Sleeping Beauty's Punishment

1070 Words
Nakailang busina si Calev ngunit wala parin ang anino ni Xyrine kaya wala na siyang magawa kundi pumasok sa loob. Unang pumasok sa kanyang isip ay baka tumakas na ito at isang sakit na naman sa ulo na hanapin ito. Hindi na niya nagawang ayusin ang kanyang sasakyan dahil sa pag-aalala ngunit ng pumasok siya sa loob ay naroon ito at prenteng nakahiga nakataas pa ang paa. Mukha namang ayos lang ito. Pero muling pumasok sa isip niya na baka nakainom ito. Kaya inilapit niya ang kanyang ilong sa mukha nito pero agad naman itong nagising at nanlaki ang mata gulat na gulat na makita siya. Kaya inunahan na niya ito. Umasal siya na parang asar dito at inis dahil sa katamaran. "Sa wakas at gising na ang prinsesa.." "So-Sorry, Calev" anas niya pero tumayo at lumayo si Calev. "May kwarto ka bakit ka dito natutulog? Saka hindi pa naman oras ng siesta. Napagod ka ba sa kakatunganga mo dito" "S-Sorry. Ipaghahanda po ba kita ng pagkain? o kape" natataranta niyang sabi sa lalaki. Pati siya ay nagulat din sa pagdating ni Calev at sa pagdilat niya ay halos ilang pulgada nalang ang pagitan nila. "Sige coffee nalang" maikling sabi ni Calev at iniwasan na niyang magtama pa ang kanilang mga mata dahil nagsisimula na naman siyang mailang dito. Dumeretso ito sa opisina at dali-dali namang pumunta sa kusina si Xyrine para makapaghanda ng kape. Kunyari niyang inopen ang kanyang laptop para sa pagdating nito ay magmukha siyang abala at balewala ang pangyayari kanina. Ilang saglit pa ay inuluwa ito ng pinto dala ang kape. Nahihiya ito na lumapit sa kanya. "Ahh Calev sorry talaga hindi na mauulit" tila may takot na ito sa kanya. Nilapag niya ang kape at tumayo sa gilid. "Tingin ko naman ay wala kang ginawa maghapon para naman matulog nalang diyan at hindi mo magawang marinig ang busina ko sa labas" Hindi na ito sumagot pa dahil sa tingin niya ay hindi na mababago pa ang pakikitungo ni Calev sa kanya. Wala itong makikitang maganda dahil nasimulan ng hindi maganda. First Impression last. Tatalikod na sana siya ng muli siyang tawagin ni Calev. "I need a hand para sa mga papers na narito. Kailangan ko itong icheck isa-isa. Siguro naman ay maaasahan ka sa mga ganitong bagay" nanlaki ang mata ni Xyrine ng makita niya ang isang dangkal na papel na iisa-isahin niya. "All of this?" "Yes? May angal. Remember natulog ka habang oras ng trabaho. Ang gagawin mo lang ay icounter-check ang bawat transactions, here you can use my tablet" Umiling siya dahil wala naman na siyang dahilan para umangal. 'Natulog ka hanggang maturat..hala magtrabaho ka Xyrine' sita niya sa sarili kaya kinuha niya ang tablet kay Calev at nagsimulang magcheck. Siguro ay aabutin siya ng 3 to 4 am ng umaga tapos magprep pa ng breakfast. Matapos ni Calev maubos ang mga kape ay iniwan na niya si Xyrine. Pangiti-ngiti ito dahil ang lahat ng pinagagawa niya rito ay tapos na ng kanyang sekretarya ilang araw na. Ilang oras siyang lumalaban sa kanyang antok pero hindi na niya ito kinaya at siya ay nakatulog narin. At ang tulog niya ay nagtagal pa hanggang ma-miss niya ang oras ng pagpeprepare ng pagkain ni Calev kaya muli siya ulit napagbuntungan ng galit ng lalaki. Ginising siya ni Calev sa pamamagitan ng paghaklit sa kanyang braso. Tila galit na galit itong nakatingin sa kanya. Sermon de bobo ang inabot niya. Halos ikabingi niya ang lahat ng masasamang sinabi nito pero lahat ng iyon ay kanyang tinanggap maliban sa salitang binitawan nito tungkol sa kanyang ama. "Wala ka talagang sense of responsibility dahil mga simpleng trabaho hindi mo kayang gawin. Ang pagsunod lang sa mga simpleng utos ay hindi mo magawa. F**k! wala bang itinuro si Mauro sayo? Kaya hindi narin ako umaasa na magiging succesful ang new venture nila ni Mom. Katulad mo-" "Calev sumosobra kana pati si Dad dinadamay mo sa galit mo sa akin. Alilain mo na ako at durugin mo na ang pagkatao ko 'wag mo lang isama si Dad dito" "At bakit hindi? You're Dad is ambitious. At pumasok siya sa buhay ni Mom dahil nais niya ng pera at kapangyarihan" "Kung alam ko lang na ganyan ang tingin mo kay Dad. Pipilitin ko siyang huwag magpakasal sa nanay mo. Dahil masama-" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa galit ni Calev at hinawakan siya nito sa panga at halos pigain ito ni Calev. "Dad and I don't need your money Mr. Saavedra. Sa'yo lang 'yang pu*****ng pera mo" sabi niya kahit na piga parin nito ang maliit niyang panga. "Dahil sa kapalpakan mo hindi ka kakain maghapon. Mabait pa ako nito dahil tubig lang ang maaari mong mainom" binitawan siya nito at pabalibag na sinara ang pinto. Napahandusay siya sa sahig at nagsimulang mag-unahan ang kanyang mga luha. 'Dad, promise na magbabago na ako hinding-hindi na ako magpapasaway sayo. Balikan mo lang ako dito susundin ko na lahat ng utos mo. Ayaw ko ng makasama pa ang lalaking iyon. Hindi ko lang siya napagbuksan ng gate nagalit na siya at hindi ko lang siya napaghandaan ng umagahan pati ikaw kasama niyang hinuhusgahan. Kasalanan ko Dad kaya kaya niya minamata. Pipilitin kong maging mabuti para sa'yo at para hindi na niya tayo pinagiisipan ng masama' hindi siya tumigil ng kakaiyak at humagulgol ng ilang minuto pero pilit niyang kinalma ang sarili at nagsimula ng gumawa ng mga gawaing bahay. Naglinis siya at nagdilig ng mga halaman sa garden. Muli niyang binalikan ang unang beses niyang naramdaman ang galit ni Calev. Napangiti nalang siya ng sobrang pait dahil kasalanan naman niya kung ito nagalit at tila wala ng paraan para mag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Siguro naman ay may natitirang kabaitan parin ito kaya lang sadyang may galit sa kanilang mag-ama. Inayos niya ang mga gamit sa opisina nito. Kumalam ang kanyang sikmura pero tanging tubig ang nagpatatag sa kanya. Halos 15 oras na siyang hindi kumakain pero pinilit niyang hindi magpadala sa antok o panghihina. Naupos siya sa sala at matiyagang naghihintay kay Calev. 'Anong nangyayari nung nagrerebelde ako noon hindi nga ako kumakain maghapon bakit ngayon tila unti-unti akong nanghihina, s**t sana tumagal ako hanggang makauwi siya. Nasaan kana ba Calev' gumapang ang lamig sa kanyang katawan at nagsimula na siyang manghina. Siguradong maputla na ang kanyang labi at namumutil na ang malalamig na pawis sa kanyang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD