya totoo na lang ang lahat ng ito. Kaso malabo! Imposible! "Gawin natin 'yon. Gawin natin para sa imahe at kapakanan mo." Nakangiti man itong sinambit ni Mina ay hindi maikakaila ang lungkot ng tono ng kaniyang boses. "Gagawin ko kahit ano'ng gusto mo hindi dahil binabayaran mo ako. Gagawin ko para sa'yo. Dahil nagugustuhan na kita, Sir," pagpatuloy ng kaniyang isipan marahil hindi ito kayang bigkasin ng kaniyang naruruwag na dila. ILANG HAKBANG ang kanilang isinagawa at naratnan nila ang malawak na sala. Nakaupo sa isang mamahaling sofa ang abuelo ni Nigoel na naka de quattro pa. Tumayo ang matanda kaya sinalubong ito ni Nigoel ng mahigpit na yakap. "Nigoel, apo! Ang saya ko nakita at nahagkan na muli kita, apo." Naiyak ang matanda dahil sa tuwa na makita at mayakap muli ang kaniyang paboritong apo. Nigoel can't hold the happiness inside his heart. Ngumingiti siya subalit kasabay nito ang pagbulwak ng masasaganang luha mula sa kaniyang mga mata. Kahit madalas silang nag-aaway ng kaniyang abuelo ay tunay niya itong mahal. "Abuelo, namimiss ko si daddy," iyak ni Nigoel. Marahan na hinagod ng matanda ang likod ng apo gamit ang kaniyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay nito ay abala sa pagtapik sa balikat ng apong humihikbi. Siyam na taon na ang lumipas nung mawala ang ama ni Nigoel. Siyam na taon na rin ang lumipas bago sila muling nagkita ng abuelo. Kaya ganito na lamang ka emosyonal ang lalaki. "Hayaan mo na ang daddy mo na magpahinga ng tuluyan, apo. Hindi ako naparito upang ibalik siya o iparamdam sa'yo ang sakit na dinulot ng kaniyang pagkawala." Humiwalay sa apo niya ang matanda at dumeretso ito kay Mina na nakayuko. "Naririto ako para makita ang babaeng muling nagpalambot sa naninigas mong puso, apo. Nandito ako upang lubos na makilala ang babaeng kakalinga sa'yo kapag nawala na ako sa mundong ito." Kinuha ng matanda ang kamay ni Mina at hinalikan ito. "Isang magandang umaga para sa'yo, magandang binibini," bati nito kay Mina. Napangiti ng bahagya si Mina. Sa wakas ay nawala ang kaniyang kaba na harapin ang abuelo ng kaniyang amo. "Magandang umaga rin ho, Sir." "Cut that off, hija. Call me abuelo." Ginabay ng matanda patungo sa mahabang sofa si Mina kaya naman ay mas gumaan ang pakiramdam ni Mina. "Masusunod po, abuelo." Ngayon ay umupo na si Mina sa tabi ni Nigoel habang sa tapat nila nakaupo ang matanda. "Wala ka pa rin bang chiks, abuelo?" pabirong tanong ni Nigoel sa kaniyang abuelo. Tumingala sa kumikinang na chandelier ang matanda at gumuhit ng ngiti ang kaniyang mga labi. "Mangyayari lamang iyon kapag bumalik ang iyong abuela sa mundo natin, Nigoel. My love for your abuela is everlasting and incomparable!" masayang sabi ng matanda. "Nagkape na po ba kayo?" tanong ni Nigoel. Umiling ang matanda. "Hindi pa nga, apo. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko dahil sa lamig. Ni hindi man lang ako pinagtimpla ng mga katulong mo dito," kuwento ng matanda. "Those, f**k-" Magagalit na sana si Nigoel pero pinisil ni Mina ang braso niya na animo'y tunay silang magkasintahan. "Hayaan mo na sila. Ang aga-aga, umiinit na naman iyang ulo mo! Ipagtitimpla ko na lang si abuelo," ani Mina. "That's a good idea! Nasasabik na akong matikman ang kape ng lupang sinilangan ko. Isa ring kagalakan ang matikman ang kapeng timpla ng mga kamay mo, Amina." "Paano mo po nalaman ang pangalan ko?" magalang na tanong ni Mina sa matanda. Tumawa ang matanda bago siya bumitaw ng isang malalim na paghinga. "Sikat ka na ngayon, Amina. Kung kaya'y nalaman ko ang iyong ngalan." Ngumiti na lang si Mina bago tumayo at naglakad na para bang suweto niya ang buong mansion. Naalala niya sa kaniyang paglalakad na hindi niya pala alam saan ang kusina rito. Tumingin siya saglit at malambing na tinawag si Nigoel sa kanilang tawagan. "Mine!?" tawag nito kay Nigoel. Tumalima si Nigoel at agad niyang nilapitan si Mina. "What? Don't state the obvious that you don't know anything in this mansion. Patay tayo!" babala ni Nigoel sa sekretarya. "Sorry! Sobra lang yata ang kumpyansa ko." "Hays! Sa susunod kasi mag-isip muna." Isang babala na naman ang sinabi ni Nigoel kay Mina. "Concha!" Nigoel called one of his maids. "Si-Sir!?" Kinakabahan ang kasambahay na yumuko sa tapat ni Nigoel at Mina. "Prepare a hot water and a coffee powder. Samahan mo na lang din ng asukal. Bring it over here!" "O-Opo!" Nang umalis na ang kasambahay ay bumalik ang dalawa sa sofa kung saan sila nakaupo kanina. "She got a vertigo. Dito na lang siya magtitimpla," imporma ni Nigoel sa matanda. "That's not a problem." Tumingin ang matanda kay Mina kaya naman ay napangiti ang babae ng bahagya. Hindi maikakailang lahi ng mga guwapo at matalino ang mga Fortalejo. Para silang pinanganak na perpekto...ugali nga lang minsan ang nakakapagpabagsak sa kanila. Dumating ang kasambahay dala ang mga pinakuha ni Nigoel. Kaya naman ay nagtimpla na si Mina. Halos sakupin ng amoy ng bagong timplang kape ang buoang sala ng mansion dahil sa bango nito. Iba talaga kasi kapag si Mina ang nagtimpla ng kape. Tamang-tama sa panlasa ng kahit na sino. Ang tamis at pait ay pantay lamang. Tumingala ang matanda bago muling inamoy ang halimuyak na nagmumula sa tasang hawak niya. Now, he finally can say that he's really here in the Philippines. Thanks to Mina! "Someone told me that the best wife to be is someone who blends coffee well!" Nilapag ng matanda ang tasa sa ibabaw ng platito at tumingin ito sa gawi ng kaniyang apo. "Parang nakita mo na ang para sa iyo, apo!" A wide smile curved his lips. Nagkatinginan lamang sina Mina at Nigoel sabay bitaw ng pekeng tawa. May kung ano'ng kumuriyente sa mga ugat ni Mina nang maglapat ang balat ng amo niya sa kaniya. Sa kabila ng lakas ng kuryente ay maigi niya itong tiniis dahil sa kakaibang sensasiyon na hatid nito sa kaniya. Gusto ni Mina ang sensasyon na iyon. Gustong gusto! "Yes, tama nga po kayo, abuelo! I finally found her," sabi ni Nigoel sabay hawak sa kamay ni Mina. Bahagyang naputol ang tawa ni Mina at seryuso niyang minasid ang mukha ng kaniyang amo. Nigoel is physically perfect! Walang hindi dapat purihin sa bawat sulok at detalye sa katawan ng lalaki. Sa kabuuan nito, hindi naman mukha ng lalaki ang nakapagpatigil sa kaniya kun'di ang salitang sinambit nito. Hindi siya dapat nasasaktan sa tuwing may sinasabing bola ang amo niya. Una sa lahat, nagpapanggap lang sila. Pangalawa, sinasahudan naman siya ng amo niya. Pangatlo, parte na ito ng pagpapanggap nila at trabaho niya. Yet, little did Nigoel know, Mina was falling in love with him. Kaya hindi madali magpanggap na hindi siya naaapektuhan ng mga sinasabi ni Nigoel. Kung tutuusin nga'y dapat na gamitin ni Mina ang totoong nararamdaman niya para mapaniwala niya ang lahat na totoo ang relasyon nila e. Kaso, isa lang ang humaharang sa kaniya na gawin ito. Ang takot. "Amina and Nigoel." The old man cleared his throat. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I want you to get married as soon as possible!" "P-Po!?" Halos sakupin ng sigaw ni Mina ang buong mansion. "Bakit, Mina? Ayaw mo ba?" tanong ng abuelo kay Mina. "P-po--" Nigoel broke the silence through laughing emotionlessly. "She's just so excited about our marriage life to be, abuelo!" Then he silently squeezed Mina's hand. "Right, Mine!?" Hilaw na tumawa si Mina. "R-Right! O-Oo!" "I am more excited to see your sons and daughters playing inside this mansion. Bilisan n'yo na at gusto ko makita ang mga apo ko sa tuhod bago ako mawala sa mga mata niyo." Nigoel's abuelo stared away. Bakas sa boses ng matanda ang lungkot kaya sa halip na isigaw ang protesta ay kinimkim na lamang ito ni Mina. Ngayon lang sila nagkita ng matanda at ayaw niya na madismaya ito sa kaniya. Mamaya na lang niya sasabihin ang kaniyang hinaing kapag sila na lang ng kaniyang amo. "Abuelo, huwag kayong magsalita ng ganiyan!" Tumayo si Nigoel at pumunta ito sa likuran ng matanda. He slowly massages his grandfather's shoulders. "You still have many many years to enjoy! Hindi kaya halata na otsenta anyos ka na! Para ka lang, nasa thirty plus!" Biro pa nito sa matanda. "You, stop doing that!" sabi ng matanda sa kaniyang apo. "Ang alin? Iyong pagmamasahe ko sa iyo?" "No." Tumayo ang matanda nang matapos niyang inumin ang huling lagok ng kaniyang masarap na kape. "You should stop forcing me to live many many years, Nigoel. Malay mo bukas-makalawa'y mangingisay na ako sa aking higaan," malungkot na ani Senior Feriso Fortalejo. "Abuelo!" tawag nito sa matandang gumawa ng hakbang patungo sa hagdan. "Let me rest, Nigoel! I still have jet lag!" Lumingon ito kay Mina kaya nama'y napangiti si Mina. "Amina, don't disappoint me. What I hate the most are disappointments! Marry my grandson and make a big-happy family with him!" Hindi na muli pang lumingon ang matanda nang pinokus nito ang kaniyang tingin sa mahaba't paikot-ikot na hagdan sa mansion ng kaniyang apo. NAIWANG NAKATINGIN sa isa't isa ang mga mapagpanggap. Parehong balisa at hindi makapag-isip ng tuwid ang dalawa. "Itigil na natin 'to. Ikaw na lang ang bahala sa lolo mo at ako na ang bahala sa anak ko. Hindi ko pakikialaman kung ano ang irarason mo sa kaniya. Hindi ko kaya ang gusto niya," suhestiyon ni Mina. Tumingin sa kaniya si Nigoel. Bakas sa mga titig ni Nigoel ang hindi matiyak na emosyon sapagkat magkahalo na ang mga ito. Nigoel stood up and he pointed his finger on Mina's face. "What a f*****g-bullshit-useless suggestion! Don't you f*****g dare put me on shame! Hindi ako puwedeng mapahiya! Pinakilala kita sa buong mundo!" galit nitong sabi kay Mina. "Just be grateful because someone introduced you to public! I am not just a f*****g who, Mina! This is me, Mina! This is Nigoel Fortalejo!" Gustong magsalita ni Mina at sagutin ng pabalang ang amo nitong makasarili. Puro na lamang imahe at kalagayan niya ang kaniyang iniisip. Paano naman si Mina na nahihirapan kahit simula pa lamang ito ng kanilang pagpapanggap? Inisip din ba siya ni Nigoel? "Puro ka na lang side mo ang dapat na nasa tamang ayos." Dumaloy ang luha mula sa mga mata ni Mina. Lumihis ang tingin ni Mina at tinuon ito sa isang sulok kaya malabo na ang mga detalye ng mukha ng kaniyang amo. "Puro na lang sarili mo ang concern mo." "Makapagsalita ka naman Mina, parang hindi ka binabayaran! Stop being so dramatic and take the chance! Just be thankful, dahil sa akin ay hindi na kayo naghihirap ng anak mo! Isn't it fair enough!?" "Isipin mo rin sana ako. Isipin mo rin sana kung pabor pa ba sa akin ang pinapagawa mo. Hindi iyong gagawin mo kung ano ang gusto mo!" Hinawakan ni Nigoel ang baba ni Mina at pinaharap ito sa kaniya. Nakita niya na paano magkarera ang pakete ng mga luha mula sa gilid ng mata ni Mina hanggang sa nagsipatakan ang mga ito sa kaniyang paanan. Nigoel doesn't give his care! Halos pigain niya nga ang baba ni Mina dahil umiinit ang kaniyang ulo. "Sino ka ba?" galit at nanginginig na tanong ni Nigoel sa luhaang babae. Halos hindi na makalunok-laway si Mina sa narinig niya. Parang bala ng baril ang tanong na binato sa kaniya ni Nigoel. Pinaalala nito sa kaniya kung ano lamang siya. She's just a hired nobody to portray the role of being Nigoel's girlfriend. "Huwag kang umasta na hindi ka bayad! I am paying you for this! Gagawin mo kung ano ang ipagagawa ko sa iyo! Sundin mo ang lahat ng gusto kong ipagawa sa iyo!" Nigoel made an insulting smile. "Wala kang pinagkaiba sa bayaran, Mina!" Napuno ng galit ang puso ni Mina. May umudyok sa kaniya na gawin ang isang bagay na marapat lang matikman ni Nigoel. Napahawak na lang si Nigoel sa umaanghang niyang pisngi dahil sa sampal ng kamay ni Mina. Walang pinagkaiba si Nigoel sa lalaking kinama lang si Mina para lamang mapuna ang tawag ng uhaw na laman nito. Walang lihis ang ugali at kabastusan ni Nigoel sa lalaking ginapos ang mga kamay ni Mina sa dulo ng kama habang winawarak ang kaniyang p********e. Halintulad si Nigoel sa lalaking sumira hindi lamang sa buhay na gusto ni Mina at sa dignidad na nawala sa kaniya. Parehas nilang pinamukha at piramdam kay Mina na bayad na si Mina sa mga bagay na pinaggagawa nila rito. "Nasaktan ka? Nasaktan ka dahil iyon ang totoo! You need me, after all!" Sasampalin na naman sana ni Mina si Nigoel subalit sinalo niya ang kamay ng babae at piniga ito. Hinagis niya ang kamay ni Mina at iniwan niya lamang ito na umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD