Katulad nga nang sinabi ni Duke Cailen ay ipinakuha niyang muli ang mga regalo sa aking kwarto saka walang panghihinayang na ipinatapon. Pagkatapos ay pinalitan niya rin ang mga ito ng panibago. Pero tila mas dumami pa ang mga ipinalit niya kumpara sa mga dumating kaninang umaga. Namomoblemang napatapal na lang ako ng kamay sa aking noo sa ginagawa ito ng duke. Isa lang talaga ang naiisip ko na motibo niya. Iyon ay sirain niya ang samahan namin ni Agatha at pagselosin ang dalaga. "What should I do?" bulong ko pa sa aking sarili, "Kung magpapatuloy ito ay masisira ang plano ko na maitakas si Agatha." Hindi mapakaling nagbalik balik ako ng lakad sa loob ng aking kwarto. Dahil hindi ako maaaring magpabagal bagal ng kilos dahil kaunting panahon na lang ang natitira sa akin para magawa ang a