chapter 19

2277 Words

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising at di ko na nagisnan si Calix sa tabi ko. Masarap na pananakit ng buong katawan ang agad kong naramdaman nang tinangka kong bumangon. Lihim akong napamura nang bumalik sa alaala ko ang dahilan ng naramdaman kong pananakit ng katawan. Ang mas tumatak sa isip ko ay ang kung paano ako sumigaw ng more habang di magkamayaw sa kakaungol sa ilalim ng umiindayog na katawan ni Calix. Nakakahiya mang tanggapin pero nakakawala talaga sa sarili ang galing ni Calix sa larangang iyon. Di ko na lang iniisip kung papaano niya natutunan iyon at bakit siya gano'n kagaling. Di ko kayang tanggapin na dahil iyon sa rati niyang trabaho. Ayokong ipagpapasalamat ang tinatamasa kong sarap sa bisig ni Calix sa mga natutunan niya sa pagiging macho dancer s***h gigolo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD