HAPON na nang magpaalam si Brad sa pamilya niya. May meeting daw kasi ito at kaibigang direktor din para sa isang pinaplantsang proyekto na gagawin nito ngayong magtatagal ang lalaki sa Pilipinas. Parang ayaw pa nga ng mga magulang ni Almira na umalis ang lalaki. Ganoon din ng mga kapatid at mga pamangkin niya. Aliw na aliw kasi ang mga ito sa mga kwento ni Brad tungkol sa mga bansang napuntahan nito at sa mga proyektong ginawa nito. Tinablan ng umaapaw nitong karisma ang buo niyang pamilya. At sa totoo lang ay ganoon din si Almira. Hindi lang siya tinablan ng karisma ni Brad, natunaw pa ang puso niya sa kung paano nito pinakisamahan ang pamilya niya. Para sa isang lalaki na kalahati ng buhay ay ginugol sa ibang bansa ay magalang ito sa mga magulang niya. Bukod doon ay naging
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books