Nagdaan ang isang araw at dumating na ang pinakaiintay kong araw mismo ng kapistahan. Iyon nga lang ay halatang iniiwasan ako ni Agatha. Dahil hindi na siya nagpakita pa sa akin pagkatapos na makita niya kami ni Duke Cailen na magkatabi na natutulog sa kama. Balak ko pa naman gamitin iyon na dahilan para kumbinsihin siya na tumakas sa mansyon. Kahit magmukha ako na isang kontrabida na nang-aagaw ng kanyang mapapangasawa. Isang kabit na pilit pinapaalis ang legal na asawa sa kanyang pamamahay. Okay... Tama na, Ada... Gumagana na naman ang pagiging malikot na imahinasyon mo bilang isang manunulat... Paikot ikot na nagpalakad lakad ako roon para mag-isip ng aking magiging hakbamg. Mabuti na lang sa loob ng isang araw ay nagagawa ko na makapaglakad lakad na hindi kailangan alalayan o buhat