KINABUKASAN ay maagang pumasok si Fiona sa university. Matyaga itong tumambay sa parking lot para maabangan ang pagdating ng Ferrari ni Jayden. Pasimple itong nakatambay sa mga nakahilerang bench kaharap ang parking lot ng university na nagbabasa kunwari ng libro. Pero ang totoo ay hinihintay niya ang pagdating ng binata.
Palaging agaw pansin kasi ang pagdating ni Jayden sa university dahil sa Ferrari nito na kasunod ang mga kaibigan. Kaya naman nagsisilapitan ang mga estudyante sa tuwing dumarating ang mga ito na kilala na nila ang mga sasakyan ng magkakaibigan lalong-lalo na kay Jayden.
Nakasuot ito ng headphones kahit wala naman itong pinapakinggang music. Props niya iyon habang nagbabasa ng libro nito para hindi siya mahalata na naghihintay sa pagdating ni Jayden. Palaging may dalang libro ito na kunwari ay abala niyang binabasa habang nakasuot ng headphones sa tuwing pasimple niyang sinusundan ang binata sa mga tambayan nito.
Active si Jayden at mga kaibigan nito sa mga sports sa university. Basketball, volleyball, football, swimming maski racing ay nangunguna ang binata at mga kaibigan sa galing nila sa lahat ng sports sa university.
Lihim itong napangiti na sa wakas ay nagsidatingan na nga si Jayden at mga kaibigan nito. Kaya naman nagtitilian na naman ang paligid niya na kinikilig sa pagdating ng magkakaibigan. Kaagad din namang pinalibutan ng mga bodyguard ang mga ito na hinaharang ang sinomang magtatangkang hawakan ang kanilang mga amo.
Awang ang labi na nakamata si Fiona sa apat na kay kikisig na binatang halos sabay-sabay ang paghakbang ng mga paa. Nasa gitna si Jayden na naka-pokerface na naman. Napakasungit nitong tignan pero sobrang gwapo at lakas ng datingan nito! Na kahit na sinong babae ay mapapalingon at malalaglag ang panga na mapatingin kung gaano kagwapo ang binata.
“Kumpleto na ang araw kong. . . nakita ko na siya,” ang usal ni Fiona sa sarili na nakasunod ng tingin sa binata kahit malayo na ito sa gawi nito.
NAKABUSANGOT si Jayden na nakikinig sa mga kaibigan nitong nagtutuksuan. Nakita na naman kasi nila sa parking ang nerd na dalaga na palaging may dalang libro. Tila wala naman itong pakialam sa paligid nito. Pero napapansin ng mga kaibigan niya na kung saan sila ay naandon din ang dalagang nerd. Hindi naman niya mapasadaan ng tingin ang dalaga dahil iniiwasan nitong nakikipag eye to eye sa lahat lalo na sa mga hindi niya kaibigan o kakilala.
“I bet, dude. Ikaw ang kursunada ni Ms nerd sa atin. Kaya kahit nasaan tayo tumatambay ay nasa paligid lang ito,” ang kantyaw ng kaibigan ni Jayden na si Xian.
Umasim naman ang mukha ni Jayden na siya ang napansin ng mga ito. Nagkatawanan at apiran pa ang tatlo na makitang umasim ang mukha ng kaibigan.
“Baliw ka ba, Xi? Kung napapansin mo siya ay makikita mong wala siyang pakialam sa atin. Nagkataon lang na nasa area ito kaya nabibigyan mo ng malisya,” ang wika ni Jayden na ikinatawa ng mga kaibigan nito.
“Palagi? She's always there wherever we are, dude. Palagi bang nagkataon na nandoon siya palagi kung saan tayo naroon?” tudyo naman ni Jello na sinang-ayunan ni Xian at Luigi.
“I don't know and I don't care, dude. Sino ba siya para pagkaabalahan natin?” ingos na lamang ni Jayden na nagsisimulang maasar dahil tinutudyo na naman siya ng tatlong kaibigan nito na nakita nila sa parking lot ang nerd nilang fan.
“Easy, Jayden. Baka mamaya eh. . .malaman-laman naming kayo na pala ni Ms nerd,” kantyaw pa ni Luigi dito sabay tawanan at apiran kay Xian at Jello na lalong ikinalukot ng gwapong mukha ni Jayden.
“That won't happen, dude. No way. Never,” madiing wika ni Jayden na ikinasinghap ng mga kaibigan.
“Possible, dude! Why don't we have a bet? Let's have a play. Ang matatalo? Siya ang gagawa ng dare natin.” Wika ni Jello na nakuha ang interes ni Luigi at Xian.
Maliban kay Jayden na lalong umasim ang mukha sa sinaad ng kaibigan nito.
“Game!”
“Game!”
Panabay na bulalas nila Xian at Luigi na sabay-sabay napalingon kay Jayden na napapanguso. Napangisi ang mga ito na tumabi kay Jayden na tila walang interes sa pustahang magaganap.
“Ano na, Jayden? Natatakot ka bang matalo dahil liligawan at kukunin mo lang naman ang virginity ni Ms nerd?” tudyo ni Luigi sabay tawanan, maliban kay Jayden.
“Seriously, dude? Bakit siya pa ang gagawin niyong taya? Tahimik ‘yong tao at walang rason para idamay natin siya sa mga kalokohan niyo.” Ingos nito na ikinatawa ng mga kaibigan sabay apiran.
“Meron, dude. Dahil palaging nakasunod sa atin si Ms nerd? Bakit hindi natin siya gawing punishment. Well, kung matatalo ka lang naman sa laro, dude. Pero kung mananalo ka? Hindi ikaw ang manliligaw at makikipag-s*x sa nerd na ‘yon.” Wika ni Jello na inakbayan si Jayden. “Kahit sino sa ating apat ay maaaring sa kanya mapunta ang punishment. At ‘yon ang ligawan at kunin ang virginity ng nerd na 'yon,” dagdag pa nito na ikinailing na lamang ni Jayden.
“Okay, by partner tayo. Kami ni Luigi ang magkakampi. Kayo naman ni Jayden ang magkakampi,” saad ni Xian na sinang-ayunan ni Jello at Luigi.
Napahinga na lamang ng malalim si Jayden na walang magawa sa napagkasunduan ng mga kaibigan nito. Kapag tumanggi naman siya ay tiyak na siya ang gagawa ng punishment.
LUMIPAS ang mga araw at dumating ang weekend kung saan maglalaro ang magkakaibigan. Walang kaalam-alam si Fiona na siya na pala ang pinagpupustahan ng magkakaibigan sa laro nila.
Unang nagkaharap si Jayden at Xian sa swimming. Magaling si Xian sa swimming pero mas magaling si Jayden dito. Kaya naman buo ang loob ni Jayden na siya ang lumaban kay Xian para siguradong mananalo ito sa laro.
Alam ni Jayden na siya ang ipapain ng mga ito sa nerd nilang fan kaya lahat gagawin niya hwag lang matalo sa laro. Kahit naaawa siya sa dalaga na nadamay ay ayaw naman niyang sa kanya mapunta ang punishment. Hindi naman matapobre si Jayden. Pero ang makipag-s*x siya sa isang nerd ay kalabisan na ‘yon sa kanya. Bukod sa guilt na mararamdaman niyang kukunin niya ang virginity ng dalaga, may taste din naman ito pagdating sa babae. Hindi ang isang nerd na dalaga ang pinangarap niyang maikama. Iisipin niya palang na makakahalikan niya iyon ay tumatayo na ang mga balahibo nito sa katawan.
“Ready, go!”
Kaagad itong nag-dive sa 8ft na swimming pool na marinig ang go signal ni Jello kasabay si Xian. At dahil ‘di hamak na mas mabilis siya kay Xian ay natalo niya ito sa kanilang paligsahan!
“Fvck!” malutong na mura ni Jayden na may malapad na ngiti sa mga labi.
Para itong nabunutan ng tinik sa dibdib na matalo si Xian na tatawa-tawang kinakantyawan ni Jello at Luigi dahil mukhang ito ang makikipag-s*x sa nerd nilang fan!
Matapos ni Jayden at Xian ay si Jello at Luigi naman ang nagpaligsahan sa galing nila sa paglangoy. Nangingiti lang naman si Jayden na pinanood ang dalawa dahil ligtas ito sa unang paligsahan nila.
“Fvck! I'm safe!”
Napailing ito na inabutan ng towel ang kakampi nitong si Jello na matalo nito si Luigi at nauna itong nakarating ng finish line. Sunod na naglaban si Luigi at Xian at dahil mas magaling si Xian sa swimming ay natalo nito si Luigi!
“What next?” tanong ni Xian matapos nilang maligo.
Nandidito kasi sa Madrigal's compound ang magkakaibigan para gawin ang laro nila. Bumunot naman si Luigi sa box ng sunod nilang gagawin. Ang sino man kasing makakadalawang talo ay siya ang makakakuha ng punishment.
“Car racing,” bulalas ni Luigi na napangiti.
Magaling kasi ito sa car racing. Pero kung si Jayden ang makakalaban nito ay wala siyang panalo sa kaibigan dahil magaling si Jayden sa kahit na anong sport!
Napapakagat labi naman si Jello dahil mahina ito sa pagmamaneho ng mabilis. Tiyak na siya ang matatalo sa car racing nila at makakuha ng puntos.
“You can do it, dude.” Pagtapik ni Jayden ditong napalapat ng labi na kitang natatakot.
“Let's go. Tayo na muna ang maghaharap, Jayden.” Wika ni Luigi na ikinatayo nilang magkakaibigan.
Nagkangisian pa ang dalawa bago sumakay sa kani-kanilang McLaren F1 car na naghahanda sa kanilang race!
Buo ang loob ni Jayden na matatalo niya ang kaibigan dahil magaling ito sa racing. Pero ang hindi nito inaasahan ay ang biglang pagtirik ng sportcar nito kaya natalo siya ni Luigi!
“Fvck! Urghh!”
Panay ang mura nito na ilang beses napahampas ng manibela sa inis na natalo siya. Nagdidiwang naman si Luigi na natalo si Jayden dahil napaka imposible ng bagay na iyon! Ngayon niya lang natalo ang kaibigan sa racing kahit napakahusay niya sa larangang iyon!
“Hindi pwede ang McLaren ko. Can't you see it? May diprensya ang makina niya,” reklamo ni Jayden dahil si Xian ang makakaharap nito sa round two ng racing nila at natalo ni Jello si Xian na kalaban nito.
“Ibig sabihin. . . you lose, dude. Automatic na si Xi ang panalo.” Nakangising wika ni Luigi na ikinaasim ng mukha ng kaibigan.
“No. This is not fair. May sira ang gamit ko. Kaya mo nga ako natalo eh,” apila pa ni Jayden.
“You can use my car, dude.” Sabat ni Jello dito na inihagis kay Jayden ang susi ng McLaren nito.
“Ah ah, no. Labag ‘yan sa rules natin. Hindi pwedeng gumamit ng ibang car ang sinoman sa atin once na nakapili na tayo ng magagamit,” ang wika ni Luigi na binawi kay Jayden ang susi ni Jello.
Napapikit si Jayden na malalalim ang paghinga. Tama naman ang sinaad ni Luigi. Dahil siya pa mismo ang naglagay ng mga rules sa kanilang mga palaro. Kaya alam na alam niya ang mga bawal sa kanilang laro.
“Damn. This can't be,” usal nito na tinapik ang bumper ng McLaren nito.
“Let's go, Madrigal. Ngayon pa lang ay nagdidiwang na akong ito ang unang beses. . . na matatalo kita,” ngisi ni Xian dito na ikinalukot ng mukha ni Jayden.
“Try your best then,” ani Jayden na sumakay muli sa McLaren nito.
Napapabuga ng hangin si Jayden na mahigpit ang hawak sa manibela. Nang pumito na si Jello hudyat na magpaunahan na sila ni Xian ay mabilis na kinabig nito ang manibela na pinaharurot ang McLaren nitong halos paliparin na nito! Malapit na ito sa finish line nang sumagi sa isipan nito ang dalagang pustahan nila!
Napalunok ito na maisip ang gagawin ng matatalo sa kanila sa dalaga. At sa sandaling iyon ay parang kinurot ang puso nito para sa dalaga. Oo nga't wala siyang pakialam dito pero sa kanilang apat na magkakaibigan ay mas may tiwala ito sa sarili kaysa sa tatlo. Napapikit itong napabuga ng hangin na sinadyang bagalan ang patakbo. Dahilan para maunahan siya ni Xian na makarating sa finish line kaya siya ang natalo sa paligsahan nila sa car racing!
Sa huling parte ng laro ay si Jayden at Luigi ang naglaban. Dahil pareho silang may puntos na natalo ay silang dalawa na lamang ang maghaharap. Kinakabahan si Jayden na hindi mabatid kung para ba sa sarili? O para sa dalagang nerd.
Dalawa lang kasi ang pamimilian nito. Kapag ginalingan niya sa laro ay automatic na kay Luigi mapupunta ang punishment nila kung saan ito ang makikipaglapit sa dalaga at kukunin ang virginity nito. Pero kung magpapatalo siya ay siya naman ang lalapit sa dalaga at gano'n din ang gagawin. Ang makipagtalik sa nerd fan nila! Anuman sa dalawa ang piliin niya ay may kurot sa puso siyang nadarama.
Pinalaki siya na may disiplina at respeto sa mga babae lalo na't may mga nakakabatang kapatid itong babae. Marami din siyang pinsang babae sa mother side man o father side nito. Kaya nga kahit kaliwa't kanan na ang babaeng naghahabol sa kanya na handang magbaba ng salawal para sa kanya ay hindi niya gawaing makipaglaro sa mga ito. Dahil mataas ang respeto nito sa lahat ng babae.
Napabuga ito ng hangin na pikitmatang tinanggap ang hamon. Dahil kung hindi niya lalabanan si Luigi ay automatic na talo ito sa laro at sa kanya mapupunta ang punishment. Gusto niyang maiwasan ang dalaga para hindi na siya ang gagawa ng punishment nila. Bahala na si Luigi kung paano niya lalapitan ito at ikakama.
“Next game is. . . race again but this time? Kabayo ang gamit niyo,” wika ni Jello matapos mabasa ang nabunot nito sa box na paglalabanan ni Jayden at Luigi.
Sunod-sunod na napalunok si Luigi dahil may phobia na itong sumakay ng kabayo. Habang si Jayden ay napangisi na nilingon ang kaibigan nilang napapalunok at namutla sa narinig.
“No. I can't do that. Nananadya ka ba, Jello? Alam mong hindi ko na kayang sumakay sa kabayo,” madiing wika nito na masama ang tinging pinupukol sa kaibigang nagtaas ng mga kamay na animo’y sumusuko.
“Kung gano'n ay panalo na ako. Ikaw ang gagawa ng punishment natin, dude.” Ngisi ni Jayden ditong napalunok.
Iisipin niya pa lang na makikipaglapit siya sa dalagang nerd ay para ng babaliktad ang sikmura nito.
“Pwedeng ako na lang ang lalaban para kay Luigi? Total ay magkakampi kami dito. Ako na ang sasalo sa kanya. Pero kapag natalo ako, dude.” Wika ni Xian na tinapik sa balikat si Luigi. “Sa'yo pa rin mapupunta ang punishment ha? I promise you, I'll do my very best para matalo ko si Jayden dito. Para hindi sa'yo mapunta ang dalaga kundi kay Jayden.” Wika nito na ikinatango-tango ng kaibigan.
“You wish, Xi. Wala kang panama sa galing ni Jayden mangabayo. Tiyak kong. . .ilalampaso ka lang ni Jayden sa karera niyo.” Saad ni Jello dito na inakbayan si Jayden.
“Atlis I did my best to help our friend, ‘di ba? Alam natin ditong may phobia si Luigi sumakay ng kabayo. Mahirap sa kanya ‘yon na labanan ang kinakatakutan niya.” Sagot naman ni Xian na nakaakbay kay Luigi.
“A’right. No worries, dude. Hindi ko gagalingan sa laro.” Ang sagot ni Jayden dito na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.
“Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang gumawa ng punishment natin, dude?” ani Luigi na nakikiusap ang tono na nakamata kay Jayden.
“Bakit ako? Kayo itong may kagustuhan ng larong ito, ‘di ba? Kayo ang namili kung ano ang magiging punishment ng matatalo. Kung bakit kasi sa dinami-rami ng pwedeng parusa ay ‘yong inosente pa ang dinamay niyo,” paingos nitong sagot na humalikipkip ng mga braso.
“I'll do my best, dude.” Wika ni Xian sa kaibigan nitong kitang kabado na sa kanya mapupunta ang parusa.
“I trust your word, Xi. Pero kung hindi sasadyahin ni Jayden na magpatalo? Alam natin na hindi mo siya matatalo sa larong ito.” Ani Luigi na bakas sa tono ang kabiguan.
“Let's go. Magdidilim na mamaya,” ani Jello.
Sumunod naman ang tatlong kaibigan nito na nagtungo sila sa kwadra para kumuha ng kabayo. Habang naghihintay ng go signal si Jayden at Xian ay muling naalala ni Jayden ang dalagang pustahan nila. Napatitig ito sa suot na rolex watch na regalo ng Mommy Sofia nito na ikinangilid ng luha niya. Kabilin bilinan kasi ng Mommy nito na hwag na hwag siyang manghahamak ng babae lalo na ang makipag-s*x sa mga ito kung wala naman siyang planong seryosohin ang dalaga.
Masunuring anak si Jayden dahil ubod ng bait ang mga magulang nitong si Sofia Montereal at Haden Madrigal. Nagmula siya sa dalawang angkan na kilala sa bansa maging abroad dahil sa lawak ng kapangyarihan nilang angkan. Pinalaki siya na puno ng pagmamahal at aruga. Palagi rin itong pinapaalalahanan ng kanyang ina lalo na tungkol sa mga babae. Na hwag na hwag itong magpapaiyak ng mga babae dahil ang karma ay walang pinipili. Natatakot ang ina nito para sa kapakanan ng mga anak nitong babae kaya panay ang habilin nito sa dalawang anak na lalake. Lalo na si Jayden na siyang panganay nito.
“Ready? And go!” sigaw ni Jello kaya kaagad na sinaplit ni Xian ang kabayo nito na pinakaripas ng takbo.
Mapait na napangiti si Jayden na napasunod ng tingin sa kaibigan nitong nakakalayo-layo na. Manghang napatitig naman sa kanya si Jello at Luigi na hindi pa nito pinapatakbo ang kabayo nito.
“What, dude? Hindi ka ba lalaban?” untag ni Jello dito na napailing.
Sumilay ang matabang ngiti nito na napahilot pa sa sentido. Sa pag-alala nito sa mga payo ng ina ay buo na ang desisyon nito.
“Fine. I lost the bet. Ako ng gagawa sa punishment natin. Ako ang makikipag-s*x. . . sa nerd na ‘yon. Para matapos na ito.”