Pataas nang pataas ang level ng pagkakayamot ko habang pinagmamasdan ang tuluyang pagsilay ng matagumpay na ngiti sa mga labi ni Calix. Bakit biniyayaan ng ganyang mga labi ang lalaking ito? Mabilis kong itinakwil sa isipan ang napapansin ko tungkol sa mga labi niya. I can't believe that for the nth time those lips of him got me mesmerized. Dapat ay lagi kong isaisip kung gaano kaantipatiko at nakakapag-init ng ulo ang may-ari ng mga labing kinukulit ang non-existent kong imahenasyon! "Well, Airah..." Sinibat ko siya nang masamang tingin. Sino nagbigay sa kanya ng karapatang bastang-basta na lang ako tawagin sa pangalan ko na para bang close kami? Saan humiram ng kapal ng pagmumukha ang lalaking ito? "Krimen na ba ngayon na tawagin ko sa kanyang pangalan ang isang kaibigan? K