Adobo with Love

1408 Words
Sa lahat ng masasarap na pagkaing naroon ay naintriga ako kung paano gawin ang isa sa pinakapaborito kong ulam. Noong okay pa sila Dad at Mom ay madalas kaming magrequest kay Mom na magluto ng adobong baboy at kung minsan ay manok na may ilang nilagang itlog na nakasahog. Ganito pala ang pakiramdam na hanggang sa alaala nalang nababalikan ang masasayang memories namin as a family. Ngayon parehas na silang busy sa mga sarili nilang pamilya at tulad ng nauna ako ang naiwan. Namimiss ko si Mom at syempre ng mga kapatid ko. Kahit na hindi ako naging mabuting ate sa kanila. Ayan nalulungkot na ako. Muntik ko ng makalimutan na nagaaral pala akong magluto hindi ang mag-reminisce ng nakaraan. Baka masabihan na naman ako ng maldito kong seniorito. Inaral ko ang pagluluto ng adobo mula sa paghiwa ng karne hanggang sa mga ingredients at paano ang sunod-sunod na pagluluto ngayon ang problema ko nalang ay ang timpla. Kung sana iba't- ibang klaseng alak nalang ito ay kaya kong pagsunod-sunurin kung alin ang pinaka-cheap sa pinakaexpensive. Dun lang ata gumagana ang panlasa ko at hindi ko magawang lasahan ang adobong ginawa ko bus** 'yan kahit pa ito ang paborito ko. Nako inabot na pala ako ng 6 ng hapon at ilang oras nalang ay darating na ang amo ko. Siya nalang siguro ang lumasa nito dahil siya naman ang naguutos eh saka baguhan palang ako malay ko bang papasa 'to?. Iniwan ko nalang ang adobo sa kusina dahil iinitin ko nalang kapag dumating na si Calev. Kinuha ko na ang pang-spray sa mga pasimano para mabango pag-uwi niya at pati narin ang pagvacuum. Ang tagal ko pala sa kusina ayan nagmamadali na ako na tapusin ang mga gawaing bahay. Teka yung office niya kailangan mabango at malinis para naman hindi na siya magalit sa akin. Ayoko naman siyang nagagalit dahil ang totoo ay natatakot ako at baka masaktan na naman niya ako. Wala bang nobya yun at puro kasungitan lang ang alam gawin. Kung minsan naman ay mabait siya pero baka nga kasi galit siya sa tatay ko hanggang sa akin ay damay. Hay naku siguro naman in 2 months babalik sila at kukunin ako sa poder ni Calev. Pamilya na kami kaya kailangan makasundo ko siya. Itinuloy ko lang ang paglilinis ko at pagpupunas sa mga pasimano. Gayundin ang pagtatapon ng basura sa labas. Malakas din siyang humitit ng sigarilyo lagi kasing puno ang astray at kailangan naka-on palagi ang purifier. Itinambak ko nalang ang mga basura 'don dahil bukas kukunin naman ng taga-kolekta. Pero sa sobrang focus ko ay hindi ko inaasahang kotse na pala niya ang parating agad kasing pinatay ang ilaw at napakahina ng tunog. Ayun nagulantang ako sa bigla niyang pagbusina. "What the F***!" sigaw ko. Lahat na ata ng balahibo ay nagsitaasan sa gulat ko. "What are you doing here?" "Nagtatapon ng basura" sagot ko sa kanya. "Make it fast dahil hinihintay kitang ibukas ang gate. Saka nagugutom na ako" "Opo sige po" sang-ayon ko nalang baka mag-init ang ulo at hamunin na naman ako ng away. Siguro nagmemenopause na siya kaya ganyan laging masungit. Padabog kong tinulak ang malaking gate at hinayaan siyang makapasok at muli sinarado. Tumakbo naman ako sa may kitchen para magprepare ng food ng kamahalan. Ininit ko ang pinaghirapan kong niluto at inayos ang mesa. Medyo matagal siya bago lumabas. Yun pala naligo pa at halos mapatalon ang dibdib ko ng lumabas itong medyo basa pa ang buhok at nakatopless. Medyo loose pa ang kanyang suot na jogging pants kaya napalunok nalang ako ng doon mapadako ang aking tingin. Iniwas ko ang tingin sa papalapit na si Calev dahil nakakahiyang pinagpapantasyahan ko siya. Hindi ko naman maiaalis na ganitong edad ay talagang umiiral ang kuryosidad pagdating sa natatakpan ng ng pants na iyon. Shshhsh ka lang Xyrine dahil kapatid mo lang naman ang pinagpapantasyahan mo ng ganyan. Gayundin ang dibdib niyang may kumpletong pandesal at malapad na dibdib. Nalipat ang paningin ko sa kanya dahil binigkas na naman niya ang pangalan ko. Nagtama ang paningin namin pero tulad ng dati nakabusangot na naman ito at napakatalim kung tumingin. Ano may ginawa na naman kaya akong masama? "Ba-Bakit?" Minostrahan niya ako na lagyan ko daw siya ng kanin at ilapit ang ulam. Katulong talaga ang tingin sa akin ng bus** na lalaking ito. Sinunod ko naman siya kaya lalo lang akong naattract sa kanya ang bango-bango kasi ng shower gel na gamit niya at amoy siyang mint. Heto na ang pinaka-exciting part. Ang tikiman este ang pagtikim niya sa luto kong ulam. "An-Ano Calev? how was my cooking skill?" pagyayabang ko pa. Nuong una ay okay ang mukha niya pero nung nagtagal ay naiduwal niya ang karneng tinikman niya. May lason ba? Sumagot ka! bulong ko sa sarili. "Ang asim! Ilayo mo sa akin ang pagkain na iyan" sigaw niya kaya agad kong nilayo sa kanya. "Pasensya na" "Hindi mo ba natitikman ang niluluto mo o sinasadya mo dahil sa ginagawa ko sayo" "Hindi akala ko nga magugustuhan mo dahil adobo. Paborito ko rin kasi ito pero kung hindi masarap sige ipagpiprito nalang kita ng itlog" nag-offer ako pero tumayo siya roon at hinaklit ang braso ko. "No need. Nawalan na ako ng gana. Dahil gusto mo 'yang sinasabi mong adobo. Kainin mong lahat yan. Bwes**!" binitawan naman niya ang braso ko pero nagmarka ang kamay niya. At tinalikuran niya ako. Umupo nalang ako at pinilit kong kainin ang pinaghirapan kong lutuin. 'Mom, it's the first time I cook at hindi niya naappreciate ang niluto ko' hirap na hirap akong lumunok dahil namumuo na naman ang luha ko at butil-butil na umagos. Mukhang kinakarma na ako sa mga pagpapahirap at pagrerebelde ko kay Dad. Siguro kung naging mabait lang ako kay Dad baka hindi na rin niya naisip na mag-asawa at kahit papaano ay nasa tabi ko siya at walang nagpapahirap sa akin. Pinilit kong ubusin ang ulam habang umaagos ang luha ko. 'Hindi ako maaaring sumuko. Kailangan makasundo ko si Calev at hindi maging pasaway sa kanya. Duon manlang siguro makabawi ako sa katigasan ng ulo ko at syempre kung magiging okay kami baka sakali payagan niya akong makita ang nanay ko. I miss mom.' Nang matapos ako sa kusina ay nakita ko si Calev na nasa entrance ng bahay asual humihitit ng sigarilyo. Masaya ang tono niya na may kausap sa telepono niya. Siguro nga sa akin lang mainit ang ulo niya. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong tawagin para may iabot sa akin. Iniabot niya ang basong walang laman at pinalalagyan niya sa akin ng alak na nasa may table sa sofa. Ano ba yan ang sarap ng lasa nito. Ang bango-bango. Pero matapos kong magrefil ay dinala ko nalang agad sa kanya. Alam kong inaasar niya lang ako dahil hindi ako maaaring uminom ng alak. "I love this. Ang sarap ng lasa" sabi niya sa akin. Tapos ng makipagtelebadbad ang seniorito dahil may oras ng kausapin ako. Heto pa at nakangisi siya. Yumuko ako dahil nang-aasar lang siya. "May iuutos ka pa ba Calev?" diretsa kong tanong. "Wala na. Huwag mo na akong dalhan ng coffee. You can go to sleep na" napakalambing naman ng boses niya pero kanina ay gusto na niya akong sipain dahil sa niluto kong ulam. May bipolar yata ang lalaking 'to. Sinunod ko nalang siya baka dapuan na naman ng kasungitan parehas pa naming masira ang gabing ito. Matapos kong makapag-quick shower ay nahiga narin ako dahil natuyo naman ng mabilis ang buhok ko. Humiga ako at agad kong pinikit ang mga mata ko dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako agad. Ramdam ko ang bawat haplos na nagmula sa binti ko paakyat sa aking hita at huminto. Hanggang duon lang ito at bigla nalang nawala kaya minulat ko mga mata ko. Hindi ko alam kung bunga lang 'to ng maharot kong isip o nanaginip na ako. Sa aking pagmulat ay wala namang tao ron. Pero nakita ko sa may side table ang baso ni Calev na ginamit niya kanina ng umiinom siya. Bigla akong kinabahan at lumakas ang t***k ng dibdib ko. Siya ba ang gumawa 'non kaya nagsuot ako ng damit at ako ay lumabas nais kong kumpirmahin kung siya ba ang pumasok sa kwarto ko. Yung baso paano niya iyon ipapaliwanag o nanaginip lang ako? Umakyat ako sa kwarto niya at kinuyom ko ang aking kamay dahil hindi na maganda ang ginagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD