"D-Duke... N-N-Nagkakamali ka... W-Wala silang kinalaman dito..." garalgal kong pagtanggi sa kanyang inaakala, "M-Maniwala kayo sa akin..." Gustong kong paliwanagan si Duke Cailen na walang kinalaman sina papa o ang palasyo sa aking ginawa. Subalit dahil sa aking ginawang pagtra-traydor sa kanya ay walang natirang katiting na pagtitiwala ang duke sa akin. Kaya mas maniniwala siya sa kanyang hinala kaysa pakinggan pa ang aking sasabihin. "Umaasa ka talaga na maniniwala pa ako sa iyo?" Lalong nagdilim ang awra ni Duke Cailen saka pabalya na binitiwan ang aking baba. Parang bang diring diri siya ngayon na mahawakan ang taong katulad ko. Napangiwi man ako sa sakit ay ininda ko iyon saka mahigpit na humawak sa laylayan ng kanyang pantalon para pigilan siya umalis hanggang hindi siya nakiki