Matapos ang salo-salo sa kasal namin ni Calix ay tumuloy kami sa regalong bahay sa'min nina Mommy at Daddy. Sa totoo lang ay di naman namin kailangan ito dahil kaya kong bumili ng sariling bahay at may condo ako pero sa bandang huli ay nasunod pa rin ang kagustuhan ni Daddy. Ilang beses ko nang minura sa isip si Mikhael Destriza. Bakit ba 'di ko magawa-gawang suwayin ang gusto niya? Lagi na lang mula noon hanggang ngayon parang batas ang mga salita niyang sinusunod ng lahat mula sa aming pamilya niya, hanggang sa kanyang mga business associate at mga empleyado. At ngayon ay nadagdag pa si Calix sa mga dapat ay sumunod sa bawat salita niya. Isang modernong dalawang palapag na bahay na may malawak na bakuran at olympic-size na swimming pool sa likuran ang iniregalong bahay ni Daddy.