chapter 4

1946 Words
Di pa rin nababawasan ang ngitngit na naramdaman ko matapos makapagbihis ni Calix at ngayon ay presentable na siyang nakaupo sa couch na nasa mismong harapan ng kinauupuan ko at tanging ang mababang center table lang ang nakapagitan sa'ming dalawa. Iyon nga lang kung presentable bang matatawag ang parang sinasadyang pagkakalas ng ilang butones ng suot niyang damit kaya sumisilip ang itaas na bahagi ng matipuno niyang dibdib. Kahit anong kastigong gawin ko sa sarili ay parang may sariling pag-iisip ang mga mata kong kusang napapadako sa tanawing iyon. At ang mas nakakainis pa ay halatang napansin ni Calix ang di ko mapigilang maya-mayang pagsulyap sa nakahantad niyang dibdib. Ano bang nangyayari sa'kin? Baka kung ano pa ang isipin ng lalaking ito! "Magsabi na po kayo, Ma'am, kung ano ang kailangan ninyo sa'kin dahil isang oras lang po ang binayaran ninyo para sa appointment na ito," maya-maya basag niya sa katahimikang namagitan sa'min. The arrogance of this bastard is getting on my nerves! Bahagya pa siyang kumindat sa'kin sabay nang makahulugang pagsulyap sa tapat ng nakabukas niyang mga butones na para bang pinaparating sa'kin na binabantayan niya ang bawat pagkaligaw ng tingin ko sa bahaging iyon. Di ko alam kung ang naramdaman kong pag-iinit ng pisngi ay dahil sa pagkapahiya o dahil sa tumitinding inis na kinikimkim ko. "The nerve," mariin kong bulong pero agad ding hinamig ang sarili bago ko pa makalimutang kailangan ko ang antipatikong ito para sa'king plano. Kakayanin ko pa naman sigurong pagtiisan nang ilang sandali ang ugali ng lalaking ito. Ewan ko ba kung bakit sobrang naiirita ako sa kahit na anong gawin ng lalaking ito. Maging iyong simpleng paghinga niya ay kaya akong inisin. If there is love at first sight, I believe that what I'm feeling now towards this man is raging hate at second sight. Pero kailangan ko ang taong ito kaya kalma muna ako... walang di kayang idaan sa paghinga nang malalim sabay ang marahas na pagbuga ng mga negatibong enerhiya. Ang malas ko lang dahil nasa harapan ko ang masamang enerhiyang nagkatawang tao. "I have an offer to you," taas noo kong panimula nang medyo kumalma na ako. Umani nang bahagyang pagtaas ng kaliwa niyang kilay ang sinabi ko. Pinili kong di bigyang pansin ang ginawa niyang iyon at mas pinagtuonan ang reaksiyon sa kanyang mukha. Ang problema ay di ko kayang hulaan kung ano ang iniisip niya batay sa ekspresyong nakikita ko sa kanyang mukha. Dumagdag pa ang nakaka-distract na paglalaro ng ngiti sa mapupula niyang mga labi. Oh d*mnation! Where did I get that? Nababaliw na nga yata ako at kung ano-ano na ang napapansin ko. "Lilinawin ko lang po, Ma'am. Mahal po ako maningil at depende rin po sa uri ng serbisyo ang magiging sagot ko," sabi niya habang direktang nakatitig sa mga mata ko. I've met lots of high profile people in my field of business pero wala pang isa sa kanila ang kayang yanigin ang depensa ko na para bang binabasa pati kaluluwa ko, at ngayon ay sa isang pipitsuging macho dancer ko lang maranasan ang gano'n. This is imposible! I'm starting to loathe this man for real! No, correction... kanina pa ako nasusuklam sa lalaking ito at ngayon ay mas tumindi pa iyon! Anong karapatan niyang tingnan ako na para bang mas nakaangat siya sa'kin? Ako lang ang may karapatang tumitig nang gano'n sa sinumang kaharap ko lalong-lalo na sa isang katulad niya. I am Aira Dela Razza and he's just a nobody—. "Ikaw ang may kailangan sa'kin kaya huwag masyadong ipahalata sa'kin ang tumatakbong panghahamak diyan sa isip mo," nakangisi niyang putol sa tinatakbo ng isip ko. Napakurap-kurap pa ako dahil pakiramdam ko ay nababasa niya ang kasalukuyan kong iniisip. Bahagyang nagtagis ang bagang ko nang arogante niya akong nginitian na para bang nabaliktad ang estado namin sa buhay. I've never felt insignificant in someone else's eyes just like how this arrogant good for nothing man makes me feel right now! "Your one hour is almost over, you better state your business," mapanuya niyang wika at nilagyan pa ng tono ang mga sinabi na para bang kumakanta. Wala sa sariling napasinghap ako. Di ko alam kung saan ako mas nagulat sa matatas at diretsahan niyang pagsasalita ng banyagang lenggwahe, o sa oras na di ko namalayang mabilis na lumipas. Oh, d*mn it! Mag-iisang oras na pala akong nagtitiis sa presensiya ng antipatikong macho dancer na ito na nag-uumapaw ang kayabangan na para bang biyaya siya sa mga kababaihan? Wow, this is quite an achievement for someone like me who has no tolerance for anything beneath me and that includes almost everything and everyone. Tumikhim ako upang mag-alis ng bara sa lalamunan at malinaw kong maiparating ang susunod kong sasabihin. "I'll give you five hundred thousand upang tulungan ako sa plano kong pagsira sa relasyon ng kapatid ko at ng lalaking nakatakda nitong pakasalan," seryoso kong pahayag habang sinasalubong ang mga titig niya. Naningkit bigla ang mga mata niya na para bang may di nagustuhan sa mga narinig. "Excuse me?" maang niyang bulalas. "Babayaran mo ako para sumira ng isang relasyon?" paglilinaw pa niya habang di makapaniwalang pinagmasdan ako na wari ay tinitimbang ang katotohanan sa mga pinagsasabi ko. "Yes," mariin at diretsahan kong sagot. "Kailangang mahuli ka ng fiance ng kapatid ko habang kasama mo sa kama ang kapatid ko para iyong fiance na mismo ang umatras sa kasal at—" "Sandali!" awat niya sa pagsasalita ko. Kunot noo ko siyang tiningnan. Kahit minsan ay wala pang sumapaw o pumutol sa pagsasalita ko kaya di ko nagustuhan ang kanyang ginawa. Habang tumatagal ay nadadagdagan ang mga di ko nagugustuhan sa ugali niya. "Akala ko ba ay tutulungan lang kitang manira ng relasyon, pero bakit hahantong kami sa kama ng kapatid mo? Dalawang magkaibang bagay na iyon... kaya may karagdagang bayad na." Sabi ko na nga ba! Tuso talaga ang opurtunistang ito! Sinansala niya ang pagsasalita ko para sa kahilingan niyang karagdagang bayad. "Wala ka namang ibang gagawin maliban sa pagtabi sa kapatid ko sa kama at hintaying mahuli kayo ni Vonn. At iyon ang pinakamadali at mabilis na paraan upang masira ang relasyon nila" gigil kong sagot. Mahirap bang gawin iyon? Mas mahirap pa nga ang pagsayaw-sayaw niya sa lugar na ito! Bahagya akong umismid nang maalala ang huling tagpong nangyari sa loob ng silid na kasalukuyan naming kinaroroonan noong nagdaang gabi. "Vonn?" puno nang katanungan niyang usal kaya nabalik sa kanya ang atensiyon ko. "Siya ang fiance ng kapatid ko," irita kong sagot. Ayokong marining na binabanggit niya ang pangalan ni Vonn. "Mahal ba ng kapatid mo ang Vonn na ito?" seryoso niyang tanong. Naikuyom ko ang mga palad dahil muli niyang binanggit si Vonn. Wala siyang karapatang basta-basta lang gawin iyon! Di ko alam kung anong kinalaman ng tanong niya sa nakatakda kong ipagawa sa kanya. May gusto lang yata siyang ipamukha sa'kin. "Magpapakasal ba sila kung hindi?" inis kong balik tanong. "Mahal mo rin ba ang Vonn na ito?" Umawang ang mga labi ko sa sumunod niyang tanong. Di makapaniwalang napatitig ako sa seryoso niyang mukha. Wala naman akong nabanggit pero bakit parang siguradong-sigurado siya sa tanong niya? "Kayo talagang mga mayayaman, ang dali ni'yong basahin," tumatawa niyang pahayag habang di ko pa nabawi ang pagiging kalmante dahil sa gulat. "Babayaran kita kaya wala kang karapatang magkomento," matigas kong sabi. Hinamig ko ang sarili upang di niya mahalatang apektadong-apektado ako. "Pero karapatan kong malaman kung ano ang papasukin ko oras na papayag ako. Ayokong maipit sa kung anong agawan meron kayong magkakapatid," nakataas ang isang sulok ng bibig niyang wika. "Madali lang ang gagawin mo," giit ko. "Di pa ako sigurado riyan. Bakit, may plano ka na ba?" "May plano na ako. Iyong taong sasagawa na lang ang kailangan ko at ikaw iyon." "I'm honored," sarkastiko niyang pahayag at may pahawak-hawak pa sa tapat ng dibdib. Ang sarap niyang hampasin sa mukha upang mapalis ang nakakainis niyang ngisi. "Kanina pa tayo nag-uusap, Ma'am, pero di ko pa po alam ang pangalan ninyo," nakahalukipkip niyang saad. Itinago ko ang pagkadismaya dahil sa di niya pagkakilala kung sino ako. Saan ba nagsususuot ang lalaking ito at wala siyang ideya kung sino ang kaharap niya? Ito rin ba ang dahilan kung bakit ganito kagaspang ang pakikiharap niya sa'kin? O talagang ganito lang siya makikipag-usap sa kahit na sino? Laman ng mga fashion magazines at tabloids ang pangalan at mukha ko kaya imposibleng di niya ako namukhaan maliban na lang kung 'di siya nagbabasa ng mga gano'n. Kung hindi siya nagbabasa ng magazines at tabloids ay siguro naman nanonood siya ng TV. Kilalang personalidad ako dahil halos lahat ng mga artistang sikat ay binibihisan ng clothing line ko. Bukambibig palagi ang Airah's Collections sa bawat talk shows at entertainment shows sa iba't-ibang network kaya kahit batang paslit na mahilig sa fashion ay tiyak kilala ako. My gosh, I even have my own page online! Nagkalat sa internet ang tungkol sa Airah's Collections! "Ano na? Huwag mong sabihin pati pangalan mo ay di ko na dapat pang malaman dahil babayaran mo ako?" walang buhay niyang pukaw sa paglalakbay ng isip ko. "I'm Airah Dela Razza," taas-noo kong sagot. Di nakaligtas sa'kin ang pagkislap ng mga mata niya. Does my name ring a bell? Natitiyak kong ngayon ay nakilala na niya kung sino ako. Dapat lang dahil talagang kilala ako sa buong bansa at—. "So kapatid mo si Lirah Dela Razza, the prodigy of the Dela Razza Empire." Nabitin sa ere ang iniisip ko dahil sa bigla niyang pahayag. Nakakadismayang mas kilala niya pa yata ang kapatid ko kaysa akin. "At siya ang misyon mo," mariin kong sabi. "Pumayag na ba ako?" nakataas ang kilay niyang tanong. "One million pesos, take it or leave it," nagtagis ang bagang kong pahayag. Kusa ko nang tinaasan ang bayad upang mawala ang anumang pagdadalawang isip na meron siya. Agad nawala ang nakakaasar niyang ngisi at napalitan ng isang seryosong ekspresyon. Gotcha! Ganito talaga ang mga mahihirap, natatameme basta lalatagan ng malaking halaga ng pera. "Gaano kahirap ang gagawin ko at ganyan kalaki ang offer mo?" nananantiya niyang tanong. "Kabaliktaran ng inaakala mo. Madali lang ang gagawin mo pero kakailanganin ko ang focus mo kaya habang isinasagawa natin ang plano ko ay di ka muna pwedeng magtrabaho." Pinigilan ko ang sariling mapangiwi dahil sa huling sinabi ko ay para ko na ring inihanay ang pagiging macho dancer sa mga trabahong alam ko. My gosh! Buong buhay ko ay di sumagi sa isip ko na darating ang araw na ituturing ko na trabaho ang pagiging macho dancer. It's so disappointing that this good specimen of a man just ended up being a macho dancer! Di ako bulag at kahit sobrang nakakainis ang ugali ng lalaking ito ay di ni'yon mababago ang katotohanang nag-uumapaw ang karisma at kagwapuhan nitong taglay. Sayang talaga... sa rami ng trabahong pwede niyang pasukan ay mas pinili niyang maging isang macho dancer! Ilang mga babae na kaya ang nakakita sa katawan niya at nagbayad upang makahawak? Bigla akong pinanayuan ng balahibo sa isiping di na mabilang ang mga kamay na humaplos at pumisil sa dibdib niyang parang nanunuksong sumisilip pero pigil kong iniiwasang matitigan nang matagal. Nakaramdam ako nang pagkabagot sa paghihintay ng desisyon niya dahil sa halip na sumagot agad ay humalukipkip itong nakipagtagisan ng tingin sa'kin. Sa paraan nang pagkatitig niya sa'kin ay parang hinahamon niya akong umatras sa plano ko. "One million pesos... para sa walang kahirap-hirap na trabaho," nang-eengganyo kong pahayag habang nilalabanan ang nanunuot niyang titig. Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Anong meron sa bawat pagngiti at pagngisi niya at walang mintis nitong pinapakulo ang dugo ko sa inis?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD