Habang nag-aantay nalang na makalapit sila. Nakatayo lang rin ako banda sa may likod nila. Bahagya akong umatras upang mapagawi sa may likod ng hanggang ngayon mga masisigla na mga nagsisiusap. Mukhang mabait nga ang lalake sa nakikita ko kung papaano siya makipag-usap sa ilan ng maipakita ni Lucas. Magalang ito kung magsalita at magiliw sa mga babae.
Mukhang playboy ata! aniya na sambit habang naibulong mula sa likod ng mapalingon si Raul at mapansin ako.
Kangina pa pala ito nag-iikot ang mata at hinahanap ako mula sa mga babaeng kangina kasama. Nang makita ako agad akong nilapitan hindi para pagsabihan kundi muli ay usisain at ungkatin ang kangina ay panunukso nito mula sa akin, para naman sa kaibigan na kanya ngayon kasama at ni Lucas.
Hinila ko siya banda sa mas likod at duon medyo nagkubli kami para hindi mapansin. Habang masasaya at magigiliw pa rin ang mga nasa unahan namin na mga nag-uusap kami naman ni Raul bahagya na nagtatalo mula sa mga paratang na naman nito.
Una kanya akong tinanong. “Anong nangyari sayo?" aniya may malawak na ngiti niyang tanong mula sa nais niton ipatumbok.
“Wala!" tugon ko.
“Wala? Sure ka ba?"
“Ang kulit mo, wala nga di ba!" inis na may gilas na sabi ko. “Uumpisahan mo na naman ba ako?" tanong ko sa kanya. Mukhang ako na naman unang mapipikon nito.
“Bakit natulala ka?" Singhal nito may kasamang panunukso. “Kita mo na namula?" may tawa na sabi nito.
Naramdaman ko na nang mag-init ang magkabila kong pisngi. Pahamak! bulong na sabi ko.
“Kita mo na, huwag mo ng itago pa. Pilit pang tinatanggi ayan at kita. May evidence ka pa." muli na pang-aasar na pinisil ang ilong ko. “Gumaganda ka pag oras na ganyan itsura mo. Mia, bagay sayo. Mukhang may pag-asa na." anito na may biro na naman at inakbayan ako.
Siniko ko siya sa kanyang tagiliran. Saka sinabi. “Gago!" Singhal ko sa kanya.
“Ano bang pinagsasabi mo? Walang katotohanan. Baliw!" palusot ng magawa kong itanggi ng sa ayaw ko rin mahalata nito ang ngayon na nararamdaman ko mula sa sarili ko.
Ang bilis pa rin kasi nito at hindi ko naman makontrol. Tapos dumating pa itong isang Gago at dumadagdag pa mula sa hindi ko mapigilang nararamdaman ng dahil sa panunukso na kanyang ginagawa.
Napabungisngis pa si Raul mula sa panunukso. “Tumigil ka!" Singhal ko sabi rito na kinatawa na naman at mas inaasar ako.
“Hindi ka na nakatutuwa, Gago." muli na may gigil na sinabi ko.
Ayaw niya kasing tumigil nakakainis.
“Maka-Gago lang?" sabay tumawa ulit. “Tingnan mo nga sarili mo. Lumapit lang, nagkandatulala ka na, paano pa kaya kung isa ka na sa nalapitan at kinamayan? Baka nga himatayin ka pa sa lakas ng iyong kaba na ngayon tiyak kong hindi mo na mapigilan dahil dinadala ka na." panunukso ng mapalingon kami sabay ng biglang magsilakas ang halakhakan mula sa mga biruan ng mga babaeng nasa unahan at nila Lucas at ng kasama.
“Nakita mo na? Paano nalang kung ikaw na 'yong nandoon. Sa nakita ko nga kangina sayo. Dinaig mo pang rebulto na tayong-tayo walang kagalaw-galaw na pulang-pula habang hindi mo inaalis ang tingin sa gwapong lalake na hindi ka siguro makapaniwalang nasa harap mo na hindi mo pa makuha kasi may nauna pa..."
“Tigilan mo na nga ako. Pwede ba?" gigil na ako sa mga panunukso niya at tama siya ng dahil hindi ko talaga maalis ang mga mata ko sa kanya.
“Oh my, may spark na nga kaya?"
“Isa pa!" inis na may banta na sabi ko.
“Titigilan mo ako o ako ang siyang magpapatigil sayo?" muli na pananakot na sinabi ko.
“Mia, hayan nalapit na siya." biro na naman ng malingon naman ako sa lakas ng kaba ko na baka totoo.
Nakahinga ako ng maluwag na wala na pala ito.
“Gago ka talaga! Bwisit!" may inis na muli na sinabi ko. Nakakainis dahil na nadali na naman ako at naloko mula ng biglang sabihin na nalapit na raw sila Lucas at kasama nito. Buti nalang talaga at wala. Dahil hanggang ngayon hindi ko pa alam ang gagawin oras na makaharap na sila.
Pakiramdam ko lalamunin ako ng kaba at hiya. Isama pa ang pang-aasar nitong siraulong si Raul. Bwisit ayaw ako tigilan at panay ang hila.
“Sige, Mia. Punta muna ako roon. Puntahan ko rin sila. Tapos babalik ako." anito na nagpaalam.
“Huwag ka na bumalik. Later uuwi na rin ako." sagot ko sa kanya at mukang mamamaalam na rin ako. Medyo late na rin pero nakapagpaalam naman rin ako. Baka sakali nga na gabihin ako. Dito ako matutulog or kila Raul nalang. Kilala naman sila nila Mama at Papa kaya walang problema.
Pero para bang nakaramdam na ko ng pagkainip at nais ko ng umuwi.
“Mia!" nang mapalingon ako.
“Mia!" muli na napalingon ako mula sa paligid subalit wala naman ako makita.
“Mia!" Na naman, kaasar na at dahil kilala ko boses na yon.
“Bwisit ka Raul, lumalabas ka na." sigaw ko gilalas.
“Sorry, alis na ako." nagkubli pala at kaya hindi ko makita.
“Siraulo ka!" sigaw ko pang muli at sa wakas nakalayo na siya.
Asar! Nakakainis na Raul na 'yon. Tama bang tuksuhin at asarin ako? Buti nalang at walang nakaririnig ng lumayo kami ng bahagya kangina habang nag-uusap.
Hindi ka naman ipinahiya? Bakit naiinis ka?
Hindi nga, subalit halos lamunin naman ako ng hiya ng malakas pang tumawa si Raul at mapalingon ang ilan dahil sa maingay na tawa ni Raul na nakatawag ng pansin sa iba.
Buti nalang pala at wala na sila Lucas at kasama nito ng matawa ng malakas si Raul at magsalita na may panunukso.
Kinabahan ako ng sobra at una ko hinanap agad sila Lucas at baka maging sila ano na isipin mula sa panunukso na ginagawa ni Raul.
So, naapektuhan ka na ron? Nasaktan ka agad at tinamaan ng sabihin niyang may gusto ka sa gwapong kaibigan. O baka naman totoo nga na napukaw agad nito ang tulog mong puso mula sa maraming lalake na wala ka man lang pinapasok. Possible bang siya na?
Napasinghap at muli na nag-isip. Naiinis lang talaga ako at naaasar sa kanya dahil sa hindi naman tama na dito pa talaga sa party ni Lucas niya ako aasarin. Gayong napakarami na tao pa ang mga nasa paligid na kangina pa mga nagsasaya at may ilan pang dumadating. Halos mapuno na nga ang bahay ni Lucas sa dami ng mga tao ngayon na pumuno sa bahay bahay niya na hindi ko naman kilala ang iba.
Nakakainis pa maging sarili ko. Umayon pa ata mula sa nasambit at panunukso ni Raul. Maging sarili ko sang-ayon na rin ata na mukhang nahulog na nga ang puso ko sa lalakeng kasama ngayon ni Lucas.
Malayo sila. Subalit akin pa rin sila natatanaw mula sa mga kalalakihan na kausap nila na masayang nagkukwentuhan. Habang ako ngayon naiwan nalang rito mag-isa sa mesa kung saan ay iniwanan na rin ako ng mga babaeng kasama ko kangina habang umalis si Raul.
Nagtungo sila sa gitna at duon nakisali sa mga maraming nagsasaya na nagsasayaw habang natugtog ang banda. Gusto ko yung music na tinutugtog nila. Masarap sa pandinig lalo na yung love songs na kanilang kinanta kangina habang ako nag-iisip at nag-aantay sa oras.
Balak ko na rin muna magpaalam kila Lucas oras na makakuha ako ng tyempo na makausap siya. Wala na rin kasi si Raul na sana ay magpapaalam na rin ako.
Naku po! Papalapit na pala sila. Bakit hindi ko agad nakita. Nagulat pa ako ng masulyap ng mata ko matapos naag-angat ako. Nagbabasa kasi ako ng text messages na nagmula kila Mama at Papa na nagpapaalala na umuwi ako ng maaga kung dito ako matutulog o kaya kila Raul.
Hala ano ba 'toh! Papalapit na sila. Napatulala pa ako ng sa mga ngisi at tingin ni Raul palagay ko na siyang may gawa kung bakit bumalik pa rito sila Lucas. Umalis na kasi sila kangina kaya nga sa lahat ng naipakilala ni Lucas sa kasama ako lang ang hindi ng magawa kong umiwas at makalayo ng konti sa kanila ng hindi nila napapansin kangina.
Pakiramdam ko ngayon nagugulo ako, hindi mapakali at natataranta na sa mga buka ng bibig ni Raul turo ang lalakeng ngayon asa unahan lang niya. Nasa likod si Raul habang turo ang lalakeng kasama. Talaga naman itong si Raul siraulo talaga. Dahil ramdam ko ang pamumula dahil sa panunukso na naman nito na kinabuntong hininga ko.
Mag-isa nalang ako rito sa mesa ng umalis sandali at mga nagsisayaw ang iba ko pang kasama. Habang ako nagmumuni-muni at iniisip ang mga kaganapan bago ako iwan ng tuluyan ni Raul. Naiinis ako at hindi makalimutan ang mga sinabi bago pa siya tuluyan na mawala sa aking mata.
Konti nalang ang pagitan nila sa pagitan ko mula sa mesang kinauupuan ko. Napakagwapo niya! na hindi ko maiwasan na matingnan ang kanyang mukha habang mga
naglalakad. Habang naglalakad napatingin siya rin habang kausap si Lucas at napasulyap sa gawi ko habang dumadaldal naman si Raul nagtama ang mata ko at mata nito na mabilis rin ako nagbawi ng tila ba nakakapaso ang mga tingin niyang tila may apoy.
Gago itong si Raul na nasulyapan kong tawa ng tawa sa likod nito. Humanda ka mamaya. aniya na buka mula sa bibig habang walang kahit anong boses kundi ang salita na nais ko lang rito sabihin ang kanya naman mukhang naintindihan ng tumawa muli siya.
Tumikhim pa ito at nagpatiuna ng dumaan sa gitna ng dalawa ng magawang hawiin iyon. “Excuse me?" anito na sabi at mabilis na lumapit.
“Mia!" sambit na makalapit na sila. Si Raul na tumatawa-tawa ang nauna.
Si Lucas ang unang nagsalita ng sambitin ang aking pangalan.
“Lucas, ano at lumapit kayo?" aniya maang-maangan na kinakabahan at malalakas ang t***k ng puso ko ng muli ay magtagpo ang mga mata namin ng kasama nito.
Spark, Spark, Spark nga ba? Bakit kasi ganito nalang kabilis ang t***k ng puso ko ng tuluyan na siyang makalapit at makaharap ko. Ang bilis, ang lakas at ang hirap kontrolin. Lalo ng si Raul na ang siyang pumansin.
“Mia, anong nangyari sayo?" aniya ng umpisahan na naman akong tuksuhin. Mas lalo tuloy lumakas at bumilis. Dug, dug, dug dumadagundong na kala mo tambol na mabibilis ang dambol.
“Wala, bakit?" nairapan ko siya habang ito tumatawa.
Kaasar talaga! Humanda ka talaga mamaya. bulong na sabi ko ng kanya akong akbayan at bulungan. Namula na naman mukha ko dahil sa sinambit na bulong nito. “Nais ka raw kilalanin ang sabi niya. Mukhang tinamaan ata sayo." anito na kanyang bulong na tila pa itinukod ako mula sa pagkakatayo.
Nanigas ako at para bang hindi makagalaw ng dahil sa nararamdaman ko ang mainit na hininga ni Raul habang sinasabi na sinasabayan ng pagtawa.
Huminga ako ng malalim habang usal naman ni Raul ng si Lucas na ang siyang binalingan. “Lucas, pakilala mo na itong kasama mo. Nais na rin raw makilala ni Mia." may biro na kinatawa ni Lucas.
Pakiramdam ko napahiya ako sa panunukso na yon ni Raul dahil di pa natapos ito na mas kinatawa ni Lucas at kasama nito.
“Siraulo ka, anong pinagsasabi mo." tinadyakan ko siya ng mapaaray. “Maniwala niyan si Lucas. Puro ka biro. Gago." Singhal ko sa kanya ng muli siyang tadyakan na mabilis niyang naiwasan.
“Baliw ka!" sambit ko naiinis sa kanya dahil sa ngayon para na akong malulusaw mula sa kahihiyan.
Maging si Lucas ngayon nakangiti at sakin nakatingin na kanyang tinanong. “Mia, totoo ba?"
“Hindi ahh! Baliw lang itong si Raul. Gumagawa ng kwento. Pasensya na, nakakahiya sa inyo. Baliw na kasi itong si Raul. Kaya maging ako napagkatuwaan. Wala na magawa kasi nga broken hearted siya di ba?" aniya ko pagsisinungaling ng napahinga ako.
“Ako gagawa ng kwento? At kelan pa nangyari na ginawan kita ng kwento. Sinabi ko lang man nakita at napansin ko kangina. Buhat sa hindi mo maalis na mga tingin rito kay Alfie. Umamin ka na kasi, bakit nahihiya ka pa? Lucas lang naman yan at si Alfie bakit kailangan ka pang magsinungaling sa nararamdaman mo gayong totoo naman."
Bwisit talaga siya! Nang muli ko siyang tapakan sa mga paa.
“Aray naman, Mia masakit na!"
“Masakit pala, tigilan mong pang-aasar mo ng tigilan ko na masaktan ka." bulong ko sa kanya ng mailapit ko ang bibig sa isa nitong tenga.
Masasaktan lang siya sa panunukso niya kung hindi niya ako titigilan mula sa mga pinagsasabi niya. Bakit kasi hindi pa ako umalis kangina ng nagpaplano na ako umuwi. Bakit kasi nagawa ko pang maupo at mag-intay ng ilang sandali para sa paglapit muli nila Lucas para makapagpaalam sana ako sa kanya.
Pero nagkamali pala ako ng dahil sa binigyan ko lang ng pagkakataon itong si Raul na muli akong buskahin sa harap nila Lucas at kasama nito.
Natahimik na saglit si Raul habang himas ang paa na aking tinakpan. “Namamaga ata."
“Mabuti yan, bagay lang sayo." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa paang himas.
Nasaktan ko nga ata so Raul dahil talagang namula ang kanyang mga daliri sa paa ng alisin nito ang sapatos na suot at inilabas ang paa na himas niya ngayon. Naaawa ako dahil sa maiyak-iyak niyang reaksyon. “Sorry!" sambit.
“Ikaw kasi, ayaw mong tumigil." sabi ko muli rito mahina na boses ng hindi na napansin talaga si Lucas at kasama niya dahil kay Raul ako ngayon nakatingin.
“Mia!" sambit ni Lucas na kinatingala ko at napatingin sa kanya.
“Sorry!" sambit na nahihiya na itinugon ko ng tawagin muli ako sa pangalan.
“Okay lang, gusto ko lang sana ipakilala sayo. Pinsan ko, si Alfie. Taga Cebu siya, pero dito na siya sa atin ngayon nakabase ng dahil sa negosyo niya na dito na niya itinayo. Nagpapatakbo siya ng isang business na siya ring may ari." anito ng may malawak na ngiti ang sabi ni Lucas ng kanyang ipakikilala ang kanya pa lang pinsan na wala naman nabanggit itong si Raul na kay sarap kotongan.
Hindi lang ako naaawa sa kanya sa pamumula ng kanyang mga daliri sa paa. Baka natapakan ko pang muli at baka di lang mapaaray. Hindi na siya makalakad pa.
Bubuka pa sana ang bibig ng balaan ko na. “Subukan mo!" aniya ko bulong rito.
“Ikaw, pikon ka agad. Binibiro ka lang naiinis na agad. Mia, kainit ng ulo. Bakit kasi nga gusto mo rin naman siya. Hindi ba tama ako." anito na kanyang ibinulong ng mahina at yung dalawa mga nakatingin sa mga pinagbubulungan namin ni Raul.
“Sorry na." sabi nito ng may tawa.
“Asarin mo pa ako at higit diyan makukuha mo." aniya ko may banta.
“Ano bang pinagbubulungan niyong dalawa? Kangina pa kayo mga tila may ayaw sabihin. Nang panay lang bulungan. Bakit, Mia. Inaasar ka na naman ba nitong si Raul?"
“Kelan ba hindi?" aniya sagot ko agad ng tugunin ko tanong nito.
Kelan nga bang hindi ako nagawang hindi asarin ni Raul? Madalas naman niya ito gawin. Pero ibang usapan naman ngayon dahil napapahiya ako.
“Hindi ka pa ba nasanay? Hayaan mo lang 'yan at titigilan ka rin." malambing na sabi ni Lucas ng hawakan ako sa ulo at hamasin.
Ginulo niya ang buhok ko na sinuklay ko ng may ilang minuto. Nagulo tuloy dahil sa ginawa nito. “Kahit kelan ginagawa mo akong bata." sambit ko sa kanya.
Dahil nuon naman madalas talaga niyang gawin ito. Siya kasi mas matanda sa akin at tuwing gagawin yon pakiramdam ko tuloy baby sister ang tingin nito sa akin sa tuwing gagawin yon. Except rito kay Raul na madalas akong asarin at pasakitin ang ulo. Pero kahit ganito siya well, mabait naman siya at malambing. Sa ganito niya naipapakita at naipaparamdam ang tunay niyang intensyon ang pagiging big brother nila sa akin.
“Sorry, Alfie. Ganyan lang sila. Pero mabait 'yang si Mia. Medyo parang lalake lang kung kumilos. Kasi nga para na rin siyang kapatid sa amin ni Raul. Baby sister ganon, pero don't worry walang kahit anong connection sa kanila. Sadyang ganyan lang sila. At walang namamagitan na iba." anito na sambit na natawa habang sinasabi.
“Isa ka, Lucas. Napapahiya na ako. Pakiramdam ko pinagkakaisahan niyo na ako. Nakakahiya!" aniya na sambit may tampo na kinabuntong hininga.
Pati na rin itong si Lucas. Nagagawa na akong tuksuhin. Nahihiya tuloy ako at mas nakaramdam ng pagkahiya mula sa panunuod nila. Tapos nakatingin na seryoso ang mukha ni Alfie na pinsan pala nitong si Lucas.
“Hindi ka talaga mabiro." anito na tugon niya at muli na ginulo buhok ko.
“Joke lang yon, biro lang ikaw naman. Mia, mukhang tipo ka nitong pinsan ko. Iwanan muna namin kayo ng kayo na mag-usap na dalawa." muli na may biro na sabi niya.
Kainis talaga! Diretsahan talaga ako ang nahiya pero namula at natahimik rin ito. Si Alfie, nakatingin at hindi inaalis ang tingin sa akin habang nagsasalita si Lucas patungkol sa sinambit about sa pinsang si Alfie na hindi naman nagreact maliban lang sa mga tingin niya.
Napabuntong hininga ako.
“Nakakahiya kayo ni Raul. Puro kayo panunukso. Uuwi na pala ako." sambit ko sa kanila na kinagulat nila at nalingon si Raul na kinalabit ako.
“Tumawag sakin si Tito at Tita. Sa bahay ka raw matutulog ngayon. Anong uuwi ka riyan. Sila na nagsabi na duon ka sa bahay ngayong gabi at huwag ka na pauwiin." inunahan na naman ako nitong si Raul.
“Siraulo ka, pahamak ka talaga." sabi ko ng bulungan ko siya.
Kainis, wala na ako maisip na mailulusot. Dahil sa binuko na ako ni Raul.
“Ayun naman. So, dito ka muna. Or maybe dito nalang kayo ni Raul matulog ngayon. Dito rin si Alfie matutulog." Sabay binalingan ang pinsan. “Di ba, Bro?" nagulat pa ito na tulala at hindi nga nakibo.
“Alfie, natulala ka na rin." biro ni Raul ng pansinin si Alfie ng hindi agad sumagot.
“Sorry, tingnan ko. Hindi ako magpromise. May lakad ako bukas ng morning." Sagot nito tugon sa sinabi ni Raul at Lucas.
“Tamang-tama. Ikaw na rin maghatid rito kay Mia sa bahay nila. Maaga kasi siya pinauuwi ng Mama at Papa niya. Ikaw ng magdaan sa bahay nila. Malamang na late na kami gigising nito. Ikaw na ahh!" tudyo na si Raul ang nangunguna sa pamimilit rito.
Naku, talaga naman ayaw nila ito tantanan sa pamimilit na maihatid ako bukas. “Huwag nga kayo ganyan. Nakakahiya iyang ginagawa niyo dalawa. Ikaw maghatid sakin Raul at ikaw ang tinawagan nila Mama. Gusto mo magtampo sayo sila? Kung kangino mo nalang ako pinahahatid ng walang abiso sa kanila? Saka isa pa, hindi sila kilala nila Mama at Papa. Gusto mo mapagalitan kayong dalawa ni Lucas? Kayo rin. Gusto niyong masabugan ng bombs." tukso ko na may pagpapaalala rin sa kanila.
Hindi nga kilala nila Mama at Papa, ipipilit nilang maihatid ako. Saka ngayon ko lang rin siya nakilala bakit ipagkakatiwala nila ako? Mga baliw na rin itong dalawa na 'toh kahit wala pang alak na kumukontrol sa kanila. Ipipilit ang hindi naman nararapat.
Pero kinikilig ka?
Hindi ahh, bakit kikiligin ako? Gwapo nga siya. Pero maging ganon man. Hindi ko siya kilala at bakit ko gugustuhin na siyang maghatid ng hindi naman sapat ang pagkakakilala ko rito. Kahit pinsan pa siya ni Lucas. Hindi rin tama ang nais nila. Kaya huwag na nila ipilit dahil ayoko. Kahit, sa isang banda nais mo rin di ba?
Ang kulit, hindi nga. Baliw na ata ng kausapin maging sarili ko.
“Oo nga pala, tama rin sa isang banda si Mia." anito na pagsang-ayon ni Raul ng maisip rin nito. “Pero.." anito kinataas kilay ko.
“Bakit hindi mo siya ipakilala kila Tita at Tito ng makilala rin siya ng mga ito? Tama ako? Lucas.." tawag niya sambit ng mapalingon.
May kausap sa phone si Lukas habang nagtanong si Raul.
“Ano yon?" aniya na tugon ng maitanong rin ang sinabi ni Raul.
“Baliw!" sabi ng nakataw. “Sino bang kausap mo?" sabi ng patanong.
“Sila Mommy. Binati lang ako. Ano ulit sinabi mo?" tanong nito.
“Wala, sabi ko halina at harapin mo na ulit mga bisita mo. Iwanan nalang muna natin sila rito ng magkausap at magkakilala naman sila. Duon muna tayo saka nalang natin sila balikan mamaya. Ayos lang naman kay Mia at Alfie na maiwan sila."
“Baliw!" singhal ko sa sinabi.
“Makabaliw ka naman. Baliw bang makilala ang lalakeng nakasungkit ngayon sayo?" anito na ginawa na naman biro ang napansin.
“Ibuka mo pa iyang bibig mo at papasok ito. O baka naman gusto mong ihagis kita sa ring?" pananakot na nagbanta sa kanya.
Turo ko ng nguso ang isang basketball ring kung saan madalas kami nuon mga maglaro.
Very close kami ni Lucas, ganon rin ako kay Raul. Mula pa nuon talagang hindi nawawala ang pagiging bully ni Raul. Isama naman ang madalas na seryoso na ugali ni Lucas na malayo kay Raul. Pero minsan bully rin si Lucas pero hindi kagaya ni Raul na minsan bulgar na ang pagiging kanyang kadaldalan na hindi makakayang pigilan lalo na kung sa mga sitwasyon na tulad nito.
Sweet si Lucas, pero mas sweet si Raul sa pagiging malambing nito na para ko na 'ngang Kuya kung madalas. Masarap kausap si Raul dahil nakikinig ito at madali makabasa. Habang si Lucas naman medyo slow kung hindi pa sasabihin sa kanya ang nangyayari hindi agad ito makakarelay.
Habang si Raul kuha agad kaya naman madalas mapipikon ka nalang sa kanyang kadaldalan at pangungulit.
“Hay, Lucas napikon na baby sister natin oh! Pero mukhang nagdadalaga na, natututo na. Mainlove.." aniya na tudyo pa rin.
Inakbayan na niya ulit ako habang kanya muli inaasar. “Alfie, wala kang girlfriend naman di ba?"
“Wala, single." si Lucas ang mabilis na sumagot.
“Bitiwan mo nga ako." pagpupumiglas ko.
Subalit ayaw akong bitiwan.
“Tamang-tama talaga, single rin itong si Mia." anito na may tawa. “Palagay bagay naman kayo nitong baby sister namin ni Lucas."
“Oo nga, bakit hindi niyo kaya subukan? Alfie, matagal na rin iyan si Mia walang jowa. Mali pala, dahil ayaw niyang mag jowa." biro ni Lucas.
“Kasi nga mapili masyado. Kasi nga raw may spark yung gusto." anito ni Raul ng dugtungan ang sinabi ni Lucas.
“What do you think? Alfie, binata ka naman. Maganda naman si Mia, saka di ba natanong mo pa kung sino itong si Mia. So, I think attracted ka rin kay Mia?" anito na diretsahan na naitanong sa pinsan niya.
Hindi talaga pinag-isipan at kanilang direct na itinanong. Kaharap pa talaga ako?
Wala talaga silang kahihiyan na nasa harap ako ng tanungin nila si Alfie. Sarap nila mga pagbabatukan.
“Lucas, hindi ka talaga nahiya sa pinsan mo para mo na rin ako binebenta. Isusumbong kita kila Mama." umirap ako aniya ko sa kanya.
“Ikaw rin, pasimuno ka." Sambit kong turo sa nakangisi na si Raul.
“Mia, arte mo. Gusto mo rin naman si Raul." diretsahan na naman nito na pagkakasabi.
“Asar, bakit ba ako nalang pinagkatuwaan ninyo? Nakakainis na kayo." galit na sabi ko.
Napipikon na rin ako mula sa mga panunukso nila.
“Wait!" sambit na sabi ni Lucas ng tumawag raw ulit si Tita Lovely.
Tumalikod ito at lumayo ng bahagya habang kausap ang Mommy niya. Makaraan ang ilang minuto bumalik nakangisi. “Sorry ang kulit ni Mommy. May pinapa-date na naman sakin. Hindi talaga siya mapakali habang binata pa rin raw ako at ayaw magsettle down. Nanaisin pa raw niya ipa-date ako sa mga babaeng anak ng kanyang mga kaibigan mahanap ko lang ang tamang pareha ko." napapailing na sambit na kinatawa namin.
“Iba talaga kung Mama's boy. At iba rin ang paborito. Sabihin mo kasi, ayaw mong mag-asawa dahil hindi babae ang hanap. Tiyak na titigil rin si Tita sa pamimilit sayo na mag-asawa." wika na tugon ni Raul na kinatawa muli.
“Sino may sabi sayo. Baliw, mamaya maniwala itong si Alfie sabihin pa kay Mommy."
“Biro lang, ikaw naman napikon agad. Sumakay ka agad." aniya na biglang binawi ni Raul. “Itong si Mia, dapat siya muna."
“Bakit na naman ako?" gilalas ko.
“Wala, Mia. Maiwan na muna namin sayo si Raul. Dito muna kayo at humahaba ang mga usapan natin. Dumadami naman bisita ni Lucas na dapat asikasuhin. Dito muna kayo." sambit ng ibahin ni Raul ang usapan at nagpaalam.
Umalis na nga sila at naiwan kami rito ni Alfie habang ako naupo na rin ng umalis sila. Habang si Alfie nakatayo nakatingin.
“Pwede maupo?" tanong nito matapos na mawala sa mata namin ang dalawang tukmol kong kaibigan.
“Yeah, upo ka." aniya ko at napabuga.
Sunod-sunod pa akong napabuntong hininga ng di nito inaalis ang mga tingin sa akin. Pareho kaming mga nagpapakiramdaman kung sino mauunang magsalita. Pero ako nais ko na sana magsalita kung bakit umuurong ang aking dila at walang kahit isang letra ang nais lumabas.
Nakatingin siya at nahihiyang nakatingin rin ako sa kanya. Habang naririnig ko ang mga malalakas na hiyawan mula sa gitna ng umakyat na pala si Lucas sa stage na ginawa ng mga naupahan niyang tao na mag-aasikaso sa buong birthday party nito. Palakpakan ang maraming bisita at isa na ako roon na masaya at nakangiti na pumapalakpak habang nakikisabay ng hiyaw mula sa maiingay at nakakabingi na sigaw nila. HAPPY BIRTHDAY LUCAS! halos lahat ay sigaw. Nagkagulo lalo dahil sa maiingay na hiyawan ng maraming bisita. Isabay pa ang tuksuhan ng marami mula sa pagiging binatang business man ni Lucas na kinagiliwan ng maraming babae na kahit isa. Wala naman din ito natipuhan.
Isama pa ang kadaldalan ni Raul na kinagiliwan ng marami. Magsipalakpak ang marami ng mag-umpisa na ito sa kanyang pagsasalita.
Nais kong bumati sa aking best friend at pinakamamahal na kaibigan para sa kanyang pinakaimportante na araw sa kanyang buhay. Ngayon ay nakikibahagi tayo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Kasama ang kanyang successful mula sa kanyang pinakamamahal na negosyo. So, naririto tayo, ako para bumati sa kanya ng happy, happy birthday. At para sa kanyang bagong branch. Ang pinakamalaking branch ng kanyang coffee shop na ngayon mas pina-upgrade maging ang service ng bawat customer. Dahil hindi lang ito coffee shop na bubuo ng memories niyo kasama ang mga minamahal niyong jowa, asawa at isama ang family. Lahat welcome rito. This is a new renovation of the Lucas Coffee Shop that's served with love.
Isang larawan ng bagong coffee shop na itinayo na bubuksan sa susunod na linggo. Ang ipinakita ni Raul mula sa isang larawan na mismong si Raul ang gumawa para iregalo kay Lucas.
Raul is an architect who drew up the whole plans for Lucas's new renovation of his coffee shop. It was beautiful, and the whole planning for the new branch of Lucas Coffee Shop was better than the first coffee shop of Lucas own.
Lahat ay namangha mula sa larawang inilabas ni Raul para kay Lucas na nagpasalamat naman ng sobra para sa kaibigan. Natutuwa rin ako dahil sa success ni Lucas sa kanyang pinasok na career mula sa dapat na pagtulong sana niya sa kanyang mga magulang.
Palakpakan muli at sigawan ang narinig mula sa ilang empleyado ni Lucas na imbitado rin ngayon.
Lahat masaya lalo na rin si Lucas na masayang-masaya mula sa mga natanggap na suporta hindi lang sa mga kaibigan. Maging sa kanyang pamilya. At masaya rin ako roon dahil kabahagi rin ako sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.
Subalit ng mapalingon ako sa katabi ko nawirduhan ako ng dahil sa mga titig niya na di maalis-alis.
Bakit kaya?
Nagagandahan ba siya sakin? biro ko sa sarili na muli kinalakas ng aking kaba ng magtama muli ang aming mata.