3: ACCIDENT

1510 Words
"The beginning of love is to let those we love be perfectly themselves, and not to twist them to fit our own image. Otherwise we love only the reflection of ourselves we find in them"-- Thomas Merton CHAPTER 3: ACCIDENT "We are getting married. Me and Demi." He said firmly. Samantalang ako nahihilo sa pinagsasabi nya. Ako? Sya? Ikakasal?! "WHAT?" Parang kanina pa 'what' lang ang nasasabi ko. Pero.. WHAT? "I'm so sorry babe." Humarap si Rafael sa akin saka ako nagulat sa paghawak nya sa pisngi ko. "Dapat magpo-propose ako sayo mamaya. Remember I called you na magkita tayo sa unit ko? Isusurprise sana kita..." Napanganga na lang ako... ANO DAW? "A-anong..." "shhh..." Mas nilapit nya pa ang mukha nya sa akin at halos tumayo balahibo ko dun! He kissed my cheek then my ears. "just go with it." JUST GO WITH IT? "What's the meaning of this?" Gardo cut it out looking confuse. "The meaning is.." Napausal ako pero ano ba sasabihin ko? "You can't marry Andrea because I'm marrying her daughter." Nakita kong napanganga yung dalawa dun. Maski ako gustong mapanganga sa mga pinagsasabi namin lalo na nitong si Rafa. "Kelan pa nangyari 'to?" Napatanong si Mama na litong lito pa rin sa nangyayari. "D-demi.. Panong..." "I.. I know Ma. Hindi rin ako makapaniwala..." Napatingin ako kay Rafa na binibigyan ako ng don't-mess-up-look. "..but I met him..and we are going to...you know." I can't even say the word MARRY OR MARRIAGE OR MARRIED! Hell I don't plan to get married until I get Thirty. "Oh My!" Napahawak si Mama sa ulo nya. "Pero pano nangyari yun? Wala ka man lang pinakikilalang lalaki sa akin kahit isa. Ni wala nga akong nababalitaan sa mga kaibigan mo." Patay! Oo nga. Ako'y isang babaeng never pang nagkaroon ng boyfriend, for short NBSB. Isip, ispi! "I hid it from you.. Sorry." "Oh.. Demi." Lumapit si Mama sa akin at sa laking gulat ko niyakap nya ako. "Sana sinabi mo sa akin kaagad." "Ma.." I was taken aback. My Mama stopped hugging me since forever! "Eto ang unang beses mong magkwento ng personal sa akin. Anak kita pero wala akong alam kung anong iniisip mo." Umiiyak sya! "G-gardo.." Lumingon sya dun sa boyfriend nya. Ako rin napatingin sa kanya na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. "Andrea.." He whispered. "This.. I'm outta here." Umalis syang umiiling. Hindi malaman kung anong sasabihin at gagawin. "Gardo." Sinundan naman sya ni Mama. "Great." Sabi ko ng makaalis sila. "Just great." Sarcastic na kung sarcastic. "We broke them up." "What? This is what you wanted too right?" Rafael hisses. "Want to get M to you?" "M?" "Oo! Yung sinabi mo? Ikaw, ako? We just met a few hours ago and I'm..." "Marrying me? Oh.. Yun ba inaalala mo?" Hindi ako nakasagot. "Kain na nga muna tayo." Sabi nya saka umupo dun sa pinag-alisan ni Gardo. May pinindot syang kung ano dun sa upuan kaya dumating yung waiter. "Two Porterhouse please." "Anong balak mo ngayon?" Tanong ko habang nakacross yung arms ko. "Magpapakasal tayo." Cool nyang sabi. "WHAT? AKO MAGPA..." "Do you have some issues?" "Anong issue?" "Marriage issue. You can't even say the word Marry, marriage, or even kasal?" I almost choked. Parang nagfaflashback sa akin yung mga time na hindi ko alam kung tama bang nabubuhay pa ako sa mundong to. Ang Drama ko pero yan ang totoo. When I was 10 years old my Mom and Dad constantly arguing, fighting and almost killing each other. Sinasabi lagi ni Mama kung hindi lang dahil sa amin hindi nya papakasalan si Mama.. "Hey, are you still alive?" Napabalik ako sa kasalukuyan. Eh? Kumakain na sya at meron na rin akong pagkain. "Sinong nag-order sa akin?" "Ako." Nakangiti nyang sinabi. Tinitigan ko sya ng masama. Alam nyo yung parang bipolar? Sya yun. Kung kaninang umaga may pagkajerk at playboy sya ng makita ko sya firstime, nagiba yun ng mag-usap kami. May pagkapsycho sya. Tapos kanina pagkarating nya dito galit na galit sya. Nag-aalburuto tapos naging sweet noong nagpanggap kami, tapos feeling cool ngayon naman parang batang tuwang tuwa ngumunguya ng kinakain. "Bakit ka ganyan makatingin?" "Wala." Inirapan ko sya. "You know you're rude." Ano daw? "What did you---" "Rude." Aba! Ang lakas din ng loob mong. "Hoy, Mr. Rafael Raymundo kanina ka pang umaga ah." "Bakit? Yun yung nakikita ko sayo eh. Bukod sa mukha kang manang, well, mukha ka nang bruha ngayon.. Masama pa yang tabas ng dila mo." "Whay the heck!" "See? Nagmumura ka pa." Napahawak ako sa sintido ko. Nag-iinit ang ulo ko. "Ang kapal din naman ng mukha mo. Ikaw nga itong rude dito!" "I'm pointing out the truth." Ngumiti sya. "Kumain ka na marami pa tayong pag-uusapan." Hindi ko na kaya itong lalaking to! Tumayo na ako sa kinauupuan ko, kinuha yung bag ko at AALIS NA AKO. "Saan ka pupunta?" "Aalis na. Nice meeting you." Isang matinding irap muna ang ginawa ko saka nag walk ou-- "Hindi ka aalis." Natigilan ako. Inuutusan nya ba ako? "May pag-uusapan pa tayo hindi ba?" Tuningnan ko sya uli with matching pamemewang. "Then spill it." "You are going to marry me." Ako? "NO WAY!" "O di hayaan na natin magpakasal ang parents natin." "NO!" Tiningnan nya ako na parang sinasabing 'you're ridiculus.' "Then that's the only way my dear. Hindi natin sila mapipigilan kahit ilang beses pa natin silang pagsabihan." "But..." "But, what?" "but... I don't even know you... I.. I don't love you." Katahimikan ang sumunod. Nakatingin lang sya sa akin na nakapress ng maigi ang mga labi. Maya-maya namumula na sya. "Ano?" Tanong ko mg hindi sya umimik. "pff--WAHAHAHAHA!" Hawak ng kanang kamay nya yung tiyan nya tapos pumupukpok naman sa mesa yung kaliwa. "Anong nakakatawa?" Nakataas na yung isa kong kilay. "Ikaw.. Hahaha! Pinapasaya mo talaga ako kanina pa. Hahaha!" "Hindi ako nagbibiro Mr. Rafael." Tawa pa rin sya ng tawa habang lumalapit sa akin. Nagseryoso na lang sya ng tapat na tapat na sya sa akin tska hinawakan yung balikat ko. "Lilinawin ko lang Ms. Demi, ikaw at ako ikakasal. I-KA-KA-SAL. Meaning ikakasal pa lang. Magpapangap tayong ikakasal tayo as in fiancee kita. Malinaw na?" "Tapos?" Napabitaw sya sa balikat ko at humawak sa ulo nya. "Tapos hindi nila itutuloy ang kasal nila." Kmunot naman noo ko. "E pano yun? Hindi naman nga talaga tayo magpapakasal diba?" Ngumiti sya. "Hindi nga but will make it in time na pagmaghihiwalay na kuno tayo, wala na ring feelings yung dalawang yun sa isa't isa." Okay, that's make sense. "What do you think?" Tumango ako at napangiti. That's better than seeing my mom marry again. "Then it's settle. Deal?" inextend nya yung kamay nya sa akin. "Deal."Nakipagshake hands ako sa kanya. Wala naman atang masamang magpanggap tutal pareho naman kaming busy, minsan lang kami nyan magpapanggap. "pero may problema." Kmunot ang noo nya. "Have you forgoten? Kilala ka ng lahat. Eventually people might get to know that we.." "I don't care." Eh? Aya nang walang pakialam. "But I do! Ayoko ng publicity!" "Don't worry bihira lang naman din akong lumabas sa media." Anong bihira ang pinagsasabi nito? Araw-araw nga atang nasa news ang lalaking to. "Whatever." Hayaan na nga. "Ako din pala may problema." Sa pagkakataong yun ako naman yung napakunot ang noo. "I don't date old hug." This time nandilim na nga ang paningin ko at wala akong ibang ginawa kundi paghahampasin sya! Bwiset sya. "Ako?! Old hug?" "Oy! Chill lang! Demi!" Natatawa pa sya kahit hinagampas ko na. "Joke lang yung old hug." Uulitin pa! Nakakapanginit ng ulo! "Kanina ka pa namumuro!" "Aray ko! Tama na. Bakit ka ba galit na galit? Totoo naman! Kailangan mong ayusin yang pananamit mo kung ayaw mo.. AHH!" Ambilis ng pangyayari. Napatid sya sa kung ano at dinamay pa ako sa pagbagsak. Hindi ako nakareact bukod sa napapikit ako ng mata ko. Mga ilang segundo rin akong hindi nakagalaw sa pagkakadapa ko hanggang sa may naaamoy akong iba. I.. Don't know parang first time lang ko lang makaamoy nun. Unti-unti kong dinilat ang mata ko not sure of this black thing infront of me. "OH MY GAWD." Kaagad akong napalingon sa boses ng nanay ko sa may pinto. Gulat na gulat syang nakatakip kuno yung mata pero nakasilip din naman. Si Gardo nanlaki yung mata, kaya ako napatingin sa sarili ko... Nakatukod ang mga tuhod at kamay ko sa sahig habang nasaharap ko naman ay... WAAH! Napaatras ako kaagad. OMG. Nasaharap ako ng espada ni Rafael! "for pete sake Rafa. Get a room!" Sabi ni Gardo na horror pa rin yung mukha. Si Rafael naman yung tiningnan ko. Naalis na yung tingin ko dun sa espada nya. Laking luwag sa hininga ko na naka-slacks sya. Anyway, pagkatingin ko sa kanya, nakapikit sya na namumula na ewan. Nakasandal sya dun sa pader na indikasyon na nauntog sya. BUTI NGA! "Demi.. Hindi ko akalaing." Si Mama naman ayun iiyak na naman ata. "Malapit na ba akong magka-apo?" HUH? Inayos ko yung sarili ko. Tumayo na ako sa aking pagkakabagsak at inayis ang sarili. "M-ma anong sinasabi nyo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD