Chapter 6

2306 Words
MAAGA pa lang ay bumangon na si Fiona na parang hindi napuyat kagabi kakaisip kay Jayden. Madilim pa sa labas pero gusto na nitong gumayak para maagang pumasok ng university. Naabutan naman nito ang Tiyahin nitong nagluluto ng kanilang agahan. "Magandang umaga ho, Tita." Pagbati nito na ikinalingon ng Tiyahin nitong napangiti. "Magandang umaga din sa'yo, anak. Magkape ka na muna bago maligo ng mainitan na muna ang sikmura mo," wika ng Tiyahin nito na ipinagtimpla na muna ang dalaga ng kape nito. "Salamat po, Tita. May maitutulong ba ako?" saad nito na inilapag ng Tiyahin niya ang kape nito sa mesa. "Wala, patapos na rin naman ako sa niluluto ko. Magkape ka na lang d'yan para mainitan ang sikmura mo bago ka maligo," sagot ng Tiyahin nitong ikinatango ng dalaga. Habang nagkakape ito ay naiisip na naman si Jayden. Hindi na nga ito makapaghintay na dumating ang 6:30 na usapan nilang magkikita sa rooftop ng building nito. Mabilis nitong inubos ang kape nito na nagmamadali ng nagtungo sa banyo para makaligo at magawa ng maayos ang treatment nito sa kanyang mukha. May gluta tablet din itong iniinom na makakatulong daw sa pagputi ng kutis nito. Siniguro din ng doctor nito na walang side effects sa kalusugan nito ang mga tablet, facial wash, soap, cleanser, cream at mask na gagamitin nito sa kanyang mukha kaya safe gamitin ang mga iyon sa kanya. Nangingiti si Fiona na sinisipat ang sarili sa salamin nila. Nakagayak na ito pero hindi makalabas-labas ng bahay na paikot-ikot siya sa harapan ng salamin. Kapansin-pansin pa nga na kay bilis nawala ang mga pimple nito sa dalawang beses niya pa lang paggamit ng beauty products na bigay ng doktora sa kanya. "Hindi ka pa ba aalis? Maga-alassais na, Fiona," untag ng Tiyahin nitong ikinabalik ng ulirat ng dalaga! "Paalis na nga po, Tita." Sagot nito na mabilis dinampot ang bag at books nito. Napakalkal pa ito sa bag na sinigurong dala ang credit card ni Jayden. Maging ang pinagkapehan nito at ginamit na disposable spoon kahapon ay dinala niya ng bahay at itinago sa drawer nitong ginawang souvenir nito sa binata. Napakalapad ng ngiti nito na bumaba ng hagdanan. Naiiling lang naman ang Tiyahin nito na malingunan ang dalagang kay ganda ng ngiti. "Alis na po ako, Tita." Pamamaalam nito na humalik pa sa Tiyahin. "Mag-iingat ka, hmm?" pagpapaalala pa nito na ikinatango at ngiti ng dalaga. "Opo, Tita. Salamat po." Pagkalabas nito ng gate ng bahay nila ay nagulat pa itong may black BMW na nasa gilid na kaagad bumaba ang driver na namukhaan nito. Ang driver ni Jayden kahapon. Tumawid ito ng kalsada na may ngiti sa mga labi. "Good morning, Ma'am. Pinapasundo kayo ni young master," magalang wika ng matanda na ikinangiti nito. "Talaga po? Pinasundo niya ako sa inyo, Kuya?" kinikilig nitong tanong na ikinatango ng matandang pinagbuksan siya ng pinto. Napapalapat ito ng labi na hindi maitago ang saya at kilig na nadarama nitong ipinasundo pa talaga siya ni Jayden sa driver nito gamit ang magarang kotse nito! Kahit kinakastuguhan nito ang sarili ay hindi tuloy nito maawat ang pusong umasa na magkakalapit sila ni Jayden. Na balang araw ay magiging. . . kasintahan din niya ang binata. Pagdating nila ng university ay paisa-isa pa lang ang mga estudyante. Nagtungo na si Fiona sa coffeeshop sa tapat na maibaba na siya ng driver sa university nito. Kinikilig itong nag-order ng dalawang caramel macchiato at dalawang strawberry shortcake katulad ng pina-order ni Jayden sa kanya kahapon. Yakap ang order nito na tumawid siya sa pedestrian lane papasok ng university. Napapalinga pa ito na napangiting masulyapan ang red Ferrari ni Jayden na nasa parking lot na nga kaya tumuloy na ito sa rooftop ng criminologist building kung saan naroon ang binata. PALAKAD-LAKAD si Jayden na nakapamewang habang hinihintay ang pagdating ni Fiona. Naiiling na lamang siya sa sarili na 6:30 ang usapan nila ng dalaga pero alassingko pa lang ng umaga ay pumasok na ito ng university. Hindi niya rin maintindihan ang sarili na may excitement itong nadarama na makikita nito si Fiona na buong magdamag niyang naiisip. Halos wala tuloy itong tulog sa buong magdamag kakaisip sa dalaga na hindi mawari kung bakit niya ito iniisip. May parte sa puso niya ang masayang makikita na niya ang dalagang naging laman ng isip nito sa buong magdamag. Na kahit itanggi niya ay alam niya sa sariling. . . masaya ito at excited ng makita si Fiona. Napakamot pa ito sa batok na masulyapan ang isang bouquet ng sunflower sa mesa na binili nito kanina sa nadaanang flower shop at naalala si Fiona. Hindi niya rin batid kung bakit siya napabili ng bulaklak para sa dalaga pero sa huli ay heto at bumili siya ng bouquet para kay Fiona. Napabuga ito ng hangin na napapasulyap sa rolex watch nito. Saktong 6:30 katulad ng usapan nila ay dumating nga ang dalaga na ikinangiti nito sa isip-isip. Pinanatili nitong normal ang mukha kahit ang totoo ay pabilis na nang pabilis ang kabog ng dibdib nito habang nakamata sa dalagang nakangiti sa kanya na may dalang kape nila. "Hi, good morning, J-Jayden. Kanina ka pa?" masiglang pagbati ni Fiona na nautal pa sa pagsambit ng pangalan ni Jayden. "Ahem! Just a few minutes ago. You're just on time, Fiona." Sagot ni Jayden na sinenyasan itong maupo kaharap ito. Napalapat ng labi si Fiona na nag-iinit ang pisngi na masulyapan ang bouquet ng sunflower sa gilid ng upuan. "Anyway, that flowers is yours. I. . . uhm, I bought it for you. For our friendship," wika ni Jayden na nginuso pa ang bouquet sa tabi ni Fiona. "T-talaga? Para sa akin ito?" maluha-luhang tanong nitong ikinatango ni Jayden na inabot ang kape at shortcake nito. Namuo ang luha sa mga mata ni Fiona dala ng labis-labis na tuwang nadarama. Nangangatal pa ang kamay nitong dahan-dahang kinuha ang bouquet na kitang bagong-bago pa ang sunflower. Napapikit itong sinamyo iyon na napangiti. Sinamantala naman ni Jayden na mabilis siyang kinunan ng larawan habang nakapikit si Fiona na tumatama sa mukha nito ang sinag ng papasikat na sunrise. "Salamat dito, J-Jayden. Ang ganda niya. Ang totoo ay. . . ngayon lang ako nakatanggap ng bulaklak sa tanang buhay ko," nakangiting saad ni Fiona na tinanguhan lang ni Jayden na pasimpleng napapasimsim sa kape nito. "It's nothing, Fiona. Besides. . . we are friends now, right?" "O-oo. F-friends," nakangiting sagot ni Fiona dito. "That's good to hear, Fiona. Hwag kang mailang sa akin. Para masanay kang nasa tabi ko at maging komportable ka kapag ako ang kasama mo," wika pa ni Jayden na iniabot ang kape ng dalaga. "S-sige. Salamat ulit, Jayden ha?" "Ikaw pa ba? Malakas ka sa akin eh," kindat ni Jayden dito na hindi namalayan. Parang lulukso ang puso ni Fiona na kumindat sa kanya si Jayden sabayan pa na ngumiti ang binata! Kahit alam niyang walang ibang ibig sabihin ang pagkindat at ngiti sa kanya ni Jayden ay napakalaking bagay no'n sa kanya. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa Lotto na kasama nito ngayon ang binata. Solo niya ito at nililibre pa siya. "Are you done? Baka mahuli tayo sa klase," wika ni Jayden na napapasulyap sa rolex watch nito at kitang alasyete na. Napapamura na lamang ito sa isipan na kay bilis lumipas ng oras na kasama nito ang dalaga. Naubos na agad ang thirty minutes nito para masolo at makausap si Fiona na silang dalawa lang. Ayaw naman niyang mapahamak ang dalaga. Tiyak niyang kaiinggitan ito at pag-iinitan ng mga die hard fan nito sa university na mapag-alaman nilang malapit ito sa kanya. "Uhm, mauna ka ng bumaba, Jayden. Mamaya na ako," sagot nito na pilit ngumiti sa binata. Ayaw mang tumayo ni Jayden ay kailangan na lalo na't nasa parking na ang mga kaibigan nitong bagong dating. Napabuga ito ng hangin na tumayong nagtungo sa likuran ni Fiona na napapalunok. Pigil ang paghinga ng dalaga nang humawak si Jayden sa magkabilaang braso nito na marahang pimisil iyon at yumuko sa kanyang punong tainga. "Magkita ulit tayo mamayang tanghalian. Join me for lunch. Ako ng bahalang magpasundo sa'yo kay Manong. Okay lang ba?" bulong nito na ikinasinghap ni Fiona na dama ang libo-libong boltahe ng kuryenteng nagmumula sa palad ni Jayden na nakahawak sa braso nito. "S-sige. Hintayin ko na lang ang driver mo sa labas mamaya," utal na pagsang-ayon nitong ikinangiti ni Jayden na bahagya pang idinikit ang kanilang pisngi sa isa't-isa na ikinasinghap muli ni Fiona. "See you later, Fiona." Pamamaalam pa nito na ubod ng lambing. Natutulala naman si Fiona na napahaplos sa pisngi nitong dumapo sa pisngi ni Jayden kanina bago ito tuluyang bumaba ng building. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito na mas nakikilala ang binatang minamahal. Ni wala itong pandidiri na maidikit ang makinis niyang kutis sa pisngi nitong napupuno ng tigyawat. "Stop daydreaming of him, Fiona. Mabait lang talaga siya kaya gano'n. Napaka imposibleng magkakagusto si Jayden sa'yo," kastigo nito sa sarili na tumayo ng isinilid sa bag nito ang mga pinagkapehan nila ni Jayden bago bumaba na rin ng building. Napalunok ito na nasa hallway pa ang magkakaibigan na napasulyap sa kanya ang tatlong kaibigan ni Jayden na namimilog ang mga matang makitang nanggaling ito sa rooftop. Nag-init ang mukha nito na nakadama ng hiya dahil baka pagtawanan si Jayden at paghinalaan silang magkasama. Napapayuko ito na yakap ang bouquet na bigay ni Jayden at lakas loob na dumaan sa tabi ng magkakaibigan. Dinig pa niyang may napasipol pero hindi niya batid kung sino sa mga kaibigan ni Jayden. Malalaki ang hakbang nitong lumabas sa building nila Jayden. Napapasulyap na rin sa kanya ang mga kapwa niya estudyante na nagbubulungan kaya napapayuko itong halos patakbo na ang paglakad. Pagdating nito sa classroom kung saan ang unang subject nito ay nagtungo na ito sa pinakasulok at likod ng klase. Sakto namang isa-isa ng pumasok ang mga classmates nito. Napapayuko ito na panay ang sulyap sa kanya ng mga classmates nito na nagbubulungan pa. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan dahil baka mamaya ay i-corner na naman siya ng mga bully sa school nila at pagkaisahan na paglaruan. Nakakagat nito ang ibabang labi na hindi maka-focus sa klase nito. Dama niya kasing may mga matang nakatitig sa kanya kaya hindi ito mapalagay. Na parang pinapanood siya ng mga kaklase nito. DUMATING ang tanghalian na akmang lalabas na ito para sa tanghalian nila ni Jayden sa labas nang may humarang sa kanyang grupo ng mga kababaihang bully sa school nila. Napalunok si Fiona na napaatras at yakap sa bouquet at ilang libro nito na akmang iiwas siya sa grupo pero hinatak siya sa braso ng isa. "Hoy, Manang. Anong ginawa mo sa mukha mo at kay bilis nagsilayasan ng mga tigyawat mong naglalakihan," pang-uuyam ng isang dalaga sa kanya na tinutulak tulak pa sa balikat ng mga ito. Natatakot si Fiona pero hindi naman niya magawang sumigaw lalo na't walang ibang dumadaan ngayon sa koridor ng school para hingan nito ng tulong. "At may pa-flowers pa siya huh? Kanino naman kaya galing, hmm?" pang-uuyam din ng isa na inagaw sa kanya ang bouquet. "Hwag! Hwag 'yan. Mahalaga sa akin 'yan," naluluhang saad ni Fiona na nangungusap ang mga mata at tono nito. Pero nagkangisian lang ang magkakaibigan na tila natuwa pa sila sa nakikitang reaction ng dalagang gustong-gusto nilang binu-bully. "Ito ba?" sarkastikong tanong ng isang dalaga na umagaw sa bouquet ni Fiona. Ngumisi ito ng nakakaloko na inihulog sa sahig ang bouquet na tinapak tapakan iyon hanggang masira na ikinahikbi ni Fiona na nakamata sa flowers na bigay ni Jayden sa kanya kaninang umaga. Puno ng panghihinayang ang mga mata nitong luhaan na nakamata sa bulaklak na sira-sira na. Nagkatawanan pa ang mga ito na tuwang-tuwa sa nakikitang pagtangis ng dalagang binu-bully nila. Pinagpasa-pasahan pa ng mga ito si Fiona na sinasabunutan, tinutulak at nasasampal kahit wala itong kalaban-laban sa kanilang lima! Lumapit ang leader ng grupo kay Fiona na napaatras hanggang mapasandal ito ng locker. Putok na rin ang labi nito na dumugo at sabog-sabog na ang buhok nito sa pangsasabunot sa kanya ng mga ito. Napahigpit ang kapit nito sa laylayan ng blouse nito na napasuksok pa sa locker na kinasasandalan nito. Gustuhin man niyang lumaban pero hindi naman siya marunong. Tumulo ang luha nito na napapikit at sigaw nang akmang sasampalin siya ng babae! "Jayden, help me!" tili nito na hindi alam kung bakit si Jayden ang tinawag nito ang pangalan. Pero parang narinig naman siya ni Jayden na bigla na lang sumulpot sa kinaroroonan nila at isang iglap lang ay napalupasay sa sahig ang babaeng akmang sasampal kay Fiona na malakas itinulak ni Jayden na naihagis sa gilid! Natulala ang grupo na mabungaran ang pagdating ni Jayden at mga kaibigan nito na pawang mga naka-pokerface at kita ang galit sa nadatnan sa koridor kung saan pinagkakaisahan ng limang babae ang isang babae! "Who hurt you, Fiona?" dumagundong sa buong sulok ng koridor ang boses ni Jayden na puno ng galit. Napahagulhol si Fiona na nayakap ang binatang puno ng galit ang mga mata! Natatakot na baka mapahamak ang binata dahil sa kanya. Kuyom na kuyom ang kamao ni Jayden na isa-isang tinignan ng masama ang limang babae na nanakit kay Fiona. "Enough, Jayden. Take her out of here. Kami ng bahalang maningil para sa inyo ni Fiona." Wika ni Jello dahil kabisado nila kung paano magalit si Jayden. "Triple their p*****t. Let's go," ani Jayden na niyakap si Fiona at inakay na. "Yong bigay mong bulaklak sinira nila," hikbi ni Fiona na ikinasulyap ni Jayden sa bouquet na sira-sira na nga. "It's okay, Fiona. Ibibili na lang kita ulit kahit buong flower shop pa. Tara na. Gamutin natin ang mga sugat mo," wika ni Jayden na ikinasinghap ng mga bullies na makumpirmang konektado si Fiona sa grupo ng mga pantasya nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD