CHAPTER 8

2300 Words
Isang buwan na lumipas ng magkakilala sila Mia at Alfie. Hindi mapalagay minsan si Mia sa tuwing mapapaisip sa naging dahilan. Bakit siya naiwan nalang ng ganoon ng lalakeng minsang nakapalagayan. Crush na nga niya. Ata, ang madalas niyang sambitin sa harap ng salamin. “Mia, halika na at kumain." Aya sa kanya ng kanyang Mama. Pananghalian na, pero parang umaga pa sa isip ni Mia. Si Raul kasi ng maipaalala sa kanya ang nalalapit nitong birthday. Naisip ni Mia na baka anduon si Alfie. Kinakabahan siya na makita. Pero ang sinabi sa kanya ni Raul. Wala si Alfie, dahil sa may business trip ito papuntang cebu. Nakahinga siya ng maluwag at duon. Naupo sa harap ng kanyang Mama, habang Papa niya sa gitna ng hapag. “Ma, pwede ba ako pumunta sa office? Naiinip ako, baka may maitutulong naman ako sa office. Payagan niyo na ako." pakiusap niya. Naalala na ngayon pala ang kanyang break para sa isang photoshoot. Nahilig siya sa pagkuha ng mga litrato. Subalit, pahinga niya at wala siyang gagawin ngayon. Wala siyang schedule dahil sa pinag-off siya at walang project na ibinigay sa kanya ng kanyang boss. Sidelines, hindi alam ng parents ni Mia. Nais. niya lang kumita para may extra. Hindi dahil kapos ang ibinibigay sa kanya ng mga adopted parents. Kundi dahil sa may pinag-iipunan siya na nais mabili. Sekreto, hindi alam ng parents ni Mia ang tungkol sa pinaglalaanan ng kanyang naipong pera. Ayaw niyang mabanggit o dahil sa nais niya itong maging lihim. Para sa kanyang binabalak na ayaw niya na may makaalam. “Hindi ka lalabas ngayon? Wala kang lakad?" aniya ni Mama niya na naitanong ng masulyap sa asawa. “Wala 'Ma, pahinga muna ako. Pero, naiinip naman ako. Parang gusto ko may magawa. Busy kasi sila Raul at Lucas..." “Bakit sa coffee shop ni Lucas, hindi ka roon magpunta?" sagot ng Mommy ni Mia. “Pakiramdam ko 'Ma, ayaw niyo talaga na naroroon ako sa office. Bakit madalas mas pinagtabuyan niyo ako kesa ang alukin na magtrabaho sa office at tulungan kayo ni Papa? Pakiramdam ko rin na wala kayo tiwala sakin kaya naman ayaw niyong naroroon ako at samahan kayoooo." malungkot na sambit at gilalas ng kumuha na siya ng food sa mesa. Kumain nalang siya. Tahimik lang sila habang nakain. Nang magsalita ang Papa ni Mia. “Mia, anak. Ayaw lang namin na maging pahirap at maging pabigat sayo ang kumpanya. Hindi mo obligation ang magtrabaho sa kumpanya. Malalakas pa kami ng Mama mo. At kaya pa naman namin ang mga trabaho doon. Mahalaga ngayon, maenjoy mo ang pagiging single habang wala ka pang nakikita na lalake na siyang mamahalin mo. Masaya nga sana kami kung makikita ka na maikasal sa lalakeng alam namin na mamahalin ka at aalalagaan. Wag mo kaming intindihin ng Mama mo at oras naman na hindi namin makaya. Bakit, hindi namin maiisip ang lumapit sayo at hingin ang tulong mo. Saka andoon naman ang mga pamangkin namin ni Mama mo na patuloy na tumutulong rin sa amin sa pamamalakad ng company. Anduon rin ang mga Tito Alfredo mo na siyang katuwang rin namin. Wala kang dapat isipin. Lahat naman nasa ayos at isipin mo nalang kung papaano ka rin makakahanap ng lalakeng mamahalin mo." nagawa pang biruin siya ng kanyang Papa na kinagiliwan naman ng kanyang Mama. “Sa lahat ng sinabi mo, Papa. Isa lang ang kinatuwa ko at sasang-ayunan ko. Ang drama mo, pero ginawa mo pa talaga biro at mukhang hirap kang maipunto. Hahaha." tawa ng Mama ni Mia. “Mama, wag mo naman ako ipahiya kay Mia. Pero, oo. Dapat lang na makahanap na rin siya ng lalakeng magpapasaya sa kanya. Lalaking mamahalin ba siya. Sinong magulang ang hindi nasasabik na makita ang anak niya sa isang lalakeng magdadala sa kanya sa altar at mangangako na habang buhay siyang mamahalin?" Hindi na napigilan ni Mia ang sumabat sa mga biruan ng kanyang mga magulang. “Tumigil na nga po kayo. Dahil malabo pa ang sinasabi niyo. Wala pa ako makita na lalake na mamahalin ko at nakikita kong mamahalin rin ako. Pag meron na po. Sisiguruhin kong malalaman niyo agad, dahil kayo ang nais kong makaalam at makakilala sa kanya. Syempre, gusto ko. Tulad ni Papa, Mama. Kasi nakikita ko siya kung papaano ka niya minamahal at inaalagaan sa kabila na kapwa kayo busy sa office. Pero, hindi nawawala ang pag-aalaga niyo sa isa't-isa. Idol ko kaya si Papa.." “Bakit si Mama, hindi ba Mia?" “Syempre po. Idol ko si Mama kung papaano rin kayo alagaan. Kaya nga oras na makita ko na ang lalakeng mamahalin ko. Aalagaan ko rin siya at laging iintindihin. Tulad ng madalas na pag-intidi sa inyo ni Mama." biro ni Mia na kinatawa ng mga magulang. Masaya sila nagsalo-salo at matapos iyon naghanda na rin para umalis ang kanyang mga magulang. “Sama muna po ako, promise. Hindi po ako makakaistorbo sa inyo. Gusto ko lang po sumama. Kahit utusan niyo ako ayos lang din po. Basta isama niyo lang po ako. Pleaseeee..." may pangungulit na sambit. Wala na nga nagawa pa ang mga magulang niya na naisama na nga siya sa office. Wala rin naman siya ginawa roon. Nanunuod lang siya habang nasa meeting ang Papa niya habang Mama ni Mia. Busy sa mga paperwork. “Need niyo po ng tulong?" aniya ni Mia hindi nakatiis. “Halika, lumapit ka." sambit ng Mama at lumapit si Mia. “Ganito ang gagawin mo." at itinuro naman sa kanya na mabilis rin nakuha ni Mia. Madali niyang nakabisa ang mga itinuro ng kanyang Mama. Matapos lahat, siya naman nagpaalam ng makatanggap na siya ng text mula kay Raul na susundo sa kanya. “Hi, Tita." aniya ni Raul ng makapasok sa office ng Mama ni Mia. “Ikaw pala Raul, mabuti at naririto ka. Itong si Mia, alam kong bagot na." sambit na sinabi ng makapagmano si Raul. Ugali na nila iyon na magmano sa mga magulang ng bawat isa. Paggalang na kinagiliwan naman ng kanilang magulang. “Talagang itong si Raul, kung hindi nga lang kayo magkaibigan nitong, Mia namin. Mapagkakamalan kong manliligaw ka niya." sabay na natawa na kinalamukot ng mukha ni Mia at nag-react. “Ano bang kalokohan naisip mo na yan, Mama. Si Raul pa talaga. Sa kanya mo pa ako naisip ipares, gayun alam niyo na..." pigil niya na wag maipaalala. Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin at baka mainis si Raul at mamaya sa kanya ibalik. “Sige na, Mama. Aalis na kami. Tambay muna kami sa coffee shop. Nagtext na rin si Lucas, naroroon raw siya ngayon. Tingnan namin kung maabutan namin ni Raul. Samahan ko kasi siya na mamili ng damit na isusuot niya sa birthday party niya para sa susunod na linggo." aniya na sambit sa mama niyang nagulat. “Oo nga pala, naku. Tatanda na naman itong si Raul ng wala pa ring asawa." aniya na biro ng Mama niya. “Okay lang, Ma. Mahalaga, masaya naman yan sa mga pinaggagawa. Important, masaya kami kahit ganito na single at walang mga jowa." aniya ni Mia sambit sa Mama. “Ewan ko sa inyo." aniya ni Mama ni Mia. “Oh siya, mag-iingat kayo. Happy birthday in advance, Raul." nang balingan si Raul. “Salamat po, Tita. Punta po kayo." paanyaya na sabi nito. “Naku, matatanda na kami para sa party na yan. Hayaan mo na si Mia nalang. Baka sakali na matauhan at makahanap na rin ng jojowain." aniya na sambit at pabiro na hinawakan ang kamay ni Raul. “Sana naman, this time. Makahanap ka na rin ng babaeng ipapalit roon..." Hindi na naituloy ng hatakin ni Mia ang kaibigan. “Mama, aalis na po kami." sabay na nagpaalam at hinila na palabas si Raul. Para sa kanya. Mahabang paliwanagan na naman ito na siyang mababalingan. Naikwento kasi ni Mia sa kanyang Mama. Ang mga napagdaanan ni Raul mula sa babaeng nanakit rito. Kaya naman sa tuwing mauungkat. Siya naman ang madalas na balingan ni Raul na hindi titigilan ng hindi siya ang mapipikon. “Ikaw may kasalanan nito, ang daldal mo. Bakit kasi, napasok pa yung storya ng love life ko sa tuwing uungkatin ang pagiging single mo. Ikaw talaga may kasalanan. Kung hindi mo sana ikinukwento kila Tita, sana wala silang alam." aniya ni Raul na ginulo ang buhok. “Sabi na hindi ako bata para ganyan na guluhin mo buhok ko." gilalas niyang puna sa tuwing gagawin sa kanya ang paggulo sa buhok sa ibabaw ng ulo. Masaya silang namasyal ni Raul at duon ay nakita sila ng isang kaibigan. Naaya sila. Naaya na tumungo sa gagawing party ng kapatid nito na kaibigan at kakilala rin nila dahil sa kaibigan na nakasalubong. “Mamaya, seven o'clock. Magstart yung party. Dinner lang pero 'di magarbo ahh, hehehe." tawa siya. “Alam niyo naman. Tipid ngayon, medyo mahina ang business nila Mommy. Saka ayaw namin na maging surprised birthday ni Inophy ay sila pa gagastos. Tama na kami nalang na magkakapatid, mapasaya lang si Inophy sa birthday niya. Alam niyo na... Binata na eh, dapat maging masaya." sabi nito na may ngiti sa kanila. Twenty first birthday ang pupuntahan nila. Simple man iyon, masaya ay naroroon ang malalapit na kaibigan at kamag-anak nila. Tama naman si Iron, tama lang na malalaki na sila. Hindi naman dapat na umasa sa kanilang magulang. Tama lang na sila naman ang gumalaw para sa mga nakababatang kapatid. Lalo at may mga trabaho naman na sila. Hindi kasing yaman ng pamilya ni Lucas at Raul ang pinagmulan ni Iron. Pero kahit ganoon. Naging malalapit sila mga magkaibigan ng minsan rin sa party mga nagkakilala. Sa Coffee Shop pala ni Lucas, duon sila mga unang nagkita-kita. “Sige, pupunta kami." aniya na sagon ng tumugon si Raul. “Salamat, Pre. Sabihan niyo nalang din si Lucas. Asahan ko kayo." sabi ng magpaalam na rin. Umalis na rin si Iron ng magdali ito dahil susundo pa sa girlfriend na kakatagpuin sa mall, kung saan sila mga nagkita-kita. Naglakad muna sila ni Raul, nagtingin-tingin. Nagkakabiruan pa nga ng anduon na sila sa men's wear. Pero isang tao ang nakahagip sa kanila. Isang tao na ngayon ang mata nakasunod saan sila mga magawi habang namimili ng underwear si Raul. Tawa ng tawa si Mia habang inaasar nito si Raul ng maipakita ang isang boxer briefs na biniro na babagay rito. Kanya pang ipinatong sa ulo nito na kinatawa ni Raul at siyang kuha ng isang brief na ipinakita kay Mia. “Mia, ayos ganitong brief sana iregalo mo sa magiging jowa mo. Tiyak na tatayo agad. Bakat na bakat yung laki rito. Sakto bago pa kayo na alam mo na..." pambibintin na sabi ng mabiro si Mia. “Ang bastos mo, bakit hindi ikaw nalang magsuot. Bilin muna, bagay at mukhang sayo babagay iyan." sagot na naitugon. “Oo nga pala, aatend tayo sa party. Ito susuutin ko? Ayos lang ba?" kanyang tanong at umikot-ikot sa harap ni Raul. “Ayos lang naman. Kahit anong suot mo naman. Maganda ka, wala nga lang jowa." biro na muli na sinabi nito kay Mia. “Jowa ba mahalaga? Bakit, hindi ikaw nalang magjowa. Lalo at ayan, nakikita mo. Medyo nangayayat ka na... Kasi nga, wala na sayo nag-aalaga... Bakit kaya, hindi nalang ikaw ang maghanap. Mas kailangan mo, dahil lalake ka. Babae ako, kaya ko magtiis ng walang lalakeng aaruga at mag-aalaga. Pero sayo, nakita mo ang kinalaki ng deperensya. Bagsak na katawan mo sa kakatrabaho at kung saan, dinadala ang utak. Malimot mo lang si..." napatakip siya sa bibig. Muntikan na naman niya masambit ang hindi dapat masabi. “Sorry!" aniya na natawa na ikinabit ang braso sa braso ni Raul. “Ayan ka na naman. Kaya madalas na mapagkamalan na may girlfriend akong linta... Makakapit, wala nang lalapit ng sa takot pa lang sayo. Wala na talaga ako makikilala na babae nito. Sa itsut mo, tingnan mo nga... Hayyy, naku po... Bitaw na Mia." aniya na nagbiro. Dahil sa totoo. Mas gusto ni Raul na ganoon kalambing at kalapit si Mia sa kanya. Para naman wala ng babae ang makakaisip na lumapit. Ayaw na niya sana na umibig ang kanyang puso at buksan sa iba. May takot na hindi mawala sa puso. Kaya si Raul. Mas gusto pa na nakahapit si Mia habang ganito na magkasama. Ganoon ba talaga sila kaclose? Para na silang may relasyon sa nakikita ko. sambit na nasambit habang nakasunod pa rin sa dalawa. Sinubukan pa rin niyang masundan sila Raul at Mia ng hindi mga nalalaman. Busy sila Mia sa pamimili habang itong isa nakasunod at nasasaktan na makita na ganoon si Mia sa kasamang lalake. Hindi siya nag-expect na nuon ng makilala itong si Mia. Mahuhulog nalang din siya bigla ng huli na ng mamalayan. Mula ng magkakilala sila ni Mia, umibig na siya at hindi na rin maitatanggi ng dahil si Mia nalang ang laman ng isip. Hindi lang din malaman kung papaano niya ba masasabi na gusto Mahal niya si Mia at nais niya sana manligaw. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Habang may kirot na nararamdaman habang nakikita na masaya si Mia, kasama ang kaibigan na siya naman ang mas naapektuhan. Dahil sa hindi niya rin alam, kung nalimutan na ba siya ni Mia. Hindi tulad niya na kahit kelan sa loob ng isang buwan si Mia ang laman ng puso at isip at hindi iyon mawala kahit ngayon na muli niya itong makita. Diretso lang sila Mia sa kanilang pamimili. Dahil matapos nila duon ay naisipan pa nilang dumaan naman sa isang women's wear upang bumili ng maisusuot at maipapalit sa kanyang suot na damit. Maging sapatos ay bumili si Mia na siyang bitbit ni Raul habang sila naglalaka ng nakahawak naman si Mia.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD