Dahil wala pang sariling sasakyan ay isinabay ko si Calix pagpasok ko kinabukasan. Madadaanan ko ang Dela Razza Empire papunta sa Airah's Collections kaya walang problema sa'king isabay siya. Hindi pa naihatid sa bago naming bahay ang ibang mga sasakyan ko dahil nawala sa isip ko ang mga ito no'ng nagbakasyon kami ni Calix para sa honeymoon. Wala tuloy siyang magamit na ibang sasakyan. Siya ang nagpresentang magmaneho habang papunta kami sa Dela Razza Empire kaya habang nasa byahe ay tinawagan ko ang assistant ko upang ipaalam ang emergency meeting na gagawin pagkarating ko mamaya sa opisina. Matapos magbilin ng mga importanteng bagay ay ibinaba ko na ang tawag at timing ding natatanaw ko na ang matayog na building na pagmamay-ari ng pamilya ko. "Sasama ka ba sa'kin sa loob o didiret