Mabilis dumaan ang dalawang linggo at sa loob ng mga panahong iyon ay nakilala ng pamilya ko ang pamilya ni Calix. Sa loob din ng mga araw na iyon ay wala ako sa tamang huwisyo na sumusunod lang sa agos ng mga pangyayari. Nagising na lang ako isang araw na normal nang pakalat-kalat sa bahay namin ang pamilya ni Calix. Mabilis na nakuha ng mga kapatid niya ang loob ni Mommy. Bigla naging maingay ang malaki naming bahay. Kung di pa dumating ang pamilya ni Calix ay di ko pa mapansin kung gaano ka walang buhay ang dati naming bahay. And then... araw na ng kasal ko. Kung may pinakasabog mang bride ay ako yata iyon. Natapos ang buong seremonyas ng kasal na wala ako sa sarili... Kailangan pa akong sikuhin para sumagot ng 'I do'... at muntik ko nang masapok si Calix dahil nagulantang ako nan