Chapter 4

2229 Words
NAPAPALAPAT ng labi si Fiona na sa isang private clinic siya dinala ni Jayden at katulad ng sinabi ni Jayden sa kanya kaninang umaga ay ito ang sumagot sa pagpapakonsulta nito sa dermatologist ni Jayden. Kabado ito nang pumasok sila sa room ng nurse na siyang nag-assist sa kanya. Naiwan naman si Jayden sa waiting area ng clinic na kinakausap ang doktorang susuri kay Fiona. “Sino ba siya, hmm?” tudyo ni Doc Dina dito na napakamot sa ulo. “Just do my favor, doc Di. Alam kong maaayos mo ang mukha niya sa galing mong dermatologist. Tingin ko kasi. . . maganda siya sa kabila ng pagiging nerd niya. Wala siyang self confidence kaya tulungan mo rin siyang i-boost ang sarili. Na makalabas siya sa comfort zone niya at ilabas ang totoong mukha niya.” Wika ni Jayden na pinirmahan ang cheque na iniabot sa doctora. “Name your price, doc Di. Basta tulungan mo si Fiona na mailabas ang totoong ganda niya. At. . .walang ibang makakaalam nito sa pamilya ko, okay?” Naiiling namang kinuha ng doktora ang cheque nito. “Sisingilin kita ng mahal na kailangan ko pa itong itago sa parents mo, ha?” ani ng doktorang mahinang ikinatawa at iling ni Jayden. “It's up to you, doc.” Nangingiti namang naglagay ng 500 thousan na amount price ang doctora na ipinakita kay Jayden na tumango lang. Ang cheque kasi ay direkta sa bank account ni Jayden kaya sa kanyang pera sa banko maibabawas ang 500 thousand pesos bilang bayad ng doktora. “Mukhang. . .type mo siya, hmm? Handa kang gumastos ng half million only for her,” tudyo pa ng doktora ditong napangiwi. “Magtigil ka nga, doc. She's just a friend that need help. Kaya nga sa iyo ako lumapit eh. Dahil alam kong kayang-kaya mo siyang palabasin sa comfort zone niya.” Saad ni Jayden dito. Family friend doctor kasi nila ang dalaga. Kaya dito niya dinala si Fiona at kakilala na niya ang dermatologist. Halos silang buong angkan ay dito sa doktora na ‘to nagpapaalaga ng balat. Kaya napapanatili ng mga magulang maging ang Lolo at Lola nila ang magandang kutis dahil sa kalidad at serbisyo ni Doc Dina na maaasahan. “Hmfpt. Pag ikaw nalaman kong nililigawan mo si Fiona, isusumbong kita sa Mommy Sofi mo.” Tudyo pa nito na sinusundot sundot sa tagiliran ang binatang natatawang napapaiktad. “Kaibigan nga lang kasi.” “Kaibigan daw. Baka naman kai. . .bigan.” Napailing na lamang si Jayden na naupo sa sofa at dumampot ng magazine na nakadekwatro ng binti. Pumasok na rin kasi sa silid ang doktora para masuri nito si Fiona. Napapasipol pa ito na nagbabasa ng magazine para hindi mabagot sa paghihintay na matapos si Fiona sa loob. NAPANGITI ang doktora na pinakatitigan ang dalagang pasyente nito. Tama kasi si Jayden sa sinaad nito kanina. Maganda ang dalaga kahit napaka nerd nito tignan. “I'll remove your reading glasses ha?” paalala pa nito na ikinatango ni Fiona. Napapikit ito na maingat na inalis ng doktora ang salamin nito sa mata. Lumabo na kasi ang paningin nito na maalis ang makapal niyang reading glasses. Napapanguso naman ang doktora na sinusuri ang balat ng dalaga. Nagkaka peklat na kasi ang pisngi nito mula sa scars na dala ng mga pimple nito sa mukha. “Kailan pa nagsimulang tubuan ka ng tigyawat, Ma'am Fiona?” tanong nito na masuri ang balat ng dalaga. “Uhm, mula po noong thirteen years old ako, Doc. Noong nagsimula na ang monthly period ko ay nagsimula na rin akong tubuan ng pimple. Hindi na nga nila ako tinatantanan na ginawa ng syudad ang mukha ko. Syudad ng pimple.” Pabirong sagot ni Fiona na mahinang ikinatawa ng doktora. “I like you. Ramdam ko kasing mabait kang bata at hindi plastic. Mukhang nakahanap nga ng katapat ang panganay ni Inspector Haden,” wika ng doktora na may ngiti sa mga labi. Inabot ng halos dalawang oras ang pag-asikaso nito kay Fiona. Kahit paano ay nabawasan nga ang pimples nito sa unang session pa lang nila. Marami ding ibinigay ang doktora na beauty products kay Fiona na gagamitin nito sa gabi at umaga para maalis ang mga pimple nito at maghilom ang mga scars nito sa mukha mula saga pimple nito. Maging sa mga kinakain nito ay pinaiwas siya ng doktora sa mga mamantikang pagkain. Pursigido naman ang dalaga na maalis ang mga pimple nito kaya lahat ng payo at instructions ng doktora kung paano nito i-treatment ang mukha sa bahay ay pinakatandaan nito. “Where do you live, Fiona?” tanong ni Jayden dito habang pauwi na sila. “Sa BGC pa ako eh. Kung mapapalayo ka ay mag-taxi na lang ako, young master. Napakalaking abala ko na sa'yo ngayong araw,” magalang wika ni Fiona. “It's okay. I insist. Sabi ko naman sa'yo, ihahatid kita kahit magabihan tayo sa pupuntahan natin.” Sagot ni Jayden na sa labas ng bintana nakamata. “S-salamat, young master.” Tipid na ngiti at tango lang ang isinagot ni Jayden kaya muli silang natahimik sa kahabaan ng byahe. Napapalapat ng labi si Fiona na hindi mapakali ang isipan habang papalapit na sila sa bahay nila. Hindi na kasi nito alam kung masusundan pa ba ang gan'tong moment nila ni Jayden o ito na ang una at huli. PARA itong maiiyak nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Pinatay naman ng driver ang headlights na lumabas na muna ng kotse kaya naiwan silang dalawa sa loob. Napapalunok ito na bumilis ang t***k ng puso nang aksidente nitong nasagi ang daliri ni Jayden na nakalapat sa upuan. Para itong nakuryente na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente sa pagkakasagi nito sa daliri ng binata. Dahilan para mapalingon ito dito. At kahit madilim sa loob ay dama nito ang matiim na pagkakatitig sa kanya ni Jayden dala na rin ng liwanag ng street lights mula sa poste na katapat nila. “Uhm. . . sige mauna na ako, young master. Maraming salamat ulit ha?” “Can we be friends, Fiona?” Natigilan ito sa isinagot ni Jayden na hindi niya lubos akalain! Lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso nito sa narinig na paulit-ulit nagri-replay sa isipan nito. “F-friends po? Ako po, young master?” utal na ulit na pangungumpirmang tanong ni Fiona. Pigil ang paghinga nito na hinihintay ang sagot ni Jayden nang kinuha nito ang kanyang kamay na marahang pinipisil-pisil iyong ikinasinghap ni Fiona. Kahit malambot ang palad niya ay ‘di hamak na mas malambot at mainit pa ang palad ni Jayden dito! “Uhm, yeah. Friends. Anyway, get this. Magkape ulit tayo bukas sa rooftop ng building ko. Magdala ka ng kape natin at 6:30 in the morning. Hintayin kita doon,” wika ni Jayden na ibinigay muli ang credit card nito sa dalaga. Napapalunok si Fiona na hindi makahulma lalo na't hawak pa rin ni Jayden ang kamay nito. “S-sige.” Utal nitong sagot na ikinasilay ng ngiti ni Jayden. Pero dahil madilim sa loob ng kotse ay hindi iyon nakita ni Fiona. “Are we friends now, Fiona?” may halong lambing nitong tanong na ikinalunok ng dalaga. “Young master, m-mahirap lang po ako. Kita mo rin naman na hindi ako maganda. Para nga po akong pulubi na naitabi sa'yo. Hindi po ba't ang sagwang tignan na naitatabi ka sa isang katulad ko?” nahihiyang wika ni Fiona. Napalis ang ngiti ni Jayden na nakadama ng kurot sa puso nito sa sinaad ng dalaga. Na wala manlang itong self confidence na maging magkalapit sila. Napahinga ito ng malalim na marahang pinipisil-pisil ang kamay ng dalagang hawak pa rin nito. Kahit naman kasi kastiguhan niya ang sarili ay hindi naman niya mabitawan ang kamay ni Fiona na hawak-hawak nito. “Gano'n ba kababa ang tingin mo sa sarili mo na naitatabi ka sa akin, Fiona? Hindi ka ba komportable na makasama ako? Mas napapababa ko ba ang self confidence mo?” may halong pagtatampong tanong ni Jayden na kaagad nitong inilingan. “Hindi naman sa gano'n, young master. Gusto ko nga po kayong kasama at kausap eh. Gustong-gusto po. Pero. . . hindi ka ba nahihiyang naitatabi sa akin? Hindi ka ba nandidiri? Hindi ka ba–J-Jayden.” Naputol ang ibang sasabihin pa sana nito na nasambit ang pangalan ng binata na pinagsalinop ni Jayden ang kanilang mga daliri at halos maghalikan na sila na inilapit ni Jayden ang mukha dito. Parang lulukso na ang puso ni Fiona sa ribcage nito na tumatama sa kanyang mukha ang mainit at kay bangong hininga ni Jayden! At kahit napaka imposible ay hinihiling nitong tumigil muna ang sandali at ninanamnam nito ang moment na sobrang lapit ng mukha ni Jayden sa mukha niya! “Stop insulting yourself, Fiona. Nilalapitan kita to boost your self confidence. Hindi para mapababa pa lalo ang pagtingin mo sa sarili mo,” pabulong anas ni Jayden na ikinalunok nito. “Kung napapababa ko lang ang pagtingin mo sa sarili? Mas maganda sigurong hindi na kita lalapitan.” “H-hindi. O-okay lang, young master. Sige. . . lalakasan ko po ang self confidence ko para sa inyo. Para makasama po kayo,” agap ni Fiona na ikinalunok nilang pareho dahil halos magkasagian na ang mga labi nila. “A’right. And one more thing, Fiona.” “A-ano po iyon, young master?” “Stop calling me, young master, Fiona. Kung gusto mo akong maging kaibigan mo ay dapat tinatawag mo ako sa pangalan ko. And stop putting po kapag kausap mo ako. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin para maging magalang ka sa akin ng ganyan. Mas gusto ko na casual kang makipag-usap sa akin. Na hindi ka naiilang sa akin. Para hindi rin ako. . . mailang sa'yo,” pabulong saad ni Jayden na ikinalabi nitong parang malulusaw na ang puso nito! “N-nakakahiya po.” “Nah. Don't be, Fiona. Mas gusto kong tinatawag ako ng mga friends ko sa pangalan ko. Na hindi nila iniisip ang agwat namin sa buhay. And now, you are one of my friends now. So you should call me by my name. Is that clear?” wika ni Jayden na ikinatango ni Fiona na halos hindi makapagsalita. “I want to hear it coming from you,” anas ni Jayden na ikinasinghap nito na napapisil si Jayden sa kamay nitong hawak pa rin nito. “S-sige. Kung ‘yon ang gusto mo, J-Jayden.” Nauutal nitong sagot na ikinangiti ng binata. “Ang sarap pakinggan, Fiona.” Napalunok ito sa paanas ng binata lalo na't magkalapit pa rin ang mukha nila na halos maghalikan na. Hindi naman niya mailayo ang sariling mukha dahil aminado siyang gustong-gusto niya ang posisyon nila ni Jayden. Kung saan magkahawak ang kamay nila, magkaharap at dikit ang katawan nila. Na halos nagpapalitan na sila ng hanging nalalanghap sa sobrang lapit ng kanilang mukha. “J-Jayden,” nahihirapang sambit ni Fiona na namigat ang paghinga sa paghawak ni Jayden sa batok nito na tila hahalikan siya nito! Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Fiona na hindi makakilos sa kinauupuan! Nasasabik siya na kinakabahan lalo na't nagkakasagian na ang tungki ng ilong nila ni Jayden! Malalalim ang paghinga ni Jayden na pinipigilan ang sarili. Hindi niya rin maintindihan kung bakit tila naaakit ito sa dalaga. Na parang hindi niya ma-control ang sarili at gusto itong. . . halikan! “Go, it's getting late. Hindi ka pa naghahapunan. Kita tayo bukas sa school,” pabulong anas ni Jayden ditong napatango. Akmang bababa na ang dalaga nang hatakin ito ni Jayden na mabilis bumeso ditong ikinanigas ni Fiona! Damang-dama kasi nito ang malambot at mainit na labi ni Jayden na dumampi sa gilid ng labi nito! Lalo tuloy nagkarambola ang pagtibok ng puso nito na halos hindi makahulma sa nangyari! Napangiti si Jayden na napapisil sa ilong nitong ikinabalik ng ulirat ni Fiona. “Goodnight, Fiona. See you tomorrow,” wika nito na umayos na ng upo. “G-goodnight too, J-Jayden.” Utal na pamamaalam nito na natutulala pa ring bumaba ng kotse. Napasunod ito ng tingin sa kotse ng binata hanggang lumiko na ito sa kanto at mawala na sa paningin nito. Napahaplos ito sa gilid ng labi na hinagkan kanina ni Jayden na namuo ang luha! “Kaibigan ko na siya? Magkaibigan na kami ng crush ko? At. . .at hinagkan niya rin ako. Panaginip ba ito? Nananaginip ba ako?” sunod-sunod na usal nito na tumulo ang luha. Luha na dala ng labis-labis na tuwang. . . unti-unti na siyang napapalapit kay Jayden! Napatitig ito sa credit card ni Jayden na hawak nito at napalabing tumulo ang butil-butil na luha. Para itong hibang na luhaan pero nakangiti habang nakamata sa credit card ni Jayden na nakasulat pa doon ang buong pangalan nito maging ang cellphone number nito. Pakiramdam ni Fiona ay umaangat siya sa alapaap na tinatangay ng kawalan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink-in sa utak nito ang mga nangyari sa kanila ni Jayden magmula pa kaninang umaga. Kung paano nilapitan siya ni Jayden, dinala sa dermatologist, naging magkaibigan at. . . nag-goodnight pa ang binata na may pahalik! “Totoo nga. Totoong nakasama ko siya. Oh my God. Sinagot niyo ang laman ng mga panalangin ko sa loob ng halos apat na taon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD