Meeting with Saavedra

1015 Words
Dahil sa reaksyon at pagwawala hindi na sila nagabala na isama ako sa araw ng kasal nila. They married in a secret siguro tulad ko rin ang anak ng babaeng iyon tutol sa kasal. Ngunit hindi nila maaring ipagsawalang bahala ang araw na ito dahil sila na ang nagtakda na imemeet ko ang babae ng aking ama. 'Wife na raw' I can't accept her as my step mom lalo na ang magkaroon ng kapatid na lalaki. Hindi na ako umimik, binayaan ko na lang ang driver namin na ihatid ako sa isang eklusibong restaurant na pina-reserve ni Dad. Nagsuot lang ako ng black crop top at isang high waisted na jeans wala akong balak na makipag-plastikan sa kanila ipapakita ko lang kung sino ako. Dumating ako roon at inihatid ng isang staff sa lugar kung saan magaganap ang dinner. Umupo ako katabi si Dad kahit papaano naman ay hinalikan niya ako sa aking pisngi, napatingin ako sa babaeng iyon at hindi naman ako magtataka kung bakit siya nagustuhan ni Dad. She's elegant and pretty pero mas maganda parin ang Mommy ko. Inirapan ko siya kaya bigla niyang pinisil ang kamay ni Dad. Indication lang na she's threaten pero nalipat ang tingin ko sa katabi niya like me pasan ang mundo sa sama ng mukha. Napaka-matured nitong pumorma. Parehas sila ni Dad na naka-three piece suit na black at nakaiwas ang tingin pero not bad, ang gwapo. "Now you're here. I want you to me my wife, Hija. Her name is Priya. You can call her Tita, or Mom-" pakilala ni Dad "A, hindi pa naman ngayon. You can call me whatever you wanted 'wag lang yung nakakahiya" straightforward din naman 'tong asawa ni Dad. Ayaw na mapahiya. Anyways pumasok sila sa pamilya namin kaya tiisin nalang nila kung paano ko sila tratuhin. "Priya, Honey. Salamat. And this gorgeous man on her side is her son, Calev Saavedra. A CEO in one of the Largest Steel Company here" hindi ito nagpakita ng pagkainteresante kung paano siya purihin ni Dad. Tama talaga ang nasa isip ko. The feeling is mutual. Ayaw namin parehas ang union ng mga magulang namin. Kaya bago pa ako pandilatan ni Dad ng mata ay nagsalin na ako ng wine sa baso ko pinuno ko pa nga at nilako. Straight! Kaya napatingin sa akin ang lalaking iyon at inismiran ko lang siya. Mukha namang halos isang dekada ang tanda niya sa akin. Si Dad ay binulungan na lang ang kanyang asawa at tumango ito at ngumiti sa akin. Hindi ako kumain uminom lang ako at dahil sa nakakahiyang inaasal ko ay hindi na nito magalaw ang pagkain niya. At nagpaalam siya sa nanay niya. Pabulong pa pero nung irelay ng Priya na 'yun ang sinabi ng anak niya ay halos rinig ng apat na sulok ng kwartong ito. Binigyan ako ng nakakatakot na tingin bago ito lumabas ng VIP room. 'Who cares! Parehas lang namin hindi gusto ang pagpapakasal ng parents namin. At ng matapos ang Diner ay sabay-sabay na kami bumalik ng mansyon. Duon na ako hindi makapag-pigil ng bigla silang magdesisyon sa buhay ko. "Hija, Alam kong nabibigla ka sa nangyari. Hindi ko hinhiling na tanggapin mo agad si Priya pero kahit papaano ay galangin mo naman siya" pakiusap ni Dad. Infairness, ang bait niya sa harap ni Priya. Kung makikilala lang niya ang napangasawa niya ay tiyak aalis din siya tulad ni Mommy. Dahil si Dad madalas sampal at masasakit na salita ang inaaabot ko. Pero hindi nakikiusap siya kaya pipilitin ko siyang lumabas ang totoo niyang ugali. "Yes. Biglang-bigla ako Dad. Hindi ko siya matatanggap at kahit kailan hinding-hindi ko siya ituturing na nanay ko or asawa mo manlang.. 'wag na kayong umasa" At tulad ng inaasahan ko inabot na ako kay Dad. Sinampal niya ako sa harap ng babaeng iyon. Dapat ay manhid na ako dahil kahit kailan ay hindi siya naging mabait sa akin. "Mauro!" sigaw ni Priya. "I'm sorry Hija" sabi ni Dad pero napangiti lang ako. "Sorry! hindi ka ganyan kapag sinasaktan mo ako. Maganda at makikita niya kung paano mo ako saktan. Paano mo saktan ang nag-iisa mong anak!" "Hindi ko sinasadya. Lagi mo nalang inuubos ang pasensya ko at sa tingin ko ay tama si Priya na sumama sa kanya sa ibang bansa para magtayo ng bagong negosyo roon" lumabas rin ang nais niyang sabihin kanina pa. "Ha. Iiwan mo ako dito? Tingin mo Dad hindi kita kailangan. Magpapakabait ako kung yan ang gusto mo" ng marinig ko na nais nila akong iwan ay napaluhod ako at niyakap ko ang binti ni Dad at humagulgol ng iyak. "Hija, a year kaming mawawala at nasisiguro akong hindi ka pababayaan ni Kuya Calev mo. Pansamantala titira ka sa bahay niya" sabi ni Priya Pinal na ang desisyon nilang iwanan ako. Ngunit hindi sa bahay na ito kundi sa lalaking kanina ko lang nakita. "Dad, please 'wag mo akong iwan. I promise magbabago na ako. Magpapakatino na ako at-" "No, Hija. Kailangan mo ng mabuhay ng wala ako sa tabi mo. Isa pa ilang buwan nalang ay maituturing ko ng isa ka ng ganap na dalaga. Bukas na bukas ay ihahatid ka namin sa bahay ni Calev" wala na akong nagawa dahil pinal na iyon. Naiwan akong humahagulgol ng iyak sa aking kwarto, magisa at walang umiintindi sa nararamdaman ko. Kinuha ko ang nagiisang family portrait namin at niyakap ko iyon dahil bukas na bukas ay magbabago na ang buhay ko at hindi ko alam ang maaari kong gawin para lang mapigilan ang desisyon nila. Akala ko kahit anong tigas ng ulo ko at pasaway hinding-hindi ako susukuan ni Dad at si Mom kung duon ako titigil tiyak ang asawa naman niya ang magiging kaaway ko at wala na ako magiging kalayaan baka gawin pa akong baby sitter ng anak ni Mom. Sa sobrang iyak ko namaga na ang mata ko at hindi ko namalayan na nahatak na ako sa pagkaantok. Nakatulog ako ng gabing iyon na puno ng bigat sa dibdib at sama narin ng loob dahil parehas na akong mauulila. Magisang maiiwan ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD