Chapter 7

4002 Words
NAGNGINGITNGIT ang mga ngipin ni Jayden sa galit na akbay si Fiona na nakasuksok sa tagiliran nito habang palabas sila ng university. Awang ang labi ng mga kapwa nila estudyante na makita si Jayden sa unang pagkakataon na may babaeng kasama! Ang iba ay puno ng inggit ang mga matang napapasulyap sa babaeng halos yakap na ni Jayden. Ang iba naman ay napapataas ng kilay na makilala si Fiona. Ang nerd sa school nila na napakapangit sa paningin nila ay malayang nakayakap sa pinakagwapo at mayamang estudyante sa kanilang university! Tila nawala sa sarili si Jayden sa galit nang makita nilang may mga humarang na babae kay Fiona kaya napatakbo ang mga ito sa kabilang building ng mga med. Halos sumabog ito sa galit nang makita niyang sinaktan ng mga babae si Fiona na kanyang tinakbo. Sakto namang napasigaw si Fiona na tinatawag ang pangalan ni Jayden na takot na takot na nakasuksok sa locker. Sa galit ni Jayden ay malakas niyang itinulak ang babaeng akmang sasampal kay Fiona. Sa unang pagkakataon ay na-lost temper si Jayden na makitang sinaktan ang dalaga. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit gan'to na lamang siya ka-concern kay Fiona. Pero isang bagay lang ang sigurado siya. Hindi siya makakapayag na may mga nananakit kay Fiona. Handa niya itong protektahan sa lahat at ang sinomang mangangahas na saktan muli ang dalaga ay siya ang makakalaban. "You're shaking, Fiona." Bulong nito na mapansing nanginginig sa takot ang dalaga. Nag-igting ang panga nito na maingat inalalayan si Fiona makapasok ng Ferrari nito na mabilis umikot sa harapan at pumasok na rin sasakyan. Kinuha nito ang kamay ni Fiona na pilit iniangat ang mukha ng dalaga at napapayuko ito. Lalong nagdilim ang paningin nito na mapasadaan ng malapitan ang dalaga. Sabog-sabog na ang buhok nito mula sa pagsasabunot ng mga bullies at pumutok din ang ibabang labi nito na may bahid pa ng dugo. Namumula din ang magkabilaang pisngi nito na bumakat ang palad doon, senyales na nasampal ang dalaga. "I'll make them pay for it," nagngingitngit ang mga ngiping anas nito na awang-awa sa dalagang luhaan. Kinabig niya ito na niyakap ng mahigpit. Napasinghap naman si Fiona na nanigas sa kinauupuan na yakap-yakap siya ngayon ng isang Jayden Madrigal at inaalo! "Tahan na, Fiona. Magmula ngayon ay wala ng makakasakit sa'yo. Dahil. . . poprotektahan kita sa lahat. This won't happen again. I promise you," usal ni Jayden na hinahalik-halikan sa noo ang dalagang yakap-yakap nito habang hinahagod-hagod sa likuran. Umagos ang luha ni Fiona na niyakap pabalik si Jayden na napalunok. Damang-dama kasi ni Jayden ang mayamang hinaharap ng dalaga at kahit pigilan niya ay unti-unti na siyang nakakadama ng init sa katawan na damang-dama nito ang kalambutan ng pinagpalang hinaharap ni Fiona! Hindi kasi fitted magdamit ang dalaga. Kaya hindi mahahalata na mayaman ang hinaharap nito maski ang korte ng balingkinitan niyang pangangatawan. "Hindi ko alam kung bakit nila ako sinasaktan ng ganito. Jayden, hindi ako masamang tao. Ni minsan sa buhay ko ay wala akong inapi o tinapakang tao. Pero bakit ang lupit ng mundo sa akin? Alam mo ba, mula pagkabata ko ay binu-bully na ako. Hanggang ngayong college na ako ay binu-bully pa rin ako. Ang hirap maging mahirap, Jayden. Lalo na kung pangit ka. Pagkakaisahan ka ng mundo. Pagtatawanan. At aapakan kahit wala kang ginagawa sa kanila." Paglalabas ng sama ng loob ng dalaga na ikinalunok ni Jayden na sumagi sa isip kung bakit niya nilalapitan ang dalaga. Napalunok itong sumapo sa magkabilaang pisngi ng dalaga na marahang pinahid ang luha nito. Para siyang kinukurot sa puso na ito ang unang beses may babaeng umiiyak sa harapan niya. Napaka-soft hearted pa naman niya na hindi kinakaya ng puso niya kapag babae na ang umiiyak sa harapan niya. Lalo na si Fiona na alam niyang sa maiksing panahon ay dama niya sa puso at isipan niyang. . . may especial na espasyo sa puso niya ang dalaga. "Stop crying, Fiona. It breaks my heart seeing you like this. Tahan na, hmm? Hindi ka na nila masasaktang muli. Wala ng makakasakit sa'yo magmula ngayon. Dahil ako, ako ang poprotekta sa'yo," puno ng sensiridad na saad ni Jayden na ikinalabi nitong panay ang pagtulo ng luha na pinapahid ni Jayden. "Bakit mo ito ginagawa sa akin, Jayden? Wala ka namang mapapala sa akin eh. Jayden, mahirap lang ako. Wala akong pera na ipambabayad sa'yo pagdating ng araw. Tanging pagtanaw lang ng utang na loob at paninilbihan ang maibabayad ko sa'yo." Wika ni Fiona na ikinalunok nito. "Because I want to. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko itong gawin. Pero kung may isang bagay na sigurado ako ngayon at maipapangako sa'yo? 'Yon ay hindi kita sisingilin sa hinaharap. Walang kapalit ang mga tulong na binibigay ko sa'yo, Fiona. Magkaibigan na tayo, 'di ba?" nakangiting wika ni Jayden na ikinalabi nitong tumango-tango. "Salamat kanina, Jayden. Ito ang unang beses na may tumulong sa akin mula sa mga bully. Ang sarap lang sa pakiramdam na may ibang taong nagmalasakit sa akin. Mula pagkabata ko ay tanging ang Tita Kyla ko lang ang tagapagtanggol ko. Kapag umuuwi ako na bugbog sarado mula sa mga bullies? Ang Tita ko ang rumiresbak para sa akin. Nakikipag-away talaga siya para sa akin. Kasi. . . kasi siya lang nagmamahal sa akin eh. Siya lang ang meron ako, Jayden. Kaya nasanay na akong palaging binu-bully ng iba. Hinahayaan ko lang sila kasi. . . kasi wala akong mga kaibigan. Nandidiri ang mga tao sa akin dahil pangit ako. Alam ko 'yon, tanggap ko at naiintindihan ko sila. Pero kasi. . . hindi ba't kalabisan na na sinasaktan nila ako kahit wala akong ginagawang masama?" paglalabas sama ng loob ni Fiona na patuloy sa pagtulo ang luha. Kita ang pait at sakit sa mga mata nitong luhaan kahit natatabingan iyon ng malaking round reading glasses nito. Lalo namang nakunsensya si Jayden na muli itong niyakap at hinayaang humagulhol ang dalaga sa dibdib nito. "Hwag mo ng hamakin ang sarili mo, Fiona. Wala sa'yo ang problema kundi sa mga tao. Kung ayaw nila sa'yo? It's fine. Pero ang saktan ka nila physically and emotionally? Fiona, walang sinoman ang may karapatan na saktan ang kapwa niya. Hwag mong maliitin ang sarili mo. You're like a gem, Fiona. Rare and one of a kind." Maalumanay na saad ni Jayden na hinaplos sa pisngi ang dalaga. "You're beautiful too. Nakasuot ka ng salamin pero. . .bakit hindi mo nakikitang maganda ka. You are beautiful inside and out, Fiona. That's why I like you. Kasi hindi lang mukha mo ang maganda. Lahat sa'yo," puno ng sensiridad na saad ni Jayden na ikinagapang ng init sa mukha ni Fiona. Napangiti ito na dahan-dahang inalis ang reading glasses ni Fiona na ikinapikit ng dalaga. "Open your eyes, Fiona." Anas nito na nangingiti. Tama kasi siya. Mas maganda ang dalaga kapag hindi nakasuot ng reading glasses nito. Dahan-dahang nagdilat si Fiona ng mga mata na naniningkit at nasisilaw ito. Medyo malabo din ang paligid nito na kahit mukha ni Jayden ay malabo sa paningin niya. "Do you see me?" "Malabo, Jayden. Kailangan ko ang salamin ko para makakita ng maayos." Sagot ni Fiona na inaaninag ang mukha ni Jayden dahil kita niyang tila nakangiti ito sa kanya. "Mas maganda ka kapag wala kang salamin, Fiona." Napalapat ito ng labi na gumapang ang init sa mukha nito. Nangingiti lang naman si Jayden na pinakatitigan ang dalaga na kitang-kita niya kung paano mamula ang mukha nito. "Maganda? Wala nga ako no'n eh. At kapag wala akong reading glasses? Malabo ang paningin ko sa lahat," wika nito na ikinatango-tango ni Jayden. "I have an idea, Fiona. Pero bago 'yon ay kumain na muna tayo." Saad ni Jayden na maingat ibinalik ang salamin ni Fiona. "A-anong ginagawa mo?" halos pabulong na wika ni Fiona na dumukwang ang binata dito. Halos maghalikan na kasi sila sa sobrang lapit ng kanilang mukha. Napangiti si Jayden na ikinabit ang seatbelt nitong ikinasinghap ni Fiona. "Your seatbelt, Fiona. Safety first," kindat pa nito na nangingiting umayos na rin ng upo at nagsuot ng seatbelt nito. Nangingiti si Fiona na bumaling sa labas ng bintana para ikubli ang ngiti nito. Dahil sa prehensya ni Jayden ay gumaan ang bigat ng dibdib nito at ang nangyaring pananakit sa kanya ng mga bully. Napaiktad ito na sunod-sunod napalunok nang kinuha ni Jayden ang kamay niya at pinagsalinop ang mga daliri nila. "My bestfriend Jello texted me, Fiona. Hwag mo ng alalahanin ang mga nambu-bully sa'yo sa university. Na-kickout na sila ng school." Ani Jayden na pinipisil-pisil ang kamay nito. Namilog ang mga mata ni Fiona na napalingon ditong kiming ngumiti at kumindat lang sa kanya! Parang lulukso ang puso nito sa dibdib na hindi malaman ang sasabihin sa narinig! "T-totoo? Pero, kawawa naman sila, Jayden." Bulalas nito nang makabawi-bawi na. "No, Fiona. They're deserve it. Labag 'yon sa rules ng university. Pasalamat nga sila 'di ko sila ipinatumba eh." Wika nitong halos ikaluwa ng mga mata ni Fiona na bumilis ang t***k ng puso sa narinig! "Hwag kang maawa sa kanila, Fiona. Nakakasama sila sa imahe ng university. Mabuti na rin na umaksyon agad si Ninong para maging aral sa lahat ng estudyante ng campus na hindi tino-tolerate ang mga bully doon." Wika nito na matahimik ang dalaga at kitang namumutla. "N-ninong?" "Aha. Ninong ko ang may-ari ng university, Fiona. Kaya hwag ka ng matakot at wala ng maglalakasloob na saktan ka," sagot nito na pinipisil-pisil ang kamay ng dalaga. Napayuko si Fiona na napatitig sa kamay nilang magkahugpong na mapait na napangiti. Sa nalaman nito ay hindi niya maiwasang makadama ng panliliit sa sarili kung gaano kataas na tao si Jayden. Sa kamay pa lang nilang magkahawak ngayon ay kitang-kita ang layo ng magandang kutis ni Jayden sa kutis nito. Maski mga kuko ng binata ay 'di hamak na mas maganda at malinis kaysa sa kanya na babae. Ang init at lambot din ng kamay nito na sa laki no'n ay nagmukhang kamay ng paslit ang kamay nito. "Hey, are you okay?" untag ni Jayden na makarating na sila ng restaurant ay nakayuko pa rin si Fiona. "Uhm, oo. Ang laki pala ng kamay mo." Sagot ni Fiona na mahinang ikinatawa ni Jayden na napatitig sa kamay nilang dalawa. "You know what that means, Fiona?" nanunudyong tanong nito na ikinakurap-kurap ng dalaga na bakas ang kalituhan sa mga mata. "Ang alin?" "About having a big hands. Do you know what that means?" "H-hindi eh." Napalapat ng labi si Jayden na pinamulaan ng tainga at kita ang pagkislap ng mga mata nito. Parang batang nagpapa-cute ang itsura nitong nahihiya sa crush nito. "Ano bang ibig sabihin kapag malaki ang kamay mo?" tanong ni Fiona na ikinatikhim nitong lalong pinamulaan. "Ahem! Soon, you'll discover it yourself, Fiona. Malalaman mo rin. Not now, but soon." Kindat ni Jayden na nagtanggal na ng seatbelt nito. "Wait for me, Fiona. I'll open the door for you." Nangingiting napasunod ng tingin si Fiona ditong bumaba ng kotse na umikot sa harapan at pinagbuksan ito ng pinto. Naglahad pa ito ng kamay na inalalayan ang dalagang makababa bago pinag-intertwined ang mga daliri nila na hinila ito papasok sa exclusive restaurant na pag-aari ng Tito Noah nito. Nagsisiyukuan naman ang mga staff na mamukhaan ang pamangkin ng boss nila na bagong dating. Panay ang pagbati ng mga ito sa dalawa na nakangiting tinatanguhan ang mga ito. Iginiya naman sila ng waiter sa sulok kung saan walang masyadong tao. Magkaharap ang mga ito sa mesa na namimili sa menu ng order habang nasa tabi nila ay waiter na nakatayong hinihintay ang order ng mga ito. Napapangiwi pa si Fiona na hindi siya pamilyar sa mga pagkain doon at sobrang mahal din ng presyo! "Uhm, Jayden?" "Hmm?" Napaangat ng mukha si Jayden na nagtatanong ang mga mata sa dalaga. "Uhm, may baon kasi ako dito. Ikaw na lang ang um-order ng lunch mo," pabulong saad nito na ikinapilig ng ulo ng binata. "No, order what you want, Fiona. It's my treat, no worries." Kindat ni Jayden na bumaling na sa waiter at binigay ang order nito. Napapangiwi naman si Fiona na napilitang um-order kahit hindi siya pamilyar sa pagkain. Pinili nito ang pinakamababa na abot sa five thousand ang presyo kahit isang bowl lang iyon! "Uhm, Jayden?" Napalingon si Jayden dito na nagtatanong ang mga mata na tinawag siya ng dalaga. "Okay lang bang kainin ko pa rin ang baon ko? May baon kasi ako, sayang naman." Saad nito na ikinangiti at tango ni Jayden. "Thank you," pabulong nito na kinuha sa bag ang lunch box nito. Manghang nakamata naman si Jayden dito na napangiting sinamyo ang lunch nito. Napalunok pa ito na masulyapang pork adobo ang baon ni Fiona. "Ahem, can I taste it?" anito na ikinakurap-kurap ni Fiona. "Ito?" tanong nito na tinuro ang baon. Tumango naman si Jayden na ikinangiti nitong iniusog ang lunch box nito sa binata. "Luto ng Tita ko 'yan. Nagbabaon kasi ako para makakain kung saan ko gusto," saad ni Fiona na ikinatango-tango ni Jayden at walang pagdadalawang-isip na sumubo sa baon ng dalaga. Napapikit pa ito na mahinang napaungol na matikman ang ulam nitong isa sa filipino dish na paborito nito. Nangingiti naman si Fiona na pinagmamasdan ang binatang nakalarawan ang sarap sa gwapong mukha habang kinakain ang sanay tanghalian nito. "Masarap?" "Sobra." Lalo itong napangiti na sarap na sarap nga si Jayden na panay ang subo sa baon nitong imbes na titikman lang ay halos naubos na nito na hindi namamalayan! "Akala ko tikim lang?" tudyo ni Fiona na naubos nito ang baon ng dalaga. Pinamulaan ito ng pisngi na parang batang napakamot sa batok at nagpipigil mapangiti. "Akala ko rin. Masarap kasi," makahulugang sagot nito na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi. "Anyway, daan tayo mamaya sa optical clinic namin." "Bakit?" takang tanong ni Fiona na tumuwid ng upo na dumating na ang order nila. "Ipapasuri natin ang mga mata mo. Kaysa reading glasses, contact lenses na lang ang gamitin mo. Mas bagay kasi sa'yo na wala kang salamin," wika ni Jayden na ikinalunok nitong natigilan. "H-hindi ba 'yon kalabisan? Sinagot mo na nga ang derma ko eh," nahihiyang sagot ni Fiona na ikinangiti nitong hinawakan ang kamay ng dalaga dahilan para magsalubong ang paningin nila. "Of course not, Fiona. Hayaan mo na lang akong tulungan ka. Wala naman akong hihinging kapalit ng mga tulong ko sa kaibigan ko," wika nito na marahang pinipisil-pisil ang kamay ni Fiona. Pilit itong ngumiti na nahihirapang tumangong ikinalapad ng ngiti ni Jayden. "Let's fix your hair too. Mas sapat pa naman tayong oras," dagdag pa nito na nagsimula ng kumain. AKALA ni Fiona ay nagbibiro lang si Jayden pero dinala nga siya nito sa isang optical clinic. Nahihiya man ay tinanggap nito ang tulong ng binata na ipinasuri ang mga mata nito at nagpagawa ng kanyang contact lenses. Katulad kahapon ay sinagot lahat ni Jayden ang ginastos nito kaya nahihiya siya sa binata. "Ayaw mo bang subukan?" tanong ni Jayden habang palabas sila dahil ibinalik ni Fiona ang salamin nito at hindi pa sanay ang mga mata niya sa contact lenses. "Unti-untihin ko, Jayden. Mula pagkabata ay nakasalamin ako kaya nasisilaw ang mga mata ko," wika nitong ikinatango ni Jayden na inalalayan itong makaupo ng kotse. "Saan tayo pupunta?" "To my friend's parlor." Sagot naman nito na muling pinasilab ang kotse. Napapalunok si Fiona na hindi na lamang umangal pa. Kita din naman kasi nitong desidido si Jayden kaya nagpatianod na lamang ito. Lihim itong nangingiti na ito ang unang beses niyang papasok sa parlor. "Jayden!? Oh my God! What brings you here!?" impit na tili ng binabaeng may-ari ng parlor na makilala ang binata. Natatawa namang bumeso si Jayden dito na napapairit at talon-talon pa sa tuwa at kilig na makita ang kaibigan nito. "How are you here, Paulo?" ani Jayden sa kaibigan. "Kainis ka. It's Pauline na noh?" ingos ng kaibigan na ubod ng arte ang pagkakasabi at napapapilantik ng mga daliri. "Oh, oo na. Pauline na kung Pauline. Ikaw talaga," natatawang saad ni Jayden na niyakap muli ang kaibigan. Ang gay friend kasi nito ay anak ng isang katulong nila sa mansion. Malapit ang mga ito sa isa't-isa na sa mansion din naman lumaki ang kaibigan. Ang mga magulang ni Jayden ang nagpaaral at nagpatayo ng salon na mina-manage nito ngayon. "Oh, who is she?" nanunudyong tanong nito na mapasulyap sa dalagang kasama nito. Napalapat ng labi si Jayden na kinuha ang kamay ni Fiona at marahang hinila sa harapan ng kaibigang impit na napapairit at nanunudyo ang ngiti at tingin nito. "Uhm, Pau. This is Fiona, my friend. I want you to make over her. Ayusan mo siya mula ulo hanggang paa. Kaya mo naman, 'di ba?" pagpapakilala ni Jayden dito na tumango-tangong napapairit. "Sureness! Akong bahala sa baby girl mo," kindat nito na ikinapula ng pisngi ng dalawa. "Ahem! Kaibigan ko siya." "Sus, kaibigan daw. Hwag ako, Mr Jayden Madrigal. Sabay tayong lumaki kaya kilala ko ang budhi mo," ingos ng baklang kaibigan nito na kinuha na si Fiona dito. Kakamot-kamot naman sa batok si Jayden na nangingiting nakamata sa dalawa na kaagad isinalang si Fiona. Mula sa pagre-rebond sa buhaghag nitong buhok, pag-aahit ng kilay nito at pag-pedicure at manicure dito. Matyaga namang nakaupo si Jayden sa waiting area na nagbabasa ng magazine habang nakadekwatro pa ng binti nito. Pasulyap-sulyap naman si Fiona dito mula sa salamin na napapangusong kitang hindi manlang tumitingin si Jayden sa kanila. "Lagyan lang kita ng konting makeup ha?" pagbibigay alam ni Pauline dito na ikinatango ni Fiona. "Hwag makapal ha? Hindi kasi ako nagmi-make-up eh," pagtatapat ni Fiona na ikinaiirit nitong tumango-tango. Kinikilig itong inayusan si Fiona na alam niyang kursunada ng kaibigan nito. Ngayon lang kasi may dinala ang binata na dalaga sa kanya at handang gastusan. Sa nakikita nito ay may pagtingin ang dalawa sa isa't-isa pero nagkakahiyaan lang. Bagay na ikinakikilig nito dahil ito ang unang beses na may matipuhan ang kaibigang si Jayden. Namamangha pa ito habang inaayusan si Fiona. Lalo kasing gumaganda ang dalaga kahit may suot itong salamin. Lalong nag-bloom ang ganda nito na naayusan ito at na-rebond ang buhaghag nitong buhok. Mahigit isang oras din ang itinagal nila sa loob ng parlor bago natapos ang pag-aayos kay Fiona. "Tadan! Open your eyes na, ganda. Este. . .Fiona." Maarteng saad nito na dahan-dahang ikinadilat ni Fiona ng mga mata. Napaawang pa ang labi nito na napakurap-kurap sa salamin! Parang ibang tao na kasi ang kaharap nito lalo na't ngayon lang siya naayusan at nagpa-rebond ng buhok! "Jayden, we're done," pagtawag pa nito kay Jayden na ikinayuko ni Fiona. Hindi niya alam kung maiilang o mahihiya ba siya na ipakita kay Jayden ang mukha nito ngayon. Mas lalo pa kasing kuminis ang balat nito sa mukha na natabunan ng make-up ang ilang natitirang pimple nito. Dinig nito ang mga palapit na yabag ni Jayden at ang pabango nitong palapit nang palapit. "Hey, chin up, Fiona." Malambing anas nito sa likuran nito. Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Fiona na ikinaawang ng labi ni Jayden na makita sa repleksyon ng salamin kung gaano kaganda ngayon ang nerd na nakilala nila! Napahagod ito ng tingin sa mukha ni Fiona na nahahawig sa isang sikat na turkish actress na si Thalia! "P-pangit ba?" utal na tanong ni Fiona na nakatulala sa kanya si Jayden. "Uhm, no. I told you, ang ganda mo. Napakaganda mo, Fiona." Sagot nito na kita ang kamanghaan sa mga mata na nakatitig ng matiim sa dalaga. "T-totoo?" Ngumiti ito na humawak sa magkabilaang braso ni Fiona na yumukong sumubsob sa balikat nitong ikinasinghap ng dalaga. Nag-iinit ang mukha ni Fiona lalo na't damang-dama niya ang libo-libong boltahe ng kuryente na dumadaloy mula sa kamay ni Jayden na nakahawak sa braso nito. "Do you think I'm kidding? Napakaganda mo, Fiona. You know what? Try to use your contact lenses. I think it's suits you more," wika nito na hindi maitago ang kamanghaan sa mga mata nito kung gaano kaganda si Fiona. "S-sige." Utal nitong sagot na kinuha ang contact lenses nito sa bag. Nangingiti namang nakamata si Jayden dito na maingay inilagay ang lenses sa mga mata nito. Napapikit na muna itong pinagpapahinga ang mga mata bago dahan-dahang nagdilat na ikinaawang ng labi nilang nakamata sa repleksyon nila kung saan wala na itong suot na reading glasses! Para siyang ibang tao na naayusan ito at lumabas ang totoong ganda! Maging si Fiona ay hindi makapaniwala na napakaganda niya pala sa kabila ng pagiging nerd nito. Gusto niyang magdiwang dahil sa nakikita nitong kislap at pagkamangha sa mga mata ni Jayden na hindi maalis-alis ang paningin sa kanya. Bumagay din dito na nakalugay ang unat na unat niyang mahaba at itim na buhok. Numipis na rin ang mga kilay nito na ikinaganda nito lalo. Maging ang brace nito ay inalis na niya kagabi na sinunod ang payo ng dermatologist nito. Lalo pa siyang gumanda na wala na ang malaking salamin nito sa mata at contact lenses na ang gamit. At lahat ng iyon na pagbabago sa kanya ay dahil. . . kay Jayden. PAGKALABAS nila ng parlor ay nagulat si Fiona na hindi ang daan pabalik ng university nila ang daang tinatahak nila ni Jayden. "Uhm, Jayden. May pupuntahan pa ba tayo? Mali-late na kasi ako sa sunod na subject ko," wika nito na napalingon sa binata. "No worries, Fiona. Ipinagpaalam na kita sa mga professor mo na hindi ka muna makakapasok ngayon." "Huh?" Ngumiti si Jayden na pinipisil-pisil ang kamay ni Fiona na hawak nito bago bumaling sa daan. "It's my bestfriend Jello's birthday today. Magha-hangout kami sa resort nila. Okay lang ba sa'yo?" saad nitong ikinatanga naman ni Fiona. "B-baka mag-alala ang Tita ko." "I will call her. Ipagpapaalam kita para hindi na siya mag-alala, hmm?" Tumango na lamang ito na wala ng nagawa pa. Isa pa ay gusto niyang makasama si Jayden kaya hindi na lamang ito umangal pa. Sa dami ng nagawa ni Jayden para sa kanya ay maliit na bagay na lang ang samahan niya ito sa birthday ng kaibigan nito. "Hindi ba nakakahiya sa mga friends mo? Hindi naman nila ako kilala," saad ni Fiona na maalala ang mga kaibigan nito. "Don't worry about them, Fiona. Mukhang gago lang ang mga kaibigan ko pero mapagkakatiwalaan naman kami." Sagot ni Jayden na sinulyapan itong nginitian ang dalaga. Mahigit dalawang oras din sila sa byahe kaya nakaidlip na si Fiona sa byahe. Pagdating nila ng resort kung saan tumuloy ang mga kaibigan ni Jayden ay tumambay na muna ang binata sa parking lot ng resort lalo na't nahihimbing si Fiona. Napapalunok itong nagtanggal ng seatbelt na inilapit ang mukha sa dalagang nahihimbing. Namamangha ito na pinagsasawang pagmasdan ang dalaga na parang anghel sa amo at ganda ng mukha. Napababa ang tingin nito sa mga labi ni Fiona na muli niyang ikinalunok na makadama ng init at pananabik sa mga iyon. Napapikit ito na pinaglapat ang noo nila na malalalim ang paghingang kino-control ang sariling nagsisimulang mag-init sa dalaga. "This is wrong, Jayden." Piping usal nito na natutudyo siyang hagkan si Fiona na nahihimbing. Pero sa huli ay heto at natagpuan niya ang sarili na masuyong hinahagkan si Fiona kahit tulog ang dalaga! Gusto niyang bawiin ang mga labi pero lalo itong nasabik na malasaan kung gaano katamis ng labi ni Fiona! "Uhmm. . . F-Fiona," ungol nito na salitang sinisipsip ang mga labi nito. Maingat nitong sinisipsip ang mga labi ni Fiona na lingid sa kaalaman nito ay unti-unting nagising na maramdamang tila may humahalik sa kanya! Parang lulukso ang puso ni Fiona na makumpirmang hinahagkan siya ni Jayden sa kanyang mga labi habang natutulog ito! Pigil-pigil ang sarili nitong mapaungol na kinakagat-kagat pa ni Jayden ang ibabang labi nito at aminado siyang nasasarapan siya kung paano siya halikan ng binata na puno ng pag-iingat ang bawat paghagod ng mga labi nito. Napadilat si Jayden ng mata nang humawak sa batok nito ang dalaga na. . . tinugon na ang kanyang halik!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD