Chapter 5

2208 Words
IMPIT na napapairit at napapatalon sa sobrang tuwa ang dalagang si Fiona habang yakap-yakap ang credit card at mga shopping bags na naglalaman ng mga beauty products na binigay sa kanya ni Doc Dina. Ayon dito ay isang beses sa isang linggo ang kada session niya at hindi na kailangang alalahanin ang bayarin sa clinic dahil nag-fully paid na si Jayden para sa kanya. Para itong malulusaw sa puso na hindi pa rin ma-process ng utak ang mga nangyari ngayong araw. Pakiramdam niya ay napakahaba ng araw nito ngayon na nakasama niya si Jayden. Hindi lang basta nakasama kundi nakalapit niya rin ito! "Fiona, ang saya mo yata?" nangingiting puna ng Tita Kyla nito na makitang napakasaya ng pamangkin. "Tita! Kaibigan ko na po siya! Ang saya ko po! Ay hindi, sobrang saya ko po, Tita!" tili nito na sinugod ng yakap ang Tiyahin. Gulat man ay napahalakhak na ang Tiyahin nito na napapatili at irit ang pamangkin nito na tumatalon-talon pa habang yakap-yakap niya ito na bakas ditong sobrang saya nito ngayong araw! "Sino, anak? Ang future police mo ba 'yan?" nanunudyong tanong ng Tiyahin nito. Nag-iinit ang mukha na tumango-tango si Fiona sa Tiyahin nitong napangiting hinaplos sa ulo ang pamangkin. Maya pa'y napansin nitong medyo kuminis ang balat nito at nabawasan din ang mga naglalakihan nitong pimple! "Teka, anak. Anong nangyari sa mukha mo?" takang tanong nito na hinaplos ang pisngi ni Fiona. "P-pangit po ba, Tita?" alanganing tanong ni Fiona. "Hindi! Ang ganda, anak! Kita mo na? Maganda ka kapag magpaayos ka lang. Teka. . . foundation ba 'yan kaya bahagyang kuminis?" pag-uusisa pa nito na sinipat-sipat ang magkabilaang pisngi ni Fiona na natawa. "Hindi po, Tita. Wala po akong make-up. Nagpunta po kasi kami ni Jayden sa dermatologist nila. Heto nga po oh," wika ni Fiona na iniangat ang mga dala nitong shopping bag. "Tita, bigay ho ito ni Doc Dina. Gagamitin ko raw sa umaga at gabi bago matulog para maalis ang mga pimple ko at kuminis din ang balat ko. Alam niyo po ba? Binayaran ni Jayden ang pagpapa-derma ko. Kahit piso ay wala akong babayaran, Tita. Ang bait niya, 'di ba? Ang bait ng crush ko," kinikilig na pagbibida nito kay Jayden na kita ang kakaibang kinang sa mga mata nito. Napangiting hinaplos naman ito ng kanyang Tiyahin sa ulo. Ngayon niya lang kasi nakita na sobrang saya ni Fiona. Na abot sa mga mata nito ang kinang at ngiti nito. Na tanging ang binatang nagngangalang Jayden Madrigal pa lang ang nakakagawa. Sa loob ba naman ng mahigit tatlong taon na bukangbibig ni Fiona ang binata sa araw-araw ay nakilala na rin niya ang crush ng pamangkin. Palagi naman niyang pinapaalalahanan ang dalaga kung saan ito lulugar at masaya siyang alam ni Fiona ang limitasyon nito. "Ginawa niya iyon?" "Opo, Tita." Masayang sagot ni Fiona na inakay ang Tiyahin nito sa sofa. "Ito nga po oh, binigay niya ang credit card niya sa akin. Kaninang umaga po kasi ay pinabili niya ako ng agahan niya sa coffeeshop sa tapat ng university namin. Akala ko ay mahirap siyang pakisamahan, Tita. Pero nagkamali ako. Kasi ang bait niya po, sobrang bait. Hinatid pa nga po ako d'yan sa tapat eh," pagbibida pa nito sa mga namagitan sa kanila ni Jayden sa buong maghapon. "Pero, anak. Hwag puro tanggap ng tulong ha? Kahit na mabait siya ay hindi pa natin ganap na kilala ang binatang iyon. Baka naman mamaya ay may hingin siyang kapalit ng mga tulong niya sa'yo, Fiona. Paano kung mamaya ay singilin ka bigla sa mga ginastos niya para sa'yo? Wala tayong ipambabayad sa kanya. Paano kung ang p********e mo ang hingin niyang kabayaran sa mga ginawa niya at binigay sa'yo? Fiona, sa panahon ngayon ay mas nakakatakot na ang tumanggap ng tulong. Kasi pwede nila iyon isumbat sa'yo pagdating ng araw. O kaya ay sisingilin ka ng higit sa ibinigay nila sa'yo," pagpapaalala pa ng Tiyahin nito na ikinapalis ng ngiti ni Fiona. Napatitig ito sa ilang shopping bags na nasa mesa na dumampot ng isa at nilabas ang mga beauty products na laman no'n. Sa brand ng mga beauty products na 'yon ay alam niyang hindi basta-basta ang bayad. Lalo na't kilala at private ang clinic na pinagdalhan sa kanya ni Jayden. "Hindi naman po siguro, Tita. Dama ko pong mabuting tao si Jayden. Saka. . . kung sakali man ho na singilin niya ako pagdating ng araw? Babayaran ko ho ang mga binigay niya. Pero 'yong kaligayahan ko po na dala ng pagkakaibigan namin ni Jayden? Tita, wala hong katumbas na halaga iyon sa puso ko. Sobrang saya ko po na makasama siya at nakakausap. Ibigay niyo na ho ito sa akin, Tita. Mabait po si Jayden. Hindi ho siya masama. Wala din naman po siyang mapapala sa akin eh. Kaya nakatitiyak akong bukal sa loob niya na tulungan ako," wika ni Fiona na maluha-luhang hinawakan ang kamay ng Tiyahin nitong napahinga na lamang ng malalim. Ayaw niyang sirain ang araw ng pamangkin nito lalo na't ngayon niya lang ito nakita na sobrang saya. At 'yon ay dahil kay Jayden Madrigal. Gusto niyang suportahan ang dalaga sa mga nais nitong gawin. Kaya kahit may pag-aalala ito sa puso para sa pamangkin ay wala itong ibang nagawa kundi ang suportahan at alalayan ang dalaga. "Ikaw, kung dama mo namang mabuti siyang tao ay nasa sa'yo na kung magtitiwala ka sa kanya, anak. Kasi mararamdaman mo naman iyan sa puso mo kung may iba ba siyang pakay kaya lumalapit sa'yo," wika ng Tiyahin nitong ikinangiting muli ni Fiona. "Sige na, anak. Maglinis ka na doon ng katawan mo at magbihis. Handa na ang hapunan natin." "Salamat ho, Tita. Napakalaking bagay ho sa akin na naiintindihan niyo ako lalo na ang kasiyahan ko," puno ng sensiridad na pasasalamat ni Fiona na niyakap pa ang Tiyahin nitong hinagod-hagod siya sa likod. "Tayo na lang ang magkaramay sa buhay, anak. Magbabangayan pa ba tayo kung pwede naman tayong magkasundo? Pero, kapag nakita kong mali na ang ginagawa ko ay hwag ka sanang magagalit kapag itatama kita ng landas mo ha?" Tumango-tango ito sa sinaad ng Tiyahin na may ngiti sa mga labi. "Pangako po, Tita. Hindi ko po kayo bibigyan ng sakit sa ulo. Ngayon pa ba na magkaibigan na kami ng man of my dreams?" kinikilig nitong saad na mahinang ikinatawa at iling ng Tiyahin nitong pabiro itong nakurot sa tagiliran. "Hwag din magbababa ng panty, ha? Ang bata mo pa para sa bagay na iyon. Gusto ko ring makilala ang Jayden Madrigal na 'yan para makilatis ko kung puro ba siya o nagbabalatkayo lang para makapang biktima." Wika pa ng Tiyahin nitong ikinanguso ng dalaga. "Opo. Hindi naman po ibababa ni Jayden ang panty ko, Tita. Napaka imposible ho ng bagay na 'yon." "Hindi mo alam ang takbo ng utak ng mga lalake, anak. Basta, sinasabi ko sa'yo, hwag na hwag kang bubuka ng hita mo sa binatang 'yon. Ang mga katulad ni Jayden na may gintong kutsara sa bibig ay hindi nababagay sa mga katulad nating hampaslupa lang. Isipin mo na lang ang nangyari sa Mommy at Daddy mo. Na kaya ka hindi nagkaroon ng buong pamilya dahil mahirap tayo at ayaw sa atin ng pamilya ng Daddy mo. Ang mga mayayaman, anak. Mapangmata ang nga iyan sa mga katulad nating mahihirap. Iilan na lang ang mayayaman na mapagpakumbaba. At sa kaso ni Jayden na hindi pa natin gaanong kakilala? Mahirap magtiwala ng buo. Dahil buo ring mababasag ang tiwalang ipinagkaloob mo sa oras na mabasag niya ito." Makahulugang pagpapayo pa mg Tiyahin nito bago pinag-shower na ang dalaga at ng makapag hapunan na sila. MATAPOS maghapunan ang mga ito, bago natulog si Fiona ay sinunod na muna niya ang utos ng derma doctor nito na gawin sa mukha niya bago matulog. Kinakabahan ito sa magiging resulta ng pagpapaganda niya pero alang-alang kay Jayden? Lakas loob niyang lalabanan ang takot at kaba nito. Ngayong nagkakalapit na sila ni Jayden ay kailangan niya na ring ayusin ang sarili. Para hindi nakakahiya na maitabi siya kay Jayden. Gusto niyang iimproved ang sarili lalo na ang panlabas niyang itsura para maibagay siya sa katulad ni Jayden. Matamis itong napangiti na kita niyang effective na kaagad ang unang session nila sa derma. Nabawasan na nga ang naglalakihan nitong pimple at bahagyang kuminis ang balat nito. Ang sabi ng dermatologist nito ay sa loob lang ng isang linggo ay kikinis na ang balat nito basta masunod ni Fiona ang lahat ng instructions nito. PALAKAD-LAKAD naman si Jayden sa balcony ng silid nito. Aminado siyang hindi makatulog na iniisip ang namagitan sa kanila kanina ni Fiona sa loob ng kotse. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit nag-iinit at nasasabik siya kanina. Na muntikan na niyang hinagkan ito sa mga labi kung hindi lang siya nakapagpigil. "Damn, Jayden. What's happening to you man? Hindi ka pwedeng magkagusto kay Fiona. You're just saving her reputation kaya ka nagpatalo sa dare niyo." Singhal nito sa sarili na napatungga sa dala nitong beer. "Son? You're drinking liquor?" Napalunok ito na natigilan na marinig ang boses ng kanyang ina mula sa likuran nito. Hindi ito makakilos na hinintay makalapit ang ina nito na nagtungo sa kanyang harapan. Kunot ang noo ng Mommy Sofia nito na nakamata sa hawak nitong beer. "Mom, it was just a beer. Isa lang po ito. Pangpaantok ko lang po at hindi ako dalawin ng antok," maalumanay na paliwanag nito sa ina. "Are you smoking too?" "Nope, Mom. Hindi po. Hindi po ako naninigarilyo. Itong beer? Ngayon lang po ito kasi hindi ako makatulog eh." Paliwanag nito na isinilid na sa trash can ang beer na hinawakan sa kamay ang ina nito. Lumamlam naman ang mga mata ng ina nito na napatitig sa binata nito. Kita kasi nito na kanina pa nakatambay sa balcony na palakad-lakad at tila ang lalim ng iniisip. Kaya naman lumabas na siya ng silid nilang mag-asawa at pinuntahan ang panganay nito. "May problema ka ba, anak?" malambing na tanong nito na niyakap ang anak nito. Napangiti si Jayden na niyakap din pabalik ang ina nito na hinahalik-halikan pa sa ulo. Sa tangkad niya kasi ay hanggang dibdib na lamang niya ang Mommy Sofia niya. Halos mas matangkad pa nga siya sa Daddy Haden nito sa edad na bente. "Wala po, Mom. I was just thinking about her." Napatingala si Sofia sa anak nito na nagtatanong ang mga mata. "Her? You mean. . . she's a girl?" may halong panunudyo nitong saad na ikinapula ng pisngi ng anak nito. Napangiti si Sofia na nakatingala sa anak nitong pinamumulaan ng pisngi. Kitang nahihiya ang binata na salubungin ang mga mata ng ina nito. Ngayon niya lang kasi nakita ang anak na distracted at malalim ang iniisip. 'Yon pala ay dahil sa isang babae. At ngayon ang unang beses na may makaagaw ng pansin sa binata nito. "I want to meet that girl. I want to know her, everything about her. Kung anong especial sa kanya at nagugulo niya ang isipan ng future police ko." Nanunudyong wika ng ina nito na may ngisi sa mga labi. Lalo tuloy nag-iinit ang mukha ni Jayden lalo na't nanunuri ang tinging ginagawad ng ina nito. Napakagaling pa namang bumasa ng isipan ang ina nito. Kaya wala silang maitatago sa kanilang ina. "Hwag na po, Mom. She's just a friend naman eh. Tinutulungan ko lang po siya. 'Yon lang po." "Pinagpapaliwanag ba kita, hmm. . . my little Madrigal?" tudyo ng ina nitong ikinabusangot ni Jayden na niyakap na lamang ang ina. "Bumalik na nga po kayo sa silid niyo ni Daddy, Mom." Pagtataboy nito na ikinahagikhik ng ina nitong nakukurot siya sa tagiliran. "But you're okay naman, 'di ba?" paniniguro ng ina nito pagkahatid ni Jayden sa kanya sa may pinto. Ngumiti ito na yumukong mariing hinagkan sa noo ang ina nito na napangiti na rin. "Opo, Mom. I'm okay po. Hindi lang ako makatulog kaya nagpapahangin sa balcony. Pero. . . matutulog na po ako at maaga ang pasok ko bukas. Goodnight, Mom." Wika nito na muling hinagkan sa noo at pisngi ang ina nito. "Just let me know if you need anything, son. Alam mong maaasahan mo ako sa lahat ng bagay as long as makakabuti sa'yo, hmm? Don't hesitate to ask kapag may kailangan ka, okay?" paalala pa ng ina nito na tumingkayad na pinupog ng halik sa buong mukha si Jayden. Kahit nga mga labi ng anak ay paulit-ulit na nag-smack kiss si Sofia dito na hinahayaan lang naman ni Jayden dahil sanay itong malambing at clingy ang Mommy nila. "Yes, Mom. I'll keep that on my mind. Goodnight po, Mommy. I love you." "Goodnight too, anak ko. Matulog ka na ha? Mommy loves you more, anak ko." Pamamaalam ni Sofia na muling niyakap ang binata bago lumabas na pumasok na sa silid nilang mag-asawa. Nangingiti namang nagtungo si Jayden sa kama nito na naghubad ng saplot at tanging boxer lang ang itinira nito na padapang nahiga sa kama. Napatihaya ito ng higa nang tumunog ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa na kaagad niyang dinampot. Sunod-sunod itong napalunok na mabasa kung kanino galing ang text message na kaagad niyang binuksan at binasa na napangiti. "Goodnight, Jayden. See you tomorrow ha?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD