Di ko alam kung ano ang gumising sa'kin pero bigla akong nagising na nasa mga bisig pa rin ni Calix. Nang sulyapan ko ang orasan sa side table ay alas tres pa lang ng madaling araw. Di ko na namalayan kagabi kung anong oras akong nakatulog basta huling natandaan ko ay masuyong pagsuklay ni Calix sa buhok ko habang yakap-yakap niya ako. Akmang kakawala ako sa yakap ni Calix pero nagpoprotesta siyang umungol at lalo akong kinabig palapit sa kanya. "Saan ka pupunta?" inaantok ang boses niyang tanong bago isiniksik ang mukha sa batok ko. "I want to stretch my limbs, nangangalay ako," humihikab kong sagot. Medyo nakabaluktot kasi ako patalikod sa kanya dahil sa spooning position namin. Siguro napunta kami sa posisyong ito sa kalagitnaan ng mahimbing naming tulog. "Calix!" pasinghap kon