ALFIE'S POV'S
Mula sa malayo pa lang kangina ng makarating ako rito sa lugar kung saan gaganapin ang kaarawan ng mahal kong pinsan. Isang babae ang tumawag agad ng pansin sa aking atensyon habang nababalutan ang buong lugar ng maiingay na mga nagkakagulo na mga bisita. Mga bisita ni Lucas, pinsan ko anak ng kapatid ni Mommy na halos kasabay ko na rin lumaki nung mga bata pa kami.
Madalas si Lucas pumasyal at tumuloy sa bahay. Habang hilig niya ang makipaglaro at makipagkwentuhan. Habang ako naman hilig ko ang pagbabasa-basa noong bata pa kaming dalawa. Malayo sa hilig ni Lucas. Madaldal si Lucas, habang ako tahimik lang at madalas na lumalayo sa mga batang kasing edad ko. Hindi ko hilig ang makisalamuha ng gaya na ginagawa ni Lucas.
Tulad ngayon na nasa mga tamang edad na kami at may kanya-kanyang nilalakarang career. Isa na akong business man na may sariling negosyo na pinapalakad. Habang si Lucas naman ganoon rin ito. Magkaiba nga lang kami ng field na pinasok na negosyo. Subalit masasabi ko pa ring ang pagiging magpinsan namin hindi nalalayo at nabubura sa kabila ng pareho na kaming may kanya-kanyang pinagkakaabalahan at kinabubuhay
Binata pa si Lucas at ganoon rin ako. Pero, magkaiba. Wild si Lucas pagdating sa mga babae. Habang ako naman halos itago ko nalang at huwag ipakita sa iba ang mga babaeng dumaan sa buhay ko. Hindi ko magawang ilantad sa nakakaramdam ako ng pagkahiya at may bagay rin ako na hinahanap na wala sa mga babaeng yon.
Sa lahat ng mga babaeng nakarelasyon ko ng patago. Kahit isa wala talagang tumagal. Wala rin akong naipakilala sa pamilya ko, maging kay Lucas. At mula sa huling babaeng nakarelasyon ko. Wala na ring sumunod.
Wala akong girlfriend ngayon. Alam ni Lucas yon. Alam ni Lucas kung bakit ayaw kong pumasok sa isang relasyon ng basta-basta nalang. Alam niya ang dahilan bakit pihikan ako o mapili talaga sa mga babaeng nais kong makapasok sa buhay ko.
Dahil sa isang dahilan. Gusto ko, kung dadating ang araw na may babaeng papapasukin ako sa buhay ko. Yung babaeng siyang mamahalin ko at siya na ring pakakasalan ko.
Ayaw ko ng pangmadalian lang. Gusto ko pangmatagalan na.
For the rest of my life, I want a girl for a lifetime.
Hindi yung saglit lang. Not just after several days, weeks, months, or even years, we'll both break up because we're both unpaired for each other.
Masaklap na kapalaran na napaglaruan lang at kapwa nagsayang sa maikling panahon na pinagsamahan niyo tapos hindi pala kayo para sa isa't-isa na ayaw kong mangyari sa akin at sa babaeng patuluyin ko tapos iiwan lang pala ako.
Kaya naghahanap ako ng babaeng mamahalin ako, tatanggapin ako at higit sa lahat yung patutuluyin ko pero hindi ako kaylanman iiwan kahit ano pang mangyari sa pagsasama namin. Mananatili lang siyang sasamahan ako hanggang wakas.
Sobrang lawak at taas ng pangarap ko sa babaeng mamahalin ko. Kaya si Lucas madalas akong pagtawanan at katuwaan sa tuwing mabanggit ko ang mga qualifications ng isang babaeng hinahanap ko na siyang papayagan ko na makapasok sa buhay ko.
Siya nga wala pa rin makita at mahanap. That's why Tita Lovely pushes him to marry someone he doesn't know very well.
Buti nalang talaga ako. Never naman ako tinulak ng parents ko sa kahit sino. Maliban nalang raw kung nais kong tumanda ng binata at ayaw magkaroon ng sarili kong pamilya. Sagot ko naman kasi madalas nasa tamang oras at hindi kailangan na madaliin tapos magkakahiwalay lang din. Useless na nag-asawa pa ako.
Kaya sabi ko once may makilala akong babae na alam kong siya na ang handa kong maihaharap sa kanila na babaeng mamahalin ko at mamahalin ako. Ipakikilala ko agad sa kanila at pakakasalan ko na, nang walang pag-aalinlangan. Pumayag naman sila, except kay Lucas na talagang mapilit ang mommy niya na makapag-asawa siya.
“Bakit?" tanong agad ni Lucas.
“May problema ba? Napatigil ka?" agad muli na tanong ng saglit ako napahinto.
Nahinto ako dahil sa isang groupo ng mga babae kung saan mga nakatingin sa amin ngayon. Pero ang nakapukaw roon ang isang babae na hindi pamilyar pero nakatitig. Naramdaman ako ng kakaiba mula sa uri ng tingin niya.
Sino kaya siya? nasambit na inaaninag.
Maganda yung babae at may maamong mukha. Pero mukhang matapang nababasa ko sa kanyang linya ng pagkakahubog ng mukha niya.
Minsan marunong rin akong bumasa ng mga mukha ng tao. Batay sa hubog at guhit ng bawat mukha nito.
“Wala, may nakita lang ako." naitugon ng balingan at tingnan ko siya sa mukha.
Nakangisi siya mukhang nakuha ang tinitingnan ko kangina.
“Si Mia ba?" nang mabaling ako. Tanong niya sa akin at hindi ko rin naman alam ang babaeng tinutukoy nito.
Nakangiti lang si Lucas habang nagtataka naman ako na nakatingin lang rito. “Si Mia ba kako ang tinitingnan mo kangina pa? Kaya na napahinto ka."
“Sino ba yon?" tanong na naitugon.
“Yung babaeng kangina ay tinitingnan mo. Mia, Mia ang pangalan niya. Kaibigan ko, kaibigan namin ni Raul. Malapit na kaibigan. Gusto mo makilala?" anito na kanyang sambit at sa huli natawa na ako ng may pangungulit na rin si Lucas na kanyang naitanong.
Napangiti ako habang sambit ko sa isip. Mia, Mia pala ang pangalan niya. Bagay sa kanyang ganda maging pangalan.
Hindi ko maalis ang tingin ng muli ako mapabaling. “Maganda?"
“Huh?" sambit na napatingin kay Lucas.
“Si Mia, sabi ko maganda." sabay na tumawa at tumingin rin kay Mia.
“Mabait si Mia, malambing pa. Para ko na siyang little sister. Parang ganon. I met her when I was in college. The first time I saw her, I was amused by her. Medyo may katarayan pero napakabait niyang si Mia. But I have never seen her in love. Not even a man has passed her yet. But many flirted, but she did not answer even one. Sa lahat ng mga nanligaw sa kanya. Wala talaga siyang nagustuhan. Kaya tingnan mo sila ni Raul. Para silang bata na naglalaro habang nag-aasaran. Siguro, binubuyo na naman siya ni Raul sa kung sinong lalake. Kaya ayan, kita mo naman kung papaano sila kumilos bilang isa. Si Raul kasi ang madalas niyang kasama. Kaya silang dalawa yung mas close at kung magbangayan nga lang para silang ewan." anito na pagsasalaysay sa kung papaano sila nagkakilala ni Mia.
“You saw those two. They are fun to look at."
Tama si Lucas, malalo man si Mia ang cute niya tingnan habang naaasar kay Raul sa pangungulit nito sa kanya. May kakulitan rin kasi si Raul na tiyak na kinaaasar ni Mia sa kanya.
I couldn’t take my eyes off of her. I thought the two of them should have Raul. Pero kay Mia lang talaga natuon ang aking mata.
Never ulit ako nagkainteres sa isang babae. At ngayon nalang muli ng makita ako si Mia. Mia is beautiful, including her beautiful body shape. She seemed perfect for the woman I was looking for in a woman. Because of the way I look at Mia, which I can't get rid of yet, she also looks kind and sweet of what like Lucas' description of her when Lucas is able to laugh at me. He tempted me to go see Mia, as he says I am attracted to Mia too.
“Gusto mo si Mia?" biro ng tudyuin ako ng itanong ulit.
“Ano ka ba? Gusto agad? Hindi ko pa nga siya nakikilala. Paano ko naman masasabi na gusto ko agad siya? Until I met her at makausap ko siguro baka sakali." tugon na biro ko.
“Edi kilalanin mo, lapitan na natin ng maipakilala kita sa kanya. Malay mo naman. The way she looks at you. She is the same as what you feel about her now."
“Paano mo naman nasabi?"
“Look at her. So, you'll understand what I am saying."
So, tumingin nga ako at tiningnan ito ng maigi at nagtagpo ang mga mata namin dalawa. Duon bigla nalang kumabog ang dibdib ko na tila nga may dumadambol rito sa bilis at lakas ng tunog.
“Alam mo na sinasabi ko?" nginitian niya ako.
Nakita ko na nagtaka rin si Mia at mabilis itong nag-iwas ng tingin na kinalakas rin ng kaba ko ng makitang maging si Raul napatingin at kinindatan ako at kanya akong nginitian na mas lalo pang kinabahan ang sarili ko o nahiya lang ng dahil sa uri ng ngiti ni Raul at tingin.
“Bakit?" natawa na naman si Lucas ng dahil sa ngiti at tingin ni Raul. Habang nag-iwas si Mia sa mga paghawak at pag-akbay ni Raul sa kanya.
Nakikita ng mga mata ko ang pangungulit ni Raul sa dalagang kasama habang napapasulyap rito sa gawi namin ni Lucas.
Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko at mabilis ito para sa normal na t***k ng puso ko sa araw-araw na nagigising ako at nakikihalubilo sa iba.
Never ito tumibok ng ganito.
Never ito nakaramdam ng ganito para sa isang babae lang.
Never ito na naging ganito.
Never ito na para bang may dinidikta na maging isip ko nakisali na nagsasabi na lapitan ko si Mia, gaya ng sabi ni Lucas at makipagkilala.
Never ito umakto ng ganito. Para lang sa isang babaeng ngayon ko lang naman din nakita. At higit pa roon. Hindi ko nga siya kilala pero ang sarili ko, dinidiktahan na rin ng puso at isip na hindi mapalagay na nagnanais na malapitan si Mia.
Ganito ba ang sinasabi na love at first sight? Unang tingin pa lang, nabihag na agad ako at nakuha agad maging atensyon ko ng malingon ko lang siya ng madaanan ng mata at siya na unang nabugaran ng matang mapag-usisa.
“Halika, ipakikilala kita." subalit bago pa man kami makalapit natawag si Lucas ng kanyang mga bisita. Kaya naman ang dapat paglapit namin kila Raul at Mia, napurnada.
Nadismaya ako ng mabitin ang dapat paghakbang ng mga paa ko ng biglang may tumawag nalang kay Lucas at nabitin ang excitement kong malapitan si Mia at makilala.
Hindi natuloy iyon dahil sa kinailangan muna ni Lucas harapin ang mga ito. So, naiwan ako sa isang tabi habang nag-aantay sa kanya. Nang muli naman ako mapalingon kila Mia. Kumaway si Raul. Habang ang kasamang babae umiwas at tumalikod na kinatawa ko at naisip na mas nais ko siyang makilala. Gusto ko siya malapitan para naman makausap at kilalanin tulad ng mga kwento sa kanya ni Lucas.
Dahil sa mga nasambit ni Lucas. Lalo lang ako na amazed na kilalanin pa siyang mabuti.
Kaya ng matapos si Lucas at balikan ako. Inaya niya agad akong lapitan sila Raul at mia kasama ang ilang babaeng kasama nila. Kaya naman ng maihakbang ko muli ang aking dalawang paa andoon at kasama ang pagkasabik na malapitan sila. Subalit ng malapitan na namin at halos malapit na kami kila Mia.
Inatake naman ako ng pagkahiya. Sa edad ko ngayon pa talaga. Ngayon pa talaga ako nakaramdam ng hiya gayong hindi naman normal na nangyayari sa sarili ko na alangan na rin para edad ko para makaramdam pa ako ng ganito para lang sa isang babae na ngayon ay halos maabot ko na habang may ilang babae lang ang pagitan namin dalawa.
Nauna ako ipinakilala ni Lucas sa mga babaeng kasama nila Raul at Mia. Ang iingay ng mga ito at ang daming tanong. Kaya naman tumagal kami sa mga ito at nang sana ay babalingan na namin sila Raul at Mia na pumalikod muna habang nakikipag-usap pa kami sa mga babaeng kasama rin nila. Si Mia na sana ang lalapitan namin ng bigla nalang may tumawag muli at mapalingon kami ni Lucas.
Muli kaming nagpaalam saglit para puntahan ang tumawag sa kanya. Isa pa yung telephone niya pala tumunog at yung bisita na tumawag sa pangalan ni Lucas na tunguhin na namin sana. Sinagot muna ni Lucas ang tawag sa cellphone. Si Tita Lovely pala at tulad ng nasa isip ko. Namimilit na makipag blind date si Lucas sa isa sa mga anak na babae muli ng kanyang Mommy. Natatawa nalang ako dahil sa nabubulol at natatawa si Lucas na hawak pa ang buhok niya sa ulo ng mapilitan siyang pumayag sa kagustuhan ng kanyang Mommy.
“Sorry!" anito na sambit ng makalapit na sakin muli. Duon naman kami mula lumakad muli para lapitan ang tumawag sa kanya.
“Tumatawa ka?" Singhal na naibulalas nito na siya rin ay natawa.
“Si Tita Lovely?" tawa-tawa na tumango.
“Oo, pinipilit ako makipag blind date ulit sa mga anak ng kanyang kaibigan. Hindi na natigil si Mommy. Minsan, hindi ko na alam gagawin pa sa kanya. Napakatanda ko na para ituring niya akong baby at pilitin na mag-asawa. Sa wala ako makita, saka okay lang naman huwag muna. Hindi pa naman ako nagsasawa sa pagiging binata. Buti ka pa nga, hindi ka pinipilit nila Tita at Tito." anito niya na may hinanakit na muli kinatawa ko.
Sabi ko na nga at yon pa rin ang usapang mapag-uusapan nila ng Mommy niya kaya tumawag ito. Hindi ako nagkamali at gaya ng kanyang sinabi. Swerte talaga ako dahil kaylanman talaga never ako pinilit ng parents ko na magpakasal nalang sa kung sinong babae na matipuhan nila. Isa sa pinagkaiba namin ni Lucas.
Napahinto na kami ni Lucas sa paglalakad ng malapitan namin ang kanyang bisita na tumawag sa kanya. Ipinakilala rin niya ako sa mga ito. May mga kasama rin ang mga ito na mga babae na ipinakilala rin sa akin. Saglit kami nahinto sa paglapit kila Raul ng halos ayaw kami paaalisin ng mga ito at pinainom pa kami ng alak. Hindi naman rin ako nakatanggi sa mga kaibigan ni Lucas na kanyang pinakilala. Ayaw kong isipan nila ako at mapahiya si Lucas sa kanila. Kaya kinuha ko ang alak na iniabot ng mga ito at ininom iyon.
Matapos ang ilang tagay sa wakas ay pinakawalan rin nila si Lucas. Kaya nakaalis na rin kami para muli ay tumungo kila Raul. Subalit hindi pa man kami nakakalapit ng makasalubong namin ang nakangiti na si Raul na may hawak na ring alak na kinuha sa dumaang waiter.
Kung ganoon pala ay mag-isa nalang din si Mia sa mesa na kinauupuan nito. Natanaw ko kasi siya ng mapasulyap ako habang si Raul nakangiti na nakatingin sa akin lang.
“Ayaw mo talaga alisin ang tingin mo kay Mia. May gusto ka ba sa kanya? O tinamaan ka ba?" anito na may lamang biro ang sinabi. “Kangina pa kita napapansin na ayaw mong tigilan ang pagtingin-tingin sa kanya. Bakit? Type mo ba?"
“Tama ka riyan, Raul. Dahil kangina pa itong si Alfie nais na makilala at malapitan si Mia. Kung bakit lang sa tuwing lalapit kami. Natatawag naman ako at hindi matuloy. Pero tingin ko, gaya ng nasa isip mo ganon rin ang naiisip ko ngayon rito sa pinakamamahal kong cousin." anito na sabi ng tugunin ni Lucas ang sinabi ni Raul.
Medyo tinamaan na rin pala si Lucas mula sa ilang tagay na nainom nito ng painumin siya kangina. Kaya tuloy ngayon wala na sa sarili ang mga sinasabi nito.
“Sabi na nga, pero si Mia. Tingin ko tulad lang ni Alfie na tinamaan sa kanya. Kangina ko pa rin napapansin ang mga tingin at pagsulyap ni Mia rito kay Alfie mula ng dumating. Halika, ipakilala natin silang dalawa sa isa't-isa. Mabuti na makilala na rin nila ang isa't-isa ng kapalaran na ang bahala sa kanilang dalawa." anito na sambit nang may kadaldalan ni Alfie at sa ayos mukhang may tama na rin ng alak ito ng dahil sa pagsasalita na nabubulol.
Nakaramdam na naman ako ng malakas na kaba at pagbayo ng aking dibdib ng marinig ang sinabi nito mula kay Mia.
Mas kinabahan ako mula ng sabihin ni Raul na gaya ko palagay niya ay ganoon rin si Mia sa nararamdaman nito ngayon.
Binalot tuloy ako ng saya at muli na bigla nalang nakaramdam ng pagkasabik na makalapit kami sa kanya.
Mabilis akong hinila ni Raul at mabilis na halos kaladkarin ako papalapit sa babaeng nakaupo sa mesa na mag-isa. Kumaway pa muli si Raul na kinataaas ng kilay ni Mia at walang mababakas na pagkabigla maliban sa inis niya may Raul na nakatawa at ngisihan siya ng makapit kami.
“Raul, hindi ka ba talaga titigil? Isa pa, makikita mo talaga ang kapalit niyang panunukso na ginagawa mo." aniya ni Mia na may banta sa bawat salita na ginawa para sa kaibigan.
Tinutukso kasi ito ni Raul na napabungisngis pa sa tuwa habang naaasar si Mia.
“Mia, nagagalit agad. Ipakikilala ka lang naman. Ano bang masama ron?" aniya na nakangisi. “Binata naman itong si Alfie, dalaga ka. Walang boyfriend habang si Alfie single. Walang girlfriend. So, bakit nagpapakipot ka pa. Ipakikilala lang naman. Nasa sa inyo nalang kung gusto niyo na mas higit pa sa pagpapakilala ang nais niyong kapuntahan. Hindi ba, tama, Lucas. Isa ka pa." aniya ng mabusy si Lucas na nakatingin sa cellphone nito.
Tumunog kasi ulit iyon at napatingin siya sa kanyang cellphone para tingnan ang tumatawag sa kanya.
Pero ako nabigla sa mga sambit na may panunukso at panunulak ni Raul. Hindi talaga ito nagpatalo.
Naipakilala nga ako ni Lucas kay Mia. Matapos na muli makipag-usap kay Tita Lovely. Subalit sa huli, tudyo ni Raul na maiwan ako sa tabi ni Mia na kinabigla ko. Hindi ko expect na gagawin ito sa akin ng dalawang iyon.
Naiwan nga ako kay Mia. Nang sabihin ni Raul at ipagpilitan na rito muna raw ako. Wala naman rin ako nagawa at sinabi pa na ako na raw ang maghatid at ipagpilitan na maihatid ko si Mia bukas ng umaga. Ako, nahiya ako ng sobra dahil sa mga naiwika at pamimilit maging ang panunukso nila.
Subalit ang masolo si Mia ay kinapapanabikan ko. Gusto ko siyang kausapin, masolo ng matanong. At iyon nga ang nangyari ngayon ng maiwan kami ni Mia rito sa mesa na kinauupuan niya.
“Mia, asikasuhin mo si Alfie. Bisita ni Lucas yan. Huwag mong tarayan, kahit sungitan." aniya na biro nito muli ng ulitin pa kay Mia na nakasimangot na nga.
Para naman ako tinakbuhan ng self confidence ko nito at mawalan ng kibo sa harap ni Mia at walang masabi ng maiwanan kami. Tahimik lang ako nakikinig, habang ng ako nalang naiwan mag-isa rito ng umalis na yung dalawa. Nang maupo si Mia kangina, tahimik lang ito. Wala na kibo buhat ng maasar sa mga panunukso ng dalawa niyang kaibigan na nang-iwan sa akin.
“Pwede maupo?" tanong ko pa muli ng hindi agad ako narinig.
Nang mag-angat siya ng mukha sumagot rin naman ng matingin. “Yeah, upo ka." sagot nito ng maupo na nga ako. Walang kibuan. Walang pansinan na tahimik kami kapwa at walang nais mauna magsalita.
Malayo ang tingin niya habang ako hindi ko maalis ang mga mata ko sa mukha niya. Pinagmamasdan ko ito habang nanunuod mula sa mga nagkakagulo na mga bisita ni Lucas ng tumungo na sila mula sa gitna. Isama pa ang makulit na si Raul na walang tigil sa pagsasalita sa microphone matapos na makantahan ng happy birthday si Lucas at makapag blow ng kanyang candle.
Pero hindi rin ako nakatiis ng magtanong ako kay Mia. “Mia, gaano mo na katagal na kaibigan sila Lucas at Raul?" tanong ko habang nakatanaw pa rin mula sa malayo sa mga nagkakagulong bisita.
Nilingon naman ako at tumingin sa akin. Habang ako nginitian ko siya. “Sorry!" aniya ko. “Naistorbo ko ba panunuod mo." sabi ko may ngiti.
“Okay lang!" sagot niya. “Actually medyo matagal na rin. College pa ako." sagot nito pagkukwento ng umayos sa kanyang pagkakaupo.
“Ganon ba! So, matagal na rin pala talaga?" Tumango siya. “Kahit si Raul? Mukha kasing close na close kayo at malapit sa isa't-isa." Tumango siya ng matanong ko at mabanggit ang pagiging close nito kay Raul.
Curious lang naman! Nais ko lang malaman.
“Si Raul? Oo, close kami. Bully kasi ang isang iyon. Nauna ko lang nakilala si Lucas matapos si Raul naman na naipakilala sa akin ni Lucas nuon. Nasa College pa ako ng makilala ko sila. Bigla nalang lumapit si Lucas, nagulat pa nga ako. Dahil akala ko biro lang ng lapitan ako ng isang mayaman at kilala sa school. Kasabay nuon so Raul, bully. Panay pang-aasar nuon. Sobra madalas ako mapikon. Kahit naman ngayon ang hilig pa rin ang asarin ako. Kaya madalas napipikon pa rin ako. Simula ng araw na makilala ko sila. Naging tropa na rin ang turing ko sa kanila. Mababait naman kasi, naging open na rin sila sa bahay dahil naging close sila kila Mama at Papa." napapangiti siya habang naikwento niya. “Alam mo, naging maluwag sa akin sila Mama at Papa simula ng makilala ko yung dalawang yon. Kasi, nuon. Never ako pinayagan na magsama-sama sa mga ganito. Gaya ng mga party-party. Hindi papayag sila Mama ng hindi sila ang kasama ko. Susundo at maghatid. Ngayon nga, maging pagtulog sa mga bahay nila. Open na kila Mama at Papa, basta sila ang nagpaalam. Pero kung hindi sila at hindi rin sila ang makakasama. Never, never kong makuha na pumayag ang parents ko na lumabas at mag party with other friends." aniya nito ulit habang nagpatuloy lang.
“Ikaw? Ngayon ko lang nalaman na may cousin pala si Lucas. Sa ilang taon, wala ako narinig. Or maybe. Baka talagang hindi lang nabanggit dahil hindi naman napag-usapan. Hindi rin kasi ako mahilig magtanong sa kanila. Except nalang if sila ang magkwento o mag-umpisa ng kwento na mapag-usapan ng tropa. Si Raul, madaldal yan sobra pero wala rin nabanggit. Or maybe dahil di nga rin napag-uusapan." aniya na may ngiti rin.
Nginitian ko siya.
“Actually, tulad ng sabi ni Lucas. Taga Cebu talaga ako. Never ako natira rito ng bata pa ako. Except na nga lang ngayon na nagkaedad ako at magtayo ng sariling business. Kung hindi rin dahil sa udyok ni Lucas na subukan ko rito sa lugar niyo. Baka nga hindi rin kita nakilala." may biro na sabi ko habang napatingin ng diretso.
“Sorry, nagbibiro lang ako." biglang binawi ko ng magulat ata siya mula sa sinabi ko.
May dumaan na waiter na may dalang wine. “Gusto mo?" tanong ko.
Maiba lang at nang mabawi ko ang sinabi. Nahiya ako bigla ng dahil sa nabigla ko ata siya sa pagiging diretso ko magsalita.
Ewan ko, bakit parang hindi ko rin nakontrol at nasabi yon.
“Juice lang sakin. Hindi ako nainom." sagot niya. Walang kahit anong bahid ng reaksyon.
Hindi man lang ngumiti o kaya naman. Sumagot mula sa sinabi ko. Para lang wala sa kanya at hindi pinansin. Or maybe. Iniiwasan lang nito na maipakita na nabigla ko siya sa pagiging diretso ko.
“Sige, ipakuha nalang kita ng juice. Wait lang!" sambit ko ng inutusan ko yung waiter na ikuha nalang siya ng juice.
Tinawag ko muli ito ng makatalikod. “Wait, pwede mo rin ba kami ikuha ng food? If okay lang. Baka pwede paki kuha na rin kami?"
“Sige po, wait lang at ikukuha ko po kayo." nginitian naman ako ng waiter ng agad rin na umalis saka ko binalingan muli si Mia at nagawa pang muli tanungin.
“Bakit pala hindi ka umiinom?" tanong ko, ngumiti ito.
“Malakas uminom si Lucas, kahit na rin si Raul. Sa inuman madalas ako ang talo at una na bumabagsak sa kanilang dalawa. Pero, ikaw. Nakapagtataka na hindi ka man lang nila nahawahan." may ngiti na biro ko muli.
“Tama ka, since ng nasa college alak na ang madalas na nakadikit at madalas nilang bitbit. Kahit sa campus madalas silang magpuslit ng bote ng beer. Napakapasaway ng dalawang yon. Lalo na si Raul? Naku, number one sa mga matitigas sa school. Pero, hindi ako nasanay uminom. Once sinubukan ko. Pero hindi talaga kaya ng sikmura ko. Nasusuka agad ako, kaya naman nalalasing agad. Siguro dahil mahina ang alcohol level ng katawan ko, kaya ganon. Kaya mas pinili ko nalang ang hindi umiinom, lalo na minsan sinubukan ko at natroma ako. Simula non, hindi na talaga ako naulit pa. Ayaw ko na at sinumpa ko talaga na hindi ako iinom kahit kelan. Kahit pilitin pa ako, kaya sila Raul at Lucas. Lagi sila ang nakabantay at sumasalo. Sa tuwing pipilitin ako ng barkasa na uminom. Sila ang tumatagal na dapat para sa akin."
Nacurious na naman ako. Bakit kaya?
“Bakit? Anong nangyari?" tanong ko ng hindi ito kumibo.
“ Sorry! Kahit hindi mo sagutin. Medyo lumagpas na ata ako. Pasensya na, pasensya na ulit." anito ko nahiya sa mga tanong.
Nakakahiya, nakakahiya ka Alfie. bulong na sabi sa isip ng him ito nasagot.
Tahimik lang si Mia at palagay ko nag-iisip. Siguro may dahilan kung bakit bigla siyang natahimik ng magawa ko magtanong sa manya. Hindi naman kasi talaga tama na maging yon ay naitanong ko. Masyado na ako lumagpas ng ngayon pa lang naman kami nagkakilala. Pero ang mga tanong ko. Masyado na ata naging abuso.
Napabuntong hininga si Mia. Malalalim ang naiisip at tahimik pa rin. Pero ng ilang segundo pa lumipas. Nagsalita rin ito ng muli na umihip ng hangin at makahinga.
“Ayos lang!" sambit niya.
“Muntikan kasi ako noon mapatrobol. That time ng first time kong subukan uminom kasama ko nuon sila Lucas at sakto dumating rin si Raul. Muntikan na akong halayin ng isa sa mga kainuman namin at buti nalang dumating si Raul non kasama ko si Lucas sa isang party na dinaluhan ko at swerte ako ng dahil dumating si Raul ng nalasing na rin si Lucas. Hindi ko expect na mangyayari yon. So, napigilan ni Raul at nagising si Lucas sa kalasingan ng magkagulo na... Nang bugbugin ni Raul yung lalakeng nang makita ang ginagawang pamimilit sa akin. Wala na rin ako kontrol ng mga oras na yon. Lasing na rin ako pero medyo nagawa ko pa kahit papaano umiwas pero malakas yung lalake. Saktong-sakto si Raul ng pasukin niya yung kwarto kung saan ako dinala. Halos mapatay niya. Talagang nagkagulo sa party. Nadala pa nga kami sa police station ng mga dumating na police. Sa takot ng ilan, tumawag na sila ng police para matigil si Raul dahil walang makapigil sa kanya isama pa si Lucas." aniya nito bakas ang halo-halong emosyon na palagay ko rin na matagal na ring nakalimutan. Subalit dahil sa pangungulit at pagtatanong ko ay napilitan siyang makwento.
“Kaya sa totoo lang, napakalaki ng utang na loob ko sa kanila. Dahil kung hindi sila dumating at hindi dahil sa kanila. Wala na sana akong mukhang maihaharap sa iba. Kung natuloy nuon ang plano na panghahalay sakin ng isang tropa namin na hindi ko napansin na may masama pala na intensyon kung bakit nagawa ako lapitan at kaibiganin. Hindi ko rin siguro alam ang gagawin ko. Lalo na ang magiging paliwanag ko sa mga parents ko sakali na napasama ako dahil sa pagsama-sama sa party." aniya na pinagpatuloy. Malungkot ang kanyang mukha na simple na napabuntong hininga.
Humugot siya ng malalalim at napabuga.
Bigla tuloy ako nakaramdam ng awa. Bigla tuloy ako nakaramdam ng konsensya ng mabuksan ang kanyang nakaraan na hindi na dapat. Nakikita ko naman at palagay ko na mabigat talaga sa kanya dalhin ang masamang karanasan na hindi mo talaga sukat akalain minsan mangyayari.
Pero ang nakatutuwa lang sa kanya. Habang nagkukwento at matapos na ito magkwento.
Biglang nagchangen ang usapan at very natural na siyang makipag-usap.
Pero, naisip ko rin. Totoo man o hindi ang kwento niya nakaramdam talaga ako ng awa rin sa kanya habang nakikinig at pinakikinggan ang kwento nito. Yun nga swerte niya dahil kung sakali man na natuloy yon. Talagang malaking epekto ang magiging impact sa pagiging babae at pakikisalamuha niya sa iba.
Babae siya, malayo sa mga lalakeng tulad namin nila Lucas at Raul.
Minsan nga naiisip ko. Ako ngang lalake, madalas pang umiiwas sa mga taong hindi ko naman kilala. Lalo na sa mga taong bigla nalang makikipaglapit na alam ko naman ang kanilang intensyon kung bakit sila lumalapit.
Siya pa kayang babae! Siya pang babae at dadaan sa ganung sitwasyon. Baka hindi niya talaga kayanin. Except kung matibay at matatag.
Nginitian ko siya. “Pasensya na, naungkat pa ang hindi naman na dapat."
Sabi ko sa kanya. Dala ang awa at lungkot na rin ng maalala at maisip ang mga nakwento niya. Ang mga narinig ko mula sa kanya.