4: THE VISIT

1105 Words
"How ridiculous and how strange to be surprised at anything which happens in life" ― Marcus Aurelius CHAPTER 4 "Are you sure about this?" Nakataas ang kilay ko dun sa isang writer namin. Nagsusubmit sya ng segment nya sa magazine. "I don't like this. Ulitin mo. You may go." *KNOCK KNOCK "Come in." Napahawak na ako sa ulo ko. Kanina pa ako nagtatrabaho at mejo umiinit na ulo ko. "Ma'am this is the draft of the cover." Inabot nya sa akin yung printed draft ng magazine cover. "Haven't I told everyone earlier na hindi na sya ang cover model natin? Are you deaf?" "But Ma'am na polish na po namin kasi..tska yung main article natin about sa kanya." "THE HECK I CARE! Sinabi ko naman dibang baguhin? Gusto mong ipagpilitan natin yung artista na yun ang gamiting cover at main articke natin? Di na lugi tayo? She's on the edge of death in showbiz. At ayokong pati tayo madamay sa pagbagsak nya. Change it!" Walang nagawa lahat ng pumasok sa akin dito. Mainit na nga ulo ko mas lalo pa tuloy uminit dahil sa mga changes for this magazine issue. Highblood!! "Ma'am.." "Ano na naman?" Natarayan ko rin tuloy yung assistant ko, well, lahat naman ata sila ngayon natatarayan ko. "May naghahanap po sa inyo?" "Sino? Sabihin mo busy, wala, bukas na lang. Diba sinabi ko na naman sayo yun? Ayoko ng distorbo ngayon." "Pero makulit po---" "ARRGHH! Okay I get it." Tumayo ako sa kinauupuan ko para lumabas sa kwarto ko. Sure ako na bago ako makatugtong sa labas maingay na. Ano bang pinagkakaguluhan ng mga 'to? At kahit na pinanlilisikan ko na yung iba, nagdadaldal pa rin. "Hindi ba kayo titigil? Anong pinagkakaguluhan nyo para kahit lumabas na ako nagiingay pa kayo?" Hindi naman malaman ng mga staff kung anong gagawin nila. May nagsibalik sa pagtatrabaho sa computer nila, may mga natulala sa akin at mga natulala sa may main entrance ng office namin. Ano bang meron? At kung ano man yung meron... Yun ang nagpaluwa ng mata ko este.. Nagpatibok ng puso ko, ano? Teka nga. Ano bang ginagawa nya dito? "Hi?" Alanganing bati nya na nakangiti pa sa akin. "Rafa?" Napagitla ako sa gulat. Ang lalaking nagpapahighblood sa akin, nandito! Kalma lang Demi, kalma lang.. Inhale, exhale. Wag magwawala. Kaagad na nilapitan ko sya at.. Saan ko sya dadalhin? A. Sa labas kung saan may posibilidad na sugurin sya ng mga nakakakilala sa kanya dun, pwede ring may paparazzi na makakita sa amin o kaya naman makidnap kaming dalawa (kasi nga kasama ko itong most rich bachelor in the country). B. Dadalhin ko sya sa loob ng room/office ko para dun mag-usap? Okay mas madali sa office. Kaagad na nilapitan ko sya para hilain sa office ko. Pagkapasok namin nilock ko yun. "What are you doing here?" "Dinadalao ang fiance ko?" Sira na tuktok nito. "Don't give that piece of s**t! Mainit ulo ko at wag mo na dadagdagan." "Kita ko nga kung gano mo pagalitan mga staff mo." Ngumisi lang sya at umupo dun talaga sa chair ko. Office mo to kuya? "I've been in the business long enough and I don't recommend the way you treat them. Narinig ko pa nga kaninang tawag sayo "Bruha"." I know they are calling me bruha, witch, devil, demonita annd what so ever. I don't give a damn! Magalit sila sa akin wala naman silang mapapala. "Hindi ko kailangan ng lecture mo." "Halika nga dito." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papa upo sa kanya. NAKA UPO AKO SA LAP NYA! Dahan-dahan nyang tinangal yung eyeglass ko at tiningnan ako mata sa mata. "Just relax and enjoy your work. Mas lalo kang maiistress kung lagi kang galit. It can ruin your performance and the people around you." .... "A-a" Wala akong masabi. Bukod sa napakalapit namin, hindi ako makaconcentrate sa position namin. Me on his lap inside my office? Oh no... "And you keep on frowning. Tatanda ka talaga nyan." Hinawakan nya yung noo ko at minassage yun. Get a grip Demi! Wag kang magpapadala! Kahit na ba matagal ng panahon ng maging ganito kalapit sa isang lalaki. Yup, kaya mo yan! "A-anong ginagawa mo?!" Hinawi ko yung kamay nya sa ulo ko. Binalak kong tumayo kaso lang hinawakan nya ang bewang ko at pilit na inupo uli. "A-alam mo bang i-ikaw ang dahilan ng pagkainit ng ulo ko?! Sabihan mo ba naman OLD HAG at mapahiya sa Mama ko." "Ohhh..." Parang ngayon lang nagkaidea na yun ang kinagagalit ko. "I can't say sorry. Unang una, mukha ka naman nang manang sa fashion mo. Pangalawa, ikaw ang may dahilan kaya ako natumba kaya naging ganun position natin." "Oh, ako may kasalanan." "Well, partly yes. I'll take the half. Anyway, I'm here to talk about helping you change your old hog looks." Ngumiti sya. "And talk about marriage." "Anong?" "Tsk!" Tinitigan nya ako sa mata. "Hoy Rafael." Pinipilit kong tumayo pero hinahawakan mya ako sa bewang ko. "Ano ba?!" Sya naman natapagtitripan ako. Nangingiting nilapit yung mukha nya sa akin. Tapos natingin pa sya sa labi ko. Palapit sya ng papalapit. Parang nanunyo lalamunan ko ah. Makikiss na ba ako? Napalunok ako at hinintay na dumampi ang mga labi nya sa labi ko. Hindi ko pinipikit ang mata ko para mas makita ko pa ang nakakaakit nyang namumungay na mata. *KNOCK KNOCK "Ms. Dem-- Ohh.. Sorry.. Sorry." Kaagad akong napatayo sa kinauupuan ko. Inayos ko yung skirt ko pati na rin yung salamin ko. "Hala Demi sorry. Sige ipagpatuloy nyo lang." Si Agnes yun. Kaya basta-basta na lang makapasok. "No Agnes. Stay here." Pormal kong sabi pero yung paa ko sinisipa si Rafael na prenteng prente na nakaupo sa upuan ko. "Uhhmm.. Mr. Raymundo this is Agnes Collina." "Oohhh.. Ikaw pala yung dapat na magiinterview sa akin." He extended his hand to Agnes. "Good afternoon sir." Pinutol ko ang kanilang masasayang tagpo. Ano ba yang si Agnes na starstruck naman ata kay Wierdo. "So, Agnes, why don't you asked Mr. Raymundo for another interview." "Interview? Basta ba si Ms. Magsaysay ang--ARAY! Oo na. Okay, Agnes kelan mo ba gusto?" Tinapakan ko yung paa nya kasi kung ano-anong pinagsasabi ng loko. "Any time Sir." "Then if she will join me for dinner later.." He smiled at me mischivously. "..maybe we can have another round of interview Mrs. Collina." "Ano bang pinagsasabi mo. Pumayag ka na lang." Natawa lang sya saka may binulong sa akin. "I'll wait for you outside." Pagkatapos noon si Agnes naman yung tiningnan nya. "Kung hindi lang mainitin ang ulo ng boss mo di sana tapos na yung interview. Hahaha!" RAFAEL!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD