CHAPTER 11

1342 Words

MAY kumatok sa pinto ng Housekeeping Department sa Visperas Hotel. Napaigtad si Almira at tumayo mula sa kanyang lamesa na kasalukuyang tambak ng mga plano na kailangan niyang tingnan at aprubahan para sa anniversary party ng hotel na gaganapin sa susunod na linggo. Halos isang buwan na siyang nakabalik sa Pilipinas at tambak na trabaho ang sumalubong sa kaniya. Hindi tuloy siya magkamayaw sa dami ng ginagawa. Mabuti na rin iyon para hindi niya masyadong maisip ang nangyari sa Las Vegas. “Pasok!” bulalas niya bago pa man makalapit sa pinto. Pumasok si Janine Visperas, anak ng may-ari ng hotel at matagal nang kaibigan ni Almira. Ngumiti ang babae. “Hi. Ready na ba ang mga plano na ipapakita natin kay daddy?” Napailing siya at bumalik sa kanyang lamesa. “Ito pa lang,” aniyang kinuha ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD