'From Princess to be a Maid'

874 Words
Sinundan niya ang yapak ni Calev papasok sa mansyon nito. Dahil panigurado may bago nanaman itong pasabog. Sa entrada palang ng mansyon ay nakita na niya itong nakaupo sa sala. Initsa sa kanya ang pares ng mga damit na kulay asul. Nanginginig parin siya habang nakatayo roon. Samatalang si Calev ay nakadekwatro pa habang humihitit ng sigarilyo. "From now on hindi na kita makikita sa kahit anong damit maliban sa damit na iyan. Yung mga dala mong damit reserved it for the day na kuhanin ka nila Mom. Since you consume my precious liquors hinding-hindi kana makakatikim ng alak" "That's too- much! Please, I'm sorry" pagmamakaawa ni Xyrine. Pinanlisikan lang siya ng mata nito. "That's final my dear step-sister. Katulong kita sa bahay na ito matuto kang magluto, maglinis at ipaghanda ako ng pagkain at coffee pag nasa office ako. Sasalubungin mo ako sa labas para magopen ng gate" "You're gate is automatic bakit kailangan ko pang buksan iyon para sa iyo" "Simply because I wanted it" Talagang may mas masama pa sa ugali niya at iyon ang lalaking nasa harap niya si Calev Saavedra. Malaki ang mansyong iyon at baka puti na ang buhok niya kung lagi niyang lilinisin ang buong bahay. "Baka pwedeng magpalit muna ako ng damit. Hindi ko na kaya ang lamig" "You go, tatawagin kita ulit para itour sa bahay ko at isurrender mo sa akin ang phone mo at laptop" Padabog niyang kinuha ang damit na initsa ni Calev at tumakbo sa malapit na cr doon. Hinubad na niya ang lahat ng suot niya dahil basang-basa pati ang panloob. Gusto nanaman niyang umiyak ngunit pinigil niya ito dahil kasalanan naman niya kung bakit ito nagalit. Para tuloy siyang nagkaroon ng kapatid na lalaki na sobrang istrikto. Lumabas siya roon at naroon pala ito sa pintuan kaya napanganga siya ng makita ito na nakatayo roon. "Ahmm.." "Halika at itotour kita" otorisadong sabi nito. Habang sila ay lumalakad ay hindi mapakali si Xyrine hanggang sa tumama ang mukha niya sa likod ni Calev. Kaya agad itong dumistansya. "What are you doing?" sabi nito "Sorry, pwede ba akong pumunta sa kwarto kung saan naroon ang damit ko?" "And why? hindi pa tayo tapos.. Sala at kusina palang napupuntahan natin" "Ahh- kasi basang-basa ang damit ko pati panloob kaya hinuba-bad ko. Kaya I'm wea-" hindi na nito naituloy pa dahil tumalikod na si Calev sa babae. Gusto lamang niyang sabihing wala siyang suot na panloob. "Have some decency young lady" sabi ni Calev. Tumakbo nalang si Xyrine palayo kay Calev dahil alam niyang magstart na naman itong magalit. Nagsuot siya agad ng panloob at bumalik siya kung saan niya iniwan si Calev ngunit wala na ito kaya babalik na sana siya ng makita itong nasa sala. "Calev" bigkas niya.. "Tell me ilang taon kana?" "I'm turning 18 this year" "Hindi kana bata right. Kailangan umasal ka ayon sa edad mo. Mostly na kilala ko na ganyang edad ay marunong ng magluto at handa na sa pag-aasawa" "Ahh, hindi ako pinalaking ganyan ni Dad" "Dahil spoiled ka. Dito sa poder ko walang ganong pagtrato para sayo. Ikaw ang katulong at ako ang amo maliwanag ba iyon" "P-Pero wala talaga akong alam sa pagluluto at paglilinis" "Matuto ka. May instructions ang mga gamit dito kaya siguro naman marunong kang magbasa" "Matalino ako Calev hindi nga lang sa mga gawaing bahay" "I don't care about your academics. Ang gusto ko lang matuto kang magluto at maglinis ng bahay" Napailing nalamang si Xyrine dahil sa sinabi ni Calev sa kanya. Kahapon lang ay nasa isang party siya at prinsesa ngayon ay isa na siyang alipin sa bahay ni Calev Saavedra. "Now, ipapakita ko sayo ang office ko at ilang kwarto sa bahay naito at ang magiging kwarto mo" Sinundan niya si Calev na hanggang dibdib lang siya tinitingala niya lamang ito kapag may sinasabi ito. At iniiwas niya ang tingin dahil hindi niya maidedeny na napakagwapo nito. Para itong isang celebrity o model sa isang men's magazine. Sa tangos ng ilong at moreno nitong kulay. "9 in the evening dadalhan mo ako ng coffee at sandwich dito. Sa umaga 7am palang nakaready na ang breakfast. Usually toasted bread, egg or pancakes at black coffee" pinakinggan niya rin ang boses nito na parang melodiya sa kanyang pandinig. Napatingin si Calev sa kanya dahil nakatulala lamang ito sa kanya. "Hey, ang sabi ko from now on dito na ang magiging kwarto mo" Napabalik siya sa kasalukuyan ng makita ang kanyang kwarto. Isang maliit na kwarto sa ilalim ng hagdan. Quarter's maid ito. Walang aircon at kahit ano basta single bed lang. "Hindi ba sobra na ito, Mr Calev Saavedra?" pag-aangal niya "Ano sobra eh mabait pa nga ako dahil may isa pang kwarto doon sa may garahe. O baka gusto mo doon" Sumimangot siya at napabulong na lamang 'gwapo nga ubod naman ng sama ang ugali' "May sinasabi ka?" "Wala po. Sabi ko sige po dito ako matutulog at aayusin ko na ang mga gamit ko" "Okay. Mamaya dalhan mo na ako ng coffee" "Opo" pokerface niyang sabi. 'Samantalang ang laki ng kwarto niya pati ang ilang kwarto roon sa taas. Tapos ako dito sa isang maliit na kwarto wala pang aircon' bulong niya. Iniwan narin siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD