Matapos kong mag ayos ng gamit ay umalis na si Tita. Ako naman pinatawag ni Tita Estella para sa therapy niya. Nandoon din ang asawa niya na kasama niya nung gabing maaksidente ako. Kagaya ng reaction ni Tita Estella ay nagulat at natuwa din siya na makita ako. Mababait sila sa'kin kaya masayang masaya ako na magta-trabaho ako sa kanila. Syempre bilang balik ay pagbubutihin ko ang trabaho sa kanila.
Kinagabihan ay sinabay nila ako sa pagkain sa hapunan. Gusto nilang sumabay ako sa kanila sa tuwing kakain sila.
"How's your studies Pearl?" Tanong ni Tito Franco habang kumakain kami.
"Maayos naman po. Third year na po ako. Isang taon na lang ga-graduate na po ako!"
"Nice. Study well!" Masaya niyang tugon.
"Sa Lateneo din nag aral ang bunso at pangalawang anak namin. Yung panganay naman namin, sa U.S." Sabi ni Tita Estella.
"Ah talaga po!" Sambit ko kahit alam ko na yun dahil nasabi sakin ni Tita.
"Yung bunso naming si Grey dentist na ngayon sa U.S but uuwi na siya this month para dito na ituloy yung pagde-dentist niya." Natuwang sabi ni Tita.
"Good that he decided to go home." Sabi pa ni Tito Franco.
"Talaga po!" Hindi ko napigilan ang excitement ko. Matagal ko ng alam na anak nila si Greyson na crush na crush ko noong high school pa lang ako. May sikat na banda siya noon na Oh4 na disbanded na ngayon dahil sa issue nila. Natuwa akong babalik na siya sa Pilipinas ngayon.
"We hope you enjoy your stay here at our house Pearl. Magaan ang loob ko sayo. Gaya ng sabi ko para kang hulog ng langit sa akin." Matamis na ngumiti si Tita Estella.
"Sweetheart ganyan na ganyan din ang sinabi mo noon kay Hana!" May halong panunukso ang pagkakasabi ni Tito Franco kay Tita Estella. Napansin kong lumungkot ang mukha niya.
"Pinaalala mo pa sakin eh!" Sinamaan ng tingin ni Tita Estella ang asawa niya.
"Linda dumating na ba si Alex?" Nabaling doon ang atensyon ng mag asawa ng pumasok si Ate Linda na isa sa kasambahay nila.
"Wala pa po Sir!" Sagot ni Ate Linda habang may kinukuha sa isang cabinet.
"It's saturday, alam mo naman yang panganay mo kapag weekend kung hindi madaling araw na umuuwi. Hindi na uuwi. Malamang sa condo na niya siya mag i-stay." Sabi ni Tita Estella.
Tumango tango lang si Tito Franco.
"Hay sana makaisip na siyang mag asawa. How old is he na! Hindi na siya bumabata. Ni wala siyang pinapakilalang babae satin. Gusto ko na din madagdagan ang apo ko bukod kay Zeke." Parang nayayamot na sabi ni Tita.
"Dadating din siya jan. Huwag mo lang siya i-pressure. Madala na tayo sa nangyari kay Greyson at Hana."
Parehong lumungkot ang mukha nila sa pinag uusapan nila.
Tapos na 'kong kumain kaya nagpaalam na ko sa kanilang mauunang umalis. Bumalik na ko sa kwarto ko sa taas. Habang naglalakad sa hallway sa second floor napukaw ang pansin ko sa isang kwartong nakabukas. Sumilip ako sa loob. Puro mga picture frame na nakasabit sa wall ang nakita ko. Tingin ko ay family pictures ng pamilya nila ang nandoon. Nacurious akong tignan ang mga yun kaya pumasok ako sa loob.
Mga picture ng mga baby at bata ang una kong nakita. Tingin ko ay yun yung tatlong anak ng mag asawa. Nahirapan akong hanapin kung saan dun si Greyson halos pare pareho kasi ang mukha ng tatlo. May isang picture na may dalawang bata at isang baby. Tingin ko ay si Greyson yung baby. Nasabi sakin ni Tita na malayo ang agwat ng edad niya sa dalawang Kuya niya.
Lumipat ako sa kabilang side. Yung picture agad ni Greyson na naka-toga ang bumungad sa akin. Tingin ko ay graduation niya yun nung college. Hindi ko na nasubaybayan ang buhay niya noong na-disband ang grupo nila dahil nag deactivate siya ng socmed account niya kaya wala na kong balita sa buhay niya.
Napatingin ako sa kabilang picture. Wedding photo yun. Tingin ko ay yun yung picture ng ikalawang anak nila at yung babae ang napangasawa niya. Ang gwapo din pala ng ikalawang anak nila. Kung wala lang siyang asawa baka crush ko na rin siya.
Sa pangatlong picture ng lalakeng naka uniform ng doctor napukaw ang pansin ko. Pakiramdam ko ay nanginig ang tuhod ko at nagsitayuan ang mga balahibo ko habang pinagmamasdan yun. Hinding hindi ako pwedeng magkamali. Sa unang tingin ko pa lang ay siya agad ang nasa isip ko. Yung OB Gyne doctor na nagcheck up noon sakin sa ospital dalawang linggo na ang nakakaraan.
Siya yung panganay na anak ng mag asawa?!
Hindi ko alam na OB Gyne doctor pala ang panganay nilang anak. Bakit hindi yun nasabi sakin ni Tita Grace. Kapag minemention niya yun sa akin ay doctor lang ang sinasabi niya. Alexander Lorenzo ang natandaan kong pangalan ng doctor. Alam kong Lorenzo ang apelyido ng pamilya pero hindi ko naisip na anak nila ang Doctor na yun.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa na ang doctor na yun ang anak ng mag asawa. Mula noong mangyari ang gabing yun hindi na nawala sa isip ko ang doctor na yun. Minsan pakiramdam ko ay parang binubuyo pa ko ng isip ko na bumalik sa ospital para sa doctor na yun.
Wait, so pano? Dito nakatira yung doctor na yun at hindi pwedeng hindi kami magkita. Matapos ng ginawa nya sa'kin feeling ko hindi na niya gugustuhin pang makita ako. Nakita ko sa mukha niyang naguilty siya sa ginawa niya sakin.
Eh pano naman kung ganun talaga siya. Baka gawain na talaga niya yung ganun sa pasyente niya. I remember the way he looked at me. Baka ganun talaga ang ginagawa niya kapag natipuhan niya yung pasyente niya. At kapag malalaman niyang dito na ko nakatira sa bahay niya baka gawin niya uli yun sakin o ang malala gawin niya kong parausan. Kahit ganito ko hindi ako papayag na gawin niya yun sakin.
I shook my head sa mga naiisip ko. Ang layo agad ng narating ng isip ko.
May ilang minuto pa kong nag stay dun hanggang sa maisipan ko ng bumalik sa kwarto ko. Sumakit bigla ang ulo ko sa mga iniisip ko.
Papalabas na ko ng kwarto nang mapatingin ako sa taong naglalakad sa hallway. Busy siyang nakatingin sa cellphone niya. Bigla akong pumasok muli nang mapagtanto kong si Doc yun. Dumating na siya. Nataranta ako sa gagawin ko.
Sumilip ako sa pinto, nakita ko siyang pumasok sa kwarto na katabi ng kwarto ko. Magkatabi ang kwarto namin?!
♥️