"Ikakasal ka na?" Napangiwi ako sa magkasabay na sigaw ng mga kapatid ni Calix nang ipinagtapat niya sa kanyang pamilya ang nalalapit naming kasal. Pinalipas muna namin ang ilang araw bago namin napagkasunduang sabay na pumunta rito sa bahay nila upang ipaalam sa pamilya niya ang tungkol sa mangyayaring kasalan. Unang beses kong makapunta sa bahaging ito ng siyudad kong saan ay halos dikit-dikit ang mga bahay na kalimitan ay gawa sa pinagtagpi-tagping yero. My gosh! I never thought that this place is worse than what I've seen on movies. Di na kayang makapasok ng sasakyan ko rito mismo sa kinaroroonan ng bahay nila Calix kaya naglakad kami papunta rito. May eskinita kaming pinasok na masikip at marumi kaya pakiramdam ko ay magkakagalis ako pagkatapos nito. Parang dumikit sa'kin iyon