Lumipas ang araw at dumating ang araw na pinag-aantay ng lahat. Ang launching ng librong isinulat ni Ma'am Vanessa sa market. Ito na rin ang magiging last day ko sa kompanya.
Sinong mag-aakala sa last day ko ay siyang magiging pinaka-espesyal na araw para kay Ma'am Vanessa?
Talaga nga naman mapang-asar sa akin ng tadhana.
"Waah! Mamimiss ka namin!" pag-ngawa ni Joy dahil mukhang matatagalan na kami hindi magkikita.
"Huhuhu! Ako ang nag-suggest na magresign ka pero nalulungkot ako ngayon na aalis ka na," pag-iyak naman ni April.
"Ano ba kayo?! Hindi naman ako mamamatay. Makikita pa rin tayo kapag may time," sambit ko habang inaayos ang gamit sa isang box.
Biglang pumasok si Aryan sa opisina at may dala itong isang libro at nagbabasa habang naglalakad. "Hmm. Aryan, ano ba iyang binabasa mo at hindi mo matigilan habang naglalakad?" puna sa kanya ni Joy.
Nag-angat ng tingin si Aryan. "Nacurious kasi ako sa isinulat ni Ma'am Vanessa kaya bumili ako ng sarili kong copy," nakangiwing pag-amin niya sa amin.
Sabay naman napairap sina Joy at April. "Talagang tinangkilik mo pa ang isinulat ng bruhang iyon!" nandidiring komento ni Joy at inagaw sa kamay niya ang librong hawak ni Aryan.
"Joy! Huwag mong sirain! Maganda naman talaga ang gawa niya eh!" tili ni Aryan at pilit na inaagaw sa kamay ni Joy ang biniling libro, "Waaah! Huwag mong lukutin! Ano ba Joy!"
Tila napanting ang tenga ng mga kaibigan ko nang marinig ang papuri ni Aryan sa librong isinulat ni Ma'am Vanessa.
"Maganda raw sabi ni Ate..." hindi makapaniwalang sambit ni Joy at binuklat ang librong iyan, "Ha! Tignan ko nga kung totoo ang sinasabi niya."
Lumapit naman si April para makiusyoso sa pagtingin sa libro. Mga proofreader sila kaya malamang kapag hindi nila nagustuhan ay lalaitin nila ito ng todo.
Subalit kabaliktaran ng kanilang reaksyon ang aking inaasahan. Mga namumutla sila na akala mo nakakita ng isang multo.
"Uy problema niyong dalawa diyan?" pagpuna ni Joana sa kanila.
Nag-angat sila ng tingin at nanlalaki ang mga mata na bumaling sa akin.
"L-Liezel..." hindi nila malamang sambit. "A-Ang n-n-nanay mo..."
"Ha? Anong meron kay Ma'am Vanessa?" naguguluhang sambit ko.
Nanginginig ang kamay ni Joy na inabot sa akin ang librong binili ni Aryan. Nagtataka man ay inabot mo iyon at tinignan kung ano ang nakakagulat sa librong ito.
Subalit nanlaki ang mga mata ko na makita ang mga pamilyar na pangalan ng mga book character at mismong setting na ito.
"What the f**k?!" nagagalit na pagmumura ko sa nabasa, "This is my book! This is my manuscript!"
"What?!" malakas na sambit ni Joana at nakitingin na rin sa libro, "Ito ba ang nilalaman na istorya ng flash drive na naiwala ng dalawang ito?!"
"Yeah. Iyan nga!" gigil na gigil na sambit ni April, "Halos gapangin ko ang kailaliman ng kompanya para mahanap lang ang flash drive ni Liezel. Iyon pala nasa kanya iyon at ginamit pa ang kanyang istorya sa contest!"
"Naku! Kumukulo ang dugo ko ngayon! Gusto ko kalbuhin iyan si Vanessa!" galit na galit na hiyaw ni Joy, "Hindi ko akalain na ganito ka lowlife siya! Mang-aagaw ng gawa ng iba! Walang delikadesa!"
Mahigpit na hinawakan ko ang librong iyon. Si Aryan na nakikinig sa amin ay tila naguguluhan kung bakit bigla na lang nagwawala kami rito.
"Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Joana, "Irereport ba natin sa HR?"
"Ano pa ba kundi sugurin si Vanessa at ingudngud ang mukha sa sahig! Ang kapal eh!" mungkahi ni Joy habang tinataas ang manggas ng kanyang damit, "Nasaan ba ang bruhang iyon?!"
Nagulat kami ng nagwawalang naglakad palayo na si Joy. Natatakot naman namin na sinundan siya.
"Joy!" tawag ko sa kanya para pigilan na gumawa ng eskandalo, "Please don't do this!"
"No Liezel! Sumusobra na ang nanay mo! Ginawa ka na alila pero ang agawin ang iyong pinagtrabahuan ay ibang usapan na!" hindi nagpapapigil na sambit ni Joy.
"Sang-ayon ako kay Joy, Liezel," pagpayag naman ni April sa binabalak ni Joy, "Ngayon pa lang ay dapat malaman ng lahat kung gaano ka demonyita si Vanessa."
Wala ako nagawa ng dalawa na sila ngayon na pasugod ngayon sa kinaroroonan ni Ma'am Vanessa. Hanggang sa makita namin ang lahat sa inihandang miniparty para sa launching ng libro.
Nagulat pa ang lahat ng pabalabag na binuksan ng dalawa ang pinto at walang pakundangan na sinugod si Ma'am Vanessa.
"What the hell are you doing?!" tili ng mga nakakakita ng tulong na p*******t ng dalawa kay Ma'am Vanessa.
"H-Help me!" maarteng pagtili ni Ma'am Vanessa habang pilit na kumakawala sa p*******t ng aking kaibigan.
May ibang sinubukan na tulungan siya subalit tinutulak lang ni April palayo ang mga ito at muli gigil na gigil na tumulong sa pananabunot ni Joy kay Ma'am Vanessa.
"You b***h! Wala ka talaga kahiya-hiya! Kapal mo na nagagawa mo pang ngumiti pagkatapos mang-agaw ng isinulat ng iba!" galit na hiyaw ni Joy, "Magnanakaw! You thief b***h!"
"Anong sinasabi mo diyan?! Ako ang sumulat ng librong ito!" pagpupumilit ni Ma'am Vanessa.
"Hindi lang pala thief b***h! Lying b***h pa!" Singhal ni April at tinadyakan sa sikmura si Ma'am Vanessa para mamilipit ito sa sakit.
Akmang susugod muli ang dalawa ng biglang pumasok si Boss at napatigil ang lahat.
"B-B-Boss..." kinabakabahang sambit ni Joy at natauhan sa malaking gulo na ginawa nila.
Pumagitna naman si boss at isa-isa kami tinignan. "Anong kaguluhan ito?" seryosong tanong niya.
"Boss, they just cane here and accused me of stealing their works!" pagpapaawa naman ni Ma'am Vanessa kay boss, "Kilala niyo ko boss. Ilang taon na ako nagtratrabaho rito at imposible na magnakaw ako ng gawa ng iba."
Tila tinitimbang naman ni boss kung sino ang nagsasabi ng totoo. "Kung ninakaw ni Vanessa ang manuscript, sino naman sumulat nito?" pagtatanong ni Boss kina Joy.
Nilingon ako ng dalawa na aking ikinalunok. "A-Ako po boss," pag-amin ko.
Nagkaroon ng bulungan sa aming paligid. Karamihan sa mga ito ay hindi naniniwala na makakapagsulat ako ng ganitong istorya. Aware sila na wala akong background sa pagsusulat at tanging pag-eedit ang aking ginagawa sa loob ng limang taon na pagtra-trabaho sa kompanya.
"I insist that I am the one who made this book," pagpupumilit ni Vanessa, "Imposible na makagawa ng ganitong perpektong istorya si Liezel. Tanging mga writer lang na matagal na sa ganitong industriya."
Marami sa mga writer na naririto ang tila sumasang-ayon sa sinabi ni Ma'am Vanessa. Sabagay hindi matatanggap ng ego nila na matatalo sila ng katulad kong walang background sa pagsusulat sa isang writing contest. Mas gugustuhin nila na mismo si Ma'am Vanessa ang nanalo dahil mas matagal na siya sa kompanya.
Kita sa mukha nina Joy at April ang pagkadismayado sa nirarating ng aming sitwasyon at magiging unfair sa turingan ng mga empleyado.
"Liezel, I know may matinding galit ka kay Vanessa sa ilang taon na pagpapahirap niya sa iyo but this scandal is too much. Hindi mo kailangan sirain ang kanyang celebration party para makaganti. Pinaghirapan niya ito kaya sana maging masaya ka na lamang sa kanya," pagbibigay payo ni Ma'am Bianca, isa sa mga matatagal na writer na rin ng kompanya.
"What.the.hell." hindi makapaniwalang bigkas ni Joana, "Bakit parang si Liezel pa ang may kasalanan? Siya na nga ang ninakawan rito?"
Napayuko ako ng ulo at hinawakan sa kanilang braso sina Joy at April para tigilan na sila sa kanilang pagwawala. Anuman ang gawin namin ay wala naman maniniwala ako nga ang nagsulat noon. Maaaring madamay lamang sina Joy at April sa masasamang salita na maaaring matanggap ko.
"Boss, hustisya naman! Ano ngayon kung matatagal na silang writer?" sambit ni Joy, "Wala bang utak si Liezel para makagawa ng kanyang sariling istorya?"
Tinignan ako ni Boss pero wala akong makitang pagkampi o kaya pagkilala sa aking kakayahan. Malamang matagal na panahon na inaangkin ni Ma'am Vanessa ang mga magagandang trabaho ko habang ako naman ang tumatanggap ng lahat ng maling ginawa niya. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ay noon pa lang ay kinorek ko ang ganitong pagtingin sa akin ni boss.
Life is so unfair nga naman.
Kung ikaw ang nasa ilalim ay mananatili ka sa ilalim. Habang ang mga nasa ibabaw ay siya naman patuloy sa kanilang pag-angat gamit ka bilang kanilang tungtungan.
"Liezel, you had a good work with us for these past years. Sana naman sa last day mong ito ay maging maayos ang iyong pag-alis. Iyon lang ang inaasahan ko sa iyo," hindi masayang sambit ni Boss sa akin at ramdam na ramdam doon ang pagkadismayado para sa akin.
Napayuko ako ng ulo at madiin na napakuyom ng aking kamay. "Naiitindihan ko po," pag-urong ko, "Thank you Sir for giving me an good opportunity to work with your company."
"Liezel!" rinig kong pagkontra nina Joy at April, "Aalis ka ng ganito? Na isang talunan?!"
Iniling ko ang aking ulo para sabihin na tama na. Anuman ang gawin namin ay kami ang dehado rito. Nasa posisyon sila habang kami ay hamak na maliliit na empleyado lang. Kaya kami palitan ng kahit sino.
Hinila ko sila palayo roon. Nang makalabas ay doon nagsimula bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Damn!
Ang sakit sakit at ang bigat sa pakiramdam.
Galit na galit ako ngayon.
Para bang gusto kong magwala pero hindi ko magawa.
Pakiramdam ko ngayon ang tanga-tanga ko.
Alam ko na nagpumilit lamang na ako na magtrabaho sa kompanyang ito pero sa loob ng limang taon ay ginawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Hindi ko akalain na ito pa ang igaganti nila sa akin sa huli.
I don't deserve this.
They are not worth it.
I waste the five years of my life for nothing.
"L-Liezel..." pag-aalo sa akin ng mga kaibigan ko at niyakap, "S-Sorry... K-Kami ang dapat sisisihin sa nangyari. K-Kasalanan namin kaya naging ganito ang sitwasyon. Kung hindi lang namin naiwala ang flash drive mo ay hindi iyon makukuha ni Vanessa."
"Patawad talaga, Liezel..." umiiyak na ring paumanhin ni April.