Iyong inis ko sa huling ibinalita ni Daddy na pag-volunteer ni Ate Lirah sa pagtuturo kay Calix sa mga dapat nitong malaman sa mga una nitong araw sa Dela Razza Empire ay dala-dala ko hanggang sa pag-uwi namin sa bahay. Buong biyahe kong hindi kinibo si Calix at nadagdagan pa lalo ang nararamdaman kong inis dahil di man lang niya ako sinubukang suyuin. Umasa pa talaga ako! Hindi rin naman ito simpleng tampo o galit-galitan lang na pwedeng idaan sa usapan. Ito iyong tampo na gustong-gustong manapak. My gosh! Natuto na talaga ako kung paano maging brutal dahil kay Calix. "Hanggang kailan mo ba ako di kakausapin?" namaywang na tanong ni Calix nang pumasok siya sa silid namin at nadatnan niya akong nakahiga na sa kama habang may binabasang email sa cellphone ko. Tinatamad akong magbukas