Two faces and reasons

1012 Words
Ilang saglit pa ay hindi na nakagalaw ang kanyang katawan. At alam niyang dala na ito ng matinding gutom. Kaya minabuti nalang niyang ipikit ang kanyang mga mata baka sakaling paggising niya ay nasa kabilang buhay na siya ngunit ilang saglit pa ay may naamoy siyang pamilyar na pabango, hindi siya maaaring magkamali dahil iisa lang ang lalaking naamoy niya gamit ang mamahaling pabango na iyon. Si Calev ang kontrabida niyang stepbrother. Dinikit ni Calev ang kanyang kamay sa noo ng dalaga at napansin niyang sobra ng putla ng labi nito. Kaya napamura siya at gumawa ng soup. Sa una'y binasa niya muna ang labi nito at tinanggap naman ito ni Xyrine hindi naman na kasi ito nagreresponse sa kanyang pagtawag. Makaraan ay kumuha siya ng unan para maiangat ang ulo nito. At unti-unti niya itong sinubuan para magkaroon ng lakas ang dalaga. Lumipas ang ilang minuto ay unti-unti na nito naimumulat ang kanyang mga mata at sumimangot siya ng mabungaran si Calev. "Dapat ay tinuluyan mo nalang ako?" sambit ni Xyrine. "Ginawa mo pa akong mamamatay tao" "Al-Alam mo dapat pinabayaan mo nalang ako. Matatanggap naman ni Dad na wala na ako dahil matagal na akong balewala sa kanya" "Ma-drama kana maarte ka pa" "Sus?" "Ubusin mo na ang pagkain dito. At matulog kana sa kwarto mo. Bukas na tayo mag-usap" sabi ni Calev at iniwanan na siya roon. Hindi naman pala ito ganon ka sungit at maldito. Talagang ganoon lang ito at kahit papaano ay napakabait nito habang siya ay kausap. 'Nagiging mabait kapag sila ang may kasalanan' Hindi na naisip ni Xyrine na maligo o maglinis dahil sa pananamlay na nararamdaman niya. Basta tinanggal na lamang niya ang kanyang damit at binalot ang sarili sa malambot na kumot. May pananamlay parin siyang nararamdaman ngunit ang nais lang niyang gawin ay ipikit ang kanyang mga mata. Ramdam niyang may mga kamay na humaplos sa kanyang mukha kaya binayaan lamang niya ito dahil ang ama niya lamang ang naiisip niyang dadalaw sa kanyang panaginip ngunit nagtagal pa ito sa kanyang mukha at muli ulit nawala. Kaya napausal siya 'Dad, I miss you. Bumalik ka na magpapakabait na ako'. Narinig niyang napatawa ito at binigkas ang pangalan niya. 'Xyrine'. Ngunit ang boses ay hindi sa kanyang ama kundi kay Calev kaya agad niyang minulat ang kanyang mga mata. At si Calev nga ang kanyang nabungaran. Agad niyang hinila ang kumot at tinakip sa kahubadan niya. "Ano-ng ginagawa mo dito? Calev" gulat na gulat na tanong ni Xyrine "I was just checking on you. And dina sana kita gigisingin pero kailangan mong inumin 'tong juice na ito para naman bumalik ang lakas mo" "Iwanan mo nalang diyan. Ako na ang bahala" kaswal niyang sagot dahil alam niyang wala siyang saplot ng oras na iyon at tanging ang kumot lang ang nagsisilbing manabing sa kanyang katawan. Tumayo naman si Calev at inilapag sa side table ang juice na kanyang sinasabi at umalis na kaya nakahinga narin siya at ng oras na iyon ay namumula na ang kanyang pisngi. Ininom niya ang dinala nito at napangiti dahil sa pinakita nitong pag-aalala sa kanya. 'Mabait ka naman pala at kahit papaano ay may pag-aalala diyan sa puso mo para sa isang tulad ko. Calev mabait at medyo istrikto kaya sisikapin kong maging mabait at masunurin habang narito ako sa poder mo' Muli siyang bumalik sa kanyang pagkakahiga at napangiti ngayong gabi. Kagabi kasi ay nais nalang niyang isumpa ito dahil sa pagpapahirap ngunit kaiba ngayon dahil agad na niyang nakalimutan ang pang-aalipusta at kalupitan nito sa kanya. Bago paman siya tuluyang makatulog ay inayos niya ang maliit na orasan at siniguradong siya ay gigising sa tamang oras. Samantala sa kabilang silid ay si Calev ay kinukuyom ang kanyang palad at sinisita ang sarili na kala mo ay nawawaglit na sa kasalukuyan. Muli siyang bumaling sa litratong nasa harap niya. Ang litrato ng kanyang ina at bagong asawa nito na nag-eenjoy sa kanilang honeymoon. 'Masaya ka sa bago mong asawa at talagang pinabayaan mo na ako at ang laman ng mga mensahe mo ay lahat ng tungkol sa batang suwail na iyon. Sino na ba ang totoo mong anak dito? P'wes sisiguraduhin kong dadanasin niya lahat ng hirap at habang nagsasaya kayo ay siya namang nagdurusa sa mga kamay ko. Patuloy ko siyang aalilain at ituturing na katulong sa bahay naito. Para naman maging patas ang lahat dahil tila mas mamahalin mo ang suwail na iyon kaysa sa aking tunay mong anak' Patuloy siyang nilamon ng kanyang inggit at selos dahil sa unang pagkakataon ay nakatanggap siya ng message galing sa kanyang ina pero halip na siya ay kamustahin ay si Xyrine ang tanging laman noon. Masyado na siyang matanda para magtampo pero higit roon dahil namumuhi siya sa lalaking nagpapaligaya sa kanyang ina. Nais niyang mawala ito kaya nagsagawa siya ng mga pag-iibestiga tungkol dito pati ang mga nakasalamuha nito at ang naging problema sa unang asawa nito. Naroon ang pagseselos at pag-aalala na muli na namang masaktan ang kanyang ina. Kinabukasan ay maagang nagising si Xyrine. Pinaghanda niya ng pagkain si Calev at inayos niya rin ang pagkakaluto sa itlog at hotdog. Kaya ng lumabas ito ay nakangiti siyang sumalubong. Hindi naman siya nito agad tinapunan ng tingin bagkus ay umupo at humigop ng kape. "Wala ka bang alam na lutuin sa breakfast kundi ito? Maraming cooking book diyan bakit hindi mo simulang pagaralan at ng kahit papaano ay matuwa naman ang sikmura ko" bumalik sa pagiging maldito ito at malupit. Kaya yumukod nalang si Xyrine at humingi ng paumanhin. Hindi na rin nagtagal si Calev kaya ng tumayo ito ay agad siyang tumungo sa gate para pagbuksan ito. Naiwan siyang nanlulupapay dahil akala niya ay mamemeet niya ulit ang Calev na bumisita sa kanya kagabi upang kamustahin ang kanyang kalagayan at painumin siya ng juice. 'Di kaya multong Calev ang naroon kagabi? Pero yung glass ng juice anduon pa. Or may sakit 'yun na bigla-biglang bumabait at sumusungit?' naisip siya pero pinawi na lamang niya ito at sinimulang aralin ang sinasabi nitong cook book.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD