Kanina pa ko nauuhaw pero hindi ako makababa. Nasa dining area si Doc kaya hindi ako makapunta doon. May sariling ref nga sa kwarto ko pero wala namang laman. Eh alangan mag feeling bisita ako dito na may katulong na gagawa at kukuha ng tubig para sa akin. Isa lang din ako sa binabayaran ng may ari kaya kailangan kong mag sariling sikap sa bahay na 'to.
Sumilip ako sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Doc na naglalakad papalapit. Naka white t-shirt siya at black jogging shorts. Natuwa akong makita ang ka-simplehan niya. Sa clinic kasi bukod sa polo at trouser ay may white coat na pang doctor pa siyang suot.
Nakita ko syang may bitbit na dalawang canned beer. Sinara ko na yung pinto dahil baka makita nya ko. Dinikit ko na lang yung tenga ko sa pinto. Narinig ko yung pagbukas at pagsara niya ng pinto sa kabilang kwarto.
Mabilis akong lumabas ng kwarto pagpasok niya. Dumiretso akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Naisipan kong magdala ng ilang bote ng distilled water para hindi na ko bababa kapag nauuhaw ako.
Paalis na ko ng tawagin ako ni Melissa, anak siya ni Ate Linda. College student din siya pero mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Dito din siya nakatira mula ng maghiwalay ang mga magulang niya.
"Pearl!"
"Oh Mel?" Humarap ako sa kanya. Nilapag ko muna yung bottled water sa countertop.
"Nakita mo na si Doc Alex? Ang gwapo noh!" Kinikilig niyang sabi.
"Ha? Hindi pa eh!" Tanging sagot ko.
"Ang bait pa! Look, bigay niya sakin 'to!" Pinakita niya sakin ang cellphone.
"Cellphone? Bakit ka binigyan?" Nagtaka kong tanong.
"Gift daw niya sa birthday ko. Birthday ko kasi kahapon eh." Masaya niyang sabi.
"Ahh... Eh baka type ka!" Wala sa sarili kong sabi. Baka lang kasi ganun talaga ang doctor na yun mahilig sa bata at tirador ng kolehiyala.
"Huy grabe ka ha. Ganun lang talaga siya. Lahat naman kami dito tuwing birthday parating may regalo sa kanya."
"Ah I see!"
"Sana nandito ka kanina para nakakuwentuhan mo rin siya. Ang sarap niya kasi kausap eh!" Hindi mawala ang ngiti sa labi niya.
"May ginawa kasi ako sa kwarto ko." Napakamot ako sa ulo ko.
"Bukas sunday, wala siyang duty sa clinic niya kaya buong maghapon siyang nandito sa bahay, makikilala mo na siya."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Bigla ko ring naisip na bakit ako kinabahan. Bakit ako mahihiya eh wala naman akong ginawang masama. Siya nga ang may ginawang masama sa akin.
"Si Doc!" Napatingin ako kay Melissa na nakatingin sa likuran ko. Paglingon ko ay paparating si Doc. Sa pagkabigla ay nataranta ako. Kasasabi ko lang na huwag akong mahihiya pero heto ako ngayon naghahanap ng matataguan.
Pumasok ako sa kalapit na CR.
"Naiihi ako!" Nasambit ko kay Melissa bago ako pumasok sa cr.
Bahagya kong binuksan ang pinto at sumilip. Napaisip ako kung nakita ba ko ni Doc. Hindi ako sure kung nakatingin siya sa lugar ko kanina.
"Hi doc! May kailangan po kayo?" Tanong ni Mel paglapit ni Doc.
"Si Ate Grace ba umalis na?" Tanong ni Doc.
"Ay opo kanina lang. Hinatid lang niya dito yung pamangkin niyang therapist na kapalit niya."
"Ah okay! Where's she? Please tell her to come to my room. Magpapamasahe ako." Sabi ni doc. Nakita ko siyang ginagalaw galaw ang kanang balikat niya.
"Ah sige po. Nagpunta lang po siya sa cr!"
"Okay, thanks!"
Tumalikod at umalis na si doc. Pakiramdam ko ay bigla akong nagkaroon ng malaking problema. Gusto niyang magpamasahe. Naalala ko yung sinabi ni tita na madalas din magpamasahe si doc. So magkakaharap na uli kami. Makikilala kaya niya ko? Natural makikilala niya ko. Kung yung magulang nga niya na nameet ko ng araw din na yun ay nakilala ako, paano pa kaya siya?!
Pakiramdam ko ay hindi ko pa rin siya kayang harapin. Hindi ko alam kung anong magiging reaction niya. Malamang magkaka-ilangan lang kaming dalawa. O baka gawin na naman niya sakin ang ginawa niya noon. Kahit masarap yun ay hindi na ko papayag na gawin niya uli yun sakin.
Lumabas na ko ng cr.
"Pearl pinapapunta ka ni Doc sa room niya. Magpapamasahe raw sa'yo. Sige na puntahan mo na siya." Tinapik ako ni Mel sa braso.
"Eh kasi Mel ang sakit ng braso ko ngayon. Nangalay siguro nung nag ayos ako ng mga gamit ko. Hindi ko maigalaw ng maayos kaya hindi ko siya mamamasahe ngayon. Pakisabi naman sa kanya!"
Desidido akong huwag muna siyang harapin ngayong gabi.
"Ha ganun! Ang room niya katabi ng room mo. Ikaw na magsabi."
"Ikaw na, nahihiya akong magsabi dahil hindi ko siya mamamasahe eh. Nakakahiya! Kaya please ikaw na lang!" Pagpupumilit ko sa kanya.
"Maiintindihan naman niya yun... Pero sige na nga ako na!"
Sabay kaming pumanhik sa taas. Pagdating sa tapat ng kwarto ni doc ay pumasok si Mel sa loob. Nagpaiwan naman ako sa labas. Iniwan ni Mel na nakabukas yung pinto kaya sa likod na lang ako tumayo.
"Doc masakit daw po yung braso ni Pearl kaya hindi niya po kayo mamamasahe ngayon."
"Ah, okay! It's alright. Tell her next time!"
"Okay po!"
Malapit na sa pinto si Mel nang marinig ko uling nagsalita si Doc.
"Wait, what's her name again?"
Sumilip ako sa pinto nang marinig yun. Nakaharap si Doc sa laptop na nasa desk. Inikot niya ang swivel chair habang nakaupo dun at humarap kay Mel.
"Pearl!" Malakas at malinaw na sagot ni Mel.
Natigilan si Doc. Bigla akong kinabahan. Alam niyang Pearl ang pangalan ko dahil nagpakilala kami noon sa isa't isa sa clinic.
Maya maya ay lumabas na si Mel.
"Anong sabi?" Tanong ko pagsara niya ng pinto.
"Okay lang daw next time na lang daw!" Sagot niya.
"Nung sinabi mo yung pangalan ko, anong sabi niya? Anong reaction niya?" Tanong ko kahit kitang kita ko naman yun. Gusto ko lang makasigurado.
"Wala na siyang sinabi. Speechless siya. Parang natulala pa nga eh!"
Bahagyang tumawa si Mel. Bumaba na siya ng hagdan. Bigla naman akong napaisip.
♥️