chapter 5

2030 Words
Iba't ibang paraan ng torture ang naglalaro sa isip ko habang pinagmamasdan si Calix na prente pa ring nakaupo sa harapan ko at wari'y inaanalisang mabuti ang inilahad kong offer. Konting-konti na lang at mauubos na ang pasensiya ko sa kahihintay sa sagot niya pero pilit kong pinapaalala sa sarili kung bakit ako nandito. Parang mantra ko nang paulit-ulit na sinasabi sa isipan na kailangan ko ang lalaking ito upang di ko makakalimutan. Naliliitan ba siya sa isang milyon? Imposible! Baka iniisip niyang mahirap nga ang ipapagawa ko sa kanya kaya medyo natagalan siyang magdesisyon. Di ko maiwasang makaramdam nang pagkabahala sa maaaring sagot niya. Kahit antipatiko ang lalaking ito ay alam kong siya ang last chance ko para mapigil ko ang nakatakdang kasal ni Vonn sa kapatid ko. "Ano nga pala ang planong nabuo mo?" basag niya sa katahimikang namagitan sa amin. "Pumapayag ka na?" mabilis kong balik-tanong. Kakaibang saya ang lumukob sa'kin dahil parang nakikinita ko na ang tagumpay ko. Nang taasan niya ako ng kilay ay agad akong tumikhim at kinalma ang sarili. D*mn it! Masyado bang halata ang excitement sa boses ko? O baka naman nakabalandra talaga sa mukha ko. Tuso pa naman ang bwesit na ito baka mamaya niyan ay magtataas na naman ito ng presyo kung mapansin niyang kailangang-kailangan ko nag kanyang serbis—. "1.5 million and it's a deal," nakangisi niyang putol sa iniisip ko. Nagtagis ang bagang ko at sinibat siya nang matalim na tingin. Iniisip ko pa lang pero heto na at nangyari nga! Sa katusuhan ng antipatikong ito ay himalang hindi pa siya yumaman. Siguro naman ay di lang ako ang nabiktima ng modus niyang ito na talo pa ang presyo ng gasolina sa bilis ng pagtaas ng presyo ng kanyang serbisyo! "Kailangan ko ang limang daang libong karagadagan dahil kailangan kong paghandaan ang pagpasok sa eksina. Ayaw mo naman sigurong bigla akong lalantad sa haraapn ng mayaman mong kapatid na suot ang mumurahing damit, 'di ba? Bilib ako sa galing ni Lirah Dela Razza sa pagpapatakbo ng negosyo kaya sigurado akong magaling din siyang kumilatis ng tao ayon sa panlabas na ayos at kung magkataon ay tiyak maaalarma siya kung isang katulad kong ayos pang-kanto ang biglang lilitaw sa kanyang landas." Naningkit ang mga mata ko at nakaramdam ako ng paghihimagsik ng kalooban. Di ko matanggap na parang kilalang kilala niya ng kapatid ko habang ni wala man lang akong nakitang rekognasyon para sa'kin sa mga mata niya noong una kaming nagkita at kahit na ngayon sa pangalawang pagkakataong nagkaharap kami! Pero in fairness, may utak din pala siya. "Kailangan ko ang 1 million advance at iyong natira ay kapag tapos ko na ang pinapagawa mo. Walang bawian ng paunang bayad kahit na ano ang magiging resulta ng deal. Kailangan ko ng kasulatan para sa deal na ito na pirmado nating dalawa at nakanotaryo," seryoso niyang dagdag na nagpanganga sa'kin. Nakakamangha at naisip siya nang ganito samantalang di man lang ito sumagi sa isip ko! Kailangan ko na bang kabahan? Mukhang kailangan ko ang abogado ko habang nakikipag-deal sa isang ito. Hindi ko pala dapat maliitin ang isang hamak na macho dancer na kasali sa tinatawag na Kanto Boys. "Pero kung masyado nang matrabaho ang hiling ko para sa'yo ay okay lang naman sa'king panghawakan ang salita mo basta iyong 1 million ay nakadeposito na sa bank account ko," kibit-balikat niyang pahayag. "May bank account ka?" gilalas kong tanong. Gusto kong bawiin ang sinabi nang mapansin ko ang saglit na pagdidilim ng mukha niya pero mabilis din agad iyong nawala na para bang namalikmata lang ako. Di ko tuloy masabi kung totoo ba iyong dumaang galit sa kanyang mga mata o nasasalamin ko lang doon ang sarili kong damdamin "Hindi ibig sabihin na macho dancer lang ako at isang kahig isang tuka ay wala na akong bank account. Di man pasok sa pangmayamang taste mo itong LiquidDoze ay pinagawan ng bank account ng may-ari lahat ng mga tauhan niya," may ngisi sa labing sagot niya. Sa kabila ng ipinakita niyang kawalan ng pakialam at parang balewalang ekspresyon ay iba ang nakikita kong isinisigaw ng kislap ng kanyang mga mata. Hinamig ko ang sarili upang alisin ang panlalamig na nararamdaman dahil sa paraan ng paninitig niya. "Okay, consider it done," wika ko habang nilakasan ang loob na salubunging muli ang malalamig niyang mga titig. Ang ngisi sa kanyang mga labi ay nauwi sa pagtaas ng isang sulok ng bibig niya at naging mapanuyang kislap sa kanyang mga mata. Naikuyom ko nang mahigpit ang kamao. I really hate this man's way of belittling me using his eyes! Kahit wala siyang sinabi ay malinaw na ipinarating ng mga mata niya kung gaano kaliit ang tingin niya sa'kin. "Ano ang ipapagawa mo? Kailangan ko ng detalyadong impormasyon tungkol sa pinaplano mo," seryoso niyang sabi kapagkuwan. Sa bilis ng pagbabago ng ekspresyon niya at mood ay ako iyong nahihilo. Huminga ako nang malalim upang luminaw iyong utak ko na ginugulo ng aking kaharap. "Birthday celebration ni Daddy sa darating na Sabado at sa bahay namin gaganapin ang party. Ipupuslit kita bilang isa sa mga darating na bisita at doon mo lalapitan si Ate Lirah. All you have to do is to look charming and interesting for my sister. Sapat nang may ibang makakita habang nag-uusap kayo. Ituturo ko sa'yo kung nasaan ang silid ng kapatid ko... and in the middle of the night ay kailangan mong pumasok roon at tumabi sa kanya. Hintayin mong darating iyong fiancee niya at mahuli kayong magkatabi." "Paano ka nakakasigurong nasa silid na niya ng kapatid mo pagsapit ng hating gabi? Hindi naman siguro siya si Cinderella, 'di ba?" Pinalagpas ko ang nakakairitang tono ng boses niya. Kailangan ko na sigurong masanay na ganito magsalita ang antipatikong ito. "Ako mismo ang maghahatid sa kanya sa silid niya before midnight at ako na rin ang maghuhubad ng suot niyang damit kaya ang gagawin mo na lang ay ang maghubad at tumabi sa kanya," mabagal kong paliwanag. Ito iyong pinkaimportante sa plano ko kaya dapat ay malinaw niyang maintindihan. "Wow! Pinapahiwatig ng mga sinabi mo na sa mga oras na iyan ay di na kaya ng kapatid mo na maghubad ng sarili niyang damit. Di ko na siguro kailangan pang malaman kung ano ang gagawin mo at gano'n ang mangyayari sa sarili mong kapatid , 'no? Alam mo... nakakatakot kang kapatid." "I don't need your opinion about me," taas noo kong pahayag. "HIndi ka ba nababahala na maaari akong may gawing masama sa kapatid mo habang wala siyang malay at hubad na nasa tabi ko?" nakataas ang kilay niyang tanong. Saglit akong natigilan sa tanong niya. Bakit nga ba 'di ko naramdaman iyon? Gaano ako kasiguradong walang kahalayang gagawin ang lalaking ito sa kapatid ko habang silang dalawa na lang ang magkakasama sa iisang silid. Maganda si Ate Lirah at imposibleng 'di maaakit ang antipatikong ito sa kapatid kong iyon lalo na at may nasisilip akong paghanga sa sulok ng mga mata niya tuwing binabanggit ang pangalan ng kapatid ko. Napakurap-kurap ako nang bigla siyang humagalpak nang malakas na tawa. Iyong klase ng tawa na para bang may nakakatuwang bagay siyang narinig o nakita. "Huwag kang mag-alala, Miss Dela Razza. Wala sa ugali ko ang mananamantala ng isang inosenti. Sapat na sigurong kapatid niya lang ang gumagawa ng ikapapahamak niya at di na kailangan ni Lirah Dela Razza ng karagdagang kakaharapin na pasakit," nang-uyam niyang saad habang tumatawa pa rin at pinagdiinan pa ang salitang inosenti. Ang sarap talagang sapakin ng mukha ng lalaking ito! "At isa pa, karagdagang bayad na rin kung higit pa roon ang ipapagawa mo sa'kin," nakangisi niyang dagdag na lalong nagpayamot sa'kin. "So, do we have a deal?" nauubusan na ng pasensiya kong tanong. "Of course, magsisimula ang deal natin sa oras na tatatak ang one million sa bank account ko," kampante niyang sagot. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng dala kong bag habang hindi hinihiwalay ang titig sa kanya. Hinanap ko iyong contact number ng assistant ko at tinawagan ito. "Magdeposito ko ng isang million sa account na ipapasa ko," diretsahan kong sabi nang marinig ko ang pagsagot sa kabilang linya. Di ko na hinintay pa ang affirmation mula sa kausap ko at tinapos ko na ang tawag bago inabot kay Calix ang hawak na cellphone. "Pakilagay ng bank details mo para mahulog ko ang isang milyon," nakikipagsukatan ng titig na utos ko sa kanya. Sumilay ang pamilyar na ngisi sa mga labi niya bago kibit-balikat na inabot ang nakalahad kong cellphone at nag-type roon bago ibinalik sa'kin. Pinasadahan ko lang ng tingin nag bank details na tinype niya at ipinasa na ito sa asssistant ko. Nang muling magsalubong ang mga tingin namin ay kinindatan niya ako bago nakakalokong humalukipkip at pinag-krus ang mga binti. "It's my pleasure doing business with you, Miss Airah Dela Razza," di mawala-wala ang ngisi sa mga labing pahayag niya. Kasabay niyon ay ang pagtunog ng notification sa cellphone ko. Nang sulyapan ko ito ay isang mensahe mula sa assistant ko ang naroon. "It's done, Miss A." Iyon ang malinaw kong nabasa roon bago ibinalik sa bag ang cellphone. "I'm expecting for a perfect performance from you," may pagbabanta kong sabi. Oras na pumalpak siya ay hired killer na ang sunod kong lapitan. Mayabang siya kaya dapat ay maganda ang resulta ng ipapagawa ko sa kanya. "I'm a part time gigolo so don't worry," kumindat niyang sagot. "Magaling ako makipaghalubilo sa mga mayayamang nagpapayabangan sa kung anong meron sila." Bahagyang nagtagis ang ngipin ko dahil sa mapanlait niyang tono. Hindi ako katulad ng sinasabi niya pero pakiramdam ko ay para sa'kin ang mga iyon. Napakurap-kurap ako nang iwinigayway niya sa harapan ko ang kanyang hawak na cellphone na ngayon ko lang napansin. "Nag-notify na ang bangko ko, your one million pesos is already safe with me," nakangiti niyang pahayag. "Kaya dapat ngayon pa lang ay paghandaan mo na ang lahat," matigas kong sabi. "Of course, sisimulan natin sa kung paano mo ako ipakikikala sa kapatid mo o sa kahit sinong nasa party na maaaring makasalubong natin," kampante niyang sabi. Lihim akong napamura dahil di ko naiplano ang bagay na iyon. Wala naman kasi akong balak na ipakilala siya sa kahit na sino sa mga naroon. "Pwede bang ikaw na ang gumawa ng paraan upang ipakilala ang sarili mo? Ipupuslit lang kita at bibigyan ng pagkakataong makilala ang kapatid ko pero ikaw na ang bahala sa diskarte mo" nayayamot kong litaniya. "Pwede rin pero... sa bandang huli ay kukwestiyunin ang presensiya ko sa party kapag mahuli na ako ng fiance ng kapatid mo," kibit-balikat niyang sagot. Nangunot ang noo ko dahil di ko alam kung ano ang tinutumbok ng mga salita niya. "Kung wala akong tatayong kakilala sa party ay pagdududahan nila ang presensiya ko at tiyak mag-imbestiga ang kapatid mo para linisin ang pangalan niya at viola, malalamang isa akong gigolo s***h macho dancer s***h—" "Shut up," putol ko sa mga sasabihin niya. "So, anong gusto mo? Ang maugnay ang pangalan ko sa'yo? Mas delikado iyon," paasik kong dagdag. "Magagawan mo ng paraan iyon. Pwede mong ipalabas na kaibigan mo ako mula ibang bansa... at kapag naglaho na akong parang bula pagkatapos ng trabaho ko ay sasabihin mong umalis na ako ng bansa. Ililigaw mo ang sinong maghahanap sa'kin," seryoso niyang sagot. "Kaya ko silang ilagaw nang di mauugnay ang mga pangalan natin," mariin kong giit. "Pero mas convincing kung alam nilang kakilala mo ako," di nagpapatalo niyang saad. Napahilot ako ng sentido dahil sumakit bigla ang ulo ko. Ayokong maugnay ang pangalan sa kanya pero may tama rin siya. Sa ganoong paraan ay wala ring kukwestiyon kung sakaling may makakita sa'ming mag-usap lalo na at kailangan ko ituro sa kanya ang silid ni Ate. "Okay, fine." Marahas akong napabuga ng hangin. "Let's do it your way," mapakla kong pahayag. Ako iyong nagbabayad dito pero mukhang ako iyong walang kahirap-hirap niyang napapasunod! My gosh! I can't believe this! I really hate this man! D*mn it! Pang-ilang beses ko na bang nasabi iyon? Sa tindi ng inis ko ay di ko na nabilang at parang automatic na iyon habang kaharap ko ang antipatikong macho dancer na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD