SA araw ng anniversary party ng Visperas Hotel ay isa sa mga punong abala si Almira. Siya kasi ang nagmamando sa staff at sinisiguro na komportable lahat ng mga bisita. Mariin kasi siyang tumanggi nang sabihin ni Janine na magtatrabaho rin ito behind the scene. Hindi iyon pwede dahil ang babae ang susunod na presidente ng Visperas Hotel kaya dapat ay makihalubilo ito sa mga bisita. Na siyang ginagawa naman ni Janine sa mga sandaling iyon kasama ang kasintahan na si Draco. Iginagala ni Almira ang paningin sa malawak na lobby nang may mahagip na bulto ng isang lalaki ang kanyang mga mata. Nakatayo malapit sa mural na ginawa mismo ni Draco na siyang main attraction sa pagtitipon na iyon. Sumikdo ang puso niya dahil pamilyar sa kaniya ang tindig na iyon, ang mga balikat, ang malapad na likod