Nagsimula na kumain ang duke kaya napilitan na rin ako na magsimula. Tingin ko ay masasarap naman ang ipinahanda ng duke. Ang problema lang ay wala pang gaanong lakas ang aking mga kamay para hiwain ang steak na nasa platito ko. Kaya kaysa isubo ito ay natuon ang aking buong atensyon na makahiwa nito. Ilang minuto na ang nakalipas ay wala niisang tikim pa ako nagawa. Hindi naman kakunatan ang karne para hindi ko magawang mahiwa ito. Nalaman ko noon sa usapan ng triplets na ito ang specialty ni Annie kaya ito ang paboritong ipaluto ng duke sa kanya tuwing may okasyon. Pero kung ito ang nakahanda ngayon sa mesa... Ibig sabihin ba nito ay may okasyon na gustong i-celebrate ng duke? Nagulat ako nang biglang may kamay na kumuha ng platito palayo sa akin. Pag-angat ko ng tingin ay matalim an