2: MEET UP

1742 Words
Getting married is very much like going to a restaurant with friends. You order what you want, then when you see what the other fellow has, you wish you had ordered that.-- Anonymous CHAPTER 2: MEET UP Nakabalik ako sa office nang umuusok ilong. Yamot talaga ako sa mga preskong lalaki, gaya ni Rafael Raymundo. Hindi ko maintindihan kung bakit kilala sya ng marami, hinahangaan at gustong makatrabaho. Kung alam lang nila na walang kwenta ang lumalabas sa bunganga ng lalaking yun. Pagpasok ko sa building kita ko na yung mga empleyadong papabalik na sa office namin galing sa lunch break. Noong makita nila ako mga nagsiyukuan. Dagdag sa galit ko! Sa elevator pinauna nila akong sumakay at hindi sumabay sa akin. Ano ako may sakit? May anghit? Pagkarating sa 20th floor mabilis akong naglakad papunta sa office ko. "Demi!" Natigil ako sa tumawag sa akin kulang na nga lang gumamit ako ng telescope para malinaw ko kung sino ang nasa harapan ko. Parang hindi kasi ako sure kung bakit ko kaharap ang babaeng ito. "Agnes? Kala ko naaksidente ka?" "Bat ganyan ka makareact gusto mo talaga masaktan ako? Naaksidente nga ako pero yung tipong nagasgas lang yung sasakyan ko." Nag-alala pa ako sa kanya ng husto. "Ano na?" Tanong nya sa akin. "Kamusta ang interview kay Mr. Gwapo?" Oh sh¡t! "I screwed up." "What do you mean?" "Ang yabang nya Agnes! Kala mo kung sinong boss. Sinasabi nya kung anong gusto nyang sabihin kahit nakakasakit na sya." Nanlaki mata nya. "Anong ginawa sayo?" "Mukha daw akong matandang dalaga. At parang pinapalabas nya pang wala akong Sense of Humor." Kumukulo na naman dugo ko. "Totoo naman diba?" Agnes! Sa lahat talaga ng employee dito itong babae lang ang hindi natatakot sa akin. Siguro dahil sa 5 taong agwat namin (mas matanda sya)? O kaya naman sanay na sya sa akin? Ewan ko pero sa lahat ng katrabaho ko sya lang ang masasabi kong nakakausap ko ng personal na bagay. "Ano na Demi? Sabi ko naman sayo. Change yourself. Matalino ka nga at nakapasa sa taste ng chaiman natin pero mahalaga pa rin ang Attitude Demi. Attitude." I rolled my eyes. Like I know that. "Kita mo? Nakita lang talaga ni Mr. Raymundo king sino ka at sya lang ang may lakas ng loob na sabihin sayo ng deretsyahan na may mali sayo." "Hindi lang sya pati ikaw." Napaupo ako sa malapit na silya. "Agnes.. Hindi ko na alam. Binabago ko naman ang sarili ko pero nauuwi sa ganito. Madaling uminit ulo ko." "Tumatanda ka na nga siguro." Tiningnan ko sya ng masama. "Ano? Kung lagi ka kasing seryoso sa buhay magmumukha kang matanda plus pa yang pananamit mong parang namana mo pa sa lola mo." Sige na ako na mali! Buti na lang nagsibalikan na yung mga employee kaya nagsimula na akong magtrabaho. Limang oras akong nakaupo. Nagbabasa, nag eedit at kung ano-ano pang dapat asikasuhin sa susunod na issue ng magazine. Sa Glam Magazine pala ako nagtrabaho. This magazine targets women in early adulthood. It is more in fashion and lifestyle. Para kami Metro and Cosmopolitan magazine. "Ms. Demi, pasabay ako pauwi." May naka-pop na ulo sa kakabukas na pintuan ng office ko. Si Agnes yun. "Wala akong sasakyan." Pinagpatuloy ko pa rin yung ginagawa ko sa computer. "Eh? Bayen! Kala ko makakalibre na ako ng pamasahe. Kasi naman yung nambunggo sa akin." "Asan na ba yang sasakyan mo?" "Nasa Casa pinapaayos ko. Tara na Ms. Demi uwi na tayo. Baka hinihintay na ako ng baby ko." "Umuwi ka na mag-isa mo. Tska, baby pa ba yung 10 years old?" "Ang mean mo talaga. Niyayaya ka na nga pauwi." "Eto na po." Sakto ng turn off na yung computer kaya kinuha ko na yung bag ko at tumayo na. Ikinatuwa naman yun ni Agnes kaya masaya syang sumunod sa akin habang kwento ng kwento ng kung ano-ano. Di ko na sya pinakingan pero napatigil talaga ako sa tanong nya. "Pano na yung Love Interest Section natin sa susunod na buwan? Makakapagpaschedule pa ba tayo kay Mr. Raymundo?" Aww.. Oo nga pala! "Kung hindi na sya papayag, di wag. Humanap ka na lang ng iba." simple as that. "But he is the 'IN' thing now. Yung kalaban nating magazine company na interview na sya at sure na bumaba ang sales natin nun ng 10%. Pano kung may mga iba pang magazine na gusto syang mainterview tapos tayo hindi na? Sayang yung chance! Sayang yung mga exotic questions ko! Demi!" Para naman syang iiyak. Ganun ba sya kawalan? "Then we need to interview other bachelor. Maybe an actor.. An iternational actor." "Napakadali." Sarcastic nyang sabi. Hindi ko na sya pinansin at pumara na ako ng taxi. May pupuntahan pa pala ako. "Sige na Agnes. May lakad pa ako." Sumakay ako dun sa tumigil na taxi. "Bye." Itinaas ko lang yung kamay ko sign na paalis na ako. "Red Resto." Sabi ko sa driver. Sya naman napalingon sa akin mula ulo hanggang kung saan nya kaya ako tingnan. "Bakit?" Tinarayan ko lang sya. "Yung nasa 10th Ave.?" "May iba pa ba?" "Wala na ho." "Then bring me there." Dami pang tanong. <3 After 39 minutes na dapat 10 minutes lang dahil sa lintik na traffic na yan. Pag rush hour nga naman. Inabot ko yung 100 pesos at bumaba na. Pero parang gusto ko bumalik uli. Baka kasi mali yung napuntahan ko. Nangangatog ang tuhod kong bumaba. Nakakahiya dito! Hindi ko alam na pang high class restaurant pala itong pagkikitaan namin ng nanay ko at ng boyfriend nya. OP naman ako dito. Naka Elephant Fit Slacks ako, white long polo na may coat na black. Tsk! Office attire lang ang suot ko pero yung mga nasa paligid ko talagang nakapang-elegant dress. Hayaan na nga. I didn't come here to please, but to make my Mom and his boyfriend brake up or something that will change my mom's mind. May kaagad na sumalubong sa akin. "Ms. Demitria Magsaysay?" Hostess ata sya dito. "Yes?" "Good evening, this way Ma'am." Sumunod na lang ako. Sa second floor kami at huminto sa isang kwarto. VIP Room? So my mom's boyfriend is something huh? "Come in Ma'am." Hinawakan nya na ang door knob. "Wait." Pigil ko sa kanya. "You can go now." Pagkaalis nya huminga ako ng malalim at nilugay ko ang tuwid na tuwid kong buhok. Ngayon ko kailangan ang kasungitan ko. "Hey fellas." Bati ko sa kanila. "Demi." Tumayo silang dalawa at si Mama lumapit sa akin para makipagbeso-beso pero ayoko! Nag mano lang ako sa kanya tapos kay Gardo wala, dedma lang at umupo na ako sa tapat nila. "Anong sasabihin nyo sa akin?" Nakataas yung kilay ko. "Let's wait for my child." Sabi ni Gardo. "Whatever." "Demi." Warning ni Mama sa masamang tabas ng dila ko. Fine. Sumandal ako sa kinauupuan ko saka inilabas ang blackberry cellphone ko. Work, work muna habang naghihitay. "Demi mamili ka na sa menu." Sabi Gardo. "Tama anak. Masarap dito ang pagkain." Sangayon naman ni Mama. "Kasi mahal?" Masarap kasi mahal? Tsk! "Kung ano na lang order nyo." Balik uli sa ginagawa kong pagiimbistiga sa mga kakompitensya ng GLAM. 30 minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin yung batang hinihintay namin. "Nasan na ba yang anak mo Mr. Gardo?" Mukha namang di sya mapakali dahil nakita na nya na naiirita na ako. "Sandali lang. Parating na sya." "Okay." Pero yung totoo? Wala pa rin sya! Aiiissh! Kalma lang Demi. Ilang minuto pa ang nakakalipas ng sa wakas may narinig na akong pumihit ng pinto. Sa wakas? Pagkapasok kasi noong nasa kabila ng pinto para syang isang toro na handa kami suwagin. And... Is that Rafael Raymundo? As in, RAFAEL the effin rich guy? Yung iinterviewhin ko sana kaso lang masyadong mahangin at walang preno ang bibig kaya nag-init ang ulo ko? "WHAT THE HECK IS THIS?" Galit na galit sya na nakatayo sa harap namin. "Rafa, finally you're here." Tumayo rin si Gardo para lapitan yung anak nya. "Dad, ano yung narinig ko? NO! You are not marrying." Marrying? "WHAT?" Ako naman yung napatayo. Ano to... Pakakasalan nya ang nanay ko? "Anak.." Maski si Mom napatayo na tska ako nilapitan at hinawakan sa braso. "You.. You?" Hindi ako makapagsalita ng maayos. Napatingin ako kay Mama, kay Gardo na natatakot ang mukha at kay Rafael na gulat na nakatingin sa akin. "Pwede munang umupo tayong lahat at mag-usap ng maayos?" Sabi ni Gardo na mukhang hindi mapakali. "No Dad." He was talking to his Dad but he was still looking to me. "Tell it to us, now." "Rafa.. Demi.." Nagsalita uli si Gardo pero hindi naaalis ang pagtitinginan naming dalawa. Ano bang problema nito at makatitig sa akin? "..magpapakasal sana kami ni Andrea." Mahinang sabi ni Gardo kaya natigil ang pagtitig ko kay Mr. Rafael. "NO!" Nagkasabay kami ni Rafael kaya nagkatinginan na naman kami. "That's not happening." Dagdag ni Rafael. "Why not? Mga anak.. Wala namang masama kung magpakasal kami hindi ba? We're both free." Sabat ni Mama. Parang may death air sa sobrang katahimikan pero alam mong may malaking tensyon na namamagitan. Hindi ko alam.. Hindi ko matangap.. My mom marrying another man again? Tapos ano? Hindi na naman magwowork like what happen with my Dad? With his Man last year? Tapos iiyak na naman sya, maglalasing, magpapakabata uli at maghahanap na naman ng ibang lalake? Hindi na ako umaasang magkakabalikan pa sila ni Papa, na mabubuo pa ang pamilya namin, magkakasama uli kami ni Mama, Papa at ni Kuya. Malabo na yun pero ang inaalala ko... Masasaktan na naman sya. Ayokong makitang umiiyak si Mama. "That's not going to happen." Napa-snap ang tingin namin kay Rafael na nakatingin din sa akin? "..because we are getting married." Sino? Hirap pa nga mag process sa utak ko sa sinabi nya nang hilain nya ako papalapit sa kanya. "We are getting married. Me and Demi." He said firmly. Samantalang ako nahihilo sa pinagsasabi nya. Ako? Sya? Ikakasal?! "WHAT?" Parang kanina pa 'what' lang ang nasasabi ko. Pero.. WHAT? "I'm so sorry babe." Humarap si Rafael sa akin saka ako nagulat sa paghawak nya sa pisngi ko. "Dapat magpo-propose ako sayo mamaya. Remember I called you na magkita tayo sa unit ko? Isusurprise sana kita.." Napanganga na lang ako... ANO DAW? "A-anong.." "shhh.." Mas nilapit nya pa ang mukha nya sa akin at halos tumayo balahibo ko dun! He kissed my cheek then my ears. "just go with it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD