EXCITED na pumasok si Fiona ng university nila. Dalawang araw din niyang hindi nakita si Jayden dahil weekend. Kaya kahit madilim pa ay nakagayak na ito. Naiiling na lamang ang Tiyahin nito dahil gan'tong-gan'to ang dalaga sa tuwing lunes. At alam naman nito kung bakit excited itong pumasok ng university nito. Dahil sa binatang gustong-gusto ng pamangkin nito na palaging bukangbibig ng dalaga sa kanya.
“Anak, kumain ka na muna dito.” Pagtawag nito sa dalaga na nakahanda ng pumasok.
Matamis ang ngiti nitong nilapitan ang Tiyahin na naghain ng almusal nila. Simpleng sinangag na maraming bawang at sinuyas. May sahod din itong patatas, corn beef at itlog. Pritong tuyo, nilagang talong at talbos ng kamote na may sawsawang bagoong at kalamansi lang ang nakahain sa hapag kainan ng mag-Tita pero kita ang saya sa mata ng mga ito.
“Salamat ho, Tita. Mga paborito ko pa talaga ang inihain mo,” nakangiting wika ni Fiona na hinagkan sa pisngi ang Tiyahin nito.
“Syempre naman, anak. Kailangan mo ng energy lalo na't lunes ngayon. Kaya dapat lang na busog ang tyan mo para may lakas ka sa buong maghapon. Nakahanda na rin pala ang lunch box mo. Ewan ko ba sa'yo na may pambili ka naman ng makakain pero mas gusto mo pang nagbabaon. Aba. . .ikaw na lang yata ang nagbabaon pa rin sa university niyo eh kadalaga mong tao. Dinaig mo pa ang daycare niya'n na may baon, anak.” Naiiling wika ng Tiya Kyla nito habang naglalagay ng pagkain sa plato.
“Mas gusto ko po kasi ang luto niyo, Tita. Mas masarap at paborito ko po ang mga gawa niyo. Syempre. . . may halong pagmamahal eh. Kaya nga mabenta ang mga lutong ulam niyo sa lahat.” Nakangiting sagot naman ni Fiona na nagsimula na ring kumain.
“Basta, anak. Kapag may nang-away sa'yo sa university niyo ay magsabi ka lang, ha? Hinahayaan kita sa gusto mo pero hindi ibig sabihin no'n ay mananahimik lang ako sa isang tabi kapag kinukutya ka ng ibang tao.” Saad ng Tiya nitong ikinalunok nito na pilit ngumiti.
“Hwag po kayong mag-alala, Tita. Wala naman pong bully sa school namin. Bawal ho iyon doon at mahigpit ang school sa mga ganyang bagay,” sagot nito na ikinatango-tango ng Tiyahin nito.
“Mabuti naman kung gano'n, anak. Walang sinoman ang pwedeng nangmamaliit sa'yo, Fiona. Lalo na't hindi sila ang nagpapakain sa'yo.” Dagdag pa nito na pilit ikinangiti ng pamangkin na ‘di na lamang nagkomento.
Kilala kasi nito ang Tiyahin. Alam niyang hindi ito nagbibiro sa sinaad nito. Mula elementary hanggang high school kasi ay binu-bully si Fiona sa school nito. Kaya naman umuuwi itong umiiyak dahil sa pambu-bully sa kanya ng mga classmates nito. Madalas ay nakikipag away talaga ang Tiya nito sa mga classmates maging sa mga magulang ng mga nambu-bully kay Fiona. Kaya naman ngayong nasa kolehiyo na siya ay hindi na nagsusumbong sa Tiya nito kahit hanggang ngayon ay binu-bully siya sa school.
PAGDATING nito sa university ay tumuloy ito sa parking lot kung saan ito tumatambay sa umaga para hintayin ang pagdating ni Jayden. Pero laking gulat nito na makitang nasa parking na ang Ferrari ni Jayden!
Bumilis ang kabog ng dibdib nito na napapalunok na kaagad iniiwas ang tingin sa kotse. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang binundol ng kakaibang kaba sa dibdib nito! Napaatras ito na napayukong pumihit na patalikod sa kotse ni Jayden. Kahit gusto sana niyang masilayan na muna ang binata ay biglang umurong ang buntot nito. Pagkakataon na sana niyang malapitan ang binata dahil maaga pa at paisa-isa pa lang ang mga estudyanteng maaga katulad niya pero bigla siyang naging duwag sa hindi malamang dahilan.
“Hey.”
Nanigas ito sa kinatatayuan na dama ang pangangatog ng nga tuhod na may tumawag sa kanya mula sa likuran nito. Hindi man siya sigurado na siya ang tinatawag ng baritonong boses pero kakaiba ang kabang nadarama nito na ikinabibilis ng kabog ng dibdib nitong dama ang matiim na pagkakatitig sa kanya ng kung sino. At kahit napaka imposible ay umaasa itong si Jayden Madrigal ang tumawag sa kanya.
“Do you know where to buy a coffee here?”
Napalapat ito ng labi na nagsalita itong muli sa likuran nito. Dinig niya pa ang mga hakbang nito at ang prehensya at pabango nito na ikinasinghap nitong parang matutumba na sa panlalambot ng kanyang mga tuhod!
“A-ako ba?” utal nitong paninigurong tanong.
Halos mawalan ito ng ulirat na nagtungo sa harapan niya ang binata at makumpirmang. . .si Jayden Madrigal nga ang tumawag sa kanya! Natutulala itong walang kakurap-kurap na nakamata sa kaharap nitong ngayon niya lang natitigan ng sobrang lapit!
“Yeah. Who else? Honestly, hindi ako pamilyar sa campus. Hindi ko alam kung saan ang coffeeshop dito. Hindi pa kasi ako nag-aagahan kaya–”
“Ibibili kita!” presinta kaagad nito na hindi na nahintay matapos ang sasabihin ng binata.
Napakurap-kurap naman si Jayden na bahagyang naipilig ang ulo. Kahit napakalapad ng ngiti ng dalaga sa harapan nito ay hindi niya magawang ngumiti lalo na't kitang-kita nito kung gaano kapangit ng balat ng dalaga sa mukha! Puno ito ng naglalakihang tigyawat sa buong mukha nito. Idagdag pang makapal ang kilay nito na hindi rin bumagay ang brace nito sa ngipin!
“Ahem!” napatikhim ito na inayos pa ang suot na coat. “Don't get me wrong, Mis. Nagtatanong lang ako kung nasaan ang coffeeshop dito. Hindi ko naman sinasabing. . .ilibre mo ako.” Paglilinaw ni Jayden na ikinangiti pa rin ng dalaga.
“Uhm. . . alam ko naman ‘yon, young master. Offer ko lang po iyon. Kung mamarapatin niyong pagsilbihan ko kayo,” sagot nito na halos hindi na kumukurap na nakamata lang sa binata.
Tipid na ngumiti si Jayden na tumango-tango.
“Caramel macchiato and strawberry shortcake. Dalhin mo sa rooftop ng building naming mga criminologist. Is that clear?” wika ni Jayden na iniabot dito ang isang credit card.
Napapalunok si Fiona na nangangatal pa ang kamay nitong inabot ang credit card ni Jayden.
“Copy.” Sagot nito na halos hindi na humihinga nang mahawakan ang credit card ng binata.
“You can buy your coffee and cake too. My treat for buying my breakfast. Hurry up, huh? Nagugutom na ako,” wika pa ni Jayden dito bago tinalikuran ang dalagang nakatulala sa kanya.
“OMG! Totoo ba ito!?” impit na tili ni Fiona na hinalik-halikan pa ang credit card ni Jayden na napapairit at talon sa kilig at tuwa!
Lingid sa kaalaman nito ay first move iyon ni Jayden para makalapit sa kanya. Napailing na lamang si Jayden na nakamata sa dalagang napapatalon at irit na panay ang halik sa credit card nito habang palabas ng university para ibili siya ng order nito. Alam naman niya na may coffeeshop sa tapat ng university nila. Sinadya niya talagang agahang pumasok ngayon para masimulan ang bet nilang magkakaibigan. At dahil madalas nilang napapansin na nakatambay ang dalagang nerd sa harapan ng parking lot at may mga nakahilerang bench doon ay inagahan nitong pumasok para sadyahin ang dalaga.
Wala sa plano ni Jayden na ikama ito. Makikipaglapit lang siya para ipakita sa mga kaibigan na tumutupad siya napag-usapan. Kapag nakuha na niya ang loob ng dalaga ay saka nito kakukuntiyabahin na magpanggap silang may namagitan sa kanila kahit wala. Kailangan lang naman niyang magpakita ng proof sa mga kaibigan na naikama nito ang dalagang nerd para matapos ang dare nila. Kaya din nagpatalo ito sa pustahan at sa kanya napunta ang dalaga. Dahil plano niyang tapusin ang punishment nila na hindi niya ginagalaw ang dalaga.
Napapahilot ito ng sentido na nakaupo sa isang bench na nasa rooftop ng building nila. At dahil sobrang aga pa ay walang ibang tao sa rooftop. Papasikat na rin ang araw kaya ninanamnam nito ang init na hatid ng sunrise.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang dalaga na dala ang order nitong kape at shortcake. Kahit hinihingal ang dalaga at pinagpawisan ay nakangiti pa rin ito sa kanya. Napapailing na lamang ito sa isip-isip na nagpapatay malisya sa itsura ng dalaga. Nagpapasalamat na lang ito na hindi ito katulad sa iba na patay na patay sa kanya. Kung ibang babae lang ito ay kanina pa ito napapairit na sinasamantalang yakapin ito at kunan sila ng litrato na magkasama.
Pero itong nerd na ‘to ay tila nagkakasya na lamang na titigan siya at ngitian. Kung tutuusin ay maganda naman ang tubo ng mga ngipin ng dalaga. Idagdag pang mapuputi at pantay-pantay ang mga iyon. Kaya nawiwirduhan ito kung bakit nakasuot pa ng brace ang dalaga gayong hindi naman bumagay sa kanya. Lalo lang siyang pumangit sa brace nitong suot at malaking salamin sa mga mata.
“Sorry natagalan ako, ha? Kumain ka na.” Hinihingal na wika ng dalaga na maingat inilapag sa mesa ang mga dala nito.
Nangunotnoo naman si Jayden na mapansin niyang walang binili ang dalaga na para sa kanya. Tanging ang order lang nitong caramel macchiato at strawberry shortcake ang binili nito kasama ang credit card at resibo.
“Hindi ka bumili ng sa'yo?” pasimpleng tanong nito na hinayaan lang maupo ang dalaga sa harapan nito.
“Uhm, hindi nakakahiya naman kasi sa'yo, young master. Saka. . . busog po ako eh. Kumakain po kasi ako sa bahay namin bago pumapasok.” Nakangiting sagot nito na nakatameme na naman sa binata.
Napatango-tango naman si Jayden na inabot ang coffee nito. Patay malisya na lamang siya na pinapanood siya ng dalaga habang kumakain at nagkakape. Kita sa peripheral vision pa nito na napapanganga ang dalaga na titig na titig sa bawat galaw nito. Kaya nanatili sa ibang direction ang mga mata nito habang nagkakape.
“Anyway. . . what is your name?” pasimpleng tanong ni Jayden matapos maubos ang kape at shortcake nito.
Tila hindi naman nangangawit ang mga labi ng dalaga na nakangiti pa rin sa kanya. Kitang-kita rin nito ang pagningning ng mga mata ng dalaga habang matiim na nakatitig dito.
“Fiona! Ako si Fiona Morales, sa medicine ako at graduating na rin katulad mo. Magkaiba nga lang tayo ng kurso,” masiglang sagot nito na napakalapad ng ngiti sa mga labi.
“Oh, doctor?”
“Oo!” agad nitong sagot na may kasamang pagtango-tango.
Tipid na ngumiti si Jayden na halos ikalusaw ng puso ni Fiona na nakamata ditong ngumingiti ang binata. Hindi rin ito aroganteng kausap kundi napaka kalmado nito. Pakiramdam niya ay lalo lang tuloy siyang nabighani sa binatang kaharap ngayon.
“You know me?”
“Oo naman! Jayden, ‘di ba? Jayden Madrigal,” masiglang sagot ni Fiona na ikinatango-tango ni Jayden na may tipid na ngiti sa mga labi.
Sa nakikita kasi nito ay hindi siya mahihirapang makipaglapit sa dalaga. Mukhang masunurin din ito kaya mabilis niya lang magagawa ang punishment nila na hindi ginagalaw ang dalaga.
“Anyway. . . gusto mo bang sumama sa akin mamayang hapon? Pupunta ako sa clinic ng dermatologist ko. Magpatingin ka rin. Tingin ko kailangan mo ‘yon. Nasisira na kasi ang balat mo sa mukha dahil sa acne mo,” wika ni Jayden na ikinalunok ni Fiona na unti-unting napalis ang malapad nitong ngiti. “Hey, don't get me wrong, Fiona. Hindi kita kinukutya. Gusto ko lang tulungan ka sa problema mo sa balat. Hindi ko intention na hamakin ka kung ‘yon ang iniisip mo,” agap ni Jayden na makitang nasaktan at nahiya ang dalaga sa sinaad nito.
“H-hindi. Hindi naman kita hinuhusgaan, young master. Saka. . . naiintindihan ko naman ang punto mo. Tama ka naman d'yan, may salamin naman kami sa bahay at nakikita ko kung gaano karami ang nakatirang pimple sa mukha ko.” Sagot ni Fiona na pilit ngumiti sa binata.
Napahinga ng malalim si Jayden na hindi na malaman kung ano pang sasabihin para mas makilala sana nito ang dalaga. Sa nakikita kasi nito ay hindi ito anak mayaman. Ni wala din itong ka-make-up make-up sa mukha maski hikaw o bracelet. Pero dama naman niyang hindi ito nakakairita o nakakailang kasama. Kahit kasi natataranta ito ay hindi ito mapagsamantala. Na tipong may kahihiyan pa rin naman ito sa sarili.
“Pero. . . sagot mo ba? Ang alam ko kasi ay mahal ang magpa-konsulta sa mga dermatologist lalo na at private ang sa'yo,” wika ni Fiona sa ilang minuto nilang katahimikan.
“Of course. ‘Yon na lang ang treat ko sa'yo sa pagbili mo ng breakfast ko. Salamat, ang bait mo.” Wika ni Jayden na may tipid na ngiti sa mga labi.
Tumayo na ito na dumarami na ang mga estudyante. Nag-message na rin ang mga kaibigan nito na dumating na sila ng university at hinahanap ito.
“Salamat din, young master. Isang karangalan po sa mga katulad kong makausap at mapagsilbihan kayo.” Nakangiting saad ni Fiona na tumayo na rin kasabay ito.
“It's small thing. Kunin ko na lang ang number mo para matawagan kita mamayang hapon pagkatapos ng klase natin,” sagot ni Jayden na nilabas ang cellphone nito.
Nahihiya namang inabot iyon ni Fiona na kitang ang bagong model ng iPhone pro max ang gamit na cellphone ni Jayden. Hiyang-hiya naman itong ilabas ang cellphone nito na secondhand lang na nabili sa palengke.
Nangangatal pa ang mga daliri nito na itinipa ang kanyang cellphone number sa cellphone ni Jayden na isinave iyon bago iniabot sa binata.
“Thank you. Mauna na ako sa'yo. Sumunod ka na lang mamaya after ten minutes. Mahirap ng. . . may ibang taong makakita sa atin na nanggaling dito. Baka iba pa ang isipin at ichismis tayo,” saad ni Jayden na isinilid muli sa bulsa ang cellphone nito.
Pilit ngumiti si Fiona sa binata na tumango. Naiintindihan naman nito ang punto ni Jayden. Sapat na sa kanya na magkakilala na sila ng binata at ngayo'y na kay Jayden na rin ang cellphone number nito. Labis-labis na ang pabor na nakuha niya ngayong araw na nakasama kahit sa loob lang ng thirty minutes ang binata, lalo na't solo niya ito ngayon.
Nakangiti itong inihatid ng tanaw ang binatang bumaba na ng building. Dinampot naman nito ang pinag-ubusan ni Jayden ng kape at shortcake nito na kinikilig inamoy ang ginamit na disposable spoon at ang baso ng kape ni Jayden na isinilid sa bag nito. Naghintay na muna siya ng sampung minuto bago bumaba ng building at magsisimula na rin ang klase nito.
HALOS lutang sa buong maghapon si Fiona na ang iniisip ay walang iba kundi ang namagitan sa kanila ni Jayden. Hindi ito maka-focus sa inaaral nito na si Jayden ang laman ng kanyang utak.
Pagdating ng dismiss nila ay excuse na itong lumabas na nagtungo sa parking lot. Naupo ito sa isang bench doon na kinakalukat ang cellphone nito. Naghihintay ng message ni Jayden tungkol sa lakad nila ngayong hapon.
Kita naman nitong nasa parking pa ang Ferrari ni Jayden at mga kaibigan nito. Kaya nakakatiyak siyang nasa loob pa ng campus ang binata.
“Ms Fiona Morales?”
Napaangat ito ng mukha na may tumawag sa pangalan nito. Nagtataka naman itong napaayos sa suot na salamin sa mata na mabungaran ang isang lalakeng may edad na at naka-uniform ng driver habang nakatayo sa harapan ng magarang itim na BMW.
“Yes po?” kabadong sagot nito sa matanda.
Bahagyang yumuko at ngumiti pa ang matanda dito na dahan-dahang napatayong pilit ngumiti pabalik sa matanda.
“Get in po, Ma'am. My boss is waiting for you inside the car.” Magalang wika ng matanda.
“S-sino po bang boss niyo, Sir?”
Awang ang labi ni Fiona na napasulyap sa kotse nang bumaba ang tinted window nito at nakita sa loob si Jayden na may suot pang sunglasses at headset. Sinenyasan siya nitong sumakay na ng kotse kaya mabilis itong lumapit na kinikilig sumakay sa BMW ng binata.
“Hi,” nahihiyang pagbati nito na makaupo sa tabi ni Jayden.
Pagtango lang naman ang isinagot ng binata na sinenyasan ang driver nitong magmaneho na.
“Uhm, matatagalan kaya tayo doon, young master?” hindi nakatiis na tanong ni Fiona dito.
Napasulyap naman si Jayden sa rolex watch nito na napanguso.
“It took one to two hours. No worries, ihahatid naman kita sa bahay mo. You have nothing to worry about kahit abutan tayo ng dilim sa labas.” Sagot ni Jayden na ikinangiti nitong impit na napapairit sa isipan.
“Ihahatid mo ako sa bahay namin?” paninigurong tanong pa nito na nakamata sa binata.
“Yeah. Para ligtas kang makauwi.” Simpleng sagot ni Jayden na nanatili sa harapan ang paningin kahit kita niya sa peripheral vision niyang nakamata sa kanya ang dalaga.
“Salamat ha? Ngayon pa lang ay labis-labis na ang pasasalamat ko sa tulong mo.”
“It's nothing.”
Napangiti ang dalaga na umayos na ng upo na hindi na kinulit ang binata kahit gustong-gusto sana nitong kausap si Jayden.