"My House, My Rules brat!"

1339 Words
Nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang sinisimsim ang pinakapaborito niyang alak. Matapang ito at talaga namang mamahalin. Pinagmamasdan niya ang litrato ng anak ni Mauro. Si Mauro ang kanyang opisyal na step-dad kalakip nito ang pakikisuyo ng kanyang ina na si Priya. Lumikha ito ng isang pagtatalo sa kanilang pagitan noong umaga ngunit wala naman pinatunguhan dahil malaki ang pagmamahal niya sa kanyang ina kahit na nakakagawa ito ng mga desisyong madalian at pakiramdam niya ay hindi siya kasama sa mga prayoridad nito simula ng mawala sa mundo ang kanyang ama. "Mom? Bakit ako ang magaalaga sa batang iyon?" "Because she is your sister" nakapamaywang pa siya noon habang ang kanyang ina ay patuloy sa paghitit ng sigarilyo. "My step-sister to be precise!. A-ayoko!" buong sistema niya ang tumututol dahil sa hindi niya gusto ang kinilos nito nuong dinner at palagay niya ay pati ang ina niya ay binabastos ng dalaga. "Just a Year, Son! then pwede ka ng magpakasal kay Vernice. And by that time okay na ang aming negosyo ng Tito Mauro mo. Kukunin namin si Xyrine para naman mawalan ka ng alalahanin" "Mom, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Magsasama kami dito sa bahay? Ano nalang ang sasabihin sa akin ng Fiancee ko. Basta Mom hindi ako papayag na dito 'yan titira at magiging taga-alaga ako ng spoiled brat na iyon" "Nakikiusap ako Anak. Ngayong taon lang at malaya ka na after. Siguro naman dahil sa strict ka at responsible magiging mabait at matino na si Xyrine" "Mom. Hindi ninyo ba kayang isama ang batang iyon?" "May honeymoon pa kami kaya wala kaming oras para magasikaso ng pag-aaral ni Xyrine at mga papers" sa narinig ay lalong naginit ang kanyang punong tenga. "Mom" Lumapit si Priya at nakiusap sa anak sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito. "Son, just take care of Xyrine. Please... para sa akin. Sa happiness ko-" hindi na niya naituloy pa ng kalagin ni Calev ang kamay at tignan sa mata ang ina. Nais niyang pagsalitaan ito ng masakit pero dahil sa pagmamahal niya rito ay tinimpi niya ang sarili bagkos iniwas niya ang tingin at tumango. "Mom, just a year and after I myself throw her somewhere kung hindi parin kayo settle ng Mauro na iyon. Sa kangkungan siya pupulutin ng tatay niya" "Thanks Anak, in 2 days aalis na kami ni Tito Mauro mo at si Xyrine ay dadalhin dito ng mga driver nila ha.." masaya itong umalis ng bahay niya. Samantalang siya ay napailing na lamang dahil kahit sa edad niyang ito na hindi na niya kaya pang tanggihan ang kanyang ina. Nabalik ang kanyang isip sa kasalukuyan ng biglang pumasok sa kanyang opisina si Darrel. Ang kanyang matalik na kaibigan noong kolehiyo at kasosyo sa kumpanya. "Bro, whoooa!" napatingin si Darren sa hawak nitong litrato at mabilis namang tinago ni Calev sa drawer ngunit sa bilis ng mata nito pagdating sa babae ay nahagip parin ito ng kaibigan. "Why are you here?" "Sino siya? Bagong prospect? 'Wag mo na sa aking itago 'yan. Sa bilis ng mata ko" "Okay! She is the daughter of Mauro" "Hmm.. patingin?" muli niyang kinuha sa drawer ang litrato at binigay sa kaibigan. "Tonight nasa bahay ko na ang batang iyan. Ginawa pa nila akong baby sitter" "Alam mo Bro.. maganda at teka nga ang alam ko magkaedad lang tayo. Hindi tayo ganon ka tanda..nasa early 30's lang tayo. Pwede mo nga itong maging nobya kung gugustuhin mo-" "Hindi ako katulad mo na tirador ng mga teens. Akin na nga 'yan" inagaw niya ang litrato sa kamay ni Darren na tatawa-tawa sa kanya. "Then, I warning you na magingat ka sa mga ganitong bata na sinasabi mo. They are aggressive at baka malaman laman ko nalang na-" "That's not gonna happen! Kahit maghubad pa siya sa harap ko hindi ko siya papatulan" "Masusubukan naman iyan. Tandaan mo mahirap magsalita ng tapos lalo pa't maganda siya at napaka-" "Hindi ko siya type kakadating ko lang dito sa bansa ay bibigyan nila ako agad ng trabaho, worst being a babysitter pa ng asawa niya" "Maganda naman. Gusto mo ako nalang ang mag-alaga sa Baby Step-ster mo" pang-aasar ni Darren. "Bro, please! Hindi ako kasing-" "Of what, Bro baka nakakalimutan mo ang mga kalokohan natin. Hindi tayo santo lalo na sa harap ng tukso" "Ako lang naman si Calev Saavedra Bro alam mo naman na hanggat maaari ay ayoko ng kwestyunin si Mom sa lalaking pinakasalan niya. Isang taon lang at makakalaya din ako" nagsalin siya ng alak para ibigay sa kanyang kaibigan at agad naman nitong tinanggap at ininom. At ngumiti ito sa kanya. Noong nasa kolehiyo sila ay laman din sila ng mga kilalang bar at babae ang pantanggal ng kanilang stress sa pag-aaral. Ngunit kahit na ganoon man ang kanilang gawain ay tanging si Vernice lamang ang sineryoso niyang maging nobya. 'Hinding-hindi ako magiging mabait sa babaeng iyon. Hindi ko alam ang gusto ng ama niya sa Mom ko. Maaaring yaman at katanyagan sa larangan ng nesgosyo. Pipigain ko ang babaeng iyo hanggang sa aminin niya ang totoong nais nilang mag-ama dahil alam kong magkasabwat sila. Pasalamat sila mahal ko ang aking ina. Wala silang makukuha ni sinkong duling sa amin at titiyakin kong magiging miserable ang buhay ng batang iyan sa poder ko. Sa kanya manlang ay makaganti ako at hangga't maaga pa ay maisalba ko sa kahihiyan si Mom. Nabibilog lang ng lalaking iyon ang ulo ni Mom para mapapayag sa mga gusto nila. I'll expose them' Ng gabing iyon ay dumating siya sa kanyang bahay na sobrang tahimik at siya naman ay humakbang papaakyat sa kanyang kwarto ngunit napukaw siya ng mga nakakalantugang mga bote at boses ng isang babae. Tinungo niya ito at dun sa kanyang mini bar naroon ang batang babae na sumasayaw sa kalasingan at ilang basyo na ng bote ang nagkalat sa sahig at counter. Mukhang inihatid narin ito kanina ngunit siguro ay hindi niya nakuhang tignan ang mga mensahe sa kanyang telepono. Wala siyang mga kasambahay dahil ayaw niyang may nakikielam sa kanyang gamit at nagpapalinis siya tuwing ikatlong linggo sa isang housekeeping company. Subalit ng makitang inubos nito ang ilan sa mga paborito niyang alak ay nag-init agad ang kanyang ulo at galit niyang tinungo ang babae at hinaklit ang braso nito. "Aww" reklamo nito at may panguso-nguso pa ito. Kaya hinatak niya ito sa garden,tinulak at napaupo sa vermuda. Kinuha niya ang garden water hose at inispray ito sa lasing na lasing na si Xyrine. Nawala ang pagkalasing nito sa lamig ng tubig. "Pl-Please.... tama na!" "Who told you na maaari kang makielam ng mga gamit ko" "Sorry, Calev! nalulungkot lang ako!" "F***k! Spoiled Brat! Hindi ito ang bahay na pwede kang umasal ng ganyan. Dito sa bahay na ito ako ang hari" "S-Sorry!" tanging nasabi ni Xyrine. Nagsimula na siyang manginig dahil sa lamig ng tubig. Kaya nangatal na ang ang kanyang panga. "Hindi mo ba alam na mamahalin ang mga alak 'don na ininom mo ng walang pakundangan" "Si Dad.. babayaran niya ang lahat kaya pwede ba giniginaw na ako" "No, para mas fair. Dahil dito ka na titira sa poder ko kailangan mong bayaran ang mga alak na iyon" "Pero magkano ba ang mga alak na iyon" "See. You are full of yourself, Young Lady! 30million lang naman ang mga alak na iyon" namaywang si Calev "Ayy Weee" punong pagkagulat ang kanyang mukha. "Dahil magkano lang tiyak ang iniwan sa iyo ay pagtatarabahuhan mo ang balanse. From now on pagsisilbihan mo ako bilang isang katulong" "What?" niyakap niya ang sarili dahil sa narinig at sa lamig na kanina pa niya nilalabanan. "Hindi ka naman siguro bingi. Simula sa araw na ito katulong na kita" "Pero hindi ganyan ang sinabi ni Dad" "My house, My rules brat!" Iniwan siya ni Calev na yakap-yakap ang sarili at nanginginig sa lamig. Sumungaw na naman ang kanyang luha. "Nalulungkot lang ako kaya ininom ko ang mga alak 'don. Dad!" bulo niya at humagulgol siya ng iyak habang lumalakad papasok sa bahay ni Calev.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD