CHAPTER 7

5000 Words
Naging mahaba ang gabi mula ng maipakilala nila Raul at Lucas, si Alfie. Napansin kong may taglay siyang kabaitan na mas lalo lang nakaragdag at naging dahilan para mas hangaan ko siya. Mabait siya sa nakikita ko habang kausap ko ito at hindi rin naiwasan ang makapagshare ng bagay na matagal ko na rin nakalimutan. Pero, sa totoo. Parang hindi pa rin naman sa tuwing nakikita ko ang lalakeng gumawa nuon sa akin. Bumabalik ang lahat na nagiging dahilan para mabalikan at hindi ko tuluyan makalimutan. Gago na lalakeng yun. Si Gerald, isa sa mga kaibigan, tropa pero hindi ko naisip o kahit nahalata na mayroong pala siyang masayang binabalak. Kahit kelan sa dalas na kasama ko siya. Never ako nagduda na may pagtangis pala siya at hindi na napigilan na napunta nga sa isang aksidente na pinagmulan ng hindi na magandang samahan ng groupo. Simula ng araw na yon. Naputol na rin ang pagiging magkakaibigan namin. Duon na rin nagsimula ang mga hindi magaganda na pangyayari sa buhay ko. Naging laman kasi ako ng balita. Naging usap-usapan sa buong campus na ako ang may kagustuhan ng lahat, inaakit ko si Gerald na nauwi nga sa incident na ako raw talaga ang unang nagpakita ng motibo at nadala lang si Gerald. Nadala sa mga pagpapacute ko raw at pang-aakit rito. Sobrang nahirapan ako. Sobrang nahirapan ako na halos ayaw ko na nga pumasok sa school. Ayoko na pumasok dahil wala na ako maisip na maidadahilan sa lahat na hindi ako ang may kasalanan at ang balitang kumakalat ay walang katotohanan. Iyak ako ng iyak nuon. Sobrang dinamdam ko. Kaya hindi ko kaylanman malilimutan ang mga nangyayari ng araw na yon at ang mga taong nasa likod. Kung bakit nakayanan ko lahat dalhin at labanan ang depression na bumalot sa buo kong pagkatao. “Sorry, kasalanan ko. Nang maipaalala ko pa sayo dahil sa pagtatanong ko." aniya na sambit na nakatingin. “Okay lang! Sinabi ko naman ayos lang, ayos lang din ako. Nakaraan na yon at kaylanman. Hindi na rin maitama lahat. Pero kahit papaano nakalimutan ko na rin naman lahat." pagsisinungaling ko talaga. Pagsisinungaling na hindi ko masabi na dahil sa kanya muli kong nabalikan at nanariwa sa isip ko. Dahil sa kanya ang dapat sana makakalimutan na... muli lang nausbong at ngayon naalala ko. “Ikaw na nagsabi. Nakalimutan mo na. Bakit hindi ka uminom kahit isang lagok." alok sa alak na hawak nito. “No, thanks! Salamat nalang pero kahit kelan mula ng mangyari yon. Sinabi ko na sa isip ko na hindi na ako iinom. Hindi sa natatakot ako maulit ang mga pangyayari sa nakaraan. Umiiwas lang talaga ako. Umiiwas na baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hindi lang yon ang mangyari..." ”What do you mean by?" tanong na nagulat pala. Biro lang! Nagbibiro lang ako. Kaya nga lang mukhang sineryoso at muli na nagulat at nagtanong. Hindi niya inalis na naman ang tingin sa akin. Nakakatawa dahil sa naging interested na naman ito mula sa nabitiwan kong biro. Biro na hindi ko inaasahan na lalabas sa aking bibig. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Pero napakabilis ng t***k ng puso ko habang ito nakatingin ng diretso at nag-aantay ng aking isasagot. “Nothing!" sagot ko tumawa. “Bakit natawa ka ata?" tanong ko sa kanya. “Wala!" na pinamulahan. Hindi ba dapat ako ang pamulahan ng siya ang pinamulahan. Dahil ata sa alak na nainom. Masyado atang hard yung nakuha niya. Tequila na nakadalawa na ata... Hindi dahil nakatatlong kuha na pala siya sa isang waiter na umikot sa pwesto namin. Tapos ay may isa pang dumaan at kumuha muli ito. “Sorry, medyo nervous." “What?" gulat naibulalas. Natawa rin ako dahil medyo may pagkaserious ang boses niya pero andoon ang buo na boses na nalalapat ng magsalita. Nahihiya nga lang at mukha 'ngang kabado. “Why are you laughing?" “Ako talaga tinanong? Hindi ba ikaw nauna na tumawa sa ating dalawa? Bakit ba natawa ka? May nakakatawa ba sa mga pinagsasabi at naikwento ko sayo?" kasunod-sunod ang pagtatanong. Hindi man lang nagpaliko-liko. Diretsahan hanggang napatawa muli ito na kinatawa-tawa ko at sabay pa kami. “I really like you, Mia. I really admire what you are. Being who you are, being direct when you are talking with me. " kinabuntong hininga pa niya ang pagiging diretso. “Why did you laugh? Did you think that I was joking when I said those words to you?" tanong nito. Napansin pala nito ang possible na naglalaro ngayon sa isip ko. “Nope!" “Why did you laugh?" tanong nitong muli kinabahan ako ng bigla niya akong tanungin at ilapit ang mukha. “Wait!" aniya ko ng pigilan ko siya ng isang kamay at iharang sa mukhang inilapit. “Joke lang!" ngumiti siya at kinangiti ko rin. Para tuloy siya nakikipaglaro dala ng alak na nainom. Makulit na siya. May kakulitan na magsalita. “Alam mo bang maganda ka? Ngayon ko pa lang nagawa na masabi yan sa isang babae. Dahil totoo naman ang nakikita ko. Mula pa lang ng makita kita kangina. Nagandahan talaga ako sayo at hindi ko na itatangi pa." “Ang bilis mo ata." sagot ko napahawi sa buhok na biglang nalaylay ng mapayuko. “Mabilis ba? So, bagalan natin?" biro nito kinaangat ko ng mukha at magtapat ang mukha namin halos magkalapit na ito “Sorry, biro lang." binawi muli. Binawi ang lahat ng nabitiwan niyang salita. Nahiya ata at umayos ng upo at sumandal ng upo. Umayos rin ako at mapalingon sa mga maiingay na bisita ni Lucas. Kumakanta na yung banda na inupahan niya sa b'day party na hindi pa rin natatapos. Anong oras na pero marami pa rin ang laman ng kanyang bakuran. Maiingay, may mga bagong dating. May mga umuuwi na at ilan naman mga lasing na at iba nag-uumpisa pa lang din uminom. Lahat napapansin ng mga mata ko. Lahat nakikita at nasasagip sa tuwing inililibot ko ang mga tingin ko sa mga nagkakagulo pa ring bisita. Nang muli na nalingon ko si Alfie. “Mia, has anyone ever told you that you are beautiful? That’s why I like you. I really like you, Mia." “Huh?" “I really like you as my friend." ----------------++++++++++++--------------- ALFIE'S POV'S I really like you, Mia. I really admire what you are. Being who you are, being direct when you are talking with me. I really like you as my friend.. Alfie, baliw ka na ba talaga? Talagang nasabi mo ng direct ng hindi ka man lang nag-iisip. Talaga na nasambit mo, pero para naman baliwala kay Mia ang lahat ng nasabi ko. What? Huh? Tapos tatawa. Pinagtatawanan lang nito ako. Pero hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko nga na ako ang lalake. Subalit ako pa ata ang pinamulahan kangina. Dahil lang sa ilang baso ng tequila na nainom ko ang dahilan ng pagiging diretso ko magsalita sa kanya. Nailang man ako, pero nagkalakas rin ako ng loob na masabi ang nasa isip ko. Mabait naman talaga si Mia, maganda at higit roon. Mabilis na naging palagay ang loob ko sa kanya at alam kong ganoon rin siya. Dahil marahil kung hindi. Kangina pa niya ako iniwan rito sa mesa kung saan kami na iniwan ni Lucas na pinsan ko at ni Raul na kaibigan namin dalawa. Hindi na sana kami magkaharap ng ganito nag-uusap na may kapalagayan ng mga loob at nagkakaintindihan ng ganito. “Wala!" sagot ko ng magtanong siya bakit raw bigla nalang ako natahimik ng kapwa kami natawa ng bawiin ang sinabi ko. Nuon sa mga babaeng nakilala at ilan na naging karelasyon ko na binigyan ko ng pagkakataon nuon na baka sakali na mayroon sa kanila ang magiging seryoso at tatagal. Pero, malabo dahil wala sa kanila ang naging seryoso at tumagal. Lahat sila para lang dumaan sa buhay ko at walang kahit sino sa kanila ang nakakuha sa puso ko. Pero ito, si Mia. Mukhang may kakaiba. Maliban sa ipinagtutulakan siya sa akin ni Raul. Napatigil ako ng hindi sinasadya na mahawakan ko ang kamay nito. Nabigla siya, si Mia napapitlag ng mabigla ng hawakan ko ang kamay niya. Hindi ko sinasadya pero kusa nalang nahawak ito sa kanya. Inakala ko na baliwala lang ito, wala lang ito. Pero ngayon, nagulat pa ako at ikinapitlag ko ng bigla madikit ang kamay ko sa kamay niya at hawakan ito. Kinabahan ako at baka muli maisip niya na napakabilis ko. Napakabilis para sa isang kabago-bago pa lang nagkakilala ay nahawakan ko na agad ito sa kamay. Ang lakas ng kaba ko, sobrang bilis maging t***k ng puso ko napakabilis. Napalunok ako habang titig na titig. Kinabuntong hininga ko ng magtama ang mga mata namin muli. Napatigil, napatulala ng magbubuka na sana ako ng aking bibig para makapag salita. Natigil iyon ng siya ang nauna. “Funny ka rin pala. Gaya ni Raul, pinagkaiba mo lang. You're straight to the point even while saying some words or even while you're talking. Si Raul kasi, mas madalas na pabalang o mas masikot-sikot siya pag may nais na sabihin. Or even pag nagbibiro. Kahit seryoso na usapan. Iibahin niya at dadalhin niya sa ibang dimensions na duon na kayo tatagal. Duon na mapupunta lahat ng mga pinag-uusapan niyong dalawa. Pero ikaw, direct ka. Mabilis rin makapalagayan ka. Nakakatuwa ka pa, may pagkakataon na nagbibiro ka ng mararamdaman ng kausap mo na seryoso pero biro lang pala." sabay tumawa siya. “Biro? Hahaha" natawa na rin ako. “Oo, biro. Biro lang para na naman hindi awkward yung usapan. So, dapat lagyan natin ng kaunti na twist or something na hindi naman maging boring. Pero ang mahalaga napatawa kita." tumawa rin muli. Habang si Mia, nginitian ako at napabuga naman ako. Nakalusot na rin kasi mula sa mga usapan na naging masaya. Nagtawanan lang kami mula sa bahagyang seryoso na kinatawa namin kapwang dalawa. ---------------++++++++++++++------------- MIA'S POV'S Makulit rin talaga itong si Alfie. Ang kulit, hindi nalalayo sa kanyang mga kaibigan. Matanong, mausisa nga lang medyo malayo kila Raul. Pero okay siya kausap. Very straight forward walang paligoy-ligoy pero mahilig rin magbiro. Sa ilang minuto na magkasama kami at nang dumating yung pagkain namin maging yung juice na pinakuha niya sa waiters. Hanggang nadagdagan pa yon ng makakain na kami nagkwentuhan lang kami dalawa. Topic! Mga bagay-bagay na ayaw namin at gusto namin sa bawat isa. Mga tulad ng pagkain, mga pagkain na hilig namin. Mga uri ng ugali na gusto at ayaw namin. Maging sa mga uri ng tao na nais namin kasamahin. Sobrang nalibang ako rito na umabot rin ng halos dalawang oras na nakaupo lang kaming dalawa. Kwentuhan na wala na ata katapusan. Maging ang madalas na pagmamasid niya sa mukha ko. Ang panakaw na mga tingin nito sa tuwing mababaling sa iba ang akong mata. This is different from what I feel about other people. Lalo na sa mga pagkakataon na kaharap ko siya ng gaya nito. Ewan ko, pero sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Dug, dug, dug. ang sarap sabayan. Tapos awitan. Hahaha. baliw lang, kakanta para kangino? Sa kanya? hahaha. “Are you okay?" napatango nalang ako at bahagyang manipis na ngiti ang naging tugon. Tanungin pa ako, nakikita naman ayos lang ako. Natagil lang ng madala ako mula sa mga naglalaro sa utak ko. Pero sa kanya ko naman binalik ang tanong. “Are you okay?" nginitian niya ako ng makatugon. “Yeah, I am okay." sagot nito. “How about you?" balik na naitanong nito. “Yeah, why am I not okay?" naibulalas ko na sa kanya ko naman naibiro. Natawa naman ako na ikinatawa nito. What does I feel like now? What does he think right now? But my heart beat faster when he squeezed my palm while looking at my eyes. Mas nabubuhay ang sigla ko sa pakikipag-usap sa kanya at talagang nalilibang ako. Pero nagulat ako ng mapansit ito at akin siyang tinanong. “Why?" ”Nothing. Maybe I'm just expecting too much for what I feel right now." sabi niya. Kinatawa ko. Ano raw? Expecting for what? Anong inaasahan niya para sagutin ako ng pabalang. Hindi naman pabalang wala lang galang! Pero isa lang kahibangan na pagbibiro ko na nasabi yon. So, binalikan ko siya. Umayos ng upo at nginitian siya habang medyo nagawa ko pa magpacute. Hahaha, Mia. tukso ko sa sarili ng matawa ako at mapangiti. “What are you expecting?" naibulalas na naging pabiro na naibulalas ko rito. Hahaha ano ba, nagiging madaldal na rin ata ako. But nais ko lang marinig mula sa bibig nito. What I heard from him was that he was expecting me to say what he had said. hahaha ano, Mia? ang gulo-gulo ng utak ko sumasablay pa! I was flattened. From what he was saying, it sounded like he was flattering me. Hahaha, sounds good. Dahil sa mga biro niya na kala ko totoo. But I am already expecting it too, that's why I asked. From what he said, at that moment, he stared at me. Hahaha, Mia, Mia. Ano baaaaa... At that point, my heart was pounding too hard. It hasn't stopped pounding so hard and I can't control it. Pakiramdam ko nasisiraan na rin ako. Why do I need to expect? As I know, we have only just met and gotten to know each other. Because of his cousin Lucas and my friend Raul na siyang may kinalaman bakit kailangan iwan kami ng kami lang dalawa. Subalit bakit mas nag-expect ata ako. Pero ang galing niyang dalin ako, pasakayin dahil nagawa niyang pabilisin ng ganito ang puso ko. Pero, pilit ko rin na itinatangi. Subalit kabaligtaran rin ng nararamdaman at sinasabi nito. Dug, dug, dug. ang bilis-bilis. Nakakatulala at gaya ngayon tulala at napatigil ako habang napatigil rin ito at napatulala na nakatitig lang, gaya ko. So, magtititigan nalang kami. Ganito! Mia, sa kabila ng lahat sa totoo rin naman, umasa ka. Nag-expect ka rin, diba? Baliw, baliw ka na nga, Mia. Sige, makipaglaro ka lang sa mga nararamdaman mo at sinasabi ng sarili mo. hahahaha, makipagtalo ka at makipagbanggaan sa mga malalakas na bugso na ipinaramdam niya sayo. Expect pa, kahit ngayon lang nagkita? “Nothing!" biglang bawi nito. “So, sige, Mia mauuna na ako." Ano yon? biglang nalang siyang nagpaalam at kinadismaya ko. Kinadismaya, dahil sa nag-iintay ako. Nag-intay ako sa sagot niya tapos Nothing? Putik na pinag-antay lang ako, wala rin pala isasagot nito. So, nawala na nga... Talaga bang umasa ako? hahaha dahil tama nga ng umasa ako sa isasagot nito. Lalo ng bigla nalang siyang nagpaalam matapos biglang tumayo ng mabitiwan yung kamay ko. Nagulat ako. Matapos na mahawakan yung kamay ko at magtanong. Sasagutin ako ng Nothing. Iiwan lang pala ako? Hahaha. Hindi pa nga nag-umpisa naiwan na agad ako. Masaklap ng umasa ako. Dahil sa nararamdaman nitong baliw kong puso. Tumigil ka na nga sa kakakabog. Umasa lang, wala lang pala. Humugot muna ako ng isang malalim at tumayo. “Okay, nice meeting you." sabi ko nalang bago pa siya makaalis. Nginitian ko siya ng iabot ko kamay ko. Syempre, pinigilan ko sarili ko at umakto na parang normal na hindi nadismaya. Nginitian naman niya ako. Subalit ang kinataka ko lang kung bakit ito bigla nalang nagpaalam? Sa tingin ko naman wala akong nasabi na mali o naitanong na mali rito. I only asked what he was expecting for what he said he was expecting too much of. Naiwanan ako napapaisip sa mesa kung saan binalikan akong muli ni Raul. “What happened to him? Why did he leave you?" tanong agad nito ng makaupo ng lapitan ako. “Anong malay ko." biglang naibulalas ng bibig ng mawala ako, sa sarili. “Bigla nalang nagpaalam, malay ko kung bakit umalis. Ang labo, ang labo ng kaibigan mo..." sagot ko sa kanya mataray na tila siyang nasisisi na labis na kinatawa ni Raul. Sa itsura nito mukhang aasarin na naman ako. “Huwag ka ngang tumawa." may inis na sabi. “Isa!" nang magawang bilangan siya. Tumawa pa muli ito. “Dalawa!" tawa siya ulit. “Tat..." nang matigil ako ng maibuka ang bibig at sinabi. “Sinungitan mo ba?" may tudyo na biro niya. “Bakit ko naman gagawin yon?" magaspang na wika ko. “May dahilan ba para magsungit ako?" aniya sinabi rito ng sungitan ko. “Ano ba, mainit agad ulo. Naiwan ka lang, nag-change moods agad. Wag ka nga mag-sungit at hindi naman bagay dahil mas pumapangit ka lang. Hahaha." tawa niya nagbiro. Baliw talaga itong si Raul, para isipin na pinagsungitan ko ang kaibigan. Bakit ko gagawin? May dahilan bang mag-sungit? Gayon na ayos naman kami. Ang palagay ko lang. Pero bakit biglaan nalang din ako iniwan? Wala akong makita na mali, maliban sa sinagot ko lang ang tanong niya at nagtanong rin ako mula sa mga nasambit nito. Siya naman nagsabi He was expecting too much. So why did he leave like that and say nothing? Ang labo-labo lang niya. Dahil wala nga ako makita na dahilan para iwan ako ng ganon lang. “Mia, sayang." anito ni Raul, kinalingon ko. Malayo pala ang tingin ko mula sa mahabang pag-iisip. “What do you mean?" nang matanong ko rin bakit sinabi na sayang. Ano na naman kaya nasa isip nito? Baliw na Raul. “Sinayang mo!" anito ulit na nagpagulo sa isip ko. Ano bang pinagsasabi na sinayang ko? Ang alin ba ang sinayang? Ginugulo lang nito lalo ang isip ko na magulo na nga ng magawa nga kakaisip bakit ako nagawang iwan ni Alfie, nang ganon lang. At ngayon, itong siraulo na si Raul, ginugulo ako. Mas ginugulo niya utak ko. “Sinayang mong makabingwit ng dolfin." “What?" I asked quickly what he said. Sabay tawa na kinasimangot ko at kinabatok ko rito. Nabatukan ko tuloy dahil ang buryo nito. “Dolfin ka riyan. Ano siya isda?" natawa na rin at biniro pa. “Sabagay, ikaw nga pala isang pating. So, ano ipinagkaiba ng pating sa Dolfin? Pareho lang di ba? Magkaiba man pero iisa lang sa tubig nakatira. Hahaha!" sabay na kinatawa. “Ang hilig mong mambatok ahh!" aniya na kamot ang tinamaan sa kanya. “Masakit kaya, ikaw kayang batukan ko ng malaman mo kaya." akmang batukan sana ako na kinangiti ko. “Pangiti-ngiti ka pa riyan." Singhal na gilalas. “Binibiro ka lang lagi ka naman napipikon. Kaasar ka na, ikaw kayang batukan ko." aniya na akmang itinaas muli isang kamay. Pero imbis na batukan. Niyapos ako ng mayakap niya ako. “Bitiwan mo nga ako. Mamaya anong isipin ng mga tao rito. Raul ahh, namimihasa ka na sa kakayapos ng ganyan. Sa susunod puputulin ko na kamay mo ng makita mo ng hindi ka na maulit pa." kinangiti na naibulalas nang biruin ko rin ito. Raul is one of my closest friends. It’s just tender, just like Lucas, who often smiles, and you don’t see a problem with their looks. Kaya naman ng makilala ko sila mabilis akong napanatag na kasama sila. It's just that Raul often teases me and jokes that Lucas will accompany him. Kaya madalas sa huli ako ang naiwanan na napipikon, because their participation compelled them to tease me. Sa tuwing magkakasama ang tropa at masama sila. Madalas kasing ako ang puno ng usapan lalo at ako ang walang jowa. So, when they heard about it. They started to tease me until I folded. “Mia, may makakita man. Walang mag-iisip o magbibigay ng kahulugan sa kanilang makikita. Don't worry because no one will think badly of us. No one will be able to imagine that there is a relationship between the two of us. Sino bang tanga ang mag-iisip na may relasyon tayo? Baka ikaw, maaari pa." anito na ginawa na naman biro lahat. Anito na ikinatawa ko nalang ang naging biro muli nito. “Bakit may mag-iisip na gusto kita, may relasyon between us?" gilas na biro sambit nito. “Baliw, wala 'ngang magtatangka na mag-isip. Sino magsasabi sa isang pating lang pala ang Diyosang si Mia babagsak at mapupunta. Saka, alam mo Raul. Nuon pa man at kahit kelan. Hindi iyon mangyayari. Hindi bagay ang diyosa sa pating at kahit kelan ang pating na tulad mo hindi babagay sa diyosang gaya ko." pang-aasar na kinasimangot. Kala niya ahh! Hahaha tawa ako. Kasi napasimangot ko siya. Kinapikon at kinatusan ako. “Masakit!" bulalas ng masaktan ako. “Pikon ka rin ehhhh. Ikaw ang nag-umpisa tapos ako rin ang sasaktan." aniya ko reklamo rito. “Nauna ka ahh! Nakailang batok ka na." sabi niya. So, magbibilangan pala kaming dalawa? “Halikana nga, kumain nalang tayo." sabi nito at inaya ako para tumayo at tumungo sa gitna sa mga hilera ng mga handa ni Lucas. Medyo nagutom na nga ako. Mula sa kinain namin kangina ng magpakuha si Alfie sa waiter ng utusan ikuha ako ng Juice. Inakbayan ako ni Raul habang masaya at nag-aasaran na naglalakad na nilalakaran ang dami ng tao na bisita. Late na rin. Subalit napakaraming bisita pa rin at hindi maubos-ubos sa mga dumadating pa rin. Mga barkada nila, mga empleyado at ilang malalapit na kamag-anak, kaibigan maging customer niya sa coffee shop naririto at inimbitahan rin pala. Kilala ko ang ilan sa mga iyon ng minsan nagpapart-time rin ako sa coffee shop ni Lucas at minsan sinasamahan naman ako ni Raul para magtambay at tumulong. Lalo ng nag-uumpisa pa lang si Lucas mula sa negosyo na napagdesisyunan itayo. Tulad ko madalas rin si Raul sa coffee shop ni Lucas. Tambayan lang, pero syempre may sarili rin itong negosyo maliban sa negosyo ni Lucas na business partners sila. Kapwa sila mga anak ng mayayamang negosyante. Pero magkaiba ng tinahak na mga landas ng kapwa magdesisyon na magtayo ng sariling negosyo at ngayon naman naging maayos at nakilala dahil sa mga pagpupursige nila. Si Raul, isa siyang architect. Si Lucas, business man. Ako, taong bahay. Minsan sa office nila Mama at Papa natulong ako. Ayaw naman nila pagtrabahuhan ko ang mga naitulong sa akin ng aking mga magulang. Mapagbayaran ko man lang sana ang lahat ng sacrifice nila mapalaki lang ako at mabigyan ng education. Pero ayaw nila. Kaya heto, umikot nalang mundo ko sa ganito. Nag-iintay nalang sa pera na allowance na binibigay nila Mama at Papa. Kaya naman pagmayroon akong nais. Bibigyan nila ako, para sa gusto ko naman bilhin. Hindi sila kuripot, galante pa nga at talagang bigay lahat ng luho ko. Kaya naman maswerte at blessed ako na nagkaroon ako ng mababait at mapagmahal na adopted parents. “Mia, alam kong gusto mo si Alfie. Bakas sa mukha mo kangina pa habang pinagmamasdan ko kayo na magkausap. Pinamulahan ka pa nga ng mukha ng mahawakan yung kamay mo kangina. Nakita ko lahat mula ng makita ko kayo na masayang nag-uusap. Nagtataka lang ako bakit bigla ka nalang iniwan." tudyo nito na kinatawa rin nito ng sambitin ang lihim na panunuod sa amin ni Alfie. “Alam mo... bwisit ka..." sabi ko diretsahan. “Bwisittt man pero ako rin ang makatutulong para mapalapit ka pa kay Alfie." anito na halos akapin ako ng mas idikit ang katawan ko mula sa pagkakaakbay. “Mabait naman yon. Tahimik nga lang at medyo mailap sa mga tao maging sa babae. Pero sa nakita ko kangina mukhang tinamaan rin sayo. Alam ko ang pakiramdam ng isang babae o lalake man oras na tamaan. Alam mo naman dumating na rin ako sa tulad ng naramdaman mo ngayon." anito na kinalingon at nang masulyapan ang mukha kinaseryoso. Ngayon nalang ulit kasi 'nabuksan ang mga alaala nito mula sa babaeng minsan ng nang-iwan matapos niyang mahalin ng lubusan. Sobra talaga siyang nasaktan. Subalit mas pinili ang magpatuloy at kalimutan ang mga sandaling nagkakilala at nagkasama sila ng babaeng nais na niyang limutin. Subalit patuloy na nag-eexist sa buhay niya. Alam kong hindi nito malimot. Kasi nga minahal niya ng sobra. “May balita ka sa kanya?" Tanong ko, umiling ito. “Matagal ng wala. Matagal na ring wala ang nararamdaman ko. Kahit bumalik pa siya, kahit makarinig pa ako ng balita sa kanya o maglandas muli kami at magkita. Wala na, Mia. Wala na..." seryoso na sabi. Masama pa rin siguro ang loob sa mga nangyari. Alam kong masakit pa rin sa kanya ang nangyari sa kanya ng iwanan nalang siya ng ganoon nalang. Kaya siguro mas pinili nalang ni Raul ang maging ordinary people na nakikisalamuha sa mga ordinary people rin na malayo sa antas ng pamumuhay nito. Ang alam ko, mayaman rin yung babae. Minsan ko lang nameet. But after non. Nalaman kong wala na sila at iniwanan nalang siya ng ganon. Kaya naman ngayon. Mas ginawa niyang abala ang sarili at tinuon sa maraming bagay ang isip. Although masaya siyang tingnan sa mga oras na tulad nito. Kasama ako, pero ang isip niya minsan nasa iba at alam kong nakapagpapaalala lang din sa kanya sa mga nakaraan. Pero mas gusto niya pang samahan ako, kesa duon sa mga kaibigan niyang anak ng mga kilala rin mayayaman sa bansa. “Bakit hindi ka makisama sa kanila?" tanong ko na kinakipit ng balikat. “Bakit pa? Para makipagyabangan sa kanila?" anito na isinagot. “Alam mo, Mia kung bakit mas gusto kong ilayo sa kanila ang sarili ko. Ayoko lang maungkat at maging bahagi ng tuksuhan oras na duon ako sumama sa kanila. Saka, hindi ko kailangan makipagsabayan sa yaman na meron sila. At makipagbilangan sa mga babaeng alam mo na ang ibig kong sabihin." anito na malungkot pa rin ang kanyang itsura. “Bakit sa akin? Bakit sakin nakikisama ka? Gayon na dapat sa kanila? Dahil sa alam mong di mo magawa sa kanila ang ginagawa mo madalas sa akin?" biro ko pero di naman tumawa. Kawawang Raul, malungkot at may sakit pa rin sa puso. “Mia, mas masaya ka naman kasama sa mga yon. Feeling ka nga lang kung minsan. Pero ayos na. Ayos na rin mapag-tiyagaan. Pero bakit ba sa akin ang usapan? Hindi ba dapat sayo? Sayo at kay Alfie." anito na sinabi nito sa akin bago pa nabaling ang tingin sa nakatinging si Alfie. “Kita mo? Sa iyo nakatingin. Kangina pa yan at alam kong gusto ka rin niya." anito na nagbiro na kinatawa ko naman. Mali, kinakilig. Kinakilig ng kiligin naman ako ng mapansin nga ng mapalingon rin ako at makita ang seryosong mukha ni Alfie na nakatingin sa aming dalawa ni Raul. “Mia!" anito ni Raul. “Bakit?" sagot ko. “Pwera biro, aminin mo. Gusto mo rin si Alfie?" seryoso na tanong na hindi na rin kinagulat at makailang ulit na rin nitong naitanong. Ayaw niya akong tigilan sa kakatanong at pagnanais na marinig ang dapat kong sagot. “Bakit ba ayaw mong tigilan ang pagbubukas ng usapang yan? Bakit hindi nalang yung love life mo ang pag-usapan natin at baka sakali na mabigyang solusyunan ng hindi ka na lonely." bulalas ng naibiro ko. Napasinghap ako na napabuntong hininga at seryoso na hinarap siya ng makabitiw ako sa pagkakaakbay nito. Tiningnan ko siya sa mukha. Nginitian, hinawakan sa magkabilang kamay. Gwapo naman si Raul at walang maipipintas sa ugali nito. Maging sa buong pagkatao, perfect na rin si Raul. Subalit, wala akong feelings na maramdaman sa kanya maliban sa pagiging magkaibigan at parang kapatid na turingan. “Bitiwan mo nga ako." nagtaray na kinatawa ko. “Diyan ka na nga!" ang sabi at seryoso na bumitaw sa pagkakahawak ng kamay naming dalawa. “Ang sungit, anong arte?" aniya na biniro ko muli. “Tara na, kumain na nga lang tayo." hinila ko siya palakad, papalapit sa buffet table at duon inabutan ko siya ng pinggan at mga kubyertos na kanyang lalagyan ng mga pagkain na nakahilera sa mesang mahaba na nasa harap namin. “Mukhang masarap?" sabi ko, isinubo ang isang lumpia na kinuha ko. “Ano? Masarap?" ikinatawa naman ng malasahan. “Kuha tayo, damihan natin. Kumuha ka ng pagkain at kukuha ako. Dapat hindi tayo parehas para matikman natin lahat." sabi ko rito na masayang sumandok at dumakot nung litson sa bandang dulo. Buti may balat pa at kumuha ako. Dinamihan ko yung sauce at parang mapapasarap kain ko nito. Magiliw kaming kumain ni Raul. Mahilig kaming magfoodtrip at lumabas sa tuwing nababagot ito. Ganon rin naman ako na mahilig ring makisama sa kanila ni Lucas sa tuwing dadaanan nila ako. Mahilig ako makijoin sa mga lakad nila na sinasama ako. Mahilig kaming maghiking at umakyat sa mga bundok. Gustong-gusto ko yon at talagang nag-eenjoy ako kasama sila. “Napakarami niyan, Mia. Tama na, baka mahigh blood na tayo nito." anito na kinatawa ko. “Broken ka di ba? Ikain nalang natin ngayon. Tapos bukas makakalimutan mo na lahat, kasi pag-uwi mo tiyak na tulog ka na. At maging ako. Kesa naman, iinom mo ng alak. Walang mangyayari, ikabukasan masakit lang din ulo mo at mabigat ang pakiramdam ng sa dami ng alcohol na pinasok mo sa katawan. Ito, bumigat man katawan mo kinabukasan. Hindi dahil sa alcohol. Kundi dahil sa busog. Dali, duon tayo." Hila ko sa kanya habang hawak ng maigi ang pinggan na aking dala. Ganoon nalang din namin nalibang ang mga sarili at nakalimutan ang tungkol sa babaeng minsan niya minahal at sa lalakeng nakilala ko naman. Si Alfie na hanggang ngayon hindi inaalis ang tingin. Masaya at nabusog talaga kami ni Raul. Duon na ko kila Lucas natulog kasama si Raul. Umuwi naman si Lucas at hindi nasunod ang pakiusap ni Raul na maihatid ako nito kinabukasan. Hindi rin naman ako papayag. Dahil tiyak na malalagot ako kila Mama at Papa lalo na at hindi sa kanila pamilyar si Alfie. Tiyak ng sandamukal na tanong kakailanganin kong sagutin. Kaya, tama lang na umuwi na siya at maiwan naman ako kasama si Raul sa bahay ni Lucas. Siya maghahatid sa akin bukas ng umaga oras magising na kaming dalawa. Nahiga na ako at ipinikit na ang mata na si Alfie ang aking nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD