Bitter Life of a Spoiled Princess

1018 Words
Hindi naman ako pumasok sa klase ko tutal marami naman kaming pera bakit kailangan ko pang matapos ang kolehiyo. Bata palang ako lagi na ako ang nasusunod pagdating sa mga desisyon ko sa buhay. Dahil wala akong dapat asahan. Si Mom at si Dad ay naghiwalay at ako lang naman ang iniwan nila sa gitna. Si Mom may bago ng pamilya at manganganak na naman ulit sa ikatlo kong kapatid. Pero who cares? Hindi ako invited sa bahay nila dahil galit sa akin ang asawa niya pano ba naman ay inangkas ko sa motor ang aking kapatid at parehas kaming nahulog kaunting sugat lang naman pero sa kanila big deal yun kaya simula ng araw na iyon ay hindi na ako welcome sa bahay nila at of course pati sa buhay nila. Ako ang sakit sa ulo ni Dad dahil wala daw akong dinulot na maganda kundi puro problema. Pagdating ko sa malawak naming bahay puro katulong ang makakausap ko at si Dad hindi ko siya madalas nakakasama. Busy sa negosyo kaya kapag wala akong ginagawa pupunta ako sa mga mall para bumili ng kahit ano like signature bags, dress at mga alahas na itinatambak ko lang sa bahay dahil hindi ko rin naman lahat nasusuot. Bakit ako nagaaksaya ng panahon kung hindi naman importante gusto ko kasing umuwi si Dad para sermonan ako dun manlang ay makasama ko siya kahit galit siya sa akin at halos isumpa ako sa mga kalokohan ko. Masaya na ako kapag nakikita ko siyang nagliliyab sa galit sa akin dahil ganon lang ang oras na meron siya para sa akin. Yes! you are right hindi ako grateful sa buhay ko at pagod na akong magpapansin sa kanila. Tuwing Saturday lumalabas ako kasama ko si Suzy at sa bar kami ni Matt tumatambay. Sa murang edad natuto akong magsigarilyo at uminom ng alak start from cocktails to hard like pure tequila. Sa una nakakasunok pero katulad lang nito ang buhay ko. 'Expensive but bitter'. Sumasabay kami sa indayog ng musika at nun ko lang nararanasan na panadaliang makalimutan kung sino ako at ano ako. Kasabay ng paghiyaw at pagmu** ko sa mundong kinalalagyan ko. Umiinom hanggang maging paralisado at puro nalang tawa ang ginagawa. 'Kasi kapag lasing ako wala akong nararamdaman kundi masaya at walang ibang emosyon ng naiiwan sa akin kundi ang pagiging masaya'. Ngunit ito ang labis na kinaayawan ni Dad kaya sa pag-uwi ko ng madaling araw nakasara na ang main door tanging si Manang Rosa nalang ang nagpapasok sa akin dahil kabilin-bilinan ni Dad matulog ako sa labas dahil hindi na uwi ng matinong babae ang alas tres ng umaga at walang tigil ang pagsinok at sumusuka. Kinabukasan wala siya at mga katulong ang nasa harapan ko. Ito ang buhay na mayroon ako. Oo na sasabihin ninyo kulang ako sa pansin. Oo kulang nga kaya laging nagpapansin. I bet lahat kayo inis na sa akin pero lumaki ako na kasama ang mga magulang ko. Happy at ako lang ang kanilang mundo ngunit isang araw si Mommy umalis ng bahay dahil kay Dad. Dad wanted to divorce her for a petty reason. Dahil walang na ginawa si Mommy kundi ang maglustay ng pera. Bakit pa siya nagpapakalunod sa trabaho at mag put-up ng maraming Jewelry Shop kung ayaw naman niyang busigin si Mom sa mga gusto nito? Sabi nga nila 'Old people don't know how to be happy anymore'. Hindi na bumalik si Mom para makipag-ayos kundi dala ang divorce agreement para papirmahan kay Dad. I was 7years old back then. Naghiwalay sila at nabalitaan ko nalang nagasawa na ulit si Mom. Nawalan ako ng pamilya kaya hindi ako naniniwala sa Pag-ibig na iyan. Hanggang tumuntong ako sa edad na kinse. At may isang kaedaran akong nagtapat ng pagibig kuno. You know what I did? I slapped him and punch him in the face. Bago ako grumadweyt ng Highschool ay napatawag pa si Dad para makipag-areglo sa binasagan ko ng ilong. Sa payat kong ito malakas ako at hindi ako marunong mahiya. Simula noon kinangilagan ako at walang ni isang nangahas na manligaw. Mabuti ng malaman nila ang tingin ko sa sinasabi nilang First Love or puppy love na'yan. Sanay ako sa mga baggy clothes ko kaya lang ako nagde-dress para sa mga okasyon like a family dinner. A family dinner! yung salo-salo at pakikipagplastikan sa mga kamag-anak lalo na ang mayayabang kong pinsan na laging pinagyayabang ang kanilang sweet parents. Kaya madalas nasa labas ako at inuubos ang mga wine dun. Wala eh si Dad ang panganay na anak ng mga Dela Cruz. Nung minsang masobrahan ako ng wine may isang lalaking umalalay sa akin papunta sa sofa. Bigla nalang akong ninakawan ng halik kaya nawala ang pagkalasing ko tumayo ako at kinuwelyuhan ko ang lalaki ngunit halip na ipagtanggol ako ni Dad. He slap me dahil pinagbintangan pa akong inaagaw ko raw ang boyfriend ng pinsan kong si Elaine. Lalong bumaba ang tingin ko sa pagdidisiplina ni Dad. I totally dissappointed to him hindi ako lumabas ng kwarto ng ilang araw dahil akala ko hahanapin niya ako at kakausapin manlang ngunit hindi naman nangyari yun kaya lalo akong naging rebelde. Halos hindi na ako pumapasok sa mga klase ko at madalas sa bar ni Matt. Lumala ang distansya sa pagitan namin ni Dad hanggang hindi na niya ako sinasama sa mga family event. Naiwan akong tuluyan sa madilim na parte ng buhay ko. Hanggang sa isang araw nalaman kong ikakasal siya sa isang babae na ngayon ko lang makikilala. Wala akong ideya na hahanap parin si Dad ng babaeng magpapasaya sa kanya. Ganoon ba talaga kahalaga ang umibig ulit at magkaroon ng bagong mamahalin? Sa isang iglap naging ibang tao ang tingin ko kay Dad. Ngayong 17 years old na ako saka pa siya hahanap ng bagong mapapangasawa. Dahil sa galit ko binasag ko lahat ng mga pictures namin na nakadisplay sa sala. Magkahalong lungkot at galit ang nangibabaw sa akin. 'I hate him, I hate my Dad' sabi ko ng paulit-ulit hanggang sa ilang katulong na ang pumipigil sa akin at sapilitan akong dinala sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD