Napanganga ako habang pinagmamasdan ang marangya at malaking bahay na nasa harapan ko pagbaba ko sa taxi.
Doon nagtatrabaho bilang physical therapist ang Tita Grace ko. Matagal na siyang nagtatrabaho doon pero kailangan na niyang magresign dahil nakapag asawa at ngayon ay buntis na siya. Nasa 40 years old na siya at ang kwento niya ay may 10 years na siyang nagtatrabaho sa mag asawang nakatira sa bahay na yun. Nag stay in siya sa bahay na yun simula ng ma-stroke ang amo niyang babae dahil kailangan ang araw araw na therapy. At ngayon ngang nagresign na siya ay ako ang nirefer niya sa mag asawa na papalit sa kanya. Hindi na ko umayaw dahil sayang din yung income dun. Pabor din sa akin na mag stay in doon dahil malapit sa eskwelahan ko.
"Kuya Rick siya yung pamangkin ko, si Pearl siya yung papalit sa'kin na therapist ni Madam." Sabi ni Tita Grace sa guard na nagbukas ng gate.
"Magandang araw po!" Nginitian ko yung guard at yung babaeng papalapit sa amin na may hawak na basurahan.
"Ang ganda naman ng pamangkin mo Grace!" Sabi ng babae paglapit niya sa amin.
"Syempre mana sa tita!" Tumawa si Tita. Hinawakan niya ko sa braso habang patungo sa malaking bahay.
"Pearl, ayusin mo trabaho mo dito ha. Sanay ka naman mag therapy kahit hindi ka pa licensed. Alam naman nila Madam na estudyante ka palang at okay lang sa kanila yun. Si Madam kahit magaling na siya kailangan pa rin na everyday ang therapy lalo sa part ng left arm niya. Si Sir Franco naman na asawa ni Mam Estella sa tuwing dumadating sa hapon gusto niyang minamasahe ang balikat hanggang braso niya."
Yung may ilang beses ng sinabi yun sakin ni Tita kaya memorize ko na.
Binuksan ni Tita Grace yung malaking pinto. Bumungad sa paningin ko yung karangyaan sa loob. Mula sa malaking chandelier sa ceiling, yung couches, tables at iba pang kagamitan doon ay pawang mga mararangya. Natuwa akong pagmasdan yung mga fresh flowers and plants sa paligid. Mahilig sa halaman ang may ari ng bahay na yun.
Sinundan ng paningin ko yung paikot na hagdan na nasa gawing kanan ko. Binilang ko kung ilang palapag yung bahay. Apat, tapos ang kwento ni Tita ay yung mag asawa at panganay na anak lang ang nakatira doon. Mabuti ay nagkakakitaan pa sila sa loob ng bahay.
"Dun tayo sa office ni Madam!" Hinawakan uli ako ni Tita Grace sa braso. Pumasok kami sa isang pintuan. Hindi ko alam kung living area din ang tawag dun dahil may malaking couch, center table at malaking TV na kagaya ng nasa labas.
"Family room nila 'to. Dito sila madalas nagba bonding magpamilya. Lalo nung nandito pa yung magkakapatid." Sambit ni Tita Grace.
Kumatok si Tita Grace sa isang pinto. May narinig akong tinig ng babae galing sa loob. "Come in!"
Pinihit ni Tita yung doorknob tsaka binuksan. Agad na bumungad sa paningin ko yung may edad na babaeng naka eye glass at nakaupo sa isang silya habang nakatingin sa laptop na nasa ibabaw ng desk. Parang pamilyar ang mukha ng babae na yun sa'kin.
"Good morning po madam, siya po yung pamangkin ko na sinasabi ko sa inyo na kapalit kong therapist." Pakilala sa akin ni Tita.
Tumingin sa akin yung babae. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa mukha ko. Maya maya ay biglang sumilay ang malapad na ngiti sa labi niya.
"Ikaw!"
"Po?" Nagtaka kong sabi. Bigla din akong may naalala nang matitigan ko siya.
"It's you... ikaw nga! Ikaw yung nahagip ng driver namin at dinala namin sa ospital." Malaki ang ngiti niyang sabi.
Napangiti din ako ng maalala ko yung gabing yun may dalawang linggo na ang nakakaraan. Siya nga yung babaeng lumapit sa'kin noon at tinulungan akong tumayo at dinala sa ospital kahit maayos naman ang lagay ko.
"I remember you dahil sa kulay ng buhok mo at sa angelic face mo. Lagi ko ngang iniisip kung maayos yung naging lagay mo. I told you na kontakin mo ko pero hindi ka tumawag."
"Eh kasi po okay naman na po yung pakiramdam ko." Nakangiti kong sagot. Sadyang mabait talaga ang taong kaharap ko at naiisip pala niya yung kalagayan ko.
"Na-treat ka ba ng maayos sa ospital?"
Natigilan ako sa tanong niya. Bigla kong naalala yung pangyayaring yun sa kamay ng OB Gyne doctor na yun 2 weeks ago.
"Ahm okay naman po. Na-treat po ako ng maayos!" Sagot ko na lang.
"Magkakilala na pala kayong dalawa eh. Mabuti kung ganun. Ayusin mo na lang ang trabaho mo Pearl ha."
Napatingin ako kay Tita sa tabi ko.
"Pearl! Nice name. I like your name! Look at my collections!"
Napatingin ako sa pearl necklace niya. Pati bracelet at hikaw niya ay puro perlas.
"Feeling ko tuloy hulog ka ng langit sa'kin." Malakas na tumawa ang babae. Pati kami ni Tita ay nahawa sa tawa niya.
"Hay naku Mam ganyan din po ang pakiramdam ko sa pamangkin kong ito. Dumating ang malaking bwenas sa buhay ko mula ng tumira siya sakin!" Sabi ni Tita. Napaisip ako kung totoo kay tita ang sinasabi niya. Naalala kong madalas niya ko mapagalitan dahil sa oras ng uwi ko sa gabi at nasabihan pa niya ko minsan na mula ng dumating ako ay puro sakit ng ulo ang dinala ko sa kanya.
"Pearl ha kaya magpakabait ka dito ha!" Mariing sabi ni tita. Hinigpitan pa niya ang kapit sa braso ko.
"Syempre naman po tita!" Ngumiti ako kahit ang sakit ng kapit niya sa braso ko.
"Later I will discuss you your job as my therapist." Sabi ng babae.
"Okay po mam." Sagot ko
"I don't want you to call me Ma'am. Call me...ahm... Mommy!"
"Mommy?!" Sabay naming sabi ni Tita.
"Eh nasabik lang kasi ako sa anak na babae dahil puro lalake ang anak ko. Pero sige na nga.. Tita na lang masyado yatang exagg ang Mommy." Malakas siyang tumawa.
"Call me Tita or Tita Estella!" Aniya pa.
"Ah okay po. Tita...Estella!"
Lumabas na kami ni Tita matapos namin mag usap ni Madam este Tita Estella.
Dinala ako ni Tita sa magiging kwarto ko na dati din niyang kwarto. Tinulungan niya kong mag ayos ng gamit ko.
"Grabe tita ang laki ng bahay nila tapos iilan lang silang nakatira dito."
"Oo nga eh. Kaya yung panganay nilang doctor mula nang mag asawa yung pangalawang anak at pumunta sa U.S yung bunso, dito na siya sa bahay pumirmi, dati kasi sa condo siya nakatira. Ayaw niya sigurong malungkot ang magulang niya kaya sinamahan niya dito."
"Ah okay!" Bigla ko tuloy namiss yung magulang kong nasa probinsya.
"Siya nga pala, yung panganay na doctor paminsan minsan ipapatawag ka rin niya para magpamasahe. Madalas lang naman sa balikat at likod siya nagpapamasahe eh. Ayusin mo ha, mabait naman yun kaya hindi ka maiilang."
"Don't worry Tita kayang kaya ko yun!" Sambit ko.
Natigil ang pag uusap namin nang may kumatok sa pinto.
"Grace naayos na yung guest room. Sabi ni Madam doon daw magku-kwarto si Pearl." Narinig kong sabi ng babaeng kumatok nang buksan ni tita ang pinto.
"Bakit sa guestroom?!" Tanong ni tita.
"Eh yun ang sabi ni Madam.!"
"Wow Pearl ha special ka talaga kay Madam. Gustong gusto ka niya." Baling sakin ni tita.
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko bang ganun ang pakiramdam sa akin ng babaeng boss ko.
Inalis uli namin ni tita yung mga damit kong nakasalansan na sa cabinet at pumanhik sa second floor. Maraming kwarto ang nandoon. Binuksan ni tita ang isang kwarto. Nanlaki ang mata ko sa laki nun. Parang triple ng laki sa kaninang kwarto na pinuntahan namin.
"Pano yan kung may bisita sila wala na silang guestroom." Nasambit ko kay Tita pagpasok namin.
"Dalawa naman yung guestroom nila dito!" Sagot ni Tita.
"Oh ganun!"
"Pearl ayusin mo yung trabaho mo ha. Gustong gusto ka ni Madam. Huwag mo siyang bibiguin. Ayusin mo din yung sarili mo. Hindi na pwede dito yung gabing gabi kang umuuwi. Pagtapos ng klase mo umuwi ka na dahil may trabaho ka dito. Please naman ha umayos ka! Huwag mo silang bigyan ng sakit ng ulo dito." Asik ni tita sakin.
"Okay!" Wala sa sarili kong sabi. Naisip ko bigla yung mga gimik ng tropa namin tuwing matapos ang klase. Simula ngayon ay hindi ko na pala yun magagawa. Bigla akong nanlumo.
♥️