Nasa kalagitnaan ako ng aking tulog nang maalimpungatan ako dahil naramdaman ko na may ibang tao sa kwarto ko. Naramdaman ko pa nga na buong ingat siyang lumapit sa akin sa takot na magising ako. Pero ang hindi niya alam ay gising na ako at inaalam lang kung sino siya. Pumunta siya sa gilid ng kama ko at dahan dahan na hinawakan ang kamay ko. Wala siyang imik doon ay nanatili lang sa aking tabi. Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na muli ako habang hawak niya ang kamay ko. *** Nang magising ako ay kasikatan na ng araw. Nilibot ko ang tingin at nalaman ko na wala na sa kwarto ko ang taong bisita ko kagabi. Tulala ako bumangon sa kama. Pagkatapos ay pinagkatitigan ko ang aking kamay na hinawakan ng taong iyon. Biglang naging halo halo ang aking emosyon. Alam ko na si Duke Cailen
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books