Lumipas ang labindalawang taon... "Miss Ada!" pagtawag sa akin nina Perenna at Egeria habang paulit ulit na kumakatok sa aking pintuan. Inaantok naman ako napamulat ng mata at kinapa ang mesa sa gilid ng aking kama para kuhanin doon ang aking salamin sa mata. Isinuot ko iyon at pagkatapos ay bumangon mula sa aking pagkakahiga. Napahikab pa ako habang inuunat ang aking katawan mula sa ilang oras na tulog. "Miss Ada!" muling pagtawag sa akin nina Egeria at Perenna. Napipilitan naman ko na binuksan ang pinto at hinarap ang dalawang tagasilbi na pumutol ng aking masarap na tulog. "Jusko Miss Ada!" sabay na tili pa nila ng makita nila ang aking itsura, "Ang buhok niyo! Mukhang pinagtirhan ng mga ibon! Sana naisipan niyo man lang na magsuklay!" Naparolyo naman ako ng mata dahil araw-araw n